webnovel

Ricai's Past : Part 2

Kasalukuyan maagang umalis ng condo si Chase at ibinilin rin nya si Baby Girl kay Belj para ihatid ito sa bahay ng lola nito.

"Yes Miss, ang sabi rin sakin ni Boss baka 5days sya mawawala kaya po kung gusto nyo raw po umuwi muna kayo sa inyo." Ang sabi ni Belj kay Ricai na tinanong agad kung nasan si Chase pagka gising niya.

"Ano? Sinabi nya yon? Gusto nyang umuwi ako samin?"

"Opo Miss. Nag away po ba kayo ni Boss?"

"Ahm... Ano kasi..."

Bigla namang sumulpot si Baby na kagigising lang din ng oras na yon.

"Morning po."

"Oh bakit gising ka na?"

"Nagugutom po kasi ako tita. Hehe..."

"Okay, wait here  I will cook muna para sa breakfast natin."

"No need na Miss dahil nag luto na po si Boss bago sya umalis."

"Ha? Nagluto sya?"

"Opo Miss, halina kayo kumain na po kayo ni Baby."

"O--- Oo sige."

Sumama naman na si Baby sa tito Belj nya at naiwan si Ricai na ang lalim ng iniisip.

"Kinukunsensya nya ba ko dahil nag lihim ako sa kaniya? Hayssss... nakakainis ka talaga kahit kailan Chase!!!" Pabulong na sabi ni Ricai.

"Tita Ricai lets eat na po."

"Oo Baby."

Bago sya lumapit kay Baby tinext nya muna si Chase.

"Nasan ka? Tawagan mo ko kapag nabasa mo ito."

Sa lugar kung nasan naman si Chase...

"Sir, yung phone nyo."

"Who texted me?"

Nasa shoot si Chase para sa kaniyang new  tv commercial sa isang sikat na brand ng gatas.

"Si Miss Ricai po."

"Si Ricai?"

Si Shien ang assistant nya kapag nasa shooting sya ito rin ang pinsan ni Belj.

"Opo Sir." Iniabot nya kay Chase yung phone habang inaayusan ito ng make up artist.

Pero binasa lang ni Chase yung message at hindi na nag reply.

"Tawagan mo si Belj sabihin mo ihatid si Ricai sa pupuntahan nito."

"Yes Sir."

At habang inaayusan naman si Chase parang wala ito sa mood kahit na kausap sya ng isang celebrity chef din na katulad nya na si Chef Jerome na makakasama nya sa tv commercial.

"Dre, you okay? Nakikinig ka ba? Sabi ko pumunta ka sa resto bar ko mamaya."

"O--- Oo sige pupunta ako."

"Ahm... guys pwede bang iwan nyo muna kami."

At lumabas nga yung mga staff at kinausap ni Jerome si Chase.

"Ano? Bakit mo naman inaway ang girlfriend mo?"

"Kilala mo ko ayoko ng may nililihim sakin."

"Anyare ba? Baka naman kasi ikaw ang nag provoke."

Napatayo naman si Chase at biglang naging bad mood.

"Huh! Provoke?! Ako pa ngayon? Eh sya itong ang daming tinatago! Dumating lang yung bestfriend nyang lalaki parang di niya na ko kilala!"

"Ahhhh... yun naman pala nag selos ka lang."

"Ako? Ang isang Chase mag seselos? Ada ka!"

Jerome bonked him "tukmol ka!"

"Cut the crap dre! Hinding hindi ako mag seselos."

"Sus! Kaya naman pala parang umaapoy ka na sa galit diyan. Kahit di mo sabihin halatang halata at normal lang yan hindi lang naman ikaw ang may girlfriend na may bff na lalaki. Si Jana nga ganun din at gaya mo sumasabog rin ako sa galit na parang bulkan"

"Si Jana may bestfriend ding lalaki?"

"Oo, nagkahiwalay nga kami ni Jana dati dahil sa bff nya. Ang akin lang bakit kasi kailangan pa maging bff ng mga babae ay ang lalaki? Ang sarap talagang manapak!"

Chase sighed "di ko na nga alam ang gagawin ko di na muna ko mag papakita sa kaniya."

Inakbayan naman ni Jerome si Chase "sagot ko na isang bucket mo uminom tayo gang malasing."

Tinanggal naman ni Chase yung braso ni Jerome "hindi ako pwedeng mag paka lasing magagalit si Ricai."

"Huh! Ayos ah, under ka na ngayon? Ang dakilang Chase?"

"Tantanan mo nga ko ayoko lang na lalong magalit sakin si Ricai."

"Bait ah. Parang tunay, seryoso kana ga kay Ricai?"

"Di ko alam dre pero ayokong mawala sya sakin. Gagawin kong lahat para hindi sya maagaw sakin ng iba."

"Okay, okay... Chill dre, walang aagaw kay Ricai kung kakalma ka. Toyoin ang mga babae yung tipong kahit wala ka namang ginagawang masama magagalit na sayo. Minsan pa nga kapag di ka nun kinausap matic yun dre kailangan mo syang suyuin kahit di mo alam ang dahilan bakit sya tinotoyo."

"Yeah... sighhhhh...."

***

Ang nakaraan sa past ni Ricai...

Mag iisang linggo na ng nag simula si Ricai sa kaniyang kolehiyo, BS Accountancy ang kinukuha niyang kurso.

"Hi..."

Sa unang pagkakataon may naglakas loob na nakipagkilala kay Ricai.

"He--- Hello. I'm... "

"Ricailee? I know you mag kaklase tayo. Ako nga pala si Tasha"

"Ehhh??? Mag kaklase tayo?"

"Pwede ba kong maupo?"

"Ah... O--- Oo sorry. Sige upo ka, gusto mo?"

"May baon kang lunch mo?"

"Um. Dami kasing students sa canteen eh di ako maka singit kaya nag babaon nalang ako."

"Wait, you know how to cook?"

"Um. Nasa probinsya kasi ang parents ko at ako lang ang nandito sa Manila."

"Wow! Ang galing mo naman ako nga di ako marunong kahit mag luto ng tubig pero we have kettle naman kaya easy peasy. Hehe..."

"He... He... Ahm... ikaw sandwitch lang kakainin mo?"

"Aha."

"Eh? Mabubusog ka na dyan? Pero lunch na."

"Yep, pero may secret kasi ang sandwitch kong ito pero wag kang maingay sa iba ha?"

"O--- Okay."

Ipinakita ni Tasha kay Ricai ang palaman ng sandwitch nya.

"ANO?! Letchon yan?!"

"Shhh.... quiet ka lang."

"So--- Sorry nakaka gulat kasi bakit mo naman ginawang palaman ng tinapay mo eh letchon? Grabe yon ang angas!"

"Angas?"

"Um. As in ang astig. Mantakin mo ang letchon inuulam eh ikaw pinapalaman mo lang sa sandwitch mo? Ibang klase yon!"

"Eh? Pero normal lang naman yun samin."

"Wait, normal? As in kahit walang okasyon may letchon sa inyo?"

"Um. Yun kasi ang business ng family namin."

"Ah... ganun pala. Ha...Ha... Ha..."

"Anyways, bakit nga pala andito ka parati? Loner ka ba?"

"Ha? Hi--- Hindi... Friendly naman talaga ko kaso ikaw palang naman ang nakikipag usap sakin."

"Ahh... yun ba? Kasi... natatakot sila na lumapit sayo. Pero ako hindi."

"Eh? Ba--- Bakit sila natatakot sakin? Hindi naman ako nangangagat."

"Silly! Not literally speaking natatakot sila kasi balita kapatid mo si Xitian."

"Ha? Kapatid? Ako? Ehhhh???? Only child nga lang ako."

"Oh? Kaya naman pala di kayo mag ka surname pero kasi ang mga students kala mag kapatid kayo kasi may nakakita at nakarinig na tinawag mong kuya si Xitian tapos inihatid ka pa nito sa dorm."

"Ha? Eh syempre, senior natin sya di ba dapat kuya o ate ang tawag natin sa mga ganun? Iba ba dito sa Manila?"

"Well, same here of course... pero kasi ikaw lang ang nag lakas loob na tumawag sa kaniya ng kuya."

"Hmm? Bakit? Bawal ba?"

"Mukhang wala ka pa ngang alam... Si Xitian kasi ang siga dito sa University at ang balita "Mafia Boss" sya kaya takot ang mga students sa kaniya pati nga ang mga teachers eh."

"Ehhhh???"

"Mahirap ipaliwanag pero walang nag lalakas loob na kumausap dito kay Xitian bukod sa mga smurf nya."

"Teka lang, kung kaklase kita dapat first year ka lang din di ba? Pero bakit parang ang dami mong alam?"

"Ahhh... kasi marami akong sources tsaka sali ka sa club namin."

Sa isip-isip ni Ricai "so, yun pala yon... May hidden agenda naman pala sya sakin. Pero totoo nga kaya na isang "Mafia Boss" si kuya Tian- Tian?"

Bigla namang napatayo si Tasha dahil nakita nyang papalapit si Xitian na may kasamang mga alipores o smurf kung tawagin ng iba.

"Ha? Sa--- Sandali lang..."

"Usap nalang tayo mamaya...GTG!"

"He--- Hey!!!"

Nagulat naman si Ricai ng biglang tumabi sa kinauupuan nya si Xitian.

"Ku--- Kuya..."

"What are you doin' here? At sino yung tinatawag mo?"

"Ahh...dito po kasi ako nakain ng lunch tapos nakita ako ni Tasha my new found friend kaso nakita ata kayo kaya siguro umalis."

"Ohhh... I see... So, how's everything? You okay? Wala bang nambully sayo? Kapag meron sumbong mo sakin, okay?"

"Can I ask something?"

"Um. Kahit ano."

Napatingin naman si Ricai sa mga alipores ni Xitian "ahm... pwede po bang yung tayo lang?"

"Ohh... okay sige."

Clap... Clap...

Sa hudyat na yon ni Xitian sabay- sabay tumalikod ang mga smurf nya.

"Woah!" Ang reaction ni Ricai na sobrang na impressed.

"So, what do you want to ask me? Math ba yan?"

"No... hindi po about sakin...sayo po."

"Ohh... I think you know something about me am I right? That's why you keep yourself confuse?"

"Ahm... A--- Ano kasi kuya..."

"Did your friend..."

"No kuya!!! Wag mo po syang sasaktan!!! Wala pong sinabi si Tasha na ikakasama nyo. Kaya please po don't do anything to her sya lang po ang kaibigan ko dito!"

"Pffft....Hahahahaha..."

"Eh? Ba--- Bakit ka po natawa?"

"Haha...sorry mukhang na misinterpret na naman kasi ako ng mga bagong students dito."

"Ehhh?"

"Alam mo kasi there's a lot of issue na ibinabato sakin kahit wala namang katotohanan na masama akong tao well, oo isa akong mafia boss."

Napa usod naman ng bahagya si Ricai sa kinauupuan nya dahil nakaramdam sya ng takot "chill, wala akong gagawin sayong masama di mo kailangang lumayo. Oo isa akong mafia boss pero in a good way."

"Po? Hindi po ba kapag sinabing "mafia boss" they're bad people? So, paano kayo naging mafia boss in a good way? Tsaka bakit kayo katatakutan at lalayuan kung di kayo bad guys? Tsaka bakit po pati ako nadamay? Wala tuloy nakiki pag friends sakin kasi akala nila were siblings."

"Ohh... Ganun pala. Mukhang na abisuhan ka na nga ng bago mong friend ah. Close na kayo?"

"Just answer my question!!!"

"Okay, chill ka lang everything is okay. Bakit ayaw mo bang maging kuya ako?"

"Ahm... I'm only child kaya gusto ko po talaga na magkaroon ng kapatid pero kung bad talaga kayo wag nalang."

"Ohh... I get it. But don't you think being my companion is better than someone else na di ka kayang ipagtanggol?"

"Huh! Kung masama naman edi wag nalang parehas lang din yun eh."

"Explain."

"Pag kayo nga ay masasamang tao ano pang pinagkaiba nyo sa mga bullies? Mas okay pa ang bullies kesa sa mga gaya nyong gang na mga illegal ang ginagawa ang mga bullies naman kasi pangkaraniwan malalakas lang trip nila. But later on, tatahimik din ang mga yon kapag pagod na sila."

"Why do you say so?"

"Napapakiusapan naman ang mga bullies tsaka di nila ako basta mabubully palaban ata ako. Eh kung gaya nyong gang brutal kayo kaya mas nakakatakot kasi handa kayong pumatay."

"Hahahaha...you really are interesting kid."

"Kung masama nga kayo pwede po bang wag nyo na lang akong gambalain pa? Walang malaking pera ang mga magulang ko kaya di nyo ako kayang kidnapin. Di ako worth it na maging bihag."

Xitian bonked her "awww."

"Wala na kasi sa hulog ang mga speculation mo. Sa totoo lang natutuwa ako sayo kaya bakit ko naman gagawin na gawin ka bihag? Sabi mo nga wala kayong malaking pera so, bakit pa ako mag hahangad na kindapin ka? Tsaka, di ako brutal! Hindi porket mafia eh masama na. Well, karamihan ganyan naman talaga ang tingin samin pero ang totoo ni isa wala pa akong ipinapapatay tsaka di kami gaya ng iiniisip ng iba tumutulong kami sa abot ng aming makakaya at walang masamang ginagawa sa kapwa. Pero kung masama ka at may kinuha ka sa iba na hindi sayo dun kami gagalaw."

"So... di ka po, kayo masasamang tao? Pero bakit wala sa inyong lumalapit o nakikipag usap na iba?"

"Di ko rin alam pero alam ko at nila na wala kaming ginagawang masama. Iniisip lang yon ng iba mabilis kasing humusga ang mga tao. Ikaw sa tingin mo ba masama akong tao?"

"Ahm... hindi ko rin po alam pero isa lang ang sure ko na di nyo ako sasaktan."

Xitian smiled and patted Ricai's head "don't worry kakampi mo ko at hangga't nandito ako walang mananakit sayo."

"Can I join?"

"Join? To where?"

"Sa gang nyo po."

"Ha?!"

Next chapter