4 kabanata 2

Ligo: check. Kain: check. Uniporme: check. Pareng Tsabing(kotse): check at syempre, Guwapo: check! habang sinisipat-sipat niya ang kanyang sariling mukha. Haist Lander, ang guwapo mo talaga! Kaya pala marami ang nabibighani sayo, ang nangingiting sabi ni Lander sa kanyang sarili. Hindi kase nalalayo ang kanyang itsura kay Daniel Matsunaga, ang grand winner ng pinoy big brother celebrity edition at isang sikat na Fil-Brazilian actor dito sa ating bansang Pilipinas, may taas siya na 6'2" at may mala-atletang pangangatawan. He's a certified heartthrob bachelor. Bukod din sa pagiging aminadong guwapo, isa rin siyang consistent achiever: (nagtapos lang naman siyang Magna Cum Laude sa Unibersidad ng Pilipinas, Diliman sa kursong edukasyon, top 5 sa LET board exam at sa edad na dalawampu't lima ay natapos na rin niya ang kanyang masteral at pagiging Doctor of Philosophy na rin) kaya sa murang edad ay isa na siya ngayong Program Supervisor sa larangan ng MAPEH sa kanilang dibisyon. Maraming nagpapa-cute at nagpapa-charm sa kanya pero dahil nga mayroon siyang dating ka-LDR ay hindi niya noon pinapansin ang mga ito. Haist! I really love my life, because what more is really there! Manic Monday is real, so be good to me! tanging nasambit niya sa kanyang sarili habang tuluyan na siyang pumasok sa kanyang sariling mitsubishi galant na kulay maroon na kotse. Let's go Tsabing! Let us start the day right! work mode is up next! Good luck self sa araw na ito...at nag usal siya ng konting dasal, bago niya lisanin ang kanyang bahay sa umagang iyon.

avataravatar
Next chapter