webnovel

Chapter 1

CHAPTER ONE

Westley, the Water Manipulator

Napapanguso na lamang si Xiyue habang tinitignan ang kabuuan ng Academy na nilipatan n'ya. Hindi nito maintindihan kung paanong sa isang iglap, napunta s'ya sa isang malaking paaralan. Tila isang panaginip lamang ito para kay Xiyue.

At sa sobrang bilis ng mga pangyayari, hindi na nito nagawa pang mag-research tungkol sa school na lilipatan n'ya.

Pagpasok pa lamang ni Xiyue sa entrance ng School ay namangha na agad ito. Sobrang lawak kasi ng sakop ng paaralan, siguro kung ikukumpara sa paaralan n'ya noon ay 15x ang laki ng City Academy.

Well, ano pa bang inaasahan ko?

"Lady Xiyue, Pinapatawag na po kayo." Napatingin s'ya sa tumawag sa kan'yang pangalan.

Agad s'yang napangiwi dahil sa dinagdag sa kan'yang pangalan.

Lady? Ano ako, mayaman?

Tumango na lamang si Xiyue sa Babae na nagngangalang Clea at sumunod sa kan'ya na naunang maglakad.

Hindi mapigilan ni Xiyue ang mapahanga dahul sa mga nakikita nito. Malalaki ang building na nakatayo, at marami ring puno na nasa gilid ng kalsada.

Umakyat sila sa isang foot bridge. Kaya mula sa nilalakaran nila ngayon ay kita ang mga kotseng ang bibilis magpatakbo, at mga taong naglalakad sa gilid ng kalsada na tila walang problemang kinakaharap.

Napapangiti na lamang si Xiyue habang pinagmamasdan ang mga ito.

Nagtatawanan ang mga tao na tila wala ng bukas na darating. May iba namang may kanya-kanyang mundo na tila walang pakealam sa nakapaligid sa kanila.

"Pumasok na po kayo, Lady Xiyue." Ngumiti ito kay Clea noong pinagbuksan s'ya nito ng malaking pintuan.

Agad s'yang naglakad papasok at halos malaglag ang panga ni Xiyue sa nakita. Sobrang lawak nito. Mataas ang kisame at ang bubong nito ay salamin, dahilan kung bakit naging sobrang liwanag ng buong kuwarto.

Marami rin ang libro sa kwartong iyon. Naisip tuloy ni Xiyue na gusto na lamang n'ya ang magbasa at h'wag nalang mag-aral. At tingin nito ay mas marami s'yang matututunan kapag nabasa nito ang lahat ng librong nandito.

"Xiyue Sy. Magandang araw sa iyo, ikinalulugod ko ang iyong pagdating sa City Academy. Halika't maupo ka," Napapitlag si Xiyue nang makarinig ito ng boses.

Nilibot n'ya ang kan'yang paningin at nakita ang isang nasa 30's na babae na kilala sa tawag na Maestra. May hawak itong libro at bumababa sa hagdan na hindi nakikita ni Xiyue.

Saan naman ito bumababa? Wala ngang hagdan akong makita. Weird.

'Yan ang naging reaksyon ni Xiyue noong makita si Maestra na bumaba sa invisible na hagdan.

"Magandang araw rin po." Bati ni Xiyue kahit nawi-wirduhan ito at na-upo sa isang upuan na nasa harapan ng table ni Maestra.

Hinarap ni Xiyue si Maestra ng buong katawan nito pero nagtaka lamang si Xiyue nang hindi na n'ya ito nakita pa sa kinaroroonan nito kanina.

Teka, nandito lang yung babae kanina. Bakit biglang nawala?

"Dito, Xiyue." Napatingin si Xiyue sa kan'yang harapan at halos manlaki ang mata nito nang makita n'ya si Maestra na naka-upo na sa table at kaharap na n'ya ito.

Anong---?! Paanong nangyari iyon?

Napaawang ang bibig ni Xiyue at nagpa-balik balik ng tingin sa kay Maestra nasa harapan n'ya at sa direksyon kung saan n'ya unang nakitang may hawak na libro si Maestra. Napalunok si Xiyue bago humarap kay Maestra.

"P-Paanong--?"

"Pasensya na kung natakot kita, ijah. Ang nakita mo kanina, hindi ako 'yon." Nakangiti nitong saad kay Xiyue na talaga namang ikinalaglag ng panga nito.

Kung hindi s'ya iyon,sino? At paanong nawala na lamang ng bigla ang babaeng kamukha n'ya na tila isang bula?

Napuno ng tanong ang isipan ni Xiyue na agad namang nasagot ni Maestra.

"Ang nakita mo ay hologram lamang." Nakangiti parin nitong dugtong. Doon lamang nakahinga si Xiyueng maluwag.

Napahawak na lamang si Xiyue sa kan'yan dibdib.

"Akala ko po, minumulto na ako." Napapakamot sa ulo nitong sagot kay Maestra na bahagya nitong ikinatawa. Napangiti na lamang si Xiyue sa nakikita n'ya ngayon.

Mukhang masaya s'ya. Ah, Ewan.

"Ehem. Gusto ko lang po sanang itanong kung may tuition po ba dito? Kasi po ang laki ng school, at mukhang high tech pa!" Namomroblemang tanong ni Xiyue kay Maestra na ngayon ay pinagsalikop na ang parehong palad sa lamesa.

Seryoso na ito ngayon, hindi na makikitaan ng kahit anong emosyon ang mga mata na tila pinipigilan ang kahit sino na basahin ang nasa isipan nito.

"Ang Tuition ba, kamo? Limang daang libo kada buwan ang kailangan mong bayaran." Nalaglag ang panga ni Xiyue sa halaga ng Tuition fee na kailangan n'yang bayaran buwan buwan.

Limang daang libo?! Eh isang libo pa nga lang, namumulubi na ako. Sa Limang daang libo pa kaya?!

Nanuyo ang lalamunan ni Xiyue at saka pilit na ngumiti. Kumamot ito sa kan'yang batok habang nag-iisip.

Masyadong malaki ang gagastusin ko.

Naghanda na ito sa kan'yang pagtayo. Naisip nito na babalik na lamang s'ya sa ASCS, dahil hindi nito kaya ang sobrang mahal na tuition sa City Academy.

Tatayo na sana ito ngunit muling nagsalita si Maestra.

"Ngunit, kung papayag kang gawin ang isang bagay na sasabihin ko sayo, ni singko wala kang babayaran." Nangunot naman ang noo ni Xiyue sa sinabi ni Maestra.

Ngumiti si Maestra noong makita ang reaksyon ni Xiyue. Natigilan kasi ito at mukhang nag-isip.

Come on, accept it.

Napalunok si Xiyue sa trabahong pumasok sa isipan nito. Napahawak s'ya sa kan'yang mga palad at pinaglaruan ang mga daliri n'ya. Tumingin ito kay Maestra at kinagat ang pang-ibabang labi.

"Magiging Prostitute po ba ako, kung ganon? O criminal?" Napataas ang kilay ni Maestra dahil sa tanong ni Xiyue sa kan'ya.

Agad nakitaan ng pagka-gulat si Maestra samantalang kinakabahan si Xiyue sa magiging sagot nito.

Hindi nagtagal ang pagka-gulat ni Maestra at agad na napalitan ng napaka-lakas na pagtawa. Napatigil si Xiyue.

Parang ang saya naman nitong matandang babaeng 'to, ano?

"Ijah, hindi ko alam na joker ka pala." Napangiwi si Xiyue sa sinabi nito sa kan'ya.

Mukha ba akong nagjo-joke dito?

"Hindi ako nag-bibigay ng mga ilegal na gawain." Napanguso si Xiyue, naramdaman nito ang pag-init ng mukha n'ya dahil sa pagkahiya.

"A-Ah. Pasensya na po kayo. Masyado lang pong malawak ang imaginations ko. Pasensya na po." Yumuko si Xiyue bilang paghingi ng tawad. Napapapikit na lamang ito at gusto n'yang batukan ang sarili n'ya dahol sa naisip na trabaho na ipapagawa sa kan'ya.

School 'to, Xiyue! Saang lupalop mo naman nakuha na pwedeng maging prostitute sa isang School?

"Ayos lang, ijah. Sa totoo lang, hindi lamang ikaw ang nakapag-sabi ng ganyang trabaho. Bukod sa'yo, meron pang isang dalaga ang nagsabi n'yan." Nakangiting saad ni Maestra na tila nasisiyahan.

Nakahinga naman ng maluwag si Xiyue sa kaalamang hindi lang s'ya ang nag-iisang nakapag-isip ng ganoong trabaho.

"Bago kita tanungin kung nais mo ba na dito na mag-aral, ay bibigyan muna kita ng dalawang araw upang malaman ang mga kahalagahan ng pagsunod sa bawat utos ng Student Council. Paglipas ng dalawang araw ay muli kang babalik dito upang sabihin sa akin ang 'yong naging desisyon." Mahabang pagpapaliwanag ni Maestra.

Napatango naman si Xiyue. Pero nagtataka ito kung bakit puro tagalog lang ang salita ni Maestra? Pero naisip rin ni Xiyue na ayos na rin iyon kesa naman sa purong ingles ang pagsasalita ni Maestra. Baka dumugo lamang ang ilong nito.

"Sige po. Pero saan naman po ako tutuloy sa dalawang araw na 'yon?" Tanong ni Xiyue.

Ngumiti si Maestra kay Xiyue at pumitik sa kan'yang daliri, napalingon si Xiyue sa malaking pintuan nang bumukas iyon at bumungad ang tatlong babae.

Pumasok silang tatlo at nag-bow sa harapan ni Maestra, kahit na nagtataka ay pilit nilang tinago iyon sa kanilang mukha.

What's happening? Transferee  ba 'to? Pero nagsisimula na ang klase!

Nanuyo ang lalamunan ni Xiyue sa nakita na inasta ng tatlong babae. Napapamura na lamang si Xiyue ng wala sa oras at nagtatanong kung ano ba ang katungkulan ni Maestra sa paaralan na ito.

"Anong pong maipag-lilingkod namin sa inyo?" Sabay sabay na tanong ng tatlong babae kay Maestra.

Napalunok si Xiyue.

Ano bang katungkulan n'ya? S'ya ba 'yung may-ari ng school? Bakit hindi ko man lang alam?

Hindi ka naman kasi nag-research. Malamang sa malamang na hindi mo alam kung anong katungkulan n'ya

"Tumayo na kayo ng tuwid. May nais lamang akong ipagawa sa inyo," Sagot ni Maestra sa tatlong babae noong hindi parin tumatayo ng tuwid ang mga ito.

Nagsimulang kabahan si Xiyue noong madako ang mga mata nito sa tatlong babae na tinitignan s'ya mula ulo hanggang paa. Nag-iwas na lamang ng tingin si Xiyue at ibinalik ang mga mata kay Maestra.

"Ito si Xiyue Sy, galing sa ASCS. Kayo na ang bahala sa kan'ya habang mayroon s'yang dalawang araw upang mag-desisyon." Sumagot naman ang tatlo bago tumingin kay Xiyue na nanlalaki na ang mga mata.

Pilit na ngumiti si Xiyue sa kanila at nahihiyang kumaway, ang isa sa tatlong babae ay kumaway at ang iba naman ay ngiti lamang ang ginanti sa kay Xiyue.

"Maaari na kayong magsimula." Tumayo na si Xiyue at binitbit ang kan'yang sling bag bago nagmartsa upang sundan ang tatlong babae palabas ng malaking kwartong iyon.

Nang magsarado ang malaking pintuan ay halos mauntog si Xiyue sa likod ng isa sa tatlong babae na nasa gitna sa kanila nang biglang tumigil ang mga ito. Nagtaas ng tingin si Xiyue ay halos mapaatras noong agad na nakatanggap s'ya ng mahigpit na yakap mula sa tatlo.

"OMG! Ang Ganda mo!" nakatanggap si Xiyue ng kurot mula sa babaeng maikli ang buhok na may manipis na bangs.

Napangiwi na lamang ito dahil masakit habang hinimas himas ang kan'yang pisngi na kinurot ng babae.

"Ako nga pala si Cuin. Tapos ito si Pei at si Hera." Ngumiti ang tatlo kay Xiyue. Napaawang naman ang mga labi ni Xiyue sa sobrang gulat.

'Di nito in-expect na may ganito silang side noong unang makita ni  Xiyue ang tatli. Hindi nito inakala na medyo clingy ang tatlo.

"May alam ka na ba tungkol sa City Academy?" Tanong ni Hera kay Xiyue at sumubo ng kan'yang kinakaing sandwich.

Umiling lamang si Xiyue bilang sagot at muling inilibot ang kan'yang paningin sa buong cafeteria ng Academy.

Masyadong maraming tao ang nandidito. Hindi na nga rin mabilang sa mga daliri ng kamay at paa ang dami ng lamesa at upuan ang nandito. Sobrang daming upuan at lamesa ang nandito sa Cafeteria nila, sobrang lawak din naman kasi kaya okay lang na sobrang dami rin ng estudyante ang nandidito.

"Bukod sa alam kong number 2 ang school na ito sa buong mundo, at sobrang mahal ng tuition fee ay wala na akong ibang alam sa background ng school. Care to tell me?" Binigyan ni Xiyue ng tingin ang tatlo na  napatigil na sa pagkain dahil sa naging sagot ni Xiyue sa tanong ni Hera.

Umangat ang kilay ni Pei, pero agad na napangiti dahil sa inasta ni Xiyue sa kanilang tatlo.

She's special. Alam ko, ramdam ko na mahalaga ang magiging gampanin n'ya dito sa Academy.

Tinanggal na muna ni Pei at ni Cuin ang kanilang mga tanong sa isipan at nag-focus sa kaharap nilang si Xiyue.

"Wala ka talagang alam? As in, kahit ano?" Hindi makapaniwalang tanong ni Cuin na ikinatango na lamang ni Xiyue.

Nagkatinginan ang tatlo na tila nag-uusap gamit ang mga mata ng mga ito. Nangunot naman ang noo ni Xiyue peri hindi na lamang n'ya 'yon pinansin.

Humarap si Hera kay Xiyue na may maamong mukha. Parang namumutla ang kulay nito pero  natural lamang ang kulay n'ya.

"Bibigyan ka namin ng mga ilang background tungkol sa City Academy..." Tumango si Xiyue at saka ngumiti sa tatlo.

Handa na itong makinig. Naisip nito na  kung sa Academy s'yq mag-aaral ay kailangan n'yang pag-aralan at alamin ang background ng Academy.

"Saan ka ba nanggaling at hindi mo man lang alam na ang City Academy ay hindi lamang isang simpleng Academy para sa mga ordinaryong estudyante na gustong mag-aral, kundi isang City na ang mga naninirahan ay mga hindi ordinaryong estudyante." Nagtaka si Xiyue sa sinabi ni Pei.

Ano daw?

Hindi naintindihan masyado ni Xiyue dahil may kabilisan ang pagsasalita ni Pei.

"Okay, let me start. Mukhang wala ka talagang alam sa papasukan mo." Huminga muna si Pei ng malalim at inayos ang buhok bago nagsalita.

Nagtalumbaba naman si Xiyue at seryosong nakinig sa mga sasabihin nila Pei sa kan'ya.

"First of all, gusto kong malaman mo na hindi simpleng tao ang mga nandito. May mga abilities sila na kayang kontrolin ang lahat ng mga bagay sa mundo."

"Second, saang planeta ka ba nanggaling at hindi ka man lang aware na may mga abilities ang mga nandito? For pete's sake! Hindi magiging number 2 spot ang City Academy ng hindi man lang nalalaman ng mga ibang tao ang mga mahahalagang background ng C.A!"

"Third, katulad ng pangalawa. Aware ang lahat ng tao na may nage-exist na mga katulad naming may mga abilities na hindi nagagawa ng simpleng tao lang. Alam ng lahat na may mga nabubuhay na katulad namin hindi lang dito sa C.A kundi kahit sa labas ng C.A ay meron na rin."

"And Fourth. Dahil alam ng tao na may kakayahan ang mga nasa C.A na kontrolin ang kahit na anong bagay sa mundo, marami ang gustong lumipat sa City Academy at dito na lang manirahan. Hindi pumayag si King at ganoon din ang namumuno sa mundo ng  mga mortal kaya parehong naging agresibo ang mga mortal at imortal dahil sa pagpupumilit na makapasok ng mga mortal dito."

Napataas ang kilay ni Xiyue sa tila story-telling ng tatlo sa kan'ya. Napanguso ito.

Ano sa tingin ng mga 'to, maniniwala ako sa mga gawa gawa nila?

"Wala akong time sa biruan, guys. Anyway! Ang ganda ng story. Anong kuwento at sino'ng writer ang sumulat ng story na 'yan?" Parehong laglag ang panga nila Pei sa naging reaksyon ni Xiyue.

Nginisian lamang sila ni Xiyue at saka uminom ng tubig sa kan'yang harapan.

"Grabe. Ang seryoso n'yo kung mag-joke. Muntik na sana akong maniwala,kaso lang kulang pa ang talent n'yo mangumbinse. " Abot tainga ang ginawang ngiti ni Xiyue sa tatlo na lalong ikinalaglag ng panga ng mga ito.

Lihim na napapamura si Pei dahil sa sinabi ni Xiyue sa kanila. Pumikit ito na tila nagpipigil. Pero hindi n'ya kayang pigilan ang inis na nararamdaman.

"Girl, pigilan n'yo ako. Gagawin ko 'tong papel..." Napanguso si Xiyue sa sinabi ni Pei.

Agad naman s'yang pinigilan at hinawakan nila Hera upang pigilan ito sa balak gawin.

"Hindi ka ba talaga naniniwala sa amin?" Hindi makapaniwalang tanong ni Hera kay Xiyue. Umiling lamang ito at tumingin sa cake na kinakain nito.

"Muntik na nga eh. Pero hindi naman ako mahilig magbasa ng fantasy kaya it's a no for me." Seryosong sagot nito.

"Ugh! Hera, pwedeng gamutin mo na lang 'tong babaeng 'to pagtapos ko s'yang sakalin gamit ang Paper Creation ko?" Nanggagalaiti tanong ni Pei kay Hera.

Kumunot naman ang noo ni Xiyue at tumingin sa tatlo.

Ano ba? Kina-career talaga nila ang pagpapanggap ah.

"Fvck it. I can't take it anymore. Westley!" Napatingin si Xiyue sa lalaking lumingon at ngumiti nang tawagin ito ni Pei.

Nang makalapit na si Westley sa apat at nilahad n'ya ang kan'yang palad sa harapan. Napatingin naman si Xiyue doon at hahawakan na sana n'ya nang nakita nito ang hindi nito inaasahang makita sa palad si Westley.

Tubig?

Naisip ni Xiyue na sobra sobra naman 'ata ang pagiging pasmado ni si Westley at sobra sobra na ang pamamasa ng palad nito.

"Ano ka? Pasmado? Nako, ibabad mo 'yan sa maaligamgam na tubig tapos buhusan mo ng asin, mawawala 'yan." Nakangusong saad ni Xiyue kay Westley kaya naman napatawa ito.

Nilahad pa ni Westley  ang isa pa n'yang palad sa harapan ni Xiyue at halos mapatalon ito sa gulat nang biglang may nag-form na bilog sa palad ni Westley.

Napatayo bigla si Xiyue dahilan ng pagka-tumba ng upuan nito. Nanlalaki ang mga mata nitong tinuro ang palad ni Westley habang si Westley naman ay nakataas lamang ang kilay habang naka-ngiti kay Xiyue na tila tuwang tuwa sa reaksyon na pinapakita ni Xiyue.

The F?!

"Ano? Naniniwala ka na?" Napatingin s'ya kay Pei na ngayon ay nakalahad na ang mga palad sa kan'yang harapan katulad nang kay Westley.

Napaatras ito nang makita n'ya na tila sumasabog ang mga papel na may iba't ibang kulay mula sa mga palad ni Pei.

Meron palang ganito? Totoo pala ang mga magic?

•••

Next chapter