1 Chapter One

\

\\

...

Bakasyon na naman. Wala ng pasok ang mga kabataan sa eskwela. Tuwang – tuwa ang lahat ng estyudyante at mga guro, pati na rin si Nitoy. Umuwi s Nitoy mula sa eskwela na nagbibisikleta. Meron siyang dadaanan muna bago siya umuwi. Ito ang bahay ni Lola Isabel, ang lola ng kanyang kababata na si Bek-Bek.

Nang nakarating na siya sa bahay ni Lola Isabel, pumiglas siya ng takbo papunta kay Lola Isabel at agad niya itong niyakap at saka nagmano.

Tanong pa niya, "Lola, parating na ba si Bek-Bek mula sa Maynila?"

Sagot naman ni Lola Isabel, "Mamaya pa yon. Kumain ka muna ng hinanda kong meryenda. Kamote-Cue. Hindi ba paborito niyo ni Bek-Bek ang Kamote – Cue?

At nang kumain na si Nitoy ng kanyang meryenda, saka siya napaisip, "Ano na kaya hitsura ngayon ni Bek – Bek? Siguro, ang laking dambuhala na siya ngayon kasi mataba sya nung huli kami nagkita."

Nagulat naman s Lola Isabel sa sinabi ni Nitoy. At may paparating na nagbubusina na kotse.

Hayan na si Bek-Bek na galing Maynila. Pagbaba ni Bek-Bek sa kotse, agad naman sumalubong ang mga kasambahay ni Lola Isabel para kunin ang mga gamit sa loob ng kotse at ipasok sa loob ng bahay.

Maganda ang pananamit ni Bek-Bek na medyo naman komportable para sa tag-init. Naka-sleeveless siya at nakasuot sya ng maong na pantalos. Samantalang tulala naman itong si Nitoy nang nakita niya ang ayos ni Bek-Bek. Tila nagdadalaga na nga ito.

"Bek-Bek? Ikaw na ba yan?" sabi pa nga niya.

Sagot naman ni Bek-Bek, "Rebecca, Nitoy? Not Bek-Bek. It sounds like baduy or old fashion."

Natawa naman si Nitoy, "Ngek! Ano ang ginawa sa iyo ng taga-Maynila at tila nagbago yata ang paguugali mo?"

At sumagot naman itong si Bek – Bek na natatawa na rin, "Joke lang. Ito naman. Ako pa rin ito. Ang kaibgan mong si Bek-Bek. Ayaw ko lang matawag na Bek-Bek. Pangit pakingan. Para akong may beke."

"Sige, tatawagin na lang kita ng Rebecca o kaya Becky. Yun ang bagay sa iyo." sumangayon naman si Nitoy.

Nung kinagabihan, nagpapahinga sila sa hardin. Hindi pa umuuwi si Nitoy sa kanyang bahay. Tila nalibang siya kasama si Bek-Bek na nagmamasid ng mga bituin na kumikislap sa langit. AT nakita nila na may dumaan na shooting star.

Tinanong na ngayon ni Rebecca si Nitoy, "Ano ang wish mo?"

Sagot naman ni Nitoy, "Hindi ko maari sabihin. Baka hindi magkakatotoo ang wish ko. Sayang kung hindi magkakatotoo."

Napangiwi naman si Bek-Bek, "Ang baduy mo, Nitoy."

Sa pag-uwi ni Nitoy, naabutan niya sa bahay na nagsasagutan ang kanyang mga magulang. Pero sanay na siya sa ganitong senaryo sa kanyang bahay. Tuwing darating ang tatay niya na walang maiuwing pera mula sa sabungan, binubulyawan agad ito ng kanyang nanay. Naiistorbo tuloy sa pagtulog ang mga nakakabatang kapatid ni Nitoy.

\

\\

...

-END-

avataravatar
Next chapter