1 Simula

Nakatingin lamang sa malayo si Cianel at tanaw ang buong syudad ng Canada.

Kanina lang ay halos hindi na siya makahinga sa kakatawa dahil sa kanilang konting celebrasyon ngunit ngayon lang ay nabalitaan niyang nagkasakit ang kanilang lola Esmeralda at walang namamahala sa kanilang hacienda.

Siya lang naman ang may lakas ng loob na magpatakbo ng kanilang negosyo sa bukid dahil ang mga pinsan niya ay lumaki sa syudad at doon na naninirahan habang siya ay limang taong naninirahan dito sa Canada matapos niyang masaktan sa unang pag- ibig niya.

Hindi niya kasi matanggap na iyon lang ang sasabihin ng binata sa kanya ngunit wala naman siyang magawa dahil hindi niya hawak ang puso ng binata.

"Okay ka lang best?" Sinulyapan niya ang kanyang bestfriend na si Merrie at malungkot na tumango.

"Okay lang. Alam ko naman kasi na nakamove on na ako" ngumiti pa siya ng pilit.

"Nakamove on ka na ba talaga?" Ani nito at tumabi sa kanya.

"Noong umalis ka para makalimutan siya ay halos hindi ka na makatulog sa kakaiyak pero ngayon na nakamove on ka na nga. Bakit parang malungkot ka parin?" Tanong pa nito sa kanya. Napabuntong hininga na lamang si Cianel. Maski siya ay hindi alam ang dahilan ngunit kahit na anong gawin niya ay hindi siya pwedeng hindi umuwi.

"Ikaw ba best uuwi ka kung ito ang sitwasyon mo?" Tanong niya sa kaibigan.

"Kung naka move on na talaga ako ay oo. Babalik ako doon hindi para balikan siya kundi ipakita sa kanya na ito na ako. Na ito na ang babaeng sinaktan niya" napailing na lamang siya sa sinabi ng kaibigan. Kung sana ay may pusong bato siya katulad ng kaibigan ay magagawa niya iyon ngunit pusong mamon ang meron siya kung saan ay kapag nakita niya ang binata ay nanlalambot siya.

"Ewan ko best. Hindi ko alam" naglakad siya papasok ng kwarto at agad na humiga sa kama. Nakatitig lamang siya sa kisame nila at inalala ang lahat.

Ang lahat ng mga nangyari sa kanilang dalawa ni Ellefonso.

"Noon Best ipinagmamalaki mo si Ellefonso pero bakit?" Wika pa ng kaibigan. Hindi niya ito sinagot at nanatiling nakatingin lamang sa kisame.

"Ano ba talaga ang nangyari Best?" Tanong pa ni Merrie sa kanya. Kahit naman kasi magkasama sila dito sa Canada ay hindi nito alam ang totoong nangyari.

Kung bakit isang araw ay umuwi siya ng syudad na umiiyak at nagdesisyon pang tanggapin ang scholarship niya sa Canada.

Tinitigan niya ang kaibigan at agad na napabuntong hininga. Siguro nga ay kailangan niyang sabihin sa kaibigan ang nangyari sa kanilang dalawa.

Sa taong pinag- alayan niya ng buong pusong pag- ibig.

Ang taong sinabihan lang siya ng Thank you for the love Cianel.

avataravatar