1 (1) Love Drawn By Clouds

Abril 1980

Soledad's POV

"Nathaniel..." wika ko. Habang pinipigilan ang pagbuo ng mga luha kong gustong tumakas mula sa aking mga mata.

"Bakit Soledad? Bakit mo nagawa sa akin 'to?" Naguguluhang tanong ni Nathaniel habang patuloy na rumorolyo ang bawat patak ng mga luha sa kanyang mgapisngi

Luhang gusto kong punasan. Luhang nangagahulugang siya ay nasaktan at patuloy na dinadamdam ang sakit.

Gusto Kong punasan ang mga luhang naguunahang nagsisipatakan mula sa kanyang mga mata. Ngunit hindi ko kaya. Hindi ko magawa.

Dahil ako ang dahilan kung bakit siya luhaan,naguguluhan at nasasaktan.

"Wala akong alam sa mga pangyayari. Hindi ko ito kontrolado. Lasing ako 'nung gabing iyon. Hindi ko sinasadya." Ang mga luhang kanina ko pa pinipigalan at kusang kumawala at nagsipatakan sa aking pisngi. Mga luhang ani mo'y naghahabulan, naguunahan.

"Walang alam? Walang kontrol? Hindi sinasadya? Anong klaseng mga dahilan yan Soledad? At talagang kay Maximo pa talaga? Sa mortal kong kaaway?" Sunod-sunod ang kanyang mga katanungan na tila kidlat na pinupuntirya ang aking puso naghahanap ng kasagutan.

"M-mahal mo ba ako?" Tanong ko. Nais kong malaman ang kasagutan.

Utang na loob Nathaniel, sabihin mong 'oo'. Sabihin mong 'mahal mo parin ako kahit hindi ikaw ang ama ng ipinagbubuntis ko.

Niyukom niya ang kanyang mga palad. Bumuo siya ng kamao mula sa kanyang mga kamay. Unti-unti siyang lumapit sa akin. Natakot ako. Natatakot ako. Natatakot akong baka idampi niya sa akin ang mga kamaong iyon upang ako'y saktan.

Sa bawat hakbang niya pasulong ay siyang nagdidirekta sa aking mga paa upang humakbang ng paaurong. Ang kanyang mga dati'y mapupungay na mata ay tila nagbago. Namumula ang mga ito.Ako'y natatakot. Ako'y naguguluhan. Bakit ka ganito Nathaniel? Ngunit sakabila nito alam ko nagkasala ako at nasaktan ko siya.

Hahakbang pa sana ako ngunit kasabay nito at ay ang pagbangga ng aking likod sa pader. Ito nangangahulugang tama na ang paghakbang paurong.

Kailangan ko ng itigil ang paghakbang ko na tila pagtakas rin sa katotohanan. Katotohanang ako'y nagdadalang tao, ngunit ang ama nito ay hindi ang taong aking iniirog, aking sinisinta, ang aking minamahal.

Patuloy parin ang paghakbang ni Nathaniel. Hanggang sa dumating ito sa puntong naabutan niya ako. Inilagay niya ang kanyang dalawang kamay sa pader. Tila ako'y ikinukulong sa gamit ang mga ito.

Pinilit kong iniiwasan ang kanyang mga tingin.

"Bakit?!" Pabulyaw ng lalaking nasa aking harapan. Kasabay nito at ang pagpapakawala niya ng isang napakalakas na kamao.

Kamaong itinama at hanggang ngayon ay patuloy na itinatama sa batong pader.

"Hindi mo naman ugaling uminom, pero bakit nagpakalasing ka 'nung mga gabing iyon? Bakit ka sumama sakanya?" Kasabay ng pagpiyok ng boses niya habang sinasabi ang mga linyang ito ay kasabay rin ng pagsuntok niya sa pader.

Wala akong magawa. Walang akong magawa kundi ang umiyak nalang.

Wala eh, nangyari na ang nangyari.

Nang mapagod siya sa kakasuntok at pagpapakawala ng mga malalakas na kamao at itinigil na niya ito. Kasabay ng pagbagsak ng kanyang mga luha ay ang pagdaloy rin ng mga dumadanak na dugo mula sa kanyang kamay.

Akma siyang aalis sa kwartong aming pinamamalagihan ngunit napatigil siya ng nasabi ko ang mga katagang "Ikaw at ikaw lang Nathaniel. Ikaw lang ang mahal ko."

Bahagya siyang napatigil ngunit hindi na siya nagabalang sulyapan pa ako bagkus ay itinuloy niya ang paghakbang papalabas ng kwarto.

Nathaniel's POV

Galit ako. Galit ako sa lahat. Galit ako sa mundo. Galit ako sa sarili ko..."mahal ko pa rin siya" bulong ko sa aking sarili habang nakasakay sa jeepney pauwi sa aming bahay.

Galit ako sa nagawa sa akin ni Soledad. Ngunit sa kabila nito ay ang katotohanang mahal ko parin siya. Mahal ko pa rin siya kahit hindi ako ang ama ng dinadala niya.

Mali ba? Mali bang galit ako sa nagawa niya? Normal lang naman na magalit ako diba? Nobyo niya ako. Nobya ko siya. Alam ko sa sarili ko na maaaring may pagkukulang ako. Kamakailan ay may pagtatalo kami na nauwi sa hindi pagkakaunawaan at hindi pagiimikan at pansinan. Hindi ko naman inaasang magpapaka lango siya sa alak na at sasama sa lalaki na dahilan ng pagkabuntis niya.

Bumaba na ako sa sinasakyan kong jeepney. Pagkapasok ko sa aking tahanan ay agad akong tumungo sa aking kwarto upang hanapin ang aking asul na diary. Lahat ng nasa aking isipan. Lahat ng aking sama ng loob. Lahat ng aking dinadamdam ay aking isinulat. Isinusulat ko ang lahat ng aking mga hinaing gamit ang aking kamay na hanggang ngayon ay kasalukuyang dumadanak ng dugo.Wala akong sinayang na segundo. Sulat ako ng sulat. Iyak ako ng iyak.

Lalaki ako at umiiyak ako. Sabi nila kapag ang lalaki umiyak, mas makabuluhan pa daw ito sa pagiyak ng mga kababaihan. Minsan lang kami nagpapakita ng kahinaan kapag kami ay nasaktan, kapag kami ay naloko, kapag kami ay tila napaglaruan ng tadhana o ng tao mismo. At ito ay nagreresulta ng pagiyak ng mga kalalakihan.

Hindi maling magpakita rin kami ng malabot na parte ng aming pagkato. Hindi maling magkaroon rin kami ng kahinaan. Tao rin kami na nasasaktan, may emosyon, umiiyak.

"Soledad, ikaw lang ang natatanging kahinaan ko."

Pumatak ang luha kasabay ng mala until na pagpatak ng dugo sa pahinang iyon.

Pagkatapos kong naisulat ang mga katagang iyon ay ang pagbagsak ng aking enerhiya. Nakakapagod rin palang umiyak. Kasabay nito ay ang pagbigat ng talukap ng aking mga mata. At tuluyan na nga akong nakaramdam ng antok at dahan dahang bumagsak sa kama.

"Nathaniel!! Anak, saan ka pupunta. Gabi na ah" Sigaw ng inay na sanhi ng pagdilat ng aking mga mata sa pinakamalaki noting potensyal. Nagulat ako.

"Magpapahangin lang po" magalang Kong sagot.

Hinarap ko muna ang salamin at bahagyang tinitigan ang aking sariling repleksyon.

Ang aking buhok ay tila abaka sa tigas marahil ay hindi ko ito nabanlawan bago ako matulog. Ang aking mga mata ay lumusog ng bahagya dahil na siguro sa magdamag na pagluha kahapon. Ang aking ulo ay masakit rin, nahihilo ako. Pagod ako.

"Anak!!" Pabulyaw ulit na sigaw ni Inay. "Gabi na. Kailangan mo ng matulog." Dagdag into.

"Opo. Papasok ako mamaya"

Ano? Ano ng gagawin ko?

Makikipagkita ba ako sa kay Soledad?

Kung patuloy lang niyang ipapaliwanag ang mga hindi kanais nais na mga pangyayari, aba'y huwag na lang. Nasaktan ako, ayaw ko muna siyang makita.

Kailangan ko na siyang palayain. Sa sitwasong ito, kailangan kong magpakatatag. Sa ngayon, iyon ang dapat kong gawin.

Ngunit mahal ko pa rin siya.

~Gaya ng kahapon ikaw pa rin ngayon at bukas

~Pinilit ko naman na limutin ka

~Ngunit 'di makalipad kahit sinabi mong Malaya na

~Mahal parin kita

Mahal parin kita

Mahal parin kita

~Kahit na sa hangin na lamang Sasambitin

-----------------

Featured song:

Mahal pa rin kita

by Daryl Ong

ABS-CBN Star Music

-----------------

avataravatar
Next chapter