3 kabanata 1

kring!!! kring!!! kring!!! tunog iyon ng alarm clock. Umaga na naman kasi. Pupungas-pungas pa si Lander ng abutin niya at ini-off nya ang kanyang alarm clock. Alas sais na iyon nang umaga. Lunes na naman kasi. Kahit ayaw pa sana niyang gumising pero kinakailangan kasi may pasok siya ng alas otso sa trabaho. Muli na naman niyang naalala ang huling pag-uusap nila ng kanyang long time girlfriend na ngayon ay eks na niya kagabi at natapos nga ang kanilang madalimuot na relasyon kaninang madaling araw. Nahuli niya kase itong may ibang boyfriend sa ibang social media account. Damn! sa dinami-dami ng puwede niyang utuin at lokohin... sa dinami-rami ng puwede at kaya niyang biktimahin, sa dinami-rami ng kanyang puwedeng utuin, bakit ako pa?!! Nasaan ang konsensya mo, Nasaan ang puso mo, Ludivina!! sinayang mo lang ang lahat ng mga pangarap natin! ang lahat ng pagtatangi ko sayo...ang lahat ng mga naging sakripisyo ko sayo...ang lahat ng pag-iintindi ko sayo kasi nga minahal talaga kita ng sobra Ludivina, pero bakit nagawa mo sakin ito??? Ang mga nasambit ni Lander habang unti-unting minumulat ang kanyang mata. Medyo mahapdi pa ito kasi nga sa halong iyak at puyat niya nitong magdamag. Sabagay, ito na ang huling pagpupuyat ko..ito na ang huling pagpapauto ko, ito na ang huling sasaktan mo ako! ang tanging mga nasambit niya habang tuluyan na siyang bumangon sa kanyang higaan at nag umpisa na siyang gawin ang kanyang daily routine.

Life must go on, Lander...ikaw pa! Kaya mo iyan! Sabay ngiti siya sa pagluluto ng kanyang umagahan na itlog, ham, longanisa at toyo..

mapapasarap na naman ako ng kain nito, nasambit ni Lander sa kanyang sarili.

avataravatar
Next chapter