webnovel

Day

PART 2

   "Boo! Si Yuan makakatuluyan ni Billie kagaya ni Wang So and Hae Soo, that's for sure! Tsk, bakit ba asang asa ka dyan sa Ethan na iyan? It crystal clear na si Yuan naman talaga in the first place tsk. He's not that Ellister guy na first love mo psh," he defended his bias, Yuan.

   Days after we ended watching Scarlet Heart ay sabay na naman kaming sumabaybay sa Meant to Be ng GMA. Which I find it cute kasi childhood ko ang GMA and his is ABS, and bigla nalang niya akong sinamahan na manood ng Meant to Be, in fact siya nga minsan nakaka-remember na nagsstart na yung palabas, and this is not the second time, sa Disney and Cartoon Network din. He's obsessed with Cartoon Network and Nickelodeon but then he tried watching Disney dahil sakin. Even disney princesses sinasakay niya trip ko.

   Mga ilang araw na ay ganoon ang trip namin ni Junyte. Sinasabayan namin ang trip ng isa't isa. I would always support him in his basketball games, and he would always support me din sa pagsusulat ko and sa lahat ng mga ginagawa ko when I'm in the peak of boredom.

   We were inseparable.

   I kinda envy him, he has a perfect family. Everytime na kinikwentuhan niya ako about how sweet his parents are everyday na kahit mga gifts like flowers and sweets ay binibigay ng dad niya sa mom niya. That's why when he loves, binibigay niya lahat, because he believed girls deserve the best and most especially, respect.

   Kahit ayoko na nilalapitan siya ng mga babae, wala akong choice. Hindi niya ito ini-ignore. He's friendly actually but would it hurts to hope na medyo masaya ako kasi there's a big difference with the way he treats me than the other girls? I'm not assuming if hindi ko napapansin ang kilos niya, hindi ako aasa kung hindi siya nagpapakita ng konting special treatment sakin.

   But he's Tytus Junyte Smith, he's him and I'm me. I'm just... Normal. That ex na pinagpalit siya? She's close with Junyte's friends, lalo na sa kanyang best friend. I'm trying to be friends with Matthew Ferrer, his best friend, but nah. How can I dare to level myself to a Tytus?

   I'm not the type of girl na sobrang sikat. I'm the papansinin ko lang if kaibigan ko but other than that, they think of me as maldita and snob or mahinhin and modern modern Maria Clara, but hell not! Alam na ng mga barkada ko iyon. Though palagi nila akong ine-elect as Muse, it was a benefit for me kahit papaano. I get good grades dahil sa pagsasali ko ng mga contest sa school, I'm not super smart naman, but I know for myself na may alam ako. Dad said it goes with our blood. Matalino si Papa and si Mama, so dapat ako din diba? 

   My family is very competitive. They strive for perfection and excellence, both sides sa papa and mama ko they are like in all aspects in life they play it like a business, sometimes nagiging competitive ako, I know it's in the blood, and minsan ayoko iyong nauunahan ako but I kinda feel sorry for myself kapag iyan nafi-feel ko. I have to enjoy life as much as possible. 

   And by enjoying life, hindi ko kailangan maging the best.

   But why do I suddenly want to be the best for Junyte? That is what I'm feeling everytime, everytime na nare-remind ako ng brain ko na may mga babae na mas better pa sakin. Wala akong karapatan, oo. That's why I'm keeping it to myself.

   I'm wearing skirt for the first time, which I regretted the most kasi tingin sila nang tingin and sitsit dahil sa legs ko. I really hate man that does that... I mean can they just watch pero 'wag nalang sumitsit and mag "Hi miss"? Can a girl have their freedom on what to wear without having that kind of treatment?

   Swear last na 'to!

   Junyte has a basketball game ngayon. I think late na nga ako eh. Argh! I don't want to be late pa naman. The basketball court, maraming lalaki doon panigurado! 

   Ano ba kasi pumasok sa kokote mo Chloe?! 

   I just want to cheer him and by cheering him baka mas maging effective if magsskirt din ako like the cheerleaders that I watched sa movies. Hays, or maybe it's my insecurities talking. I know to myself that I'm insecure sa mga babaeng nakapalibot sa kanya. They wear short shorts but still, ang se-sexy nila. Is it a crime to at least, wear a skirt just for once?

   Nasa loob na ako ng San Roque nang nakita ko ang signboard sa itaas. Dumiretso ako sa pasukan ng basketball court. Habang papasok pa lang doon ay rinig ko na agad ang mga sigawan and yung pagbagsak ng bola. 

   And I know that I'm late! Sana naman di na natapos ang first quarter! Dali dali akong pumasok sa loob, I tried looking for Junyte habang papunta ako sa mga bleachers, and I saw him, ilang sandali ay nakatingin na siya sakin, can I asa na baka kanina pa siya tingin nang tingin sa pintuan ng court for me?

   Umiling nalang ako and tinignan ko nalang ang way patungong bleachers. 

   "Woah! Bakit?!"

   "Hala! Papunta ata siya dito!"

   Narinig ko ang pagbagsak, ng marahas, ng bola. Kaya agad akong napalingon sa basketball court na side. Hinanap kaagad ng mga mata ko si Junyte baka napaano siya! 

   "Nakakatakot siya! Ba't ang gwapo pa rin?! Fck."

   "Kawawa iyong number 7! Nabaliw na ata siya!"

   And I was shock na nakitang isang kalaban na nakahiga at nakapilipit sa sakit habang ang bola ay nasa tabi niya habang siya ay hawak ang ilong niya. What the fudgee bar happened?!

   "Chloe."

   Napasinghap ako ang muntik na akong atakihin sa puso when I heard his voice na nasa likod ko. Mas nagulat ako and napasinghap ang lahat nang hawakan ni Junyte ang kamay ko and walk me out of that scene.

Next chapter