1 1st encounter

First day of school ng 3rd year high school nagkakagulo sa labas as usual. Familiar faces, hanap lahat ng mga classmates dati at alamin kung saan section si ganito at si ganire.

Sa wakas narating na din ni Jo ang room niya binati ang mga kakilala, kamustahan saglit.

Umupo sa pinaka dulo na upuan na kita ang bintana sa kabilang room. Parang nailang si Jo, ganun naman ata talaga kapag yun feeling na may nakatitig sayo. Pag angat niya ng muka napatingin siya sa bintana ng kabilang room nakita niya ang isang lalaki na nakangiti sa kanya. Patay malisya si Jo tinuon niya na lang sa harap ang tingin. Araw araw palagi na lang ganun ang ritual nila. Dumating sa punto na magngingitian sila.

Hanggang isang araw nagulat na lang siya na sinabayan siya nito pauwi. Nagpakilala ito na siya si Jon.

Araw araw tuwing uwian magkasabay sila na uuwi,mauuna bababa ni Jo dahil malayo layo pa din namn ang bahay ni Jon. Napaka thoughtful ni Jon wala ng mahahanap pa o mahihiling pa si Jo sa kanya. Flowers chocolates stuff toys saka everyday letter na meron pa silang secret na malupit na tiklop. Iniipon lahat ni Jo ito. Napakilala na nila ang isat isa sa mga kapatid nila na kapwa sa school na yun mga nagaaral.

Dumating na din ang big day, sinagot na ni Jo si Jon syempre si lalaki super happy may patalon talon pa na ginawa at sabay akap kay Jo.

Wala na sila mahihiling pa sa relasyin nila. Magkasundo ang family at mga kapatid.sa murang edad nila nagkaroon ng matatag na relasyon. Nangarap na hanggang sa college nila at makagraduate ay sila pa din dalawa.

Maluwag na nakakapaunta ang isat isa sa kani kanilang bahay at super close na sa mga kamag anak ng bawat isa.

Ideal relationship in deed.

avataravatar
Next chapter