webnovel

Security For Ricai

Sa mansion ng mga Alta Gracia kung saan nakatira si Xitian...

"Ano?!" Ang pagulat at pagalit na sambit ni Xitian habang nasa kaniyang opisina doon sa loob ng kaniyang mansion na busy sa pag babasa ng ilang documents katulong si Brillant.

"Sorry Boss hindi namin kaagad na protektahan si Miss. Pero wag kayong mag alala nasa maayos na kalagayan na po s'ya ngayon doon sa condo kung saan s'ya nanunuluyan kasama ang boyfriend nya si Mr. Chase Alcantara." Sagot ni Cymiel ang isa sa mga loyal na tauhan ni Xitian.

"Ihanda ang kotse pupuntahan ko ngayon si Ricai."

"O— Opo Boss."

"Sandali muna!" Sambit ni Brilliant agad.

"What do you want? Ricai needs me!"

"Bro, pwede bang mag relax ka na muna?"

"Anong relax ang pinagsasabi mo?! Kapakanan ni Ricai ang nakataya dito yung lintek na pamilya ng boyfriend nya pinagtatangkaan ang buhay tapos kasama niya ito. Anong gusto mong gawin dito? Mag relax?!"

"Bro, ang kalma ang akin lang hindi sa lahat ng pagkakataon kailangan ng resbak kilalang pamilya ang Alcantara mapa ibabaw o ilalim man ito ng mundo. Sa tingin mo ba basta ka nalang papasukin sa condo kung nasan sila? Sigurado akong marami ng mga kinalat na security personnel dun. Isa pa, kilala sa underworld ang Alcantara at ngayon ang issue may nag tatangka sa buhay nila sa tingin mo kapag gumawa ka doon ng iskandalo hindi ka magiging suspect?"

"What? At bakit ako?! I didn't do anything with that clan at wala akong interest na kahit ano sa kanila ang gusto ko lang makuha ay si Ricai."

"Oh, yun nga kaya nga kumalma ka hayaan mo munang humupa ang Hilo bago ka lumusob dun. Hindi pwedeng basta ka nalang pupunta Don ng walang plano. Isa pa lalo lang lalala ang sitwasyon kapag bigla kang mag appear dun alam mo namang hindi tayo normal citizen ng mundont ito kaya kailangan may pagpapaplano."

"Then what do you want me to do?!"

"Ako ng bahala ako ng makikipagkita kay Ricai at ikaw kumalma ka!"

Xitian didn't answer...

"Don't worry bro hindi si Ricai ang target at hindi hahayaan ng mga Alcantara na maisahan sila kaya wag ka ng mag alala dyan."

"I know... just tell Ricai na please be careful at kukunin ko kamo sya sa mga Alcantara kapag nasaktan sya."

"Yeah... ako ng bahala."

"."

Sa hindi inaasahan hindi nag pa papasok ng kahit sino sa condominium kung nasasaan sila Ricai at Chase.

"Wag kang mag alala marami akong tauhan na ipinakalat para ligtas si Ricai kaya kumalma ka na." Sabi ni Noli kay Catalina na hindi mapalagay habang nakatanaw sa condo opposite kung nasasaan sila.

"Hindi ako mapalagay hangga't hindi ako nakakasiguradong ayos si Ricai."

Nag abot ng isang basong may tubig si Noli kay Catalina para painumin ito ng pampa kalma.

"Inumin mo na muna yan para kumalma ka hindi maayos ng pag aalala mo ang problema ng mga Alcantara."

"Pero alam mo namang..."

"Oo alam ko na nag aalala ka kay Ricai at hindi sa mga Alcantara pero isipin mo ang sarili mo bago ang iba hindi ka pa nakain."

"Wala akong gana." Pero ininom nya yung gamot.

"Isa sa malakas na clan ang mga Alcantara pag dating sa underworld kaya hindi na bago sakanila ang ganyan kaganapan."

"Pero nadamay si Ricai!"

"Sa tingin mo ba hahayaan ng anak mo..."

"Hindi ko anak si Chase don't forget that..."

"Sorry... like what I'm saying hindi nya hahayaan na may mangyaring masama kay Ricai. Tsaka marami ng naka paligid na tauhan ng Alcantara sa buong condominium walang pwedeng lumabas at pumasok ng kung sino."

"Sa tingin mo ayos lang si Ricai? Gusto ko syang makita. Puntahan natin syq!"

"Honey, kasasabi ko lang walang pwedeng lumabas at pumasok sa condominium lalong lalo na sa unit nila Ricai."

"Pero nag aalala ako sa kaniya."

"Kung gusto mo talaga syang makita tatawagan ko nalang sya para mapanatag ka."

"May number ka nya?"

"Um. The last time na nakita natin sya binigyan nya ako ng calling card nya nagustuhan ko kasi yung cupcakes nya from Fernan's birthday sya pala ang nag bake nun."

"Really? Bakit ngayon mo lang ito nabanggit sakin?"

"Sorry masyado ka na kasing stress. Anyway, I will call her na para makausap mo na."

"Thanks honey."

"No worries."

Samantala,

Gaya ng inaasahan hindi pinapasok ng condominium si Brilliant sa kadahilanang sobrang higpit ng security doon.

"Hindi po talaga pwede Sir mahigpit na ipinagbilin ng management na walang lalabas at papasok na ibang tao dito." Sambit ng head security kay Brillant.

"Pero gusto ko lang kamustahin ang kaibigan ko her name is Ricai sure naman akong kilala mo yon girlfriend sya ni Chase Alcantara yung sikat na chef."

"Opo Sir at sila rin po ang isa sa may malaking shares sa condominium na ito kaya sumusunod lang po kami sa nakatataas. Kung hindi po kayo taga rito maaari na po kayong umalis."

"Tsk!"

Bumalik sa kotse nya itong si Brillant at tumawag kay Xitian.

Xiatian: What? Bakit hindi mo makausap si Ricai?

Brillant: Kasi nga ang higpit ng security dito dahil nga rin sa may nagtatangka Sa buhay nila Chase kung hindi taga rito hindi raw makakapasok kaya eto ako nasa kotse na.

Xitian: Wag kang uuwi hangga't hindi mo nakakausap si Ricai!

Brillant: Bro naman paano nga ako makakapasok eh di nga ako taga rito. Maliban nalang kung bibili ako ng unit para maka pasok ako.

Xitian: Wag ka ng bumili ng unit! Bibilhin ko na ang buong condominium na yan! Intayin mo ko!

Brillant: A— Ano?

*Toot... Toot... Toot*

Brillant: Hello? Bro! Hello? Bro!!! Andiyan ka pa ba? Hello?!!!

Tinawagan uli ni Brilliant si Xitian pero hindi na ito sumasagot.

"Ano pong nangyare Sir?" Tanong ni Cymiel na driver ni Brilliant ng araw na yon.

"Na buang na!"

"Ho?"

"Baliw na ang boss natin. Nagiging paranoid na naman."

"Bakit po?"

"Nasisiraan na ng ulo sa kagustuhan makapasok sa lintek na condominium na yan bibilhin nalang daw nya ang buong Building."

"Po?!"

"Oh di ba? Buang na! At gusto nyang mag intay tayo sa kaniya dito."

"Nga-Ngayon po nya balak bilhin?"

"Oo, alam mo naman yon ang magustuhan. Bahala na nga sya... nabaliw na kay Ricai."

"Wag po kayong mag salita ng ganyan nakababatang kapatid lang ang tingin nya kay Miss."

"Ewan nakakabaliw!"

Sa mag kaparehong oras naman sa unit nila Ricai at Chase...

"Buti nalang pala wala dito si Baby Girl kung hindi mahihirapan tayo nakakaawa yung bata madadamay pa." Sambit ni Ricai kay Belj na kausap nya sa sala.

"Oo nga Miss. Pero wala namang dapat ikatakot maraming security ang nakapalibot sa buong Building."

"Kahit na mahirap kapag may batang kasama. Isa pa baka mag dulot iyon sa bata ng trauma."

"Tama kayo Miss."

May dalang nilutong miryenda si Chase para kay Ricai.

"Oh kumain ka na muna. Nag luto ako ng alfredo pasta."

"Boss ako? Pwede?"

Chase smirked "oo kumuha ka na don!"

"Ayos! Thank you Boss."

"Tsss!"

Ibinaba ni Chase yung dala nya sa may lamisita.

"Kumain ka na habang mainit pa creamy yan isa yan sa specialty ko."

"Hindi pa ako nagugutom."

"Ha?"

"Busog pa ko. Sige babalik na muna ako sa kwarto ko."

"Hi— Hindi mo man lang ba titikman?"

"Maybe later siguro? Ge na!"

At pumasok na nga si Ricai ng kwarto nya lumapit naman sa dismayadong si Chase itong si Belj na kumakain.

"Boss, the best ka talaga mag luto ang sarap!"

"Hayssss!!! Kainin mong lahat!"

"Te— Teka lang Boss!!! San ka pupunta?!"

"Sa kweba! Gunggong!"

Blagag!

At pinagbagsakan na nga ni Chase ng pinto si Belj.

"LQ na naman yung dalawa kailan kaya sila magkakasundo nakakapagod na sila."

Biglang nag bukas ng pintuan si Chase at kinuha yung kinakain ni Belj.

"Bo— Boss! Akin yan eh."

"Hindi pwedeng kumain!"

"Pero sabi nyo kanina..."

"HEH!"

Mga ilang oras pa ang nakalilipas...

Grrrrgggggg!!!!

"Tsk! Gutom na ko, ano bang oras na?" Sambit ni Ricai at tumingin sa wall clock na nasa room nya.

"Eh? 7pm na? Grabe! Ilang oras na kong tulog?"

"Nakatulog pala ko nung pumasok ako sa kwarto bwiset kasi si Chase kakain lang ng breakfast tapos mirienda agad? Ano di pwedeng mamahinga?"

Bumangon na s'ya at pa silip-silip sa may pintuan.

"Nasan naman ang dalawang yon?"

Lumabas s'ya sa kwarto at hinanap yung dalawa at nakita nyang nasa balcony ang mga ito na para bang seryoso ang usapan.

"Ano naman kayang pinag uusapan ng mga kumag na yon? Alam naman nilang di pwedeng lumabas pa tambay-tambay pa sila sa balcony talaga."

Binuksan nya yung glass na pintuan para sabihan sana na pumasok yung dalawa dahil delikado ngunit biglang may...

BANG!!! BANG!!!

"YUKO!!!" Sigaw ni Chase na iniligtas agad si Ricai.

"Sir, ayos lang po ba kayo?" Tanong agad ni Belj.

"Yes. Ricai are you okay?"

"Um."

Nanginginig na ng mga oras na yon si Ricai dahil sa takot dahil mumuntikan na syang matamaan.

"Its okay don't worry I'm here."

"Bakit kasi lumabas pa kayo dito?!"

"Sige na Sir mauna na kayong pumasok ni Miss akong mag babantay sa inyo."

"Um. Be alert!"

At dahan-dahan ngang pumasok yung dalawa na naka yuko habang naka bantay sa likuran nila si Belj na may dalang baril.

"Okay na andito na tayo sa loob. Maupo ka na muna kukuha lang ako ng tubig." Sambit ni Chase kay Ricai pero hindi s'ya binitawan nito.

"Dito ka lang... wag mo kong iwan."

Nakaramdam naman ng pag kaawa si Chase kay Ricai dahil takot na takot talaga ito at nanginginig pa.

"Okay, dito lang ako hindi kita iiwan." Naupo s'ya sa tabi ni Ricai para i-comfort ito.

"Ako na po ang kukuha ng tubig Sir." Sambit naman ni Belj.

"Sabihan mo ang mga tao natin na maging alerto parati! At sabihin mo sila'y daddy doblehin pa ang security dito."

"Copy Sir."

***

Maagang nagising si Fernan para asikasuhin ang mga na pending na papeles na kailangan nyang pirmahan at reviewhin for their business...

"Ano?! Bakit di mo agad sinasabi sakin? Kamusta si Ricai?" Ang pagalit na sambit ni Fernan sa kanang kamay nyang si Dante.

"Ahm... tulog na po kasi kayo at ang sabi po sakin ni Belj ay ayos naman po sila Sir Chase sa condo."

"Sabihin mp sa mga tao natin doblehin pa ang pag babantay sa condo para makauwi na sila dito sa mansion. At siguraduhin n'yong hindi masasaktan ang kahit sino kila Chase lalo na si Ricai."

"Ye— Yes Boss."

"Sige na."

"Yes Boss."

Habang papalayo si Dante nag tataka s'ya kung bakit parang mas concern pa si Don Fernan kay Ricai instead of his son Chase.

"Yes, I want demolition! Walang matitira kahit abo!!! Lintek lang ang walang ganti!" Ang nakakatakot na sambit ni Don Fernan sa kausap nya sa telepono.

Pagkababa nya ng phone nya napa inom pa sya ng alak kahit umagang umaga pa lamang.

"Wag mo kong subukan Carlos dahil hindi mo kaya ang Alcantara!" Sa pag sambit nya non nagkaroon ng lamat o crack ang basong hawak nya dala ng kaniyang galit sa taong kaniyang sinambit.