13 Chapter 12

Hindi ko na naabutan sa dining room si Friedan. Maaga siguro itong pumasok sa opisina kaya mag-isa na naman akong kumain ng almusal. Hindi naman ito bago. Mas madalas ang mag-isa akong kumain at bihira ang makasabay ko siya sa almusal. Inagahan kong bumangon para makausap siya sa maling sinagot ko tungkol sa panliligaw ni Phelan saakin. Magpapaliwanag dapat ako pero parang hindi na ako binigyan ng pagkakataon ng lalaki na sabihin ang totoo dahil simula kahapon ay hindi na ako nito kinausap. Isang buntong hininga na lang ang pinakawalan ko pagkatapos kong kumain at nagdesisyong maagang pumasok sa university kahit na alas diyes pa ang unang subject ko.

Wednesday nga pala ngayon at may usapan kami ng kumag na si Phelan Vargas na magkikita sa gymnasium ng eskwelahan. Tatlumpong minuto akong napaaga ng dating kaya nagdesisyon akong dumiretso na sa tagpuan namin. Walang tao sa gym. Himala dahil kadalasan may mga tumatambay na sa loob kahit alas otso pa lang ng umaga. Napalingon-lingon ako habang naglalakad hanggang sa marating ko ang dulo ng gymnasium kung saan naroon ang stage. Doon madalas ginaganap ang mga seremonyas ng eskwelahan.

Kaagad kong natanaw ang isang Yamaha CP4 wooden key piano na nasa gitna ng stage. May isang makapal na music book na nakapatong sa music rack nito. Nakabuklat pa ang music book na halatang nakalimutang dalhin ng nagmamay-ari no'n. Nasa bandang likuran ang iba pang musical instruments pero tila nakatuon ang mga mata ko sa mismong wooden piano.

Hinila ako ng sarili kong mga paa palapit sa piano. Napahaplos ako sa makinis na fall board nito bago ko inangat upang mausisa ang mga piraso ng keyboard. Napangiti ako ng hindi namamalayan nang biglang sumagi saakin ang alaala ng yumao kong ina. Naroon ang isang imahe ng isang inang kalong ang kanyang batang anak na babae habang sabay na tumutogtog ng 'Winter Sonata'. Hindi ko maaninag ang mukha ng ina pero alam kong ako ang batang babaeng naroon sa larawan.

Hinila ko ang piano bench at nagpakawala ng isang banayad na buntong hininga bago ko kinapa ang tiklado ng piano. Maingat kong itinapat ang mga paa ko sa tapat ng pedal at sinimulang buklatin ang music book. Maraming mga contemporary songs ang nakalagay doon, mga kantang malimit kong marinig sa radyo. Nakailang pahina pa ako hanggang sa mapansin ko ang isang titulo ng kantang tila musika ng buhay ko, "Out Here on My Own" ni Irene Cara. Napatitig ako sa mga notang nakalapat sa music sheet saka sinimulang kapain ang tamang key.

Tila dinala ako ng magkakasunod na linya ng nota hanggang sa naramdaman ko ang bawat rythm nito. Pakiramdam ko'y gusto kong sabayan ng kanta ang bawat tunog na lumalabas sa soundboard. I cleared my throat and closed my eyes as I tapped the first string. Sinabayan ko ang pagtipa ng bawat nota ng kanta. Bawat tunog na lumalabas sa piano at sa bibig ko'y katumbas ng isang marahang haplos sa aking puso.

Nadala ako sa pagtugtog at pagkanta. No one knows I could hit a note when I sing. I have kept this secret for so long. I have burried this talent since my parents died. I felt a pang on my chest and a bit of relief as I ended the song. Napatagal pa ang pagpadyak ko sa pedal para maextend and huling pares ng nota ng kanta. Hindi ko namalayan ang pagtulo ng mga luha ko habang unti-unting umangat ang mga daliri ko palayo sa keyboard.

Bigla akong natauhan. Mabilis akong napalingat sa paligid. Walang tao. Nakahinga ako ng maluwag. Atleast nananatili paring lihim ang pagkanta ko. Dagli kong tinanggal ang salamin sa mukha ko at mabilis na pinahid ang luha sa mata ko. Kaagad kong hinablot ang bag ko palayo sa piano.

Pasado alas nuebe na at wala pa ang kumag na si Phelan. Paalis na ako sa gym nang biglang nag-vibrate ang cellphone ko. Isang text ang natanggap ko mula sa lalaki.

'Work out room. Bilisan mo!' -Phel

Dakilang ulupong ni satanas! Siya na nga itong hindi sumipot, siya pa ang may ganang makapagdemand. I wonder how guys can be so demanding sometimes when they can't even give a damn reason to ask much. Halos madurog ang mga ngipin ko sa pagtiim ng mga bagang ko sa sobrang pagpipigil sa iritasyong nabuo. Kung pwede ko lang ilabas ang pagiging urion ko'y matagal ko nang natiris ang lalaking iyon!

Pigil ang panggigigil kong tinungo ang work out room na nasa likuran lang ng gymnasium. Heavy breathing follows as I try to controll the raging anger inside me. Napahigpit ang hawak ko sa handle ng bag ko habang mabilis na tinungo ang pintuan. Kulang na lang ay basagin ko ang pintuan upang ipakita ang pagkaasar ko sa bully king na mas inatupag ang magpalaki ng katawan kaysa tumupad sa usapan.

Pinihit ko ang seradura ng pintuan at bumungad saakin ang magkahalong amoy ng pawis at gomang mula sa gym facilities. That manly scent na lagi kong naaamoy sa gym ni Friedan. Bigla kong naalala ang lalaki at sumulpot sa utak ko ang nakasimangot nitong mukha. Malamang ay galit parin ito saakin.

Naputol ang iniisip ko nang isang tunog ng bumagsak na metal ang narinig ko. Nahagilap ko kaagad ang pinanggalingan no'n. Napigil ko pa ang paghinga nang tumambad saakin ang nakatalikod na si Phelan. Basang-basa ng pawis ang perfectly toned body nito. Ang kinis ng kutis niya at parang pinatungan ito ng porselana dahil sa kintab na dulot ng pawis. Napalunok ako nang muling iangat ng lalaki ang mga braso nito habang hinihila pababa ang handle ng lat pulldown machine. Kasabay ng paggalaw ng mga cables ng equipment ang paggalaw ng mga mucles nito sa likod.

Naramdaman ko ang pag-init ng mga pisngi ko habang pinagmamasdan ang pagwowork-out ng lalaki. This guy is giving me such strange feelings. Napakurap-kurap ako at umiling-iling upang iwaglit ang ideyang namamangha ako sa katawan ng lalaki. Damn Kiera! Nakita mo nang half-naked si Friedan at sanay ka na sa mga ganitong eksena. Pull yourself together now! Lihim kong nasermonan ang sarili habang inihahanda ang isang malutong kong pagtikhim upang ipaalam sa lalaki na nasa loob na ako.

Ngunit bago pa man ako makabuo ng isang tunog sa aking lalamunan ay tumambad na saaking harapan ang pawisang katawan ng nakapameywang na si Phelan. Kumpleto ang abdominal muscles nito at agaw pansin ang V-line niya dahil sa sobrang baba ng suot nitong workout shorts. Naamoy ko ang magkahalong pawis at cologne na gamit nito. He smells so damn sexy and I hate that I like it. Nananadya ang demonyo! Nakangisi ito ng nakakairita nang iangat ko ang aking tingin. Mukhang may pakahulugan ang bungisngis nito.

"Enjoying the view so far nerdy?" maangas niyang sabi. GGGSS talaga 'to, Gagong Gwapong Gwapo Sa Sarili. Masasapak ko na talaga. Konti na lang!

Nag-iwas ako ng tingin at pinilit inayos ang salamin ko sa mata. "Where's my music book?" wika ko sabay lahad sa kamay ko para abutin ang hinihingi ko na manggagaling mula sa kanya.

"Mamaya na. Dito ka muna. Wala akong kasama magwork out eh," anito sabay talikod para bumalik sa kanina'y inuupuang lat pulldown.

Huminga ako ng malalim para kumalma pagkatapos ay humakbang palapit sa kanya. Muli kong inilahad ang kamay ko para kunin ang music book. "Huy! May klase pa ako at wala akong time sa mga kalokohan mo," angil ko.

He stops midway while pulling the cables of the equipment. His lips part as if I said something amusing. "Wait up okay? Mamaya na!"

"Mamaya na o gusto mong ireport kita sa dean's office?"

"Seriously? Wala din naman magagawa ang dean. Baka ako pa mismo ang magsisante sa kanya!" he says then releases a loud chuckle that conquers the room.

Napikon na ako sa tinuran nito. Halos manigas ang mga ugat ko sa braso nang pigilan ko ang sariling sapakin siya bagkus ay napasinghap ako ng malalim. "You're a power tripper. A jerk who's got nothing to carry but his ego. That character doesn't make guys attractive. It's irritating!"

Tinigil nito ang pagwoworkout. Kumunot ang noo nito bago itinaas ang isang kilay na tila naapektuhan sa sinabi ko. He scoffs heavily. Tagatak na sa pawis ang katawan nito nang tunguhin ang locker niya sa dulo ng workout room. He looks damn gorgeous but his personality sucks. Nakakaturn-off ang mga lalaking katulad niya -'yong puro itsura lang at walang laman sa loob kundi nag-uumapaw na kayabangan.

Pagbalik nito'y hawak na niya ang music book ko. Seryoso ang tingin niya nang iabot ito saakin. Bago pa man nito mabitawan ang music book ay nagsalita na ito, "May kapalit yan."

Ofcourse meron. A jerk like you always demands for something in return after a good deed. "What is it?" tipid kong tanong habang hinihila ang music book na ayaw pa niyang bitawan.

"Attend ka sa birthday ko," a demonic smile rises in his lips before he continues, "not as my guest but as my attendant," usal nito.

"W-wait, what?" gulat kong sambit habang nakikipaghilaan parin sa music book.

"Be my attendant. Hindi mo kayang gawin? Akin na lang 'to!" Malakas niyang hinila ang music book at hindi ko namalayang nabitawan ko ang kabilang dulo na hawak ko. Mautak talaga ang ungas na 'to.

"Gagawin ko. Akin na 'yan!" Pinilit kong abutin ang mysic book sa kanya pero mabilis niya itong naitaas. Bago ko pa mahawakan ang pawisan niyang katawan ay nagawa ko nang umiwas at umatras.

Natawa ito saka ipinaypay sa katawan ang hawak na mysic book. "Hindi ko alam kung anong meron dito sa music book mo bukod sa mg wirdong piano pieces but I think I should have it for now. Ibibigay ko 'to kapag tapos na ang deal okay?"

Muntik na akong hindi nakapagpigil. Halos magdilim ang paningin ko habang pinipigil ang sarili. Mahalaga ang music book na 'yon. Pamana 'yon ng mga magulang ko at 'yon na lang ang natitirang alaala nila saakin. Dahil sa kagustuhan kong makuha ang music book at kinakailangang pigilan ang nakatago kong katauhan, pinakalma ko ng sarili at sinubukang kumbinsihin ang lalaking gagawin ko ang gusto nito pero kailangang makuha ko muna ang book.

Phelan is a jerk so he hesitates on my proposal. Mahirap talagang makipag-usap sa ulol. "Just be there and you'll have this. We're done! You may go." Nakataas pa ang isang kilay nito habang may kinukuhang tarheta na nakaipit mismo sa music book.

Iniabot nito ang isang black envelope na may nakatatak na P. Vargas in golden font. Pigil ang gigil kong inabot ang envelope na sa tingin ko'y isang invitation saka ko inirapan ang nakangising lalaki. He looks devilishly handsome which makes me hate him triple times.

Narinig kong muling tumawa si Phelan nang palabas na ako ng workout room. Pabalibag kong isinara ang pintuan. Tingin ko'y nasira ko ang pihitan nito pero ipinagsawalang bahala ko na lang.

Halos hingalin ako nang makalabas ako at biglang tumigil upang buksan ang envelope na bigay ng demonyo. Mabilis kong hinugot ang tarheta at binasa ang detalye no'n.

*******

Toot the horn!

Bang the drum!

It's a party!

Can you come?

For: Phelan Vargas' 18th Birthday

When: August 23rd at 7 p.m.

Where: Vargas Residence, Old 7th Street, Diamond Hill

*******

Natigilan ako sa petsang nakasulat. 

Umiling ako ng ilang beses. 

Hindi ako pwedeng pumunta sa kaarawan ng lalaki dahil 'yon mismo ang unang araw ng misyon ko kasama sina Kelvin at Rumina bilang crowned. 

Bad timing talaga 'tong si Phelan kahit kailan!

###

avataravatar
Next chapter