1 Prologue

What is so special about love that you could do the most desperate thing in order to have it?

January 3, 2020

"T-They're getting married Cee. I don't know what to do" She saw this coming, but it was just so soon! Ni hindi nga man lang niya nagawang tapusin ang laro.

Cecily Saycon, her cousin felt for her, dahil minsan naranasan na niya rin na masakitan dahil sa pagibig. Yinapos niya ang pinsan ng yakap, this was the least she could do.

"Tahan na Gee. Maybe he was not just the right person for you." Ngunit umiling lang ito. Hindi niya matatanggap ito. She was so sure that he was the right one for her. Maingat na lumayo siya sa pinsan. No, she won't agree.

"I am Georgina Sperbund, Cee! Alam mong wala nang mas karapat dapat pa sa 'kin kundi si Ryu!" Napahagul-hol siya nang pag banggit sa pangalan ng kaniyang iniibig. She covered her face. Bahala na kung masira ang kaniyang make-up! Screw that!

"Gee. Ipagpahinga mo muna 'yang puso mo. Durog na durog na 'yan. Leave some for yourself." Cee looked at her pleadingly, to stop her ridiculous thoughts. She knew her cousin... too well. Inalis nito ang kaniyang kamay sa mukha, she thought she made some sense sa kaniyang pinsan ngunit...

"I want him Cee! Gagawin ko ang lahat para maging akin siya! Cee, help me huh? L-Let's just get rid of Maya! She's poor! Madali natin siyang mapatahimik! We can ask Uncle Rua for help! She stole him from me! D-Dapat lang 'yun sa kaniya. Tama ako diba Cee? " Nanginginig na hinawakan ni Cee ang mga kamay niya ng mahigpit. She is also at the verge of crying, Georgina was never this kind of a person, she is the exact opposite of what she's desperately portraying now.

Napahinto saglit ang dalawa nang marinig na may pumasok sa silid.

"My poor cousin. I have some good news for you." Napalingon sila sa pinanggalingan ng boses and it was no other than Emerald, the bitchiest of them all.

"Ee. What are you.." Naguguluhang tanong ni Cee sa bagong dating na pinsan. Itinaas ni Emerald and kaniyang cellphone at saka mapaglarong hinahagis pataas at pababa ito sa kaniyang palad.

"Prin just called me and said that they're gonna have a bachelor party..." Binitin nito ang kaniyang sinabi at napahalukipkip.

"Gee, are you willing to step down in your tower to have him?" Mapaghamong tanong nito.

Lumapit si Gee rito. Almost... no she is already so desperate. Ginap niya ang kamay ng kaniyang pinsan at puno ng pag-asa at ibang emosyon ang mga mata.

"A-Anything! Gagawin ko!" Walang pagdadalawang isip na tugon niya. Her cousin smiled and touched her on the chin and held it high. Mapilya itong umiling habang nakatitig sa mata ng pinsan.

"You are a Queen, you should not get your hands dirty. We have the money, we pay others to do the work. "

But they knew,even if their hands are clean, their heart will be captured by the wild fire.

avataravatar
Next chapter