13 Confrontation

Grace's POV

"That's why I love you kuya"- sabi ko sa kanya, humiwalay naman na siya sa yakap

"Of course I love you too my lil sister"- sabi niya na halatang alalang alala sakin kanina

"What's going on?"- sabi nung kaibigan nung gf ni kuya, nandito pa pala sila

"What's going on? wow, you pushed me that's why i fell to the pool and i almost died, and you just asked what's going on ha!!"- sigaw ko sa kaniya, muntikan na ko mamatay tapos tatanungin niya kung ano nangyayari

"What do you mean lil sister jheff??"- tanong nung gf ni kuya

"She's my one and only lil sister, she's the one I always tell you about."- sagot ni kuya sakin.

"She's your sister?"

"Yes I'm his sister, any problem with that my kuya's girlfriend"- sagot ko sa kanya

"Sorry i didn't mean to hide it from you lil sis, it's just that..."

"It's just what?"- ano naman kaya rason niya para itago sakin na may gf na siya

"It's just that i thought you are angry to me, because of what happened before."- so yun pala ang rason niya,

"You know the saying "Maraming namamatay sa maling akala" right? at isa pa galit nga ko sayo pero mas magalit ako sa girlfriend mo. Bakit? hindi ba't siya ang may kasalanan kung bakit hindi mo ko nadalaw kahit minsan man lang nung nacomatose ako. "- sigaw ko sa kanya

"Wala siyang kasalanan dun sa nangyari sayo!!!"

"Anong wala, hindi ba't siya ang kasama mong nag- eenjoy habang ako nakahiga at walang malay ng dalawang buwan"

"Walang nagsabi sakin o nagcontact man lang na naaksidente ka at nacomatose, kaya wala akong kaalam alam na nacomatose ka pala, kaya wala siyang kasalanan dito!!!"

"Anong walang kumontak sayo, tinatawagan ka daw nila mommy pero cannot be reach ka daw at hindi makontak, ginamit na nila yung phone ko, dahil lagi mo daw sinasagot mga tawag ko pero lagi mo lang pinapatay yung tawag. Wag mo sabihing may sariling utak yung phone mo at pinapatay niya yung mga calls mag-isa."- sumbat ko sa kanya

"EH WALA NGA AKONG NARERECEIVE NA TEXT NUNG MGA ARAW NA YUN, KUNG ALAM KO LANG NA MAY NANGYARI SAYO NAGFLIGHT NA AGAD AKO PABALIK NG PILIPINAS PARA PUNTAHAN KA, PERO WALA NGA EH!!!"

"SO SINASABI MONG NAGSISINUNGALING AKO GANUN, NAGSISINUNGALING KAMI NA HINDI KA NAMIN MAKONTAK GANUN BA HA?!!!"- umiiyak kong sigaw sa kanya, so sinungaling na pala ako para sa kaniya

"Ano bang pangalan niya sa cp mo?"- biglang tanong nung gf ni kuya

"My Princess"- maikling sagot ni kuya

avataravatar
Next chapter