15 Chapter 15: My Fly Swatter.

Naka tambay ako sa rooftop at nag-eemote.

"Kumusta na kaya sila Miley at Taylor?"

"Kumusta na kaya ang apartment?"

"Kumusta na kaya yung mga stars?"

"Kumusta na kaya…"

"Kumusta na kaya siya?.."

Umiiyak na naman ako..

"Tanga pala talaga ako.."

"Sinira ko ang lahat.."

At sigurado akong wala na akong magagawa para maibalik yung dati.

Ang sakit isipin na mahal ko siya at siguro ay mahal pa rin niya ako pero dahil sa sobrang engot ko, ay wala na ngayong pag-asa na maging kami ulit.

"All I wanna do is find a way back into love.."

Narinig ko na sumara yung pinto.

O.O  

Napabangon ako bigla. Akala ko ay ako lang ang tao dito.    >.<  

Ayt, sino kaya yun? Narinig niya ako na nagsasalita mag-isa.   T.T  

At umiiyak pa..

++++++++++++++++

Malapit na nga pala mag Christmas.  ^.^

It's my favorite time of the year. I love this season. Hehe. Medyo lumalamig na at may Christmas decors na sa lahat ng sulok ng campus.

Anyways, lagi pa rin nagtetext sakin si Pogi slash Mr. Yabang.

Lagi na lang siyang may good morning or afternoon or evening.

Haay, nakakainis na nga eh. Ayaw pa rin niyang umamin kung sino ba talaga siya. Hindi ko talaga maisip kung sino siya. Hindi ko na lang siya nireplyan nang mga tatlong araw.

Pogi :  Momo, txt nman jan oh. Miss na kita.

Grrrr.. Hindi ko talaga malaman kung ano ang trip ng isang 'to.

Momo: Sino kba kasi tlaga ha? Bakit ayaw mong sbihin ang name mo? Cguro may kslanan ka sakin no?!

Pogi :   Hehe. Buti nman nagreply ka na. Sorry ha.

Momo:  Sorry saan? May kslanan ka tlga sakin?! Wlangya ka, ano un ha!! sbihin mo na!

Pogi :  Oo, may kslanan nga ako sau. Sorry.

What the hell? Sino ka?! Mababaliw na ako.

Momo:  Tawag ka nga.

Matagal siyang hindi nagreply.

Maya-maya ay narinig ko na ang pag-ring ng cellphone ko.

"Hello." Inintay kong magsalita ang nasa kabilang linya pero wala akong narinig.

"Hello. Sino ka ba ha?" Hindi pa rin ito nagsalita. Unti-unti akong nainis.

"Bakit ayaw mong magsalita? Tatawag-tawag ka diyan, pipi ka naman pala. Sayang lang ang load mo."

No response pa din! Grrrr. Nakaka-asar talaga!    >.<  

"Kung hindi ka magsasalita, magtext ka na lang!"

Narinig kong nagbuntong-hininga ang nasa kabilang linya bago tinapos ang tawag.

Kakaibang kaba ang naramdaman ko nang madinig ko iyon.

"Sino naman ang kalaban mo diyan?" tanong ni Dex bakla sakin. Ang lakas talaga ng pandinig. Sampu yata ang eardrums neto eh.  +_____+  

"Wala." sagot ko na lang.

"Eh ano naman ang ipinaglalaban mo?"

Hindi na lang ako sumagot, pinagti-tripan na naman ako ng bakla.

Naiinis talaga ako sa Mr. Yabang na 'yan. May kasalanan daw siya sakin?

Wala naman akong maisip na ibang may kasalanan sakin bukod kay Kim at Billy.

Syempre hindi na ako ite-text ni Billy nang ganun kasi magkatext naman talaga kami.

Si Kim siguro yung Pogi na 'yun! Pogi ah! Lol. xD  

Pero malamang din na hindi si Kim si Pogi.

Eh sino?! Isa na lang ang naiisip kong may kasalanan sakin.

Malaking kasalanan.

Napakalaking kasalanan.

Si Chester.   T.T  

Siya ba ang may kasalanan sakin? Or ako? Hype na yan. Hindi ko na alam.

Pero imposibleng i-text pa ako ng mokong na 'yun pagkatapos ng ginawa ko sa kanya. Matindi siguro ang galit sakin nun ngayon.

Haay, Pogi slash Mr. Yabang, dagdag ka pa ngayon sa mga problema ko.

++++++++++++++

Naging busy kami nila Dex at Billy nang dahil sa dance concert kahit na malayu-layo pa naman ang date ng performance namin.

Oo nga pala, kasama din sa dance concert si Kim pero hindi ko siya pinapansin kahit na may dance number na kami ang magkatapat sa blocking.

Si Billy lang ang lagi niyang kausap tuwing practice namin. Hindi rin naman ako pinapansin ni Kim. Siguro ay dahil narealize na niya na hindi nakabuti para sa aming dalawa ang mga ginawa niya noon.

Bitch.

"Kim just made you the campus sweetheart best." sabi ni Dex sakin.

Napakunot ang noo ko.

"Everyone looks at you at a new perspective. They know who's the worthless bitch. Kim."

That must be true. I got everyone's sympathy. They all want to be friends with me now.

That thought made my mood better.

++++++++++++

Today's dose:

Simple things is what my heart beats for. I don't ask for much, having you is enough..

Then there's just only one capsule left.

Nagkayayaan na mag-house party ang dance troupe. Birthday kasi ng isang member. Siyempre kasama ako haha.

I want to get drunk tonight.   :p  

Ayun, sa bahay nila Billy kami nagpunta. Parang namiss ko tuloy si Iveler.

Kumusta na kaya 'yun ngayon? Hindi kami masyadong nakakapagchat lately. Ang daming sumama sa party. Nag-invite kasi yung iba ng friends nila.

Ayun, ang gulo na naman namin. Kanya-kanya ng business. Minsan ay nagsasayaw ang lahat sa gitna. Sa living room kami nakapuwesto.

Enjoy naman ako kasi madaming beer. Lol. Si Dex naman ay puro pagkain ang binabanatan. Matakaw talaga.

I need this.. Para naman mawala muna lahat ng iniisip ko. Feeling ko kelangan ko na lumaklak ng isang box na StressTabs.

Nakikibond ako sa lahat at marami din akong nakilalang bagong kaibigan. Si Billy naman ay sobrang busy sa pag-aasikaso sa mga kasama namin.

Tuloy tuloy lang ang kasiyahan. Parang lasing na yung iba. Yung may birthday, tulog agad. Haha.

At may mga naghahalikan na!  +___+  

Lalong umingay. At kung saan-saan na nakakarating ang mga adik. Ang laki naman kasi nitong bahay.

Si Billy naman ay nakapagpahinga na at kasali na sa inuman at kuwentuhan.

Biglang dumating si Chester. May dala pa itong dalawang bote ng alak. Iwas tingin ako pero naupo ito sa gawing kanan ko.

Si Billy naman sa kaliwa. Napatingin ako sa kanya. Siguro nakita niya na puzzled, uncomfortable ako. Nginitian niya lang ako at simpleng nod.

Waaah! Eh ano bang gagawin ko ha?!  >.<  

Ibinigay ni Chester yung isang bote ng alak kay Billy. Ang isa naman ay binuksan niya.

Nagtititigan ang dalawa, parang wala ako sa gitna nila.

Hello!!!!    >.<  

Nakita kong nilagyan ni Chester ng alak ang baso ni Billy.

Uh-oh.

Binuksan din ni Billy yung isang bote at nilagyan din ng alak ang baso ni Chester.

Naku.    T.T  

Eh, bakit ganun ang mga nangyayari?

Ininom nila parehas yung mga nasa baso nila. Tapos, nilagyan ulit nila ng alak yung baso nila. Si Billy ang nagsasalin sa baso ni Chester and vice versa.

Nakahalata yung mga kasama namin sa table. Umalis sila at nag set up ng isa pang table para sa kanila.

Huhu, ano ba'ng nangyayari?  T.T  

Silang dalawa lang ang nagkakaintindihan. Parang nag uusap sila sa paraang hindi ko alam kung paano. This is driving me nuts.

Ako > clueless of what's going on.

Parang gusto ko na din sumama sa kabilang table.

Hinawakan ako ni Billy sa braso. Napansin niya siguro na hindi ako komportable sa kanilang dalawa.

Nagpatuloy sila sa pag inom hanggang sa maging tig kalahati na ang dalawang bote ng alak. Dito nagsimulang mag-usap ang dalawa.

"Why are you getting in the way between us two?" tanong ni Chester kay Billy.

"Why don't you just give it up? He doesn't want you around anymore." sabi naman ni Billy.

Lasing na yata sila.   T.T

"I can't, he was the one who kept me going when we were together."

Tapos natahimik sila parehas.

….

….

"Hanga ako sa mga ginagawa mo para kay Momo." sabi ni Chester habang nakatingin sa basong hawak.

Napangisi lang si Billy. Napayuko na lang ako. Umiinom pa din ako pero hindi ko sinasabayan ang dalawang ito. Beer lang yung sakin.

Shot na naman silang dalawa.

Inuman contest ba ito?!!    >.<  

Patuloy nila akong pinag-usapan, na parang wala ako sa gitna nila!

Hello guys, nandito po ako! Pwede bang iba na lang pag-usapan niyo?!!!

Tagay ulit.

"Why didn't I do the same thing when we were together?" sabi na naman ni Chester.

Bahala kayo mag-usap diyan!!! Naiiyak na ako.

"Sana hindi siya nawala sakin.."

Nahihirapan akong huminga sa mga naririnig ko. Malapit na nila maubos yung tig-isang bote nila.

"Itigil n'yo na nga 'yang inuman na 'yan!!" sigaw ko sa dalawa.

Tumingin silang dalawa sakin.

"Uh.. Wala, wala!! Sige ituloy n'yo lang. Hehe.."   =_____=  

…..

*kroo kroo kroo…

….

"I want to stay away from Momo pero nahihirapan ako." sabi na naman ni Chester.

"I know.." sagot ni Billy.

"You know?!" sigaw ko kay Billy.

Pero walang pumansin sakin. +___+  

"Just be gone forever, okay?!!" baling ko kay Chester.

Napainom ako ng kalahating baso na straight.

Stressful!!    >.<

"Hindi siya pwedeng mawala." sabi ni Billy sakin.

Napalingon ako sa mukha niya. Namumungay na ang mga mata nito. Katulad ni Chester.

Lasing na sila.

Waaaaaah!!!!

Ano'ng sabi ni Billy?

"Hindi siya pwedeng mawala.. Remember, siya yung blowfly."

"Huh?"

Naapektohan na ng alak ang pagsasalita ni Billy. Ang bagal niya magsalita.  >.<  

"Siya yung blowfly. Ako naman ang fly swatter mo.."

Parang maiiyak si Billy habang nagsasalita. Nakatingin siya sa mga mata ko.

Wait lang, ano bang sasabihin mo? Teka, parang ayaw ko madinig.

"'P-pag nawala siya," kinuha nito yung alak, nagsalin sa sariling baso at ininom.

Inakbayan niya ako pero sapat and distance para magkatinginan pa rin kami.

"'Pag nawala siya, hindi mo na ako kailangan…"

++++++++++++++++

TO BE CONTINUED...

AUTHOR'S NOTE: Add niyo na lang ako sa facebook lol. 😂 😂 😂

Facebook Name: Momo NM

Thank you! 😘😘😘

avataravatar
Next chapter