23 Chapter 20

Maureen's POV:

"I love you.. I love you baby.." muling sabi nito sa akin. Daretso ang tingin sa mga mata ko at may bahid ng ngiti sa mga labi nya.

Hindi ko magawang sagutin ang sinabi nito dahil sa pagkabiglang naramdaman ko. Alam kong nasabi nya na sakin yan kanina at naintindihan ko naman pero iba pa rin pala talaga kapag narinig mo na mula sa bibig nya. Nakakagulat ng sobra to the point na hindi ko na  halos maramdaman ang sarili ko at hindi ko magawang makahinga ng ayos. Kinakapos ako ng hininga at hindi ko magawang ibuka ang bibig ko.

Nakangiti sya ng malawak sa akin habang ako ay hindi pa rin makapaniwalang nakatingin sa kanya. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko sa kanya. Hindi ko alam kung anong isasagot ko sa sinabi nya. Ni hindi ko alam kung anong dapat na maging reaksyon ko sa sinabi nya. Pilit kong pinapakiramdaman ang sarili ko. Inaanalam kung ano ba talagang nararamdaman ko tungkol sa sinabi nya. 

Kakaiba ang pakiramdam ko. Para akong nakahinga ng maluwang at nawala yung kabang nararamdaman ko. Mas lalong gumaan ang pakiramdam ko ng marinig ko ang mga salitang yon sa kanya. Nakakapanibago. Dahil ngayon ko lang naramdaman ang bagay na ito. Ngayon lang gumaan ang pakiramdam ko ng ganito dahil lang sa tatlong salita. Nawala ang bigat na kanina ko pa dinadala habnag kausap ko sila mommy. Nawala lahat ng dahil sa kanya.

"Reen.." tawag pansin nito sa akin. Hindi ko nagawang mag react sa pagtawag nyang iyon sa akin  dahil abala pa rin sa paglalakbay ang isip ko. Titig na titig sa mga mata nya na may bahid ng mga ngiti.

"Reen.. baby.." muli nitong tawag sa akin. Nawala ang ngiti nito sa mga labi saka ako hinawakan sa magkabilang braso ko at pilit akong inilayo sa stove na nasa likod ko. Nagtataka ko syang hinarap at doon ko lang napagtanto na nasusunog na ang niluluto ko. 

Natataranta nyang pinatay ang stove at mabilis na binuhusan ng tubig ang kawali. Ng masigurong hind na iyon umaapoy ay inilagay nya na iyon sa lababo at saka napabuntong hininga na humarap sa akin. Mabilis nya akong nginitian at saka ako muling nilapitan at pinatalikod. Nang wala syang makitang kung ano sa likod ko ay muli lang nya akong iniharap sa kanya.

"Buti okay ka.. akala ko nasusunog na rin ang damit mo ehh hahaha.." natatawang sabi nito. 

Nagtataka man ay natawa na lang ako sa sinabi nya at saka lumapit dito. Niyakap ko sya sa bewang nya at saka nakangiting tiningnan sya sa mga mata nya. Tinawanan ako nito at saka gumanti ng yakap sa akin. Binalingan ko ng tingin ang kaninang pinaglulutuan ko at muling natawa ng makita ang kinahinatnan non. Sunog ang niluluto ko at naubos ang laman nito. 

"Wala na akong mahahain para kila mommy.. anong gagawin ko??" natatawang tanong ko dito. Tinawanan lang din ako nito at ginawaran ng isang mabilis na halik saka ito humiwalay sa akin at sya ang pumalit sa pwesto ko kanina sa harap ng stove.

Mabilis itong kumilos sa maliit na espasyong iyon ng kusina ko. Naghanda ng iba't ibang ingredients at saka nagsimula ng magluto sa panibagong kawali. Nagisa ito sa mainit na mantika at nagpakulo na mainit na tubig sa hiwalay na kasirola.

Nanatili akong nakatayo sa likod nya. Walang ginagawa para tulungan sya. Pinapanood lang syang magluto. Mabilis ang galaw nya sa kusina. Mabilis ang kamay nya at nagagawa nya ng maayos ang mga susunod na dapat nyang gawin na parang isang ekspertong chef sa sarili nyang kusina.

Ang ganda nyang panoorin. Hindi nya alintana ang init na nanggagaling sa stove at nakangiti pero seryoso ang mukhang inaabala ang sarili sa pagluluto. Para syang isang mahusay na mananayaw na isisinayaw ang sariling katawan sa ritmo na isang malanding awitin. Ang ganda. Nakaka in love.

'Nakaka in love... Kahit matagal na akong in love sa kanya.'

Natawa na lang ako sa sarili kong naisip at saka nailing na naglakad palapit sa kanya para tulungan sya.

MABILIS KAMING na tapos sa pagluluto kaya naman magkatulong naming inihanda sa hapag ang pagkaing iniluto namin. Naagaw namin ang atensyon ng pamilya ko na busy sa pagtingin tingin sa mga frame na naka display sa estante na malapit sa sala ko.

Nakangiti nila kami sinalubong at saka sila tumulong sa pag aayos ng mga pagkain na dala namin sa hapag. Saka sila nagkanya kanya ng upo. Mabuti na lang at pang isang pamilya ang set up ng mesa ko dahil mas madalas pa sa minsan na sa unit ko na tambay ang mga kaibigan ko.

Naupo kami sa harap ng mga ito. Nakangiti pa rin silang naka tingin sa akin kaya naman ngitian ko din sila pabalik. Naramdaman ko ang panginginig at ang tensyon sa katabi ko kaya naman agad ko syang binalingan ng tingin. Natatawang hinawakan ko ang kamay nitong nasa ilalim ng mesa at saka sya nginitian ng lumingon ito sa akin. Ramdam na ramdam ko ang panginginig ng kamay nito at pawisan din ito.

"Sya ba ang nobyo mo iha?? Napaka gwapo naman pala ehh. Ang galing mo talagang pumili. Para ako lang.. Diba hon??" natutuwang sabi ni mommy sa akin at saka natatawang binalingan ng tingin si daddy na sya namang natatawang tinanguan ni daddy.

Muli kong binalingan ng tingin si Astral na nakayuko pa rin at at nanginginig ang kamay. Marahan kong pinisil ang palad nitong hawak ko na syang nagpaangat ng tingi nito sa akin. Nginitian ko sya ng matamis at saka sya tinanguan. Tumango din ito saka dahan dahang nag angat ng tingin para makita ang pamilya ko.

"Go-good.. good morning po.. ma'am.. at.. at sir." utal utal na bati nito sa mga magulang ko. Mahinang natawa sa kanya ang sila mommy at syang ikinatigil nya. May pangamba sa mga mata nya akong nilingon at tinanong ako kung may mali sa sinabi nya dahil natawa sila mommy.

Maski ako ay natawa sa kanya at saka muling pinisil ang kamay nya. Inilingan ko sya at saka muling binalingan ang parents ko na nakangiting nakatingin lang sa aming dalawa. Nginitian ko ito pabalik at ako na ang nagpakilala dito.

"Mom.. Dad.. Kuya.. This is Astral. My boyfriend. Astral, sila ang parents at kuya ko. Si kuya Maison, mommy Maundy at daddy Rex." pakilala ko dito. Tumayo si daddy at inilahad dito ang kamay nya at ganon din ang ginawa ni mommy.

Binalingan ko si Astral. Kinakabahan ang paraan ng pagtingin nito sa akin at nagsisimula na ring pagpawisan ang mukha kaya naman mabilis kong inilabas ang panyo sa bulsa ko saka ko pinahiran ang pawis nya. Nginitian ko sya at saka tinanguan. Tumango sya pabalik at saka magalang na tumayo at kahit nanginginig ang mga braso ay inabot nya ang nakalahad na kamay ng mga magulang ko.

"Ma-magan-magandang umaga po.. sir at ma'am. A-ako nga po pala.. si Astral. Boy- boyfriend po ni Maureen." nauutal pa rin nitong sabi sa mga magulang ko. Nakangiti syang tinanguan ng mga magulang at saka sila muling naupo.

Nakangiti nya akong binalingan ng tingin kaya naman nakangiti ko rin syang tinanguan.

Sa unang pagkakataon ay napuno ng ingay ang hapag kainan dito sa unit ko.. na ang pamilya ko ang dahilan. Masaya. Ang saya saya sa pakiramdam na ganito ang kinahinatnan ng pamilya ko. Hindi ako nagsisisi na binigyan ko ng pagkakataon ang sarili ko na pakinggan sila. At sobrang saya ko sa naging resulta ng lahat ng sakit na naramdaman ko noon.

"MAG IINGAT po kayo sa pag uwi. Bibisitahin ko na lang po kayo sa bahay ninyo sa susunod na araw. May trabaho pa po kasi ako bukas." nakangiti kong paalam sa kanila na sya rin naman nilang tinanguan. Niyakap ako ng mga ito at saka sila sumakay ng kotse ni kuya.

Kumaway ako sa papalayong bulto ng sasakyan nila. Ng mawala na sila sa paningin ko ay saka ko binalingan ng tingin ang kanina pa nakangiting si Astral. Nakangiti ito ng malawak sa akin at may kakaibang emosyong sumasayaw sa mga mata nya.

"You look so happy?? Why is that??" nakangiting tanong ko dito. Hinawakan nito ang kamay ko at saka kami sabay na naglakad palapit sa elevator.

Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko at gumanti ako sa ginagawa nitong pagpisil pisil sa palad ko. Nakangiti itong nakatingin sa pinto ng elevator habang pasimpleng pinipisil pabalik ang mga palad ko.

Nakakapanibago ang ganitong mga scenario sa akin lalo na at matagal tagal din simula noong umiwas ako sa mga lalaki. Sa sobrang takot ko na maulit ang mga nangyari sa akin sa nakaraan, nagawa kong gawing bato ang puso ko para sa mga lalaki. Sa sobrang takot ko noon, hindi ko na hinayaan pang may makapasok pa ulit na lalaki sa buhay ko.

Kaya hindi pa rin ako sanay sa mga ganitong bagay. Hindi naman kami ganito kalapit ng ex ko. We always fight at each other. Pero hindi naman ganong kalaking away dahil nagagawa pa rin naman naming pagtawanan yon pagkatapos ng isang buong araw na walang pansinan. We're like cat and dog. Ganon kami kalala noon.

Wala sa sariling napatingin ako sa kanya at samu't saring tanong ang biglang pumasok sa isip ko.

'Anong gagawin mo para mapatunayan mong akin ka lang talaga at hindi ka maagaw ng iba katulad ng nangyari noon?? Anong gagawin mo para hindi na mangyari ang mga nangyari noon?? Anong gagawin mo para sa akin??'

Alam kong hindi tama na pinagdududahan ko ang pagmamahal nya sa akin lalo na at ganon din ang nararamdaman ko sa kanya. Pero natatakot lang ako. Natatakot ako na baka pareho lang sila ng ex ko. Natatakot ako na baka gawin nya din sa akin ang ginawa sa akin ng ex ko. Natatakot ako na samantalahin nya ang pagmamahal ko sa kanya.

"Are you okay??Why are you crying baby?? Is their something wrong??" nag aalala nitong tanong sa akin habang patuloy na pinupunasan ang mga luhang dumadaloy sa mukha ko. Niyakap ako nito at saka hinagod ang likod ko tanda ng pagpapatahan nito sa akin.

"Shh.. stop crying. Shh.. I'm here.. I'm here.. shh.." paulit ulit na pag aalo nito sa akin habang yakap yakap ako at patuloy na hinahagod ang likod ko.

Hindi ko alam kung anong kagagagahan ang pinag iisip ko para pagdudahan sya. Mali ako. Mali ako sa bagay na yon. Hindi dapat.

Mahal ko sya. Mahal ko si Astral. Mahal ko sya. Mahal ko sya. Mahal ko sya. Mahal ko si Astral.

"What's the problem baby?? Why are you crying?? Tell it to me baby.. come on." pangungulit nito ng bumitaw ito ng yakap sa akin. Daretso ang tingin nito sa mga mata ko habang hawak ang dalawang pisngi ko at patuloy na pinupunasan ang mukha ko.

Ngumiti ako dito ng makita ang sobrang pag aalala nya. Mahina akong natawa ng biglang umangat ang kanang kilay nito at saka nagtatakang tingin ang ibinaling sa akin. Natatawa ko syang inilingan at saka sinunggaban ng halik sa labi. It's just a peck kiss on his lips. Pero grabe yung reaksyon sa mukha nya. Hindi ko alam kung matatawa ba ako o maiinis sa reaksyon nya. Like what the heck??

"Wh- what the.." hindi makapaniwalang sabi nito. Natatawang iniwan ko ito sa loob ng elevator at nauna ng pumasok sa sarili kong unit.

Natatawa habang naiilang akong naglakad papasok sa kwarto ko at padapang nahiga doon.

Sa wakas, tapos na. Wala na. Tapos na ang lahat ng problemang matagal ko ng dinadala. Wala na. Wala na ang sakit na matagal ko ng tinitiis sa buong buhay ko. Tapos na talaga.

At hindi ko inaakalang madadagdagan pa ng isa ang mga taong mahal ko. Hindi ko inakalang madadagdagan sila ng isa. Napalitan na ang walangyang lalaking yon. Just kidding hahaha.

Hindi na ako nabigla ng biglang bumukas ang pinto ng kwarto ko sabay hila nito sa braso ko patayo. Naniningkit ang mga mata nitong nakatingin sa akin habang ako ay matamis lang na nakangiti sa kanya. Bigla ako nitong siniil ng halik na agad ko namang tinugon pabalik. Hindi na ako nagreklamo pa ng palalimin nito ang halik na pinagsasaluhan naming dalawa.

A new chapter of my life with the most precious person I have.

avataravatar