1 00

PROLOGUE

Minsan mo na bang naisip na sana pwede kang bumalik sa nakaraan para baguhin ang mga bagay na dapat baguhin?

Minsan, may mga bagay talaga tayong hindi natin matanggap kaya hinihiling natin na sana... bumalik ka nalang sa nakaraan.

Hindi mo tanggap ang sakit na naramdaman mo noong nangyari ang nga sandaling iyon, kaya iniisip mo na sana ay pwede kang ibalik at baguhin ang takbo ng kwento ng buhay mo.

Pero, imposible. God is the one who plots our life-our story. Too bad, we can't control it. Every choice we take, every move we make... He's the one who's controlling it.

Pero may isang tao ang kayang gumawa nito. Isang taong maaaring bumalik sa nakaraan- hindi para baguhin ang takbo ng istorya ng isang tao. Kundi alamin kung sino o ano ang idinulot nito.

Halimbawa nalang na may isang taong namatay, maaaring bumalik ang anghel na ito sa araw o oras kung kailan nangyari ang trahedya upang malaman ano ang naging sanhi nang kaniyang pagkamatay at sino ang gumawa noon sa namatay na tao.

Maraming nagtatanong... bakit? Bakit at para saan pa kung hindi naman niya pwedeng iligtas na lamang ang taong haharap ng kaniyang kamatayan sa mga sandaling iyon?

Dahil tulad nga ng sinabi, lahat nang ito— ang takbo ng iyong buhay ay hawak ng Diyos at siya ang kumo-kontrol nito. Hindi dapat ito kontrahin nang kahit sino man na maaaring bumalik sa nakaraan.

Ngayon, sino naman ang tinutukoy kong "mga taong maaaring bumalik" sa nakaraan? Ito ay ang mga anghel na nagkatawang tao na ibinaba ng Diyos sa mundong ito upang maghatid ng hustisya sa bawat kasalanang ginagawa ng sangkatauhan.

Bigyan ko ulit kayo ng halimbawa upang malinawan kayo sa kanilang ibinigay na trabaho.

May dalawang klase ang anghel na may kakayahang bumalik sa nakaraan. Ang una ay masama, at ang pangalawa ay ang mabuti.

Ang dalawang ito ay parehas na kayang bumalik sa nakaraan ngunit ang pagkakaiba nila, ay kung paano nila gagawin ang kanilang trabaho.

Ang masama ay bumabalik sa nakaraan at binabago o iniiwas ang masamang mangyayari sa isang tao.

At bakit naman sila itinuring na masama kung iniligtas nila ang mga taong haharap ng kanilang kamatayan? Ito ay dahil binago nila ang plano ng Diyos.

At kung sino man ang taong iniligtas nila ay magkakaroon ng bangungot simula ng araw na iyon patungkol sa paraang paano at dapat sila namatay hanggang sa ito ay mabaliw at magpakamatay.

Ang mabuti naman ay bumabalik sa nakaraan at inaalam kung paano namatay ang isang tao at sino ang pumatay sa taong ito at babalik sa kasalukuyang panahon upang dalhin ang taong ito sa hukuman upang harapin ang kaniyang naging kasalanan.

Ang sunod namang katanungan, sino-sino ang mga taong ito? Ito ay ang mga taong makasalanan noon. Ang mga makasalanan ay patuloy na nabubuhay muli upang gawin ang natatanging utos ng Diyos.

Ang mag-bigay ng hustisya at katotohanan sa mga tao.

At kapag pumalya ka sa iyong trabaho, ikaw ay mamamatay sa kasalukuyan at ipapanganak muli upang ipag-patuloy ang iyong trabaho at kapag nagawa mo na ito ng maayos, ang iyong kaluluwa ay mananahimik na sa tahanan ng Kataas-taasan.

"Sasabihin ko na kaya sa kaniya?" Tanong ko sa aking sarili habang hawak-hawak ang rosas na binili ko kanina bago ako makarating sa lugar kung saan dapat kami magkikita.

"Maniniwala naman kaya siya?" Muli kong tanong.

"Ace!" Narinig kong tawag sa akin ng isang pamilyar na boses. Ang boses na siya lamang nakakapagpa-tibok ng aking puso.

Ako ay napa-ngiti nang makita ko ang pinakamamahal kong babae sa kabilang kalsada at tulad pa rin ng dati, tumitingkad ang ganda at aura nito sa lahat.

Nang mag-kulay berde ang stoplight ay nag-simula na ito tumawid papunta sa akin ngunit ilang sandali pa ay nanlambot ang pagkakahawak ko sa aking dalang rosas nang makita mismo ng dalawa kong mata ang pagkawala ng aking babae.

"Ay, Diyos ko! Ang babae, tulungan niyo ang babae!" Rinig kong sigaw ng aking katabi.

"Anong nangyari?"

"'Yung truck ang bilis magpa-takbo. Hindi na niya napansin na naka-red na pala yung stoplight."

Naging mabilis ang pagkumpol ng mga tao sa paligid ng katawan ng aking babae ngunit tinulak ko ang mga humaharang sa aking daanan.

"Tabi! Kasama ko ito!" Sigaw ko.

Hindi ko pa man nalalapitan ang katawan nito, agad na may pumigil sa akin at hinila ako palabas sa mga nagkukumpulang tao.

Tangi ko na lamang nakita ang mga taong tumatawag ng emergency upang magawan ito ng aksyon— umaasang may magagawa pa ang mga doctor sa kaniyang kalagayan.

Sunod kong sinilip ang drayber ng truck ngunit mukhang wala na ito at naka-takas na ito mula sa kaniyang minamaneho.

"Bitawan mo ako!" Sigaw ko sabay sa aking pag-pumiglas sa lalaking humi-hila sa akin palayo sa pangyayari.

"Ace, tanggapin mo na ang nangyari. Mismong dalawang mata mo na ang nakakita na aksidente ito." Sabi nito sa akin.

"Anong aksidente?! Hindi! Nagkakamali ka diyan! Ano pa ang silbi ko kung hindi ko aalamin ang nangyari?!" Sabi ko habang pinipilit kong huwag maiyak sa pangyayari.

Sunod kong narinig ang sirena ng ambulansya na kasalukuyang ibinababa ang stretcher kung saan ihihiga ang katawan ng aking babae.

Lalapitan ko na sana siya nang pigilan ako muli ng lalaking ito, "Ace, please. Nakita mo na ang pangyayari. Tanggapin mo na. H'wag kang mag-padala sa emosyon mo dahil ikakapahamak mo 'yan. Hindi lang ikaw kung hindi ay siya rin!"

Ako'y natahimik at inisip ang kaniyang mga sinabi. Oo, may punto siya. Pero...

"Excuse me. Dahan-dahan lang, Kim. Natali mo na ba ng maayos 'yan?"

"Yes po."

"Sige, isakay mo na 'yan sa likod."

Babalik ba ako sa nakaraan para alamin ang pangyayari at bumalik sa kasalukuyan upang ibigay ang kaniyang hustisya... o babalik ako sa nakaraan at babaguhin at ililigtas siya mula sa kapahamakan at bumalik sa kasalukuyan pero ito ay mababaliw dahil sa bangungot?

"Ace, piliin mo ang tama." Sabi ng aking kasama.

Pinag-masdan ko ang pag-alis ng ambulansya hanggang ito ay maka-layo sa aking paningin. Ako ay tuluyang tumalikod sa aking kasama at sinabing...

"Wala akong plano, pero babalik ako sa nakaraan."

Lumapit ako sa truck na naka-bunggo sa aking babae at sumakay dito. Agad kong nahanap ang wallet ng drayber. Nahulog niya ito dahil sa pagmamadali.

Matapos kong malaman ang itsura at pangalan ng nagmamaneho ng truck na ito ay bumaba ako at saka bumalik sa nakaraan.

Sa araw kung kailan kami nagkakilala.

From the Beginning

avataravatar
Next chapter