3 02

Nagising na lamang ako sa isang kwarto at ang tanging kulay lamang nito ay puti. Ni kahit anong linya bilang disenyo nito ay wala. Ako ay nasinagan dahil na rin sa sobrang puti ng mga ilaw na ikina-bagay ng lugar.

Teka, hospital ba 'to? Ako ay tumingin sa aking paligid at nakakapag-takang wala kahit isang bintana ang makikita dito.

Ako ay bumangon mula sa aking pagkakahiga sa sahig. Tinignan ko ang aking braso at nakahinga ako ng maluwag nang masiguro kong inasikaso nila ito bago ako ikulong sa kwartong ito.

Nasaan ako?

Nasa kalagitnaan ako ng pag-iisip kung nasaan at anong nangyari sa aking bago ako mapunta dito nang marinig kong bumukas ang pintong sa unang tingin ay hindi mo mapapansin dahil sa maingat na pag-gawa nito.

Unang pumasok sa loob ang apat na gwardyang naka-atas na bantayan ang pinuno ng org at ang pangalawang pumasok naman ay ang kanilang boss.

"I heard the news." Panimula nito. Ito ay tumigil sa aking harapan at nag-simulang manigarilyo. Bastos. "Mabuti nalang at stable ka na ngayon."

"Nasaan ako?"

"Oh? Itong quarantine room? Ah, I'm sorry, wala kaming clinic dito tutal kapag may sugatan o malapit nang mamatay sa isa sa mga tauhan ko, I just let them die. You're lucky, I saved you." Sabi nito. Binitawan niya ang kaniyang sigarilyo at saka ito tinapakan. "At dito kita dinala para sabihin sa'yo na you are done with your assignment."

Hindi ko inasahan ang kaniyang sinabi kaya naman pina-ulit ko ito sa kaniya. "Ano?"

"Pwede ka nang umalis." Simpleng sagot nito.

Ako ay napa-tawa sa kaniyang sinabi, "Alam kong hindi 'yan ang ibig mong sabihin. I know you, Arthur. After I failed on my task, you're just going to let me go now? Huh. What's you plan, Arth? You can't fool me."

Ngumisi naman ito habang inilalagay ang kaniyang mga kamay sa kaniyang bulsa at ako ay tinalikuran, "You're no longer with us, but we'll watch you." At saka ito umalis.

Nang tuluyan nang maka-alis ang mga tao sa loob ng kwartong ito, ako ay napa-buntong hininga. Huh, as if naman na dapat akong matakot.

I mean, Ace is under the FBI's protection and we don't have any connections between us so I don't have anything to worry.

Hindi na ako nagpatagal sa lugar ng mga kriminal na iyon kaya naman mabilis akong umalis sa lugar na iyon. Habang umuuwi ako sa aking dorm, tinext ko ang Head ng aming team at sinabi ang mga impormasyong dapat kong I-report sa araw na ito.

"Faith!!" Tawag sa akin ng aking dorm-mate nang buksan ko ang pinto, "Saan ka galing, bruha ka?! At ano 'yan? Bakit ganyan 'yang braso mo?! Anong nangyari?!"

"Chill, hindi ko rin nga alam. Pero ayos lang-- aray! 'Wag mong galawin, gago! Ang sakit nga, e!!"

"Sorry naman! Na-curious lang. Ah! Alam mo ba, balita ko may magta-tansfer daw sa'tin ngayon!" Kwento nito sa akin habang ako naman ay inaayos ang aking mga gamit para bukas sa aking pag-pasok.

Anong pake ko. Normal lang naman 'yong mga pa-tansfer-transfer na estudyante lalo na sa mga ganitong kwento, ang cliche. Wala nang bago don. Panigurado, kasama siya sa mga tauhan ng kwentong it--.

"Lalaki siya, gurl! Hihi, sabi nila handsome with brain daw 'yong lalaki! KYAAA~!" Kinikilig na kwento ni Naomi.

"Naomi, umayos ka nga. Malay mo sa una lang ganon 'yon. Lovelife mo nga noon, sa una lang ang kilig, tapos sa huli na yung sakit." Sabi ko na ikina-tahimik niya.

"Bwiset ka naman, eh! Inaano ba kita!" At saka ito pumunta sa CR. Siguradong iiyak 'yon kaya pumunta siya doon. Tsk, 'di pa mag-move on sa lalaking 'yon. Wala ngang kwento 'yong manlolokong 'yon, kung tutuusin.

"Ops, walang aawat, walang aawat." Sabi ng isang kilalang boses. Tumingin ako sa pintuan at nakita kong pumapasok si Trisha, isa ko pang kadorm-mate. "Kahit kailan ang savage mo." Komento nito.

Tinuloy ko na lamang ang aking ginagawa at saka napa-isip sa mga deskripsyong sinabi ni Naomi.

Lalaki? Handsom with brain?

Sa hindi malamang dahilan, biglang pumasok sa aking isip si Ace Lovencii. Shit, bakit siya?

"You're no longer with us, but we'll watch you."

Bigla akong nakaramdam ng kaba nang maalala ko ang sinabi ni Arthur.

Shit, kung si Ace man ang lilipat, kailangan may gawin ako. Dahil kapag nakita ng mga alagad ni Arthur na kasama ko si Ace lalo na't baka dikit ng dikit sa akin 'yong lalaking 'yon sakin dahil bakit hindi, diba? Siyempre, niligtas ko siya so alam ko namang nakaka-turn on 'yon sa mga lalaki, huh. Panigurado, iniisipi ako ng lalaking 'yon. Pfft.

Pero, paano nga kung ganoon? Lagot ako. At si Ace Lovencii.

Nagulat si Trisha nang bigla kong paluin ang aking noo at tinanong kung, "Ayos ka lang ba, par?"

Tinignan ko lamang siya ng masama at inismiran. Tumayo ako at saka dumeretso sa aking kama at tinapon ang aking sarili sa malambot na kutson na nami-miss ko mula kanina pang umaga. Ngunit nawala ang panandaliang ginhawa na aking naramdaman nang kumirot ang aking sugat.

Puta, mas nakaka-stress pa 'to kaysa sa PETA week namin. Augh, bukas ko na nga lang iisipin lahat nang 'to. Mangyari na ang dapat mangyari. Pagod at inaantok na ko.

avataravatar
Next chapter