webnovel

Prologue: Simula

Hingal na hingal ako habang inaabot ang huling tren na aking sasakyan papunta sa paaralan. Kung ginising lang kasi ako ni Papa ng maaga edi sana, hmp-ay hindi! Kung hindi lang sana ako sumama sa mga kaibigan kong sira. Edi sana hindi na ako malalate ngayon.

Hinawakan ko ang strap ng bag kong nahuhulog na sa balikat ko. Medyo hassle pa kasi itong sapatos kong may takong. Kaylangan ko ding mag-ingat dahil makikita panty dahil sa eski ng palda namin.

Nanlaki ang mata ko at halos mapasigaw ng 'teka!' dahil pasarado na ang pinto ng tren. Mas binilisan ko pa ang takbo at napahiyaw dahil sa biglaan kong pagtalon sa loob ng tren.

Hingal na hingal akong napahawak sa hawakan. Pinagtitinginan ako ng mga tao sa biglaan kong pagtalon kaya tinago ko ang mukha ko sa buhok. Nakakahiya.

Dahan dahan akong naglakad at naupo habang nakatago parin ang mukha sa buhok. Sana naman hindi ako nasilipan dahil sa biglang pagtalon ko diba?

"I like the color" Nanlaki ang mata ko dahil sa biglang pagsasalita ng lalaki na nasa tabi ko. What color? Anong color pinagsasabi niya? Umangat ang tingin ko sa kanya.

Halos masilaw ako dahil sa kagwapuhang taglay niya. Malinis ang pagkakagupit ng buhok niyang kulay gray. Makapal ang eyebrows. Medyo singkit ang mga mata na sobrang itim ng kulay. Matangos ang ilong. Mapula at manipis ang labi. Shit. Ang gwapo! Parang god kakababa lamang sa kaharian niya. Mapapaisip ka talaga kung tao ba ang nasa harapan ko.

Hindi ko namalayan na nakanganga na pala ako habang nakatingin sa kanya. Bagay sa kanya ang sweatshirt na sout niya at ang maong. Sa sobrang papuri ko sa kanya kulang nalang ay lumuhod ako sa harap niya.

"Blue? My favorite color." Mas lalong nanlaki ang mata ko at halos lumuwa na ito. What the fuck!? Autumatikong uminit ang dalawang pisngi ko dahil sa kakahiyan.

Ang gago ko! Bwesit! Ahhh! Nakakahiya!

Mabilis akong tumayo at lumayo sa kanya. Ang gwapo sana pero manyak. Narinig ko ang halakhak niya kaya napatingin ako sa kanya. Pati pagtawa ang gwapo! Geez.

Napansin ko din ang pagturo ng mga babae sa kanya. Ang pagkuha nila ng litrato at ang pag-init ng mukha nila dahil sa gilig. Pero si boy wala man lang paki-alam.

Nanginig ang katawan ko dahil sa nangyari kanina. Siya lang ba nakakita? Argh! Ang tanga ko! Sinabunutan ko ang sarili ko at paulit-ulit na minura. Pinagtitinginan na nga ako ng mga tao dahil sa kabaliwan ko.

Mabilis akong tumayo pagkahinto ng tren at tumakbo palabas. Sana naman wala nang kamalasan ang mangyari sakin ngayon diba?

"Abby!" napalingon ako dahil sa babaeng tumawag sa aking pangalan. Kumaway ako sa kanila habang nakangiti.

Kinalkal ko ang ID ko habang naglalakad sa pwesto nila. Nakalimutan ko palang suotin kanina. Baka sitahin na naman ako ng mas strikto pa sa principal na guard.

"Ampots. San' ko ba nilagay yun'?!" di kaya nakalimutan ko? Argh! Wag naman sana. Ayaw kong umuwi muli. ID! Parang awa mo na magpakita ka sakin.

"Fuck!" napahinto ako sa paglalakad.

OH no.

Huminto ako sa pagkalkal ng bag ko at kinakabahan na inangat ang tingin. I'm died. I'm really died.

Masama ang tingin sa'kin ng lalaki. Dahil sa tangkad nito halos sa langit na ako nakatingin. Napakagat ako ng labi ko.

Sa lahat ng pwedeng banggain bakit siya pa? Bakit si Rehan Lewis pa? Ang kinakatakutan sa school namin dahil sa aura niyang nakakakilabot. Dahil sabi nila isa daw itong gangster. Mukha naman. Dahil may tatlong maiitim siyang earings sa isang tenga. May tattoo siya sa leeg na isang uud—ay ibig kong sabihin isang ahas.

Tumikhim ako saka umatras. Sinubukan kong ngumiti. Kahit mukha ako natatae.

"S-sorry.." kinakabahan kong saad nag peace sign at ngumiti. Pero mas lalo akong nanginig sa takot dahil sa seryoso niyang mukha. Tanggapin mo nalang sorry bakit ganya kapa makatingin!

"Hanggang kaylan mo aapakan sapatos ko?" malamig na saad nito. Napasinghap ako saka napatingin sa paa namin. Mabilis akong tumalon palayo. Eh! Mamahalin pa naman sapatos nito. Ghad! Wala akong pangbayad.

"Sorry! Sorry talaga!" Saad ko habang paulit-ulit na yumuyuko sa kanya. Napatingin ako sa mga kaibigan kong nanonood lamang sa'min. Ang sasama. Hindi man lang ako tulungan.

"Alam mo naman kasing hindi ako nakatingin sa daan sana umiwas ka." bulong ko.

"Ano." mabilis kong tinikom ang bwesit kong bibig. Umangat ang tingin ko sa kanya at ngumiti.

"Wala. Sabi sorry. Sorry talaga. Pwede ko namang labhan sapatos mo." Saad ko. Hindi siya nagsalita. Nakatingin lang siya sa'kin kaya hindi ako mapakali.

Biglang humangin ng malakas kaya kasabay nito ang pagkahulog ng mga dahon sa puno. Sumayaw ang buhok niyang kulay red na medyo may kahabaan. Hindi ko alam kung bakit biglang tumibok ng malakas ang puso ko dahil sa etsura niya ngayon habang humahangin.

Dito sa school siya ang pinakagwapo at habulin ng babae. Kaya playboy ang isang to'.

"Wag na baka sirain mo pa Abby." napanganga ako. He tsked bago lumisan sa harap ko. Alam niya pangalan ko? Alam niya!? Paano? Like what?

Sinundan ko siya ng tingin. Sirain? Talaga lang ha? Anong tingin niya sa'kin di alam maglaba? Psh! Kaya ko naman palitan Yan! Pera lang kulang. Yabang. Psh. Matalisod ka sana!

Inirapan ko siya kahit hindi niya yun makita.

"Abby! Ayus kalang?" tanong ni Danny. Nag-aalala siyang tumingin nakatingin sa'kin. Sinamaan ko sila ng tingin.

"Ayus. Ang babait niyong kaibigan. Salamat sa panonood at sa hindi pagtulong ha. I appreciated it very much" I said sarcastically. Napa-irap pa ako sa kanila.

"Sorry na! You know naman na nakakatakot si Rehan. Geez." Saad ni Tresha. Inakbayan niya ako.

"You look cute kanina." she said and laughed. Sinamaan ko siya ng tingin at binatukan. Napaaray siya dahil sa lakas ng batok ko.

"Ouch ha."

"Buti hindi ka pinarusahan nun'" Sabi ni Elena.

"Kaya. Kala ko mamamatay na ako." Saad ko saka pasimpleng pinunasan ang noo ko. Ho.

"Pero bagay talaga kayo. Ang cute niyo tignan kanina." Saad ni Elena na nagpasimangot sa'kin. Inirapan ko siya.

"Lahat naman bagay sa kanya. Kaya nga lahat pinapatulan niya diba?" Saad ko. Natawa sila.

"May point ka, girl" si Tresha.

"Wag' niyo na nga inaasar si Abby." Saad ni Danny na nasa tabi ko. Sa aming magkakaibigan siya lang ang lalaki sa'min. Siya sana tagapagtanggol namin pero ang duwag niya.

"Selos kalang eh!" pang-aasar ni Elena. Namula agad si Danny kaya natawa ang dalawa. Ako naman ay napa-iling.

"H-hindi ah!"

"Bat' ka nauutal! Umamin kana kasi! Malay mo may chance! Ang torpe mo!" si Elena.

"Ayie. Say it na kasi!" si Tresha.

"A-ano? D-di ko Alam sinasabi niyo ha."

Napa-iling ako dahil sa kanila.

"Let's go na. Pasok na tayo." Aniko.

"Bhie. ID mo?" napatigil ako sa paglalakad. Shocks! Oo nga pala.

"Sige. Mauna na kayo. Hahanapi ko muna sa bag ko." Saad ko saka napakagat ng labi. Ang bobo ko.

"Samahan na kita, Abby." Ani Danny. Umiling ako.

"Wag na." Saad ko. Nagpaalam sila sa'kin bago pumasok sa gate. Mabilis kong hinanap ang ID ko sa bag ko. San naba yun. Kawawa ako nito eh.

"Abigail Dela Reyes?" Huminto ako sa pagkalkal ng bag ko at tumingin sa lalaking tumawag sa pangalan ko. Nalaglag ang panga ko dahil si boy na nasa tren ang nasa harap ko.

Nakangiti ito. Nakakasilaw ang ngiti niya. Ang gwapo gwapo talaga niya. Mukha pang mabait.

"O-oh?" bakit ako nauutal?

"Nice name. This is yours right?" aniya saka binigay ang kanina ko pa hinahanap. Lumaki ang mata ko.

"Ghad! Nahulog ko pala to! Thank you sa pagbalik ha saka pasensiya sa abala." Saad ko saka napakamot sa ulo ko.

"No. It's okay. Dito din naman ako nag-aaral." muling nahulog ang panga ko.

"Ang cute mo naman magulat." Saad niya saka tumawa. Uminit ang pisngi ko at tingin ko talaga sasabog na mukha ko. Alam ko naman cute ako. Bakit kaylangan pa niya kasing sabihin!

"A-ano ba.." Saad ko saka mahinang hinampas ang braso niya. Feeling close lang.

"By the way. I'm Caleb Smith." pagpapakilala niya.

"Nice meeting you Abigail." Saad niya saka ngumiti. Nilahad niya ang palad niya. Tumingin muna ako dito bago tinanggap.

"Abby nalang." Saad ko saka ngumiti.

If there are any grammatical errors, typos or childish writings please bear with me. Kakasimula ko palang pong magsulat and I'm kinda young pa. Thank you for reading. Please vote for this story "Coldness of the Wind"

Who_is_it1creators' thoughts
Next chapter