11 kabanata 9

Kampay!!! sabay-sabay na sigaw ng kanyang mga tropa. Nasa bar house na sila sa oras na iyon. As usual, walang katapusang asaran, kulitan at kuwentuhan na naman ang kanyang mga tropa. Parang isang taon na hindi sila nagkikita-kita gayong katatapos lang nilang mag gimik nitong nakaraang Byernes ng gabi dahil nhanalo sa hinahawakang kaso si Atty. Vince. Ikaw na talaga Doc Lander, new CESWE passer! Pagkaalam ko, wala pa sa 30 percent ang pumapasa sa CESWE exam na yan, na tulad din sa amin sa BAR exam...kampay sa ating survivor! ang natutuwang bati sa kanya ni Atty. Vince. Asawa na lang ang kulang! haha! lalagay ka na nyan sa tahimik Doc pre! ang natatawang buntot ni Engr. Noah sa kanya! I object!!! dadaan dapat muna siya sa aking malapalasyong at makulay na pagmamahal bago siya mag asawa, patitikimin ko muna siya ng romansang hindi niya kailanman malilimutan! ang pasigaw naman na sabi ni Prof. Ram na sabay tawa nilang lahat...Kayo talaga, I'm still young to settle down, as of now i-enjoy ko muna ang pagiging buhay-binata ule. Life must go on while we're still young diba guys? Ang matipid na tugon ni Lander sa kanila. You mean, break na kayo ni bruhang Ludivina? Naalala ko na panay pa ang banggit mo sa bruhang iyon nung last time na gumimik tayo, Ang mausisang tanong ni Prof. Ram sa kanya, halatang hindi rin siya nag oopen sa kanyang social media account. Sabagay, kahit nga namang mga ganap na silang propesyonal na kahit nandito na tayo sa Millennial age ay hindi sila yung tipong nag-uubos ng oras at nakikitsismis lang sa mga social media account. There is more thing to do and there is more life for them sa mga ibang responsibilidad at obligasyon na gagawin, kaysa sa pagmumukmok lang at maglibang sa facebook, instagram at sa twitter. Ay hinde! ang slow mo naman prof! ang natutuwang sagot naman ni Jecko kay Ram. Sabay tawanan nilang lahat. Bottoms up? cheers! sabay-sabay na itinaas ang kanilang mga bote at sabay-sabay din nila itong itinungga. Tuloy lang ang kanilang kuwentuhan, asaran, lambingan at pati harutan na rin sa pagiging malandi ni Prof Ram sa kanilang lahat pero dahil si Lander lang ang bagong break-up kaya siya ang kawawang biktima sa kaharutan ni Prof Ram...

Mag a alas dose na ng hating gabi ng matapos na sila sa selebrasyon ni Lander. Basta mga pre, ingat na lang kayo sa pagmamaneho pauwe...see you all next time, ang sinabi ni Lander sa kanyang mga tropa. Yup doc pre, kahit gustuhin pa naming mag extend pero Martes pa kase bukas, for sure ngarag na naman tayo nito sa pagpasok.haha! ang halos sabay-sabay nilang sagot at tawanan, habang papasok na sa kani-kanilang mga sasakyan. Sige next time guys! Bye for now...ang halos sabay-sabay na paalam nila sa isa't-isa...

avataravatar
Next chapter