13 kabanata 11

Lander Anthony, anak..ang masuyong tawag sa kanya ni Dr. Wilma, ang kanilang CID chief sa umaga ding iyon...kasalukuyan siyang nagchecheck ng mga modules ng isang distrito sa umagang iyon ng saglit na tinawagan siya ng kanilang CID chief. May emergency meeting tayo sa conference room ngayon na. Sige po ma'am , susunod na po ako...ililigpit ko lang po ang mga ito, ang maikling sagot naman ni Lander sa kanilang CID chief.

It is a very sad news to hear that our very own SGOD chief, Mr. Norbert Tangcora passed away this early morning dahil binangungot daw ito, sabi ng kanyang ate. Ang panimulang anunsyo ng kanilang Assistant Schools Division Superintendent na si Dr. Margarita dela Cruz. Lahat ay nagbulungan at nag usal ng maikling panalangin para sa kaluluwa ng yumaong SGOD chief. Alam naman natin na si Sir Eduardo Sulpet na program supervisor nila ay naka on leave na dahil nga sa retirable na ito at nasa Maldives sila at ng kanyang pamilya, ang patuloy na saad ng kanilang ASDS. Dahil dito, bilang head ng ranking committee at ngayong araw na ito ang schedule ng final interview, evaluation and assessment para sa Attorney lll position ng ating Department of Education family, ay kinakailangan natin ng asignatories sa lahat ng unit o department para maging valid ito at ng maaprubahan ng Civil Service Commission, ang pagpapatuloy na sabi ng kanilang ASDS. At dahil nga sa biglaang pagkawala ni Sir Tangcora, kinakailangan natin ng asignatori para sa School Governance and Operations Division o SGOD at dahil nga sa bagong CESWE passer itong anak natin na si Dr. Lander at inaprubahan na rin ng ating SDS na si Dr. Macanas, ikaw Dr. Lander Anthony Aldana ang ina-appoint namin na maging Officer in Charge, ng SGOD department simula sa araw na ito... ang seryosong deklara ni Dr. Margarita dela Cruz, and kanilang Assistant Schools Division Superintendent.

Dahil sa hindi pa nag-si sink in sa kanyang utak ang sinabi ng kanilang ASDS ay hindi pa muna siya agad nakasagot...pero dahil nga lahat ng unit at department heads ay nakatingin sa kanya ay napatango na lang ito bilang pag sang ayon sa kanyang bagong responsibilidad. Therefore, I am now declaring Dr. Lander Anthony Aldana, CESWE as the new Officer in Charge of the SGOD department. So, may I call on Sir Wilmer Sandejas, our Administrative Officer V for giving the instructions and also the rules and regulations in giving points in hiring the Attorney lll position na supposedly ay nag start na sana ngayon pero dahil nga sa untimely death ng ating SGOD chief ay nagka emergency meeting tayo at pinostponed na lang natin na mamayang 10:30 na lang ang final assessment ng mga aplikante natin, ang pagtatapos na sabi ng kanilang ASDS.

Tumango naman si Sir Sandejas at nag-usap na nga sila ni Lander para sa naturang rules and regulations in hiring the Attorney lll position.

Haist, panibagong simula na naman ito, good luck self...ang pabulong na sabi ni Lander sa kanyang sarili.

avataravatar
Next chapter