webnovel
#ADVENTURE
#ROMANCE

CRUSH KITA ALAM MO BA {Book 1} (COMPLETED)

"Bamby!.." kahit sobrang basa na ako. Nilalamig na dahil kanina pa ako sa ilalim ng malakas na ulan. Nakaya ko pa ring tumayo at harapin ang taong tumawag saking pangalan. Hindi Bamby ang tawag nya sakin eh. Babe!. Bakit biglang nagbago?. Halos hindi ko na sya maaninag. Hapon na kasi kung kaya't madilim na ang paligid. Epekto ng malakas na ulan. Kinuyom ko ang palad nang matanaw kong palapit sya sakin. "Dyan ka lang!.." nanginginig kong sambit. Nag-init muli ang gilid ng mata ko. Hindi ko na kailangan pang magpanggap na hindi umiiyak dahil hindi naman iyon halata sa lakas ng ulan. Para ngang nakikisama sakin ang panahon. Nagdadalamhati rin sa unang pagkabigo ko. Dinadamayan ako. Sinasabing, umiyak ka lang para di masakit. Pero tangina talaga! Kahit anong iyak ko. Masakit pa rin eh. Sobrang sakit ng puso kong makitang unti unting nawawala ang taong pinangarap ko. "Babe?.." basag na rin ang kanyang boses. Isang pulgada pa rin ang agwat naming dalawa. Ngunit sa layo naming iyon, ramdam ko pa rin ang hindi ko maintindihan na presensya nya. Ang gulo. O ako ngayon ang naguguluhan sa lahat. "Di mo naman sinabi sakin na, ang tindi pala ng sikat ng araw sa inyo.." Tumingin ako sa kawalan. Natatawa. Baliw na yata ako. Pinunasan ko ang luhang naglandas saking pisngi. Di pa nga ata luha iyon eh. Kundi tubig ulan. Ganun na ako kalito sa nangyayari. "Ang init nyo masyado.... nakakapaso.." Wala na akong pakialam kung hinde nya maintindihan ang sinabi ko. Ang gusto ko lang ngayon, ay sabihin lahat ng gusto ko... sa huling pagkakataon.. "Babe?.." muli. Gumawa sya ng limang hakbang pero hanggang doon nalang sya dahil ayokong lumapit pa sya. "Dyan ka lang!." mariin kong banta. Natigilan sya. Nagmamakaawa ang kanyang mga mata. Pulang pula na rin ang kanyang ilong. Tanda na umiiyak rin sya. Hell! Wala akong pakialam. "Nangako ka hindi ba?.." suminghot ako. Sa wakas, nagkaroon ng lakas ng loob na tumingin sa kanyang mata. "Nangako ka sa akin?." hindi sya tumango o umiling o kahit na ano. Pinanood nya lang akong humagulgol sa unang pagkakataon. Bumuhos ang luhang kanina ko pa ayaw pakawalan. Hindi ko na kaya. Ang hirap. "Kumapit ako doon.. pinaniwalaan ko..pero anong ginawa mo?.." nanghina ang tuhod ko dahilan para mapaupo ako. At... doon umiyak ng umiyak. "Hindi ko alam..." "Anong hindi mo alam huh?.. Jaden, naniwala ako sa'yo.. bakit mo iyon sinira?.." Hindi sya makapagsalita. Huminga ako ng malaim bago muling tumayo. "Anong pakiramdam huh, masarap ba syang humalik?.." "Bullshit!!." malutong nitong mura. "Hindi ko yun ginusto.." dagdag nya matapos ang ilan pang mura. "Hindi ginusto pero pumayag ka!?.." mahina ngunit madiin ko itong ipinahayag sa kanya. Konting konti nalang, sisigaw na ako. Konting salita pa Jaden. Isa na namang mura ang pinakawalan nya. "Kaya pala hindi mo magawang tugunan ang mga tawag at text ko dahil masyado kang abala.." "Bamby, tama na..." mahinahon nynag himig. Di ko sya pinakinggan. Nagpatuloy lamang ako. "Mas masarap nga naman sya kaysa sakin..." "Sinabi nang tama na!!!.." sa unang pagkakataon. Nakita ko kung paano sya magalit. Ramdam ko ang apoy na nag-aalab galing sa kanyang mata kahit malamig ang bawat patak ng ulan. Galit ang namutawi sa kanya. Wanna read more?. Add this story in your library and see for yourself! You'll loved it!. Please Like, Comment And Share! Thank you!. Keep safe y'all!!!

Chixemo · Teen
Not enough ratings
303 Chs
#ADVENTURE
#ROMANCE

Chapter 24: She's home

Pagkatapos maghapunan. Umakyat na ako. Iniwan ko na si Klein kila Mama. Wala pa si ate. Nagtext sya kanina sakin na matatagalan pa raw sya. Kaya si Mama at Niko na muna ang tatabi sa pagtulog nito. Tutal sabado naman bukas. Walang pasok. Si Papa, abala sa paggawa ng mga grado ng estudyante nya. Sya nalang ang naiwan sa sala. Manonood pa sana ako ng basketball sa tv kaso, tinatamad ako. Bukas nalang. Hindi pa naman finals.

Sinisipol ko ang bagong awitin sa pamamagitan ng sipol. Mahal ko o mahal ako. Di ko alam kung bakit namemorise ko ang bawat lyrics nito..Lagi kasing pinapatugtog sa radyo. Kaya siguro nasaulo ko.

"Shit!.." Wala sa sarili kong mura ng tumunog bigla ang cellphone ko sa gilid ng aparador. Tabi ng isang notebook na puno ng mga sketch. Hilig ko ang sketching. Pangarap ko talagang maging isang engineer..

"Bakit?.." bugnot ko sinagot ang tawag ni Kian. Minura pa ako. "Gago!. galit ka ata e?.." nagpakawala ako ng malakas na buntong hininga para malaman nyang medyo naiinis ako. Nabigla kasi ako sa tawag nya. Di nya naman ugaling tumatawag e. Ano kayang ibabalita nya?.

"Napatawag ka?.." humiga ako. Kalahati ng katawan ko ang nasa kama. Ang baywang hanggang paa ko naman ay nasa ibaba. Ginawa kong unan ang kanan kong braso saka tumitig sa kisame. Binitawan ko ang cellphone. Nilapag sa malapit sa aking tainga. Nakaspeaker.

"Tsk. wag nga kayong maingay.." suway ng isang boses sa linya nya. Kaboses yun ni Billy. Teka. Magkakasama ba sila?. Gabi na ah?.

"May kasama ka ba dyan?." nacurios ako sa boses ni Billy e.

"Oo. Ang tropa. Ikaw lang ang wala.." halakhak nya. Hindi naman sa ayaw nila akong isama sa lakad nila. Kahit naman yayain nila ako. Di talaga ako sasama o papayagan. Alam mo na si Papa.

"Lumabas kayo?.." pinasigla ko ang aking boses para wag magmukhang malungkot. Nakakainggit kasi sila. Lahat ng pwede nilang gawin. Gumala sa gabi. Magbar. At magtravel sa kung saan nila gusto. Nagagawa nila. Ako. Minsan, lang sumasama sa kanila tuwing nasa malapit o payagan ni Mama. Kaya nga binansagan nila akong boy eh. Dahil para raw akong bata kung tratuhin nila Mama. Ayoko rin namang magalit sa magulang ko. Alam ko kasing para rin sakin ang ginagawa nila. Bahala sila dyan mag-isip ng masama sakin. Basta para sakin, mabuti ang ginagawa ko.

"Nasa bahay nila Billy. Punta ka dito..may pupuntahan tayo." patuloy ni Kian. Umiling ako kahit di nya nakikita saka ngumiti ng kalahati. Meaning. Hindi totoong ngiti.

"Wag na. Baka di rin ako payagan e. Walang magbabantay kay Klein.."

"Malapit ko ng isipin na anak mo si Klein pre. Laging ikaw ang nag-aalaga e.."

"Umalis kasi si ate. Hindi naman na nagpakita samin ang ugok nyang tatay. Kaya wala akong choice kundi alagaan sya.." humalakhak na naman sya. Pinagtawanan pa ako. Sya kaya mag-alaga ng bata. Tignan ko kung magagawa nya pang tumawa. Tsk.

"Pwede ka ng mag-asawa kung ganun. hahaha.. Magaling ka ng mag-alaga. e.."

"Tsk. Wala pa sa isip ko yan. Teka nga. Bakit ka ba napatawag ha?.."

"E kasi, nakita namin kanina yung babaeng nameet mo sa isang fast food noon. Remember her?. Veberly?.." nakamot ko ang nagsalubong kong kilay sa sinabi nya. Really?. Pinaalala pa nya?.

"Nakita nyo?. Saan?.."

"Sa airport.." maikli nyang tugon. Na naging dahilan rin ng pagkakakunot ng aking noo. Airport?. Anong ginagawa nila duon?.

"Bakit?. Anong ginawa nyo sa airport?."

"Sinundo ang puso mo. hahahaha.." halakhak nila. Kumalabog ng dalawang beses ang puso kong ilang araw ding tahimik. Bumilis ang paghinga ko dahilan para bumangon ako sa pagkakahiga. Biglang nagpawis ang kamay ko sa kaba. Sa nalamang nakauwi na talaga sya. Mas lalo akong kinabahan. Shit Jaden!. Ito na nga. Anong gagawin mo bukas kapag nagkita na kayo?.

Blangko ang utak ko. Walang naiisip na plano. Lahat burado dahil sa bilis ng tibok ng puso ko.

"Ano--?.." hindi ko magawang tapusin ang gustong sabihin. Damn!. Bat sobra pa sa sobra ang kaba ko?.

"Relax boy.. hahaha.. yan. Kaya hindi ka namin sinama dahil baka himatayin ka lang dun e. hahaha. wag kang mag-alala. Bukas. Kahit kaladkarin ka namin papuntang bahay nila. Gagawin namin. Makita mo lang sya.. hahaha.."

Di na ako makapagsalita ng maayos. Kaya pinatay nya na rin ang linya. Puro tukso lang naman sinasabi nila. Wala rin naman akong komento. Napipi ang bibig ko. Naputol ang dila ko. Kinalawang sandali ang utak ko. Kung kaya't wala akong mahanap na salita para sabihin sa kanila.

Bukas. Patay na naman ako neto. Paniguradong patay sa kaba dahil sa wakas. Sa apat na taon. Makikita ko na sya. This is it. Sana makatulog ako mamaya.