8 Chapter 7

"Aray! Ano ba? Ang sakit ah!" Makailang ulit na ang reklamo ng lalaki habang pinapahiran ko ng pain reliever ang sugat nito sa mukha. Lukot na ang mukha nito habang hawak ang ice bag sa na nakadikit sa kanyang ulo. Ngayon ko lang natitigan ng malapitan ang lalaki. Kahit na nakasimangit ito at panay ang reklamo ay nag-uumapaw parin sa kagwapuhan ang itsura nito. Nasasamyo ko pa ang mamahaling cologne na gamit nito kahit na tadtad na ng pawis at dugo ang buong katawan niya. Napaisip tuloy ako kung cologne niya ba 'yon o sadyang mabango lang talaga ang pawis nito.

Nasa bahay kami ngayon nina Ara. Kasalukuyang nasa bakasyon ang tiyahin nito sa ibang bansa kaya malaya naming nadala dito ang sugatang si Phelan. Mabuti na lang at hindi masyadong napuruhan ang lalaki o sadyang matibay lang talaga ang bungo nito kaya nagagawa parin niyang magreklamo kapag nasasaktan sa pagpahid ko sa solution sa kanyang kaliwang panga. Kunsabagay, base sa mga naririnig ko noon pa laging bisita ito ng dean's office dahil sa pakikipagbasag-ulo. Muntikan na rin itong may mapatay sa sakal sa labas ng campus. Hindi ko lang alam kung patuloy parin siya sa kalokohan nito dahil wala na akong narinig na balitang nakipagbugbugan ito lately. Siguro tumino na.

Maganda ang facial features ng lalaki. Kung tutuusin parang hinulma ang mukha nito para maging modelo ng pabango o ano pang mga produktong pangkaartehan ng mga mayayaman. Nang pasadahan ko ang katawan nito'y napansin kong sakto lang ang kaha ng upper body nito at mahahaba rin ang mga biyas. Gaano kaya katangkad ito? Nasa six feet kaya o mas mataas pa? No wonder pinag-aagawan ito ng modeling agencies dahil sa taglay niyang kagwapuhan at magandang hubog na katawan. Ang malas siguro ng girlfriend nito dahil araw-araw siyang makukonsumisyon sa dami ng mga babaeng lalandi sa kanya.

Pinutol ng pagmumuni-muni ko ang boses nito.

"Anong tinititigan mo? Huwag kang tumitig diyan. Sa sugat ka tumingin huwag kung saan-saan." Masungit na sabi ng lalaki na nakahalata sa tinutungo ng aking mga mata.

Bakit nga ba ako tumititig sa katawan nito? Bakit bigla na lang akong naging taga-kilatis sa bawat bahagi niya na kadalasan ay gawain lamang ng mga die hard fans niya? Anong meron sa utak ko ngayon at ganoon na lamang ako kakaba. Panay pa ang pawis at panginginig ng aking katawan habang ginagamot ko ang sugat niya. Kuntodo iwas naman ako na madikit ang balat ko sa kanya kasi kaninang aksidenteng magkadikit ang mga braso namin ay parang bigla akong nakuryente at ganoon din siya. Literal. Since when did I become cautious and conscious next to this guy?

"Are we done?" biglang pukaw nito sa napakalalim kong pagmumuni-muni. Saakin nakatuon ang mga mapanuring mata niya na pakiramdam ko'y kanina pa ako pinagmamasdan.

Napalunok ako upang itulak pabalik ang kanina pang bikig saaking lalamunan. Crap! I can't speak! This guy makes me nervous!

"I need to change clothes. Ayokong umuwing ganito ang itsura ng damit ko," muli niyang sabi na nasa likuran ko na pala at hinahanap ang banyo. "Where the hell is the rest room here?"

Walang sumagot. Patay malisya akong may narinig at kunwaring may hinahanap. Nasaan na ba 'yong si Ara? Kanina pa 'yon umakyat sa taas para kunin ang pamalit ng lalaki pero lagpas sampong minuto na at wala parin ito. Hindi na ako makahinga at masyado na akong ninenerbyos dahil sa presensya ng lalaking daig pa si Hitler sa kasungitan.

"Huy! Nasaan ang banyo dito?" muli nitong tawag saakin.

Nilingon ko ito at nanlaki ang mga mata ko nang bumungad saakin ang hubad niyang katawan. Boxers na lang ang suot nito na parang tatanggalin pa niya kung hindi lang nito napansing nakatitig na ako sa kanya. Napalunok ako nang matitigan ko ang mga muscles sa katawan nito na parang walang mintis sa pagkakahubog. Pawisan ang lalaki na mas lalong nagmukhang matikas dahil mas lalong na-emphasized ang bawat guhit na binuo ng mga muscles nito. Mukhang firm ang mga legs nito na marahil ay nahubog ng maigi sa paglalaro niya ng football. Mas lalo akong natigilan nang matapat ang tingin ko sa matambok nitong puwetan... hanggang sa malipat ang tingin ko sa bukol na nasa harapan nito. Diyos ko po! B-Ba't ang sexy niya?

"Do you like what you're seeing? O gusto mong bawasan ko pa ang suot ko para mas masulit mo yang pagtitig mo?" pilyo nitong sabi saka ngumisi ng nakakaloko at pinatigas ang mga muscle sa katawan. "Bilisan mo na! Naiihi na ako nasaan ang banyo?!" bulyaw nito na dahilan ng pagkataranta ko.

"GGSS," bulong ko saka bumalik sa kunwari'y paghahanap ko ng bagay na wala akong ideya kung ano ba talaga ang kunwari kong hinahanap. "Maihi ka sa boxers mo..."

"What? Ituturo mo ang banyo o iihi ako sa harap mo?" He sighed the paused a bit, "Hey nerdy girl! Stop poking me dahil seryoso akong puputok na ang pantog ko!" Sa tono nito'y tila hindi nga ito nagbibiro. Nang balikan ko ito ng tingin ay nakakapit na ito sa maselan niyang bahagi na parang hirap na hirap nang pigilan ang palabas na ihi.

"Oh crap! Huwag kang magpapaulan dito!" histerikal kong sabi saka mabilis na pinuntahan ang lalaki. Kaagad kong hinablot ang braso nito dahilan para masagi ko ang kanina'y hawak niya.

Nanlaki ang mga mata ng lalaki dahil nagulat din ito sa mabilis na pangyayari pero kaagad bumalik ang itsura nitong nagpipigil at napipikon sa sobrang bagal ko.

Hinila ko ito pakaliwa sa sala at nilakas namin ang hallway kung saan nasa dulo ang banyo. Dinala ko ito sa harapan ng confort room at hinayaang itong makapasok. Hindi man lang ito nagsara ng pintuan ng comfort room, dinukot nito ang bahaging ihian at balewalang nagpaulan sa inidoro. Di man kang nito napansin ang panonood ko sa kanya.

Well, I know how men pee but seeing one in actual peeing ritual feels awkward...and ..weird... and funny. Unang beses kong makakita ng lalaking umiihi. I was petrified and at the same time curious in how a peeing guy does the ritual from beginning to end. Natawa pa ako nang parang pinagpag nito ang hawak at tila kiniliti ang buong katawan pagkatapos umihi. Ganoon pala kiligin ang mga lalaki pagkatapos umihi. Hilarious!

Napalakas yata ako ng tawa dahil biglang napalingon at napaharap saakin ang kakatapos lang umihing si Phelan Vargas. Nakakunot ang noo nito at nanlilisik ang mga mata na tila krimen ang nagawa kong pag-observe sa kanya habang umiihi. Nakadukot pa ang kaliwang kamay nito sa loob ng boxers nito na halatang natigilan din. "What the fuck do you think you're doing?" Masungit nitong tanong.

Lagot!

"S-sorry, nacurious l-lang ako," pagrarason ko saka biglang yumuko. Ano bang nangyari? Bakit parang namamagnet ako sa lalaking 'to? Hindi naman ganito ang mararamdaman ko dati. Bakit parang nawawala ako sa sarili ko kapag kasama ko 'tong mayabang at masungit na 'to?

"Nacurious? Hindi ka lang din pala nerd, manyak ka din. You're such a nerdy maniac." panghuhusga nito na napasandal na ang kanang braso sa doorframe ng banyo. Lumitaw ang pino nitong buhok sa kili-kili na parang na-trim para lalong magmukhang sexy. Undeniably sexy nga ang kili-kili nito. Pati ba naman underarm sa lalaking 'to biniyayaan?

Napalunok ako at natigilan na naman. Hindi ko na gusto ang nangyayari saakin. Parang may sa demonyo ang lalaki at talented sa pangse-seduce. Natauhan ako nang napansin kong naglakad na ito pabalik sa sala at nilagpasan ako. Ni hindi ko pa naipagtatanggol ang sarili ko sa pagtawag niya saakin ng 'nerdy maniac'. Sasagot sana ako pero napansin ko ang balat nito sa batok. Kumurap-kurap pa ako para masigurong balat nga 'yon at hindi tattoo. Out of curiousity I suddenly asked, "Are you gay?"

Tumigil ito sa paglalakad at tinapunan ako ng nakakamatay na irap saka gulat na nagtanong pabalik. "What?"

"B-bakit may tattoo kang sunflower sa batok mo? Anong meaning niyan?"

"Are we even close to ask me that? Or are we that close for me to tell you why?" he said nonchalant. He is apathetic about everything. Hindi na nito hinintay ang sagot ko at kaagad na itong bumalik sa sala.

Nanatili ako sa kinatatayuan. Parang biglang nagalit ang lalaki at domoble ang pagiging antipatiko niya nang tanungin ko ang tattoo niya sa likuran. Baka naman nainsulto ito nang panoorin ko siya kung paano umihi. O ang huling posibleng dahilan ay talagang ganoon lang siya makitungo at 'yon na ang normal at kalmado niyang sarili. Whatever it is, why would I care?

"Hey! Phelan! Aalis ka na?" narinig kong tawag ni Ara sa lalaki na pababa pa lang ng hagdan. Tila bumilis pa ang paghakbang ng babae na parang hinahabol ang paalis na lalaki.

Napatingin ako sa paalis na lalaki na tinapunan pa ako ng mala-impyernong tingin bago pinihit ang seradura ng pintuan. Hindi na ako nagtangkang humakbang pa palapit dito dahil baka bugaan ako nito ng apoy. Mukha na kasi itong galit na dragon sa itsura.

"I don't like it here. Masikip ang banyo at hindi mo pa nilinis. Salamat na lang!" he said impassively without expecting any words in return. Bago pa man makapagsalita si Ara ay naisara na nito ang pintuan. Maayos naman ang pagkakasara nito ng pinto, kahit papaano'y may naiiwan pa palang respeto bilang isang bisita ang lalaki.

Humarurot na ang sasakyan nito pagkalipas ng ilang saglit.

Nagkatinginan na lang kami ni Ara pagkatapos. Parang nangungusap naman ang mga mata ng babae na sigurado akong nakahanda na ang ten intriguing questions nito sa utak. Ang hirap magkaroon ng kaibigang chismosa. Mabuti na lang at may mga sikreto itong hindi kailanman sinasabi sa iba -yon ay ang sikreto ko, sikreto namin...naming dalawa lang.

Pasado alas otso na ng gabi nang makarating ako sa mansyon. Hindi na ako gumamit ng gate dahil nakita kong naka-park na sa garahe ang ang kotse ni Friedan. Halos pigil ang bawat paghinga ko. Ilang alibi na rin ang naisip ko pero wala akong naisip na irarason na pwedeng lusutan ang kritikal na pag-iisip ng istrikto kong guardian. Bahala na kung anong unang maisip ng utak ko, bulong ko bago tinahak ang mataas na pader na nasa kaliwang bahagi ng bahay. Mula sa pader na 'yon, tatalon ako papuntang terasa na pitong metro din ang pagitan. Tinangka ko nang talunin 'yon dati no'ng lumagpas ako sa itinakdang curfew ni Friedan. It was the first time I missed the curfew at dahil sa sobrang takot ko noon, sinubukan kong pumasok ng bahay ng patakas. Hindi rin ako nagtagumpay dahil hindi man lang ako nakalahati sa pitong metrong pagitan ng pader at terasa. Bumagsak ako sa mga halaman sa hardin at nabalian ng kaniwang binti.

Ngayon ang pangalawang pagkakataon. Ilang taon din ang lumipas bago ko muling susubukan 'to. Sana ngayon magawa ko. Kaya ko na. Ilang taon din ang ginugol sa training -ilang sugat, ilang bali ng buto at ilang sakit ang natamo ko para maging ganap na Crowned. Mas mahirap pa ang napagdaanan ko kaysa dito.

Pagtuntong ko sa tuktok ng pader ay mabilis akong nagmatiyag kung naroon ang lalaki. Tiyak na isang hulog lang ng bato o isang konting kalabog lang ay mahahalata nito ang presensya ko. Isa siyang pillar kaya hindi na kagulat-gulat saakin kapag narinig niya ang kahit ni isang maling kilos ko. All I need is swift and agility.

Wala si Friedan sa ikalawang palapag.

Isang buga ng hangin ang pinakawalan ko bago inipon ang lakas ko sa aking mga binti. I relaxed my upper body and pressed my foot quite hard against the wall. Sa ikatlong bilang, malakas kong itinulak ang aking katawan gamit ang aking mga paa. Naramdaman kong lumakas ang mga binti ko at parang magagawa kong tumalon patungong terrace. Lumutang ako sa ere ng mga ilang sandali. Nang matantya kong malapit na ako sa railings ng terrace ay saka ko hinanda ang aking mga bisig at kamay. Mabilis ngunit swabeng dumapo ang aking kamay sa railings. Kumapit ako ng mahigpit. Inilipat ko ang lakas sa aking mga bisig upang mabuhat nito ang aking katawan sa pag-landing nito paikot. Umikot ang mga binti ko sa ere habang nakakapit ako ng mahigpit sa railings ng terrace. Nang akmang dadapo na ang aking mga paa sa semento ay mabilis kong itinulak ang katawan ko gamit ang aking mga kamay upang makabuo ng isang swift landing. Nagawa ko!

Napapadyak pa ako sa hangin bago mabilis na hinablot ang hairpin sa aking buhok at kinalikot ang doorknob. Nakailang pihit ako bago bumigay ang lock ng pinto. Isinunod ko ang ikalawang lock ng pinto. Halos mabali ang hairpin na hawak ko sa aking pagkalikot sa nakaanklang bakal sa loob nito na hindi makapa ng hawak kong pin. Nabali ang gamit kong hairpin. Napadukot ako sa bulsa at nakapa ko ang isa pang mas makapal na hairpin. Itutusok ko na sana ang metal sa keyhole nang biglang kusang umikot ang seradura ng pintuan ng terrace. Crap!

Mabilis na bumukas ang pintuan. Until then I realize, Friedan is standing infront of me. I am so dead!

"I heard you five hundred meters away. Ang layo mo pa sa bahay pinara mo na ang taxi. Ba't di ka nagpasundo?" kalmadong tanong ng lalaki na napakagwapo sa suot nitong puting sando at kulay gray na sweat pants.

"I-I was, I was" Shit! Wala akong makapang salita. What the fuck?

"You cut your classes and you're with Phelan Vargas. Tapos!" Umiling-iling pa ito habang hindi ako binibitawan ng titig ng nangungusap niyang mga mata.

"I'm sorry." Yon lang ang nasabi ko saka umastang guilty at naghihintay na lang ng grounds for punishment.

"You're sorry you dated a guy?" he said calmly na tumalikod na saakin at hinayaan akong makapasok. Muli itong humarap saakin at para iabot ang itim na envelope na may selyo ng araw at letter "U" sa gitna nito -ang LOU seal.

Hindi ako nakaimik habang napatitig sa inabot kong envelope. Nagpalipat-lipat ako ng tingin sa itim na sobre at sa lalaki na halatang hindi mainit ang ulo ngayon. Hindi pa nabubuksan ang envelope na duda kong isang summon from the pillars. Maaaring pinapatawag ako ng mga pinuno ng nga urions dahil sa engkwentro kanina o baka may iba pang dahilan.

"Kumain ka na. Malaming na ang niluto kong buttered shrimp," muling putol ni Friedan sa namumuong katahimikan. Nang ibaling ko ang tingin ko sa lalaki'y nakaalis na ito.

Nagluto siya ng butterd shrimp na paborito ko? Hindi mainit ang ulo niya kahit late na ako nakauwi? Hindi siya nagalit kahit alam niyang kasama ko si Phelan? Nakakapagtaka. Anong meron sa envelope na 'to at mukhang in good mood siya? Nagmadali akong buksan ang itim na sobre. Isang mamahaling tarheta na kulay ginto ang nasa loob nito. Nang basahin ko ang nakasulat ay nanlaki ang mga mata ko...

League of Urions

Crowning Event

@the Underground City, Diamond Hills

August 02, 2016 6:00 p.m

Urions to be CROWNED

Kelvin Sefino -Gorgos

Rumina Aguirre- Polar

Kiera Roberts- Lucy

Nakasulat pa sa tarheta ang mga detalye ng koronasyon. Hindi ko na binasa pa ang mga sumunod. Biglang sinakop ng tuwa at sabik ang puso ko. Sa wakas, mangyayari na ang inaasam ko. Maisasakatuparan ko na ang lahat ng aking plano! Magsisimula na ang pakikipagsapalaran ko. Magiging isa na akong ganap na crowned urion.

###

avataravatar
Next chapter