3 CHAPTER 2

Kaagad nabaling ang atensyon ko sa telepono ni kuya, magkatabi kasi kami sa likod at nasa harapan naman si mom at dad.

"Kuya!? Anong balak mo kay Ella ha?" Pasigaw kong sabi na kaagad naman ikinagulat nila.

"H-ha? Wala ah, lumabas lang sa newsfeed ko." Pagtatanggi niya atsaka itinago ang phone niya.

"Siguraduhin mo lang ha? Kapag nalaman kong nililigawa–" hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang takpan niya ng kaniyang kamay ang aking bibig.

"Shhhh shhh, H'wag ka maingay, maririnig nila mom!" Sabi niya sa'kin. Ella is my bestfriend, nakilala ko siya sa University kung saan ako nag-aaral. We've been bestfriends for 3 years i guess? Ohmy, buti may nag-stay pa rin sakin kahit ganito ugali ko,

Char.

"We already heard it, son." Rinig kong sabi ni mom at ngumiti. Napabuntong-hininga nalang si kuya at tinanggal ang kamay niya sa bibig ko, yuck. Sabay-sabay kaming nagtawanan sa inasta ni kuya, i see my parents laughing na para bang walang problema, how i miss this. The laughs, the screams and more. Sana gan'to na lang palagi, yung para bang wala nang problema, wala ng iyakan at sumbatan.

Napapangisi na lamang ako sa aking mga iniisip, siguro nga, hindi na mangyayari 'yon. Behind those smiles and laughs, there is pain.

"Hoy, Sabi, anong tinatawa-tawa mo dyan ha?" Rinig kong tanong ni kuya.

"Ha? 'di ako tumatawa noh, dzuh." I said and rolled my eyes. Bumalik na lamang ako sa pagkakatingin sa labas.

Isang oras din ang tinagal bago kami nakarating sa simbahan. Time check, 9:15 am.

"Hello, good morning, pasok kayo!"

"Good morning, Sis Shiela!"

"Magandang umaga, Ate Shiela."

"Good morning ate shie."

Walang katapusang pagbati sa aking ina ang naririnig ko pagpasok pa lang namin dito sa simbahan. Binabati niya rin naman ang mga ito pabalik. Humanap naman si mom ng uupuan at kaagad kaming pinaupo dito.

"Magandang umaga! Konting minuto na lamang ay mag-uumpisa na tayo sa ating gawain. Tayo na at ihanda ang ating mga sarili para sa araw na ito."

Rinig kong announce ng isang babae mula sa sulok. Hays, ang w-weird naman ng mga 'to. Wala bang makakakain dito? Nabuburyo na ako.

Sumandal na lamang ako sa aking kinau-upuan at nagkibit-balikat. Nag-panting ang aking tainga sa sumunod na sinabi ni kuya.

"Hey, lil sis. Ayusin mo upo mo, wala tayo sa bahay." Pagpapa-alala niya sa'kin. Tf? He don't care kung anong gusto kong gawin dito.

"Ayos naman ah? Diba bahay rin naman 'to? Sabi nga nila, Feel yourself at home, so sa tingin ko okay lang naman." Pagpapaliwanag ko. Totoo naman e, may nakalagay na signboard sa labas ng pinto,  "PLEASE MAKE YOURSELF AT HOME." Hays. .

"Sabrina, Oo bahay 'to pero iba 'to sa ibang tahanan. Marunong ka naman lumugar diba?" Rinig kong ani ni kuya. Iniinis talaga ako neto, grrr.

"Tss, shut up." I said and rolled my eyes.

"Shh, that's enough, mags-start na tayo."

"I'll just go to the restroom." Matabang na sabi ko. Nasa hallway na ako na naglalakad, nang may may mabunggo akong isang lalaki.

"Ops, sorry miss." Rinig kong sabi niya.

"Watch your step, hooman." Masungit kong ani atsaka naglakad muli papuntang cr. Wala pang minuto ay kaagad akong nakarating sa Restroom. I fixed my hair, dahil nakasabog na ito. I quickly made it into a bun at naglugay ng ilang hibla ng buhok sa magkabilang gilid. I applied a lipbalm into my pinkish lips at kaagad na umalis at bumalik sa loob.

-BinibiningAdeena

avataravatar
Next chapter