6 kabanata 4

That's absurd!!! how come? paano nga ba ule natalo? saan ba kami nagkulang? it is really unfair! naibulong ni Via sa kanyang sarili. Paano kasi natalo na naman siya sa kanyang hinahawakang kaso at ang nakakatawa pa ay credible at kumpleto namang lahat ang kanilang mga ebidensya kaya hindi nya ring lubos akalain na matatalo lang siya sa kanyang hinahawakang kaso. Don't you worry Sir Shapiro, gagawin ko ang lahat sa court of appeals, pupunta po kayo sa bahay this Saturday around 4:00 in the afternoon para po madiscuss po natin ang mga bagay na i-aapela po natin. Kalmadong sabi niya sa kanyang kliyente. Sige po attorney, laking pasasalamat ko pa rin sayo at sana nga maipanalo rin natin sa court of appeals, ang seryosong sagot naman ni Sir Shapiro sa kanya.

Isang bagong abogado si Via. Sa edad na dalawampu't lima ay masasabing isa na rin siyang kahanga-hanga at magaling. Bukod sa pagiging matalino ay sobrang ganda at sexy pa rin niya. Noong nag aaral pa lang siya, madalas siyang napagkakamalan na siya si Mutya Johanna Datul (Ms. Supranational 2013) kaya madalas din siyang isinasali sa mga beauty contest sa kanilang pamantasan noon at lahat nga ng sinalihan niya noon na pageant ay siya ang itinanghal na grand winner, dahilan na pinangalanan siyang Queen Via at di rin niya masisisi ang mga kaibigan at kaklase niya noon dahil nga sa tatatlong letra lang ang kanyang pangalan. Consistent honor student din siya at dalawang beses na na-accelerate sa kanyang pag-aaral. Nagtapos din siyang Cum Laude sa kursong Political Science at sa Bachelor of Law sa San Beda College. Sa edad na anim, maaga siyang naulila noon sa kanyang ina dahil sa sakit nito sa puso at hindi rin niya nasilayan ang kanyang ama na isa daw itong arabo na nakadestino dito sa Pilipinas at noong nalamang buntis ang kanyang ina ay kanya ito noong tinakasan kaya ito ang kanyang mga naging motibasyon noon para magseryoso siya noon sa pag aaral at sa kalaunan nga, naging ganap na siyang abogado at itong kaso ni Sir Shapiro ang pang-apat na kaso pa lang na kanyang hinahawakan pero ang masaklap lang nito ay lahat ng kanyang kasong hinawakan ay panay talo pa, kaya heto siya ngayon at didiretso na siya sa bar house para makapag chill kahit papano para maibsan ang kanyang kabiguan sa kanyang kasong hinawakan...

Life must go on! Ilalaban ko talaga ito sa court of appeals...ang seryosong sabi ni Via habang nagmamaneho na siya ng kanyang sariling kotse papuntang bar house...

avataravatar
Next chapter