1 Prologue

"Hi Cherish!" may narinig akong tumawag sa pangalan ko kaya agad akong napalingon. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Bakit ka ba ganito Angelo? Nakakainis!

Tumakbo ako sa pinakamalapit na supermarket at nagtago.

"Buti naman wala na siya." napabuntong hininga ako sa pagkakataong iyon. Tumayo ako at lumabas na ng supermarket.

Nagulat ako nang biglang may nanghatak sa akin. Nilapit niya ang mukha niya habang hawak ang kwelyo ko.

"Bakit mo ba ako iniiwasan?" sabi niya. Ang bango ng hininga niya! Amoy toothpaste!

"Bat di mo na lang ako iwasan!" sagot ko.

"Bat naman kita iiwasan?" tanong niya.

"Bakit di mo ko kayang iwasan?" tanong ko pabalik.

"Bakit nga kita iiwasan!" tanong niya ulit. Bakit ba ang kulit nito? nakakainis! Kung pwede ko lang sabihin sa kanya.

"Eh ikaw lang naman nagpadama sa akin nito ng lubusan." biglang bumilis lalo ang tibok ng puso ko. Kumalas ako sa pagkakahawak niya sa akin.

"Hindi kita gusto!" sigaw ko. Kitang kita ang pagkagulat sa kanyang mga mata. Ramdam ko ang pamamasa ng aking mata.

"Wala akong pake." sagot niya.

Bigla niyang nilapit ulit ang mukha niya.

"Basta ako, gusto kita." dagdag niya. Gusto ata akong patayin nitong lalaking to sa kilig.

avataravatar
Next chapter