9 Chapter 9: His one wish.

Nagising ako nang dahil sa alarm ng cellphone ko. 04:30 AM.

Dapat na akong umalis. Baka kasi 'pag nagpaabot pa ako ng liwanag ay makita pa niya ang pag-alis ko. Dahan-dahan akong bumangon. Maingat ang mga kilos ko dahil ayaw kong magising si Chester.

Nagpunta ako sa salas at tinawagan ko si Dex para magkita kami. Sa kanila muna ako uuwi habang may night duty ako sa hospital. Matapos kong makausap si Dex ay bumalik ako sa kuwarto para kunin ang bag ko sa ilalim ng kama.

Kinuha ko din yung bottle of vitamins ko. I still need them.

Papalabas na ako ng pinto nang makaramdam na naman ako ng sobrang kalungkutan. Muli kong sinulyapan si Chester. Napakalalim ng tulog niya. Pinilit kong tandaan ang kanyang itsura para mabaon ko sa pag-alis.

Pilit ko na siyang kakalimutan pero gusto kong isulit ang sandaling oras na ito para tandaan ang bawat detalye ng mukha niya.

Hindi ko napigilang lapitan siya at mag-iwan ng isang marahang halik sa kanyang kaliwang pisngi.

Aalis ako hindi dahil sa ayaw ko na sa kanya..

Aalis ako dahil kailangan..

I think I finally had enough..

Ipapahinga ko muna ang puso kong duguan. Weh, duguan? OA ko. Pero brokenhearted eh, pagbigyan niyo na.  +_____+  

This is the moment I am dreading. I'm finally doing it, and I felt like dying.

Mahirap talagang sanayin ang sarili sa isang bagay na kapag nawala, hindi mo na alam kung paano ka ulit magsisimula.

Tumutulo na naman ang mga luha ko habang papalayo ako sa lugar na iyon..

++++++++++++++++

Pagka-ayos ko ng mga gamit ko sa kuwarto ni Dex, nagpaalam na ako sa kanya dahil kailangan kong pumunta sa school para mag-resign sa dance troupe. Naintindihan naman ni Dex kung bakit kinakailangan ko pang i-quit yung pagsasayaw ko.

Nagpunta ako sa PE faculty room para kausapin si Ms. Gwen. Tinanong ako ni Ms. Gwen kung bakit ako nagku-quit. Sinabi ko na lang na personal problems ang dahilan.

Pumunta din ako sa lockers para makuha yung iba ko pang gamit na nandoon. Medyo natagalan ako at inayos ko pa kasi yung mga gamit ko sa pagsasayaw.

Papalabas na ako ng locker room nang marinig ko ang boses ni Chester at Billy. Parang nag-aaway na naman ang mga gago.

Hindi muna ako lumabas para hindi nila ako makita lalung-lalo na ni Chester.

Galing din pala si Chester kay Ms. Gwen at malamang ay nasabi na sa kanya ang ginawa kong pagku-quit.

"Nasan si Momo?!" tanong ni Chester kay Billy. Galit na galit ang itsura.

"So, umalis na pala sayo si Momo. Natauhan na rin pala siya." sagot naman nung si Billy.

"Alam kong alam mo kung nasaan siya kaya mabuti pang sabihin mo na."

"Hindi ko alam. At sana kung nasaan man siya, hindi mo na siya makita pa. Wala ka kasing kwenta!" bulyaw ni Billy kay Chester.

Agad na sinuntok ni Chester ang kausap sa mukha. Napaupo agad ito sa sahig.

Aiszt gulo na naman.   T.T  

Pumagitan sa dalawa ang mga estudyanteng nadoon para hindi na sila mag-abot.

"Ikaw ang gusto ni Momo kaya sigurado akong alam mo kung nasaan siya! Alam kong sayo lang siya pupunta!" sigaw ulit ni Chester. Humihingal sila pareho.

"Sana nga ay tama ang sinasabi mo, dahil kahit kelan, hindi niya ako nagustuhan. Ikaw itong tatanga-tanga dahil hindi mo alam na ikaw lang ang minahal niya simula pa nung umpisa." mahabang sagot ni Billy. Umiling-iling pa ito habang tumatawa.

"Mabuti nga sayo at nilayasan ka na niya. Matagal na niya dapat ginawa 'yon!"

Pagkarinig niyon ay patakbong umalis si Chester. Hinintay ko munang makaalis din si Billy bago ako lumabas ng locker room.

Hindi ko maisip kung ano pa ang kailangan ni Chester sakin. Bakit kailangan pa niya akong hanapin?

Dahil ba sa 'pag nawala ako ay wala na rin siyang katulong sa bahay? Wala na siyang mapaglalaruan? Wala nang aapihin? Wala nang sasaktan?

Nakakainis talaga siya. Fuck him. Hinding-hindi na ako lalapit pa sa kanya. Hanggang dito na lang talaga kami. Hindi ko na siya hahayaan pang masaktan ako.

Pagkauwi ko, sinabihan ko si Dex na huwag sasabihin kay Chester na sa bahay niya ako tumutuloy. Umoo naman siya kaya hindi ako natunton ni Chester hanggang sa natapos ang night duties ko.

Okay naman ako ngayon pero hindi ko pa rin mapigilan ang maging malungkot sa tuwing maaalala ko yung past namin ni Chester. Siguro ay si Kim na ang kasama niya ngayon sa apartment. Siyempre, sa pagkakakilala ko sa Kim na 'yun ay hinding-hindi niya palalampasin ang pagkakataon.

Matagal na niya ring gusto si Chester at ito na ang opportunity niya para mapasakanya ito.

Something's telling me to take a vitamin today.

You're like my favorite song on the radio, I could listen to you all day..

   

+++++++++++++

Kinabukasan..

"OMG, OMG!.."

Ano na naman kaya ang problema nitong si Dexteronimo?

Lumapit sakin ang bakla na parang sinasapian na naman. Napansin kong parang may hawak itong kung ano.

"Ano yan?"

"Best, it's negative!! I'm so happy walang nabuo!"

"PT ba yan?"     =__________=  

"Yes best! Negative ang pregnancy test! OMG!"

"Ano pinatak mo d'yan? Tae?" tanong ko.

"Tanga, ihi ang pinapatak dito!"

Ako pa ang tanga ngayon!

"Ilan guhit?" tanong ko na lang.

"Isa.."

"Ah akala ko tatlo.."     =_________=  

"You're so tanga talaga."

Mahabang katahimikan..

"May PT ka pa ba d'yan?"

Nagkatawanan kami bigla. Lol.

"I wouldn't know what to do kung positive ang result ng pregnancy test."

Ayaw pa din tumigil ng bakla sa paghahallucinate.   =____=  

"Masisira ang kinabukasan ko. Ikamamatay ko." sabi pa nito.

"Edi ipapalibing.. Problema ba 'yun?"

Umirap na naman si Godzilla. Haha.

Tapos natahimik na naman ako. Alam ko na pinapasaya lang ako ni Dexter.

Napansin siguro ni Dexter na tahimik lang akong nakaupo sa sofa.

"You are thinking about him, him, and… Oh… Him!" simula na naman ng bakla.

"I'm fucking not, bitch."   -____-  

"Best ganito lang yan, Text MOVE <space> ON and send to 2366."

Sinenyasan ko siya ng "talk to the hand".

Bigla na lang pinisil ni Dexter ng magkabilang pisngi ko. Hindi tuloy ako nakapagsalita nang maayos.

"Aneng ginegewe me? Yer sew pathetic!!"

"Sa itsura mo na 'yan, mukhang kelangan mo ng happy meal."

=________=  

"Alam mo, lagi ka na lang mukhang malungkot. Ano ka ba, i-forget mo na siya no.." sabi pa nito.

"Bitewen me nge mune eng mukhe ke.."  

 -_____-  

Bumitiw naman ang bakla, salamat.

"Oo nga, pero hindi naman agad-agad nakakalimutan 'yun no. As if naman overnight lang ang healing process. Ano 'yun, hang-over?" sagot ko habang hinihimas ang mukha.

"Bigyan mo lang ako ng ilang araw at back to normal na ulit ako, promise." sabi ko pa.

"Good. Ganyan dapat."

"Ganyan dapat ka pang nalalaman, pektusan kita diyan eh."

"Ke-arte-arte mo kasi diyan, may healing process ka pang nalalaman."

Kelan kaya kami magkakaroon ng matinong usapan ng baklang ito?

Abnormal eh.   +______+  

At kumanta pa ang bakla.

 

"I had it all but I let it slip away 

Couldn't see that I treated you wrong 

Now I wander around feeling down and cold"

Napangiti na lang ako at napapailing sa pang-aalaska niya sakin. Tuloy-tuloy lang siya sa pagkanta..

"Love takes time to heal when you're hurting so much 

Couldn't see that I was blind to let you go 

I can't escape the pain inside, love takes time 

I don't want to be here alone

Sintunado naman. Tuloy pa din siya. Jusko, parang umiiyak na baka.

Losing my mind from this hollow in my heart 

Suddenly I'm so incomplete 

Lord I'm needing you now, tell me how to stop the rain 

Tears are falling down endlessly"

Sumabay na ako sa pagkanta ni Dex. Gusto ko rin kasi 'yung kinakanta niya. Lol.

"Love takes time to heal when you're hurting so much 

Couldn't see that I was blind to let you go 

I can't escape the pain inside, love takes time 

I don't want to be here alone 

Trying to believe that you're gone…

Si Dex talaga, maaasahan mo lagi 'pag may problema ka. Papasayahin ka 'pag nalulungkot at makiki-join sa saya mo 'pag masaya ka. The best talaga.  ^^,  

"Dexter!"

Biglang dumating si Tita Jessica, mama ni Dex.

"Ikaw ba yung nadidinig ko na kumakanta?!"

"Yes Ma. Bakit?"

"Bakit?! Ha, Bakit?!"

Haha maloko din ang mama ni Dex, sigurado laughtrip na naman to.  

"Bakit nadinig kong kumukulot and boses mo? Ha?!"

"Ma! May kelangan kang malaman!" sinakyan na ni Dex ang nangyayari. Haha.

"Ano?! Magsalita ka!"

"Lalaki!" sigaw ulit ni Dex.

"Ka! Lalaki ka anak! Hindi dapat kumukulot ang boses mo 'pag kumakanta!"

"Hindi Ma!" Parang naiiyak pang arte ng dinosaur. Lol.

"Lalaki! Lalaki din ang gusto ko! Nais kong magmahal at mahalin din ng isang lalaki. Bakla ako Ma!"

"Hindi anak! Hindi pwede! Gulpi ka sa Papa mo, punyeta kaaaa!!"

Hahaha. Natatawa lang ako sa isang sulok.  

"Ma, matagal ko na itong itinatago. Matagal ko nang gustong sabihin sa inyo. Bakla ako! Bakla, bakla bakla BAKLAAAA!!!!!!!"

Biglang sinampal ni Tita Jessica si Dex sa mukha. Totoong sampal! Hahahaha sobrang lakas. Totoong naiyak din si Dex sa sakit. LMAO.

Nahulog na ako sa sahig katatawa.    XD  

"Hindi anak, naguguluhan ka lang alam ko! Confused ba, ganun. Magbihis ka, ipapatawas kita."

Hahaha adik talaga ang mag nanay na 'to. Nakalimutan ko problema ko.   :D  

+++++++++++++++

Tamang-tama naman at end na ng first semester kaya hindi na talaga kami nagkita ni Chester hanggang sa mag-sem break. Nagpalit na rin ako ng cellphone number. Si Dex lang ang nakakaalam ng number ko at si Ms. Gwen. Lagi akong pinipilit ni Ms. Gwen na bumalik sa dance troupe pero wala na talaga akong balak bumalik.

Pero sinabi sakin ni Dex na nakuha ni Billy ang number ko nang hiramin nito ang cellphone niya.

Kaya naman nakakatext ko rin ngayon si Billy.

Inubos ko ang oras ko sa Youtube at panonood ng K-drama at movies.

Palagi rin akong sinasabihan ni Billy na siya na lang daw ang iboyfriend ko.

Kainis, ang adik niya!    >.<  

Sa totoo lang, wala ka nang hahanapin pa kay Billy. Pogi na, super bait pa. Lalo pa kaming naging close dahil nga sa lagi kaming magkatext at magkausap sa phone.

+++++++++++++++

Nung pasukan, kami agad ni Billy ang magkasama. Magkasabay sa pagkain at pag-uwi.

Masaya naman talaga siyang kasama pero friends pa lang kami. Ewan ko, pero parang medyo nahuhulog na ang loob ko sa kanya or guni-guni ko lang yun?

Hindi ko alam eh.   >.<  

Iba pa rin kasi yung naramdaman (or still, nararamdaman?) ko kay Chester kesa sa nafi-feel ko kay Billy ngayon.

Hay naku, normal na talaga ako ngayon. Magulo na naman kasi ako eh.

+++++++++++++++++++

One morning, lumabas ako para mag-jogging. Sa bahay ni Dex ako natulog nung nakaraang gabi. May malapit na park sa kanila so dun ako nagpunta.

Sakto, makulimlim ang panahon. Bukod sa maaga pa ay marami ding ulap na nakatakip sa langit.

Mabagal akong tumatakbo habang nakikinig ng music sa earphones ko. May nag-overtake sakin.

Yabang, ang bilis tumakbo.   =_____=  

Bigla itong humarap sakin.

0______o  

Si Billy pala. Ang lapad ng ngiti nito.

"Ang bagal mo.." nadinig kong sabi niya.

-__________-  

Deadma.   xD  

Patuloy lang ako sa pagtakbo nang mabagal. Kinuha ko yung cellphone ko at inadjust yung volume ng music pababa.

"'Pag naunahan mo ako hanggang sa park entrance, bibigyan kita ng isang wish." nakangiti pa din ito habang sinasabi iyon.

Wow isang wish daw!  ^______^  

"Pero 'pag ako ang nanalo, you'll grant MY WISH."

Amp!

"Game!" at bigla itong tumakbo nang mabilis.

Aba! Sandali lang. Ang daya!   >______<  

Lumalaki ang distance niya sakin so I ran faster. Kelangan ko manalo!  >.<  

Malapit ko na siya abutan so binilisan ko pa.

At naunahan ko na siya..   XD  

Kunwari ay hindi ko siya napansin habang tumatakbo ako. Haha. Binilisan ko pa pero bigla na naman siyang nauna.

Binunggo pa ako! >___<  

Ayt, kakainis! Binilisan ko ulit. Binunggo ko din siya nung inabutan ko.

Belat!   :P  

Malapit na ako sa finish line! Ako pa din nauuna! Haha. Ako mananalo..

Just about 20 meters more.

Amp, pagod na ako!   T______T  

Hindi pala masaya magjogging, kakapagod. Mabuti pang matulog hanggang tanghali. Lol.

Tapos overtake na naman siya! >____<  

Ayt, ang duga talaga neto! At siya na nga ang nauna sa park entrance!

Napahinto ako sa sobrang hingal. Grabe kapagod talaga! Kasalanan niya 'to!

"I won.." nadinig kong sabi niya.

Tiningnan ko siya ng matalim.

"Hindi naman ako pumayag ah!" sigaw ko habang hinihingal pa din.

"Hindi daw. Weh… Now let's talk about my wish."

Ayt!

"Wish mo mukha mo!"  >.<  

"I wish, ako na ang magiging fly swatter mo starting today."

Napakunot ang noo ko.

"Yup, si Chester ang blowfly."

Ang gulo…   =________=  

"Nani?"

"Lagi kita babantayan para hindi sayo makalapit si Chester."

O__O  

"I promise, I'll help you forget that jerk."

++++++++++++++++

TO BE CONTINUED...

Author's Note: Hi! May nagbabasa pa po ba? Please please, paramdam naman kayo sakin lol. If you like my story, vote, put a star, post a review and leave comments. All comments and feedback are welcome and appreciated. Thank you!!

avataravatar
Next chapter