3 Chapter 2

"When will you grow up, zestaire!" Malakas na sigaw ni daddy sa akin habang pinapagalitan ako.

"Dad!  I'm just having fun with my friends, OK?" I said without any interest of explaining my side. Lagi niya naman itong sinasabi sa akin, halos ma memorize kona nga lahat ng line niya.

"You're not allowed to go out Zestaire, how many time do I have to remind you?  Pag may masamang nangyari sa'yo anong gagawin mo?" Galit na namang sigaw niya. Edi lalaban, alangan namang magpatalo ako? Tsk!

"I'll fight back, daddy. I'll not going to lose any fight they'll throw to me. Ano ako bobo para magpa-api sa kanila!" Sagot ko sa kanya. Kitang kita ko ang galit sa mata niya kaya diko maiwasang kabahan. I know he can't hurt me, pero ayaw Kong sagadin ang pasensya niya.

"Pano kung malalakas ang makaharap mo, anong laban mo? huh?  Ang yabang yabang mo! eh, Hindi ka naman nangangalahati sa husay ng kapatid mo! " tumulo ang luha ko ng marinig ang sinabi niya. It's hurt me a million times whenever I heard those phrases. Lagi niya naman akong kinokompara kay Earl, lagi niyang pinapamukha sa akin na mas mahina ako sa kapatid ko and it breaks my heart into pieces. Kaya tumalikod nalang ako upang itago ang mga luhang tumulo sa mata ko.

Why he can't look at me as his brave daughter just once. Whenever I find ways to make him proud of me, will be the time he'll dragged me down. Pero kahit makasit ay iniintindi ko yun dahil ako ang sinisisi niya sa pagkamatay ni mommy. kaya nga hangang-hanga siya sa kambal Kong si Earl dahil sumusunod ito sa kanya, at ganon nalang din ang inis niyang nararamdaman dahil sa pagiging suwail kong anak. Masakit pero Hindi na mababago ang reyalidad na yan, all I need to do is accept everything. Accept the pain, his judgement and insult. Aside from that, there's nothing I can do to change the way he look at me.

"I don't need to be like him,i have my own ability that even Earl can't copy. Kaya wag mokong e kompara sa kanya dahil may kanya-kanya kaming kakayahan, daddy." Seryoso Kong wika habang nakatalikod sa kanya, kahit hirap na hirap ay sinikap ko paring itago ang sakit na nararamdaman ko. There's no one could understand the pain I've feeling, si mommy lang ang nakakaintindi sa akin. "You're too full with him, sana naman pisikan moko kahit konti." Malungkot Kong puna. Kasalanan ko naman kung bakit mas lalong lumayo ang loob niya sa Akin... Kasalanan ko dahil ang tigas tigas ng ulo ko. I'm such a burden.

"Don't wish for it, because it'll never happen anymore. You're just a curse in this family, maybe you should get you're ass out of here." His words stabbed me so hard, my heart is throbbing painfully because of the reality of my biggest dreams. Na balang araw ay makikita niya ulit ako bilang isang anak niya, pero mukhang Hindi nayon mangyayari pa. Muling tumulo ang luha ko. "Baka pag umalis ka dito ay maibigay ko sayo ang paghangang gusto mong matanggap, Hindi lang Yan. Magpapasalamat pa ako dahil wala kana sa buhay namin." He added.

Nawasak ang matatag na pader na ginawa ko upang pigilan ang malakas na hikbi, nong marinig ko ang huling sinabi ni daddy sa akin. That was too much to bear... I can't bear this pain anymore, the long I stayed in this house, will be triple the  pain I felt. Siguro dapat na akong umalis dito. Dahil kahit kailan ay Hindi kona maibabalik ang kulay ng bahay na'to, bagkos ay maipapaalala ko lang sa kanila ang pagkawala ni mommy. Humarap ako kay daddy at ngumiti ng pilit. "Happy birthday, daddy." Bati ko sa kanya habang tuloy parin sa pag-agos ang luha ko. I get the small keychain that I bought in palawan and read once again the words imbedded on it.

"You're the best daddy ever"

Bumuntong hininga ako at inabot sa kanya yon, Hindi man lang nag-iba ang expression ng mukha niya ng ibigay ko yon sa kanya kaya mas lalong nabasag ang puso ko. Ang sakit!  Ang sakit sakit. Tinanggap niya ito kaya napangiti ako, binasa niya ang nakasulat dito ng nakakunot ang noo.

"What a trash!" Nagulat ako ng bigla niyang hinagis sa akin ang keychain na binigay ko. Napatulala nalang ako sa kanya at di alam ang gagawin. "I never accept gift from a wicked woman like you, baka may sumpa at mapahamak pa ako."

Mahigpit Kong hinawakan ang keychain na tinapon sa akin ni daddy at huminga ng malalim. Ba't diko naisip na Hindi siya tumatanggap ng mga bagay na galing sa akin. Ghod zestaire!  You forgot about it.

"Daddy... Happy birthday." Pinahiran ko ang luha ko ng marinig ang magiliw na sigaw ng kapatid ko. Humarap si daddy kay Earl na tumatakbo papunta sa gawi niya. "Happy Happy birthday dad, you're the best daddy ever." He yell full of melody. My heart cracks as I saw my father smile from ear to ear and hug him sweetly, how sweet. "Mahal yan daddy, binili kopa yan sa Palawan." Wika niya at binigay ang regalo niya. You know what's the funniest?  Parihas kami ng regalo, the different is daddy was extremely happy when Earl held him his gift. Mahal talaga yon kaya diko Maiwasang magsisi dahil sa perang ginastos kong trash lang sa kanya.

Hilarious!

"You know Earl, your sister grant my wish." Nakangising sabi ni daddy sa kapatid ko kaya napatingin siya sa akin. Anong wish naman yon dad?  Tsk!  Ngumiti sa akin si Earl kaya ngumiti ako pabalik. "Aalis na daw siya sa bahay na to. Hahahahaha. Salamat naman at natupad na ang matagal ko ng gusto." Napanganga ako sa sinabi niya, pati si Earl ay nagulat din pero dina ako nagsalita at naglakad nalang paalis.

Pain is part of our life, you'll never learn and become brave without encountering it. That's the cruel things that life has you must experience. You need to Lick the sweet taste of life and swallow it bitterness.

...

Nagising ako dahil sa matinding bugso ng damdamin ko. Pati ba naman yong pangyayaring yon ay mapapaginipan ko pa?  Tsk!  Life really cruel to me, huh!  I wipe all the tears scattered on my on face and put some powder to refresh my looks.

Kanina pa pala natapos ang klase namin, ni Hindi man lang ako ginising ni Hazel. Yung Gaga'ng yun talaga. Grrrr!!!

Tumayo ako upang lumabas sa classroom,  I haven't take my lunch yet pero dahil half day lang kami ngayon ay ok lang. Lalabas na sana ako ng pinto ng may humarang sa akin, sinamaan ko ng tingin si cloud ng harangin niya ako.

"What's your problem, ugly ass?" Seryoso Kong tanong sa kanya. Ngumisi siya sa akin at lumapit kaya umatras ako.

"Ang yabang mo talaga babae, mukhang gusto mo talagang patiliin kita." He said playfully kaya umarko ang kilay ko. Sige lang siya sa paglapit sa akin kaya atras ako ng atras. Damn!  Ano bang problema ng lalaking to?  "Baka nakakalimutan mong babae ka,  at lalaki ako?" Inirapan ko siya ng sabihin niya yon. Tinatakot niya ba ako? Hahahahahaha. Baka siya pa ang matakot sa akin pag nagkataon.

"Lalaki kanga ba talaga?  Eh, bakit pumapatol ka sa babae'ng katulad ko?" Nakangisi Kong tanong sa kanya kaya sumama ang tingin niya sa akin. "Baka naman bakla ka talaga, sayang ang lahi mo. Hhahahaa. Lahing engkanto kapa naman." Tumawa ako ng makita ko ang reaction niya. Pulang pula ang mukha niya dahil sa sobrang inis.

Huminto ako sa pagtawa nang isandal ako ni Cloud sa pader kaya napaawang ang labi ko habang nakatingin sa kanya. Mas lalo akong nagulat ng halikan niya ang nakaawang Kong labi habang ang isang kamay ay nakahawak sa batok ko. Shit!  Natulala ako sa ginawa niya at di nakakilos agad.

"Ano?  May bakla bang masarap humalik?" He smirked at me, ngayon siya naman ang may nakakalokong ngiti sa akin habang ako ay wala parin sa sariling nakahawak sa labi ko. Damn!  My first kiss! "Natulala ka dyan, masarap ba?" He asked mischievously, kaya tinulak ko siya ng malakas. Natumba siya sa sahig dahil sa lakas ng pagkakatulak ko kaya dumaing siya sa sakit. Bweset kang lalaki ka!  Bastos ka talaga! 

Lumapit ako sa kanya at malakas na sinuntok ang mukha niya. "How dare you!" Inis Kong sigaw habang tuloy parin sa pagsuntok. Sinubukan niyang umiwas sa mga suntok ko pero di niya nagawa kaya bugbog serado siya ng tigilan ko siya. "Yan ang bagay sa mga bastos na kagaya mo!" Sigaw ko sa kanya at nilapit ang mukha ko sa kanya. I wipe the blood on his lip and push my thumb on his wounded lips badly. Kaya mas lalo siyang dumaing. "Wag na wag mokong kakalabanin cloud Sandoval, dahil Hindi lang yan ang matitikman mo. And please stop calling me a bitch, my name is more fascinating to be called like that...I'm zestaire, baby." I smirked and leave him dumbfounded. Bagay nga sayo.

"Walang hiya ka, Zestaire! " sigaw niya sa akin kaya tinawanan ko siya. Mabilis akong naglakad palabas ng school at dumiritso sa kalenderya ni aling Ising. Don kasi ako nag e-extra pag walang pasok o di kaya'y free time ko, alam mona wala na akong ibang pagkakakitaan kundi ang pagtratrabaho sa maliit na kainan niya.

Nang makarating na ako sa kalenderya ay sinalubong ako ni aling Ising ng mainit na yakap, kaya diko maiwasang mapangiti sa kanya. She's like a mother to me at dahil wala siyang anak sa akin niya binubuhos ang oras niya, sa kanya rin kasi ako tumutuloy kaya nababantayan niya ako ng mabuti. Laking pasasalamat ko sa school na pinapasukan ko ngayon dahil full scholar ako kaya Hindi ako masyadong nahihirapan. Si aling Ising narin ang nagbibigay ng baon ko sa araw-araw,  ayaw ko sanang pumayag pero mapilit kasi siya kaya tinatanggap ko nalang ang binibigay niya. Kapalit non ay gusto niyang makapagtapos ako ng pag-aaral at makakuha ng magandang trabaho, Kaya araw araw akong nagpapasalamat sa kanya.

One of my goal is to finish my school and help aling Ising, gusto Kong ako ang mag-alaga sa kanya hanggang sa pag-tanda niya upang masuklian ang kagandahang loob na pinapakita niya sa akin.

There's no one here in the world could ever offer me such goodness, even my own family didn't do it. That's why she's precious to me, and god knows how thankful I am for having her in my life.

Lumipas ang ilang oras ay napagdesisyonan na naming umiwi ni aling ising sa bahay, but I volunteer to buy groceries for us kaya pina-una kona siya. Namili ako ng mga fresh vegetables, meats at iba pang kailangan namin for our whole week supplies, may pera kasi akong natanggap kay Sir Adam ng kinuha niya ang design na ginawa ko upang gamitin sa isang condo unit kaya malaki ang binigay niyang pera sa akin. Kung tutuusin ay pwede ko nang e-expand ang karenderya ni aling Ising pero alam Kong di siya papayag.

Nang matapos na ako sa pamimili ay naglakad na ako pauwi habang bitbit ang mga pinamiling groceries ng may biglang promeno sa likuran ko,  kaya muntik ko ng mabitawan ang mga dala ko. Tinignan ko ang puting Mercedes na sasakyan na huminto sa likuran ko. Bweset na to!  Sino kaya tong gago'ng to?

Lumapit ako sa sasakyan at malakas na kinatok ang bintana nito, I don't care about the prize of this freaking car. Kahit Umabot pa ito ng ilang million ay wala akong pakialam. Huminto ako sa pagkatok ng bumukas ang bintana nito.

"Hoy zestaire!  Walang hiya ka, alam mo bang mahal tong sasakyan ko?  Mas mahal pa'to sa buhay mo!" Sigaw niya sa akin habang bahagyang nakalabas ang ulo sa bintana. Sumabog ang inis ko ng makita na naman ang mukha niya. Hindi niya ba talaga ako titigilan?  Mukhang Hindi nadala sa ginawa ko kanina ah!  Ang lakas ng loob.

"I don't care about this fucking car of yours, Cloud Sandoval" Sigaw ko at malakas na sinipa ang kotse niya. Nanalaki ang mata niya sa gulat ng ginawa ko. "Ano huh!  Gusto mo ng away?" Pinagsisipa ko ang sasakyan niya kaya mabilis siyang lumabas dito.

"Ano ba mahal tong sasakyan ko." Lumapit siya sa sasakyan niya at sinuri ang gilid nito. Tinignan niya ako ng masama ng makita ang maruruming marka ng sapatos kong naiwan dito. "Wah!  Linisan mo yan!  Linisan mo yan!" Inis niyang sigaw pero inikutan kolang siya ng mata. Kasalanan niya yan,  ang arrogante niya ang arte arte pa!

"Ayaw ko nga!  Lumayo kanga sa akin, naiinis ako sa pagmumukha mo! " sigaw ko sa kanya kaya naglabanan kami ng tingin. This jerk is really getting into my nerves!

"Zestaire, linisin mo to! " seryoso niyang sabi pero di ako nagpatinag sa kanya. Akala niya kaya niya ako?  Pwes mangisay siya sa kinatatayuan niya. Di ako gumalaw sa kinatatayuan ko kaya mas lalong sumama ang mukha niya.

"Wala akong pakialam sa'yo at sa sasakyan mo. Bye!  Uuwi na ako." Wika ko at kinuha ang mga plastic bag na nasa lupa. Aalis na sana ako ng bigla niya akong buhatin kaya napatili ako sa gulat. Damn!  Nabitawan ko ang mga dala ko dahil sa sobrang gulat. Bwest talaga tong lalaking to. Grr!! 

"Bitawan mo ako! " sigaw ko sa kanya habang pilit na kumakawala sa hawak niya. Shit!  I can't move my hand. "Bweset kang lalaki ka, pag ako nakawala dito malilintikan ka talaga sa akin." Banta ko ngunit tumawa lang siya. Ahh!  Masisiraan ako ng ulo sa bweset nato.

"Talaga?  Ba't inis na inis ka ata sa akin, Zestaire?  Dahil ba sa ako ang first kiss mo?" Napatulala ako ng sabihin niya yon. WTH! namula ang mukha ko dahil sa sobrang inis.  Sa tuwing naiisip Kong ninakaw niya sa akin ang first kiss ko ay nag didilim ang paligid ko. "Ano bakit Hindi ka makapagsalita?" Dahil sa inis ko ay malakas Kong siniko ang gilid niya kaya nabitawan niya ako.

"Bweset ka talagang lalaki ka!" Sinuntok ko ang mukha niya kaya dumugo ang ilong niya. Mabilis Kong pinulot ang mga pinamili ko at mabilis na naglakad pauwi sa bahay. Bweset!  Bweset talaga!  Aahhh!  Kainis!

Inis Kong binuksan ang pinto ng bahay ni aling ising habang inis na inis parin. Baka kung dipa ako umalis kanina baka natuluyan kona yong gago'ng yon. Grrr!

Hinatid ko sa kusina ang mga pinamili ko at pumasok sa kwarto. Gosh!  That cloud Sandoval will continue annoying me,  and I need to do something to make him back off.

Sa mukha pa naman non... Mukhang ayaw magpatalo. Ugh!  Bahala na mag-iisip nalang ako ng paraan.

To be continue...

avataravatar
Next chapter