1 Chapter 1: Squad Number 60 (on-going)

"Grabe, napakadaming tao dito sa airship, nasaan na kaya ang mga kakampi ko?", sambit ni Player 1005 na isang lalake.

Inikot nya ang airship para hanapin ang kanyang mga kagrupo hanggang sa nakita nya ang kulay berde na boler, isang palatandaan na ang player ay kakampi mo, sa kanang braso ng isang magandang dalaga na nakatirintas ang buhok. Kasama nya ang dalawa pa nilang kakampi na mga lalake, ang isa ay may mahabang buhok at bigote habang ang isa naman ay napakalinis na mukha.

"Mga kasama! Anjan lang pala kayo, ako nga pala si—", naputol na sambit ni Player 1005 dahil sa biglaang paglakas ng tunog ng paubos na oras para sa pagbukas ng tarangkahan.

5....4....3....2....1 !

"Waaaaaah! Ang hirap talaga maging squad 60 ang pinakahuling grupo na nabubuo, kakapasok mo pa lang pero itatapon ka na ng airship!", sigaw ni Player 1005.

"Noob ka ba?! Anong itatapon? Hudyat yan na umandar na ang airship at pipili na tayo ng lalandingan! haays GG pa ata ako sa kakampi", reklamo ni Player 1006, ang lalaking may malinis na mukha.

"Miss Player 1004 sa akin ka sumabay para maprotektahan kita", sabi ni Player 1006.

Bumukas na ang tarangkahan at tumalon na ang bawat manlalaro. Bawat segundong lumilipas ay pabilis ng pabilis ang kanilang paglapag.

"I-on nyo na ang parachute! Dito tayo bababa sa Malacañang Palace", utos ni Player 1006.

Pinagana na ng bawat miyembro ang parachutes upang humanda sa paglapag. Samantala, si Player 1007 na may makapal na buhok at bigote ay tahimik na humiwalay ng direksyon at piniling lumanding sa may Camp Krame.

"Bilis! Pumasok agad kayo sa loob at kumuha ng mga gamit", muling nagutos si Player 1006.

"Andami namang bala dito pero wala namang baril paano na ito?", sabi ni Player 1005 sa kanyang sarili habang patuloy sa paghahanap ng kagamitan.

avataravatar