16 Chapter 15

Zilla gently laid me down the backseat of the van. I got chills all over my aching body. Naramdaman ko ang malamig na hangin sa loob dahil sa nakabukas na airconditoner kaya napamulat ako ng mata. Hindi pa rin ako makatayo dahil sa sobrang kirot na umabot na hanggang buto. Animo'y nababali ng paulit-ulit ang mga buto ko. Halos maihi ako sa kinahihigaan sa sobrang sakit. Parang hindi ko na kakayanin.

"She's safe, take her away from here." Narinig kong sambit ni Zilla na marahil ay kausap sina Rumina at Kelvin.

"Thank you 11th," narinig kong utas ni Kelvin na nasa tabi ni Rumina.

Hindi ko na narinig pa ang boses ni Zilla pagkatapos. Nang magsara ako ng paningin ay siya namang pag-andar ng sasakyan palayo sa bahay nina Phelan. The van was running like a bullet and I had no time to complain. Pabalik na kami sa secret hideout ng squad kung saan kami maghihiwa-hiwalay na parang hindi magkakakilala.

Inabot ng ilang oras ang hindi maipaliwanag na kirot sa buo kong katawan. Hindi ko narinig ang pagrereklamo o pang-uusyoso ng dalawa kong kasama. Nanatili silang tahimik hanggang sa marating namin ang gilid ng burol kung saan may isang lihim na lagusan pailalim sa lupa. Iyon ang napiling hideout ni Kelvin na siya ring nagpagawa at nagpakabit sa mga kakailanganin para sa mga misyong gagawin namin bilang isang squad na tinawag naming 'The Riot'.

The pain stopped instantly as we parked under the hill. Kelvin opened the door for me and Rumina assisted me as I hopped off of the van.

"I'm fine guys, the pain has stopped." sambit ko.

"You sure?" taas kilay na tanong ni Rumina. Masungit ang dating nito pero ramdam ko ang pag-aalala niya para saakin.

Tumango lamang ako saka tipid na ngumiti. Ipinatong ko ang black box sa kamay ni Kelvin. Napansin ko ang galak sa mukha ng dalawa. Napagtagumpayan namin ang unang misyon. Naghigh-five pa ang dalawa bago tumalikod si Kelvin dala ang black box. Pinindot nito ang pass ng vault na kaagad namang bumukas saka doon itinago ang unang Zero artifact.

It was safe to call it a day.

***

My senses, my strength, and my thoughts were back to normal on my way home. Pasado alas tres na at wala na halos madaanang tao sa Diamond Hills. Tahimik na ang buong paligid nang ibaba ako ng taxi ilang metro mula sa gate ng Roberts' residence. Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko bago pumasok. Hindi ganito ang eksenang inasahan ko sa aking 18th birthday.

A year ago I imagined myself wearing a designer gown with a tiara on my head. As I step down the staircase, people were gazing at me with their hands clapping. Ang mga kaibigan ko sa university ang inaasahan kong guests. Magiging first dance ko si Friedan at sasabihin niyang ako ang pinakamagandang dilag sa gabing iyon. Sapat na 'yon para saakin. Masaya na ang debut ko kapag nangyari 'yon.

Kaso hindi. Iba ang nangyari sa araw ng kaarawan ko. I almost died on my 18th birthday. Almost.

Mabigat ang loob ko habang naglalakad sa bakuran ng mansion papasok ng bahay. Walang ilaw sa bahay. Walang disco lights. Walang guests. Walang party. Marahil ay nakalimutan na ni Friedan ang kaarawan ko. Maybe he had prior commitments, something related to the LOU. His life has always been LOU. I was never a priority for him -a truth I can hardly chew.

Muli akong bumuntong hininga nang buksan ko ang main door. Walang ilaw. Pero ramdam ko ang presensya ng ilang tao sa loob. It felt weird, my senses were heightened after the lunar eclipse. I can hear the softest sound around the house -even the breathing of the sleeping creatures nearby. I can sense movements, stronger that before. Dinig ko ang bawat paghinga ng mga tao sa paligid; hindi lang iisa kundi marami. But I did not feel danger.

Narinig kong may pumihit sa switch ng ilaw at sabay-sabay na nagliwanag ang mga chandeliers at bulb sa paligid. Isang nakakabinging tugtugin sa built in speaker ang kasunod no'n - a 'Happy Birthday' song. Habang pinapatugtog ang happy birthday song ay sunod-sunod namang nahuhulog ang mga rose petals mula sa ikalawang palapag ng bahay. Unti-unting napuno ng petalo ang receiving area ng bahay. Pagkatapos ng unang tugtugin ay sumaliw sa hangin ang romantikong himig ng violin at piano. Tinangay ng tugtugin ang lahat ng sama ng loob sa dibdib ko.

I was indeed surprised that I could almost stomp my feet in excitement.

Nang mag-chorus ang purely instrumental na tugtugin ay narinig ko ang paghakbang ng isang pares ng paa mula sa pinakamataas na bahagi ng hagdanan. Napalingon ako at namataan kong nakatayo doon ang nakapajamang si Friedan na may hawak na isang bouquet ng red roses at puting 80 cm na teddy bear. His hair was messy, his eyes were dreamy and his smile was like an explosion of lights. My dream just showed up. A dream came true.

Iyon ang unang beses na nakita kong nakatawa ang lalaki. His gaze changed. The old stare which I interpreted as 'brotherly' changed into something that expresses desire and admiration. Nakapaa itong bumaba mula sa hagdanan habang hindi binibitawan ang titig saakin. Hindi napawi ang mga ngiti sa labi nito habang tinatahak ang distansyang namamagitan saamin.

Inabot nito ang bouquet ng roses kasunod ng teddy bear na may nakaburdang hugis puso sa dibdib nito. He sighed so deep before he could speak, "Happy birthday Kiera. Did you think I have forgotten?"

Halos lumuwa ang puso ko sa aking bibig sa sobrang lakas ng kabog nito. Tumango ako ng ilang beses. I was so speechless at that moment and the only thing I was able to do was stare at him and try to stop the blood from running towards my skin.

"You are the sweetest thing in the world and you know how I cannot resist doing sweet things to special people like you," puno ng damdamin niyang sabi. He held my shaking and sweaty and cold hands. Then he dropped one of them on his shoulders and locked the other hand with his. Naramdaman ko ang pagdampi ng isa niyang kamay sa likuran ko. Kasunod no'n ay muling tumugtog ang romantikong musika na sinasaliwan ng violin at piano, 'Beethoven - Violin Sonata No. 9'.

Nagsimulang gumalaw ang katawan ng lalaki habang patuloy sa pagtugtog ang musika. Kusa naman sumunod ang katawan ko sa ritmo ng musika. Nakatitig pa rin saakin si Friedan. Our eyes entwined. He held me closer to his body. I felt the warmth of it. It was so conforting that all the wearies I had that day vanished instantly.

"You don't need fancy gowns to look gorgeous Kiera," he murmured as he brushed his palm against my back.

I laughed sheepishly. Napayuko ako nang maramdaman ko ang pag-init ng aking pisngi. "Thank you Friedan. Now that I'm eighteen, will you give me my freedom?"

Kumunot ang noo nito na tila hindi nagustuhan ang tanong ko saka napailing. "Have I been so strict that you want independence so bad?" tanong nito.

"No, it's not that I wanted to get rid of you. In fact, having you around makes me feel safe, makes me happy. Ganoon yata kapag mahal mo."

"What?" gulat nitong tanong. Napatigil ito sa pagsayaw. Napalitan ang kanina'y nakangiti nitong mukha ng mukhang naguguluhan at puno ng katanungan.

Napagtanto kong nadulas ako sa sinabi. Mukhang napalakas ang kabog ng dibdib ko kaya umabot hanggang bibig ang gustong iparating nito. Anong pagpapalusot ang gagawin ko? 

###

avataravatar
Next chapter