5 04

Tahimik kaming... ha? Ah, oo nga pala, MARIZTELLE JOINED THE STORY. So, heto na nga, tahimik kaming kumakain kasama sina Naomi at Ace Lovencii nang biglang tumunog ang aking cellphone.

I can pull my trigger from here and blow his head out. -x

Tinignan ko ng masama ang aking katabi na si Arthur Yvonne at nang mag-tama ang aming paningin, ngumisi ito at saka nag-type sa kaniyang cellphone. Muling nag-ring ang aking cellphone kaya naman tinignan ko ito:

He's lucky we're at school. -x

Tsk. Anong kwenta ng pag-check ng bag ng mga security guard diyan sa labas kung nakakapag-dala at nakakapag-pasok pa 'to ng baril sa loob?

Wait... don't tell me...?

Yeah, you thought it right. They're my guards. -x

Hindi ako makapaniwalang tumingin sa lalaking ito at saka sinulyapan si Ace Lovencii at nakita kong mahinahon at tahimik lamang itong kumakain. How clueless.

"Ahm, Faith, magkakilala na ba kayo ni Arthur Yvonne?" Tanong sa akin ni Precious.

"Ha, bakit mo naman natanong 'yan?"

"Kanina pa kaya kayo nagtitinginan diyan. Akala mo naman hindi namin napapansin?" Sabi naman ni Naomi. Aba, kinausap na 'ko ng bruhang 'to.

Kahit kailan, ma-issue kayo.

"Actually, we're friends." Sabi ni Arthur.

"Oooh..." Sabi naman ng dalawa.

Nanatili lang tahimik sa pag-kain si Ace Lovencii-- teka, pakialam ko ba sa kaniya? Tsk. Parang baliktad yata ang inaasahan kong mangyari kapag nagkita ulit kami. Akala ko pa naman, iinterview-hin niya ako or what. Pero parang balewala lang ako sa kaniya.

"Ace, ayos ka lang ba?" Tanong ni Noami sa tahimik na lalaki. Um-oo naman ito at saka nag-patuloy sa pag-kain.

Is it me or nararamdaman ko yung lungkot ng awra niya? Ah, baka nagse-selos lang siya kasi katabi ko si Arthur Yvonne, at hindi siya. Oo, posible. Baka hindi niya lang pinapakita sa'kin na interesado siya sa'kin dahil baka ma-weirduhan ako sa kaniya. Huh. It's fine, Ace. Sa dinami-raming lalaking nagiging torpe sa akin sa tuwing lalapit sa kanila, akala mo ba hindi ko alam ang mga ganyang istilo? Pfft.

"Huy, Faith. Anong nginingiti-ngiti mo diyan?" Tanong ni Trisha. "Ah, oo nga pala, punta pala tayong rooftop. Maguusap-usap daw tayong tatlo ni Naomi habang may oras pa tayo."

"Ha?! Ah, bak-- ano--pan--?!" Nauutal na tanong ko habang tumitingin kay Arthur at Ace. Hindi ko sila pwedeng iwanan! Baka mamaya--!

"Tara na!" Sabi sa akin ni Trisha sabay sa pag-hila sa aking papuntang rooftop. Shit, I have to inform my team.

Nang makarating kami sa rooftop, nag-simula na ang aming pag-uusap.

"Okay, ayusin niyo na 'yang immature fight niyong dalawa." Sabi ni Trisha.

"Hindi naman ako. 'Yan, si Faith!"

"Ako? Bakit ako? Anong ginawa ko sa'yo?"

"Nanghahalungkat ka kasi ng nakaraan, tss. Nagku-kwento lang naman ako sa kaniya tungkol doon sa nabalitaan kong may bagong student tapos bigla niyang sinabi 'yon. Siyempre, fresh pa rin sa'kin 'yon." Sabi nito habang nangingiyak-ngiyak pa.

Jusko, anong klaseng buhay ang meron ang babaeng 'to.

"Bakit mo ba kasi iniiyakan 'yong halos isang taon nang makalipas na break-up niyo? Hindi ka ba nakokornihan sa sarili mo? Ang tagal na noon, bakit hindi mo pa makalimutan? Hindi ba parang dapat kalimutan mo na 'yong lalaking hindi na parte ng buhay mo?" Natahimik naman ito sa aking sinabi. "Alam mo, Naomi, 'yan ang mahirap sa'yo. Hindi mo kayang kalimutan 'yong mga taong nakalimutan ka na. Huh, Noami, people come and go. All you have to do is welcome and say goodbye to them. Hindi mo kailangan pilitin buksan 'yong mga taong sinaraduhan ka na ng pinto. Hindi ka tanga, Naomi. 'Yong lalaking iniiyakan mo, buhay siya. Hindi siya patay na kailangan mong iyakan sa tuwing naririnig mo 'yong pangalan niya at break up niyo."

"Kahit na--!"

"Naomi, ang swerte mo nga, eh. You have your family who supports you every time! Hindi ko lang maintindihan sa'yo na bakit parang umiikot 'yong mundo mo sa lalaking anyong tao lang?! Hindi ka ba nakokonsiyensya na... para sa mga magulang mo na nag-hirap palakihin ka, na ginawang mundo ka... heto 'yong isukuli mo sa kanila? Gagawin mo silang magulang mo lang tapos 'yong lalaking niloko ka, mundo mo na? Bakit uhaw na uhaw ka sa atensyon ng boyfriend mo noon? Bakit uhaw na uhaw ka sa pag-ibig na binibigay sa'yo ng boyfriend mo noon... na nakukuha mo naman parehas sa magulang mo?"

Ito naman ay yumuko sabay sa pag-punas ng kaniyang tumulong luha, "Oo, I have parents. I have a family. They support me, they give their love to me, they give their attention I need, but all those things they showed me... may kapalit. Mataas ang expectation nila sa'kin. They thought giving me their support, love and attention would get me focus on studying and achieve my goal."

"So? Isn't that the right thing to do? Make your parents proud?"

"Alam mo 'yon. Once akong bumagsak sa Basic Calculus that I have to take remedial classes. And Faith, I am telling you, I felt empty after that. No messages from my parents, from my ate and kuya. Hindi sila nag-paramdam sa'kin. My mom texted me, and I was so happy seeing her name pop up at my lockscreen. But when I opened it? She told me to straighten up, kid like as if I'm not doing my best. After that? Hinayaan ko nalang 'yong grades ko. I went from high to an average grade. I said to myself that this is my decision, and I'm happy for myself.Kontento na 'ko sa grades na mayroon ako because I know I did my best, I did all I can do to have that grade. Pinaglaban ko 'yon sa family ko, pero they didn't say something about that. I thought silence means okay, we'll try to understand your perspective but no. Nawalan kami ng connection sa isa't isa. Good thing, dumating si Hanz sa buhay ko. Siya 'yong nagpaparamdam sa'kin ng mga bagay na hindi na pinaparamdam ng mga magulang ko sa'kin. And that is my story, Faith. 'Yon yung naging dahilan bakit nahihirapan akong magmove-on sa kaniya. And... kung sasabihin mong hindi pa ba kayo sapat sa'kin? I'm sorry to say this pero sa tuwing magkakasama tayo, para lang tayong dorm-mate and not bestfriends." At muli niyang pinunasan ang kaniyang tumutulong luha.

"Kung 'yon naman pala yung gusto mo; suporta, love, attention... then bakit hindi mo nalang sundin 'yong mga magulang mo? Hindi naman nila sasabihin 'yong isang bagay na nakakapagpa-sama sa'yo, Naomi. High grades? Napaka-simpleng bagay. Paano pa kaya kapag may trabaho ka? Getting a low grades? Ang problemahin mo no'n kung may mapapasukan kang magandang trabaho. Just get your grades on the right track-- I mean rightest track and your relationship with your parents is good to go. Just... just forget that Hanz. Hindi lang siya 'yong lalaki sa mundo."

Natawa naman ito, a genuine laugh, and said, "Baliw ka talaga. Alam mo bang mahirap kalimutan ang taong mahigit limang taon mo nang kasama? Pfft. Iba ka talaga. Alam mo, kapag nag-mahal ka ng isang tao, at tumagal kayo... mahirap na silang kalimutan lalo na't hindi ka sanay na wala na sila sa tabi mo. Sa sobrang dami ba naman ng napag-daanan niyo, hindi ba?"

avataravatar
Next chapter