5 kabanata 3

Habang binabaybay niya ang daang papasok sa kanilang opisina, hindi niya pa ring maiwasang isipin at gunitain ang kanyang dating girlfriend na si Ludivina, kung gaano siyang super ganda at super sexy na kahawig pa niya si Ms. Universe Catriona Gray, ay siya namang kapangit ng kanyang ugali. Paano nga namang hindi, kasi pangatlong beses na niya itong ginawang lokohin at paglaruin, una nahuli niya noong nakikipaghalikan sa isang resto bar sa isang mayamang may edad na, pero sa sobrang pagmamahal niya kay Ludivina noon ay agad niya nitong pinatawad na parang walang ganong nangyari at tinanggap niya ang palusot nito na sobrang lasing daw siya noon. Pangalawa naman ay noong sumali ito sa bikini open contest kung saan siya naman ang nanalo pero yun pala ay may kapalit na one night stand sa naging punong-hurado. Buti na lang at naiwan sa kanya noon ang kanyang cellphone sa sobrang pagmamadali nito kaya nalaman niya ang ganoong transaksyon ni Ludivina sa kanyang parokyano. Dahil sa wala pa namang nangyari noon at sa sobrang pagtatangi pa rin niya kay Ludivina kaya pinatawad na naman niya nito sa huli. Pero nitong kagabi nga, buti na lang at gumamit siya ng dummy account, kaya na niya talaga nahuli na mayroon siyang ibang kayakap at kalandian sa kanyang mga post doon at dito na talaga siya nagising sa katotohanan na talagang ayaw na niya sa kanya. Sabagay, wala pa namang mawawala sakin kundi siya ang nawalan sa guwapo kong ito! nausal na naman niya sa kanyang sarili. Hindi ko hahayaang ang isang babaeng walang ibang ipagmamalaki kundi lang nang kanyang pisikal na anyo, ugali at utak...bagsak! tsk! ang nasambit ni Lander.

Basta, be ready nako sa three months rule na iyan na wala munang hhahanap ng jowa, wala munang liligawan, at wala munang love life ng sa ganoon ay may time muna ako sa aking sarili tulad ng paglalaro ng lawn tennis at oras din sa mga tropa ko ule. Nangingiti niyang sambit sa kanyang sarili. Aalagaan ko muna ang puso kong ito.. sobrang sayang naman nito kung masasayang lang sa isang walang kuwentang babae...naipikit niyang konti ang kanyang mga mata sabay hawak sa kanyang matipunong dibdib...

avataravatar
Next chapter