15 Kabanata 14

"We should buy our clothes in mall, Ash..." Bulong ko habang hawak hawak ang isang kulang puting t-shirt na nakita namin sa labas ng resort.

"Why you don't like it?" Nanlaki ang mata ko dahil paniguradong narinig ng nagtitinda ang sinabi niya.

"No! No! No! I mean, they only have clothes here, we also need some under wears, right?" Ngumiti ako sa kaniya. Kumuha ako ng dalawang t-shirt na puti para naman hindi sayang ang page-entertain sa amin ni Ate.

"Magkano po?" Kukunin ko pa lang ang wallet ko ng makita kong iniabot ni ash ang isang malutong na isang libo sa nagtitinda. "Hoy! Ako na magbabayad."

"Wag na, ako na. Just keep your money nalang," Inakbayan ako nito at hinapit palapit sa kaniya. Narinig ko pa ang mahinang pag hagikhik ng nagtitinda kaya agad kong kinurot ang tagiliran ni Ash.

"Ang sweet niyo naman po, Ate, Kuya. Magjowa na po kayo?" Napanganga ako sa sinabi ng tingin ko'y kapatid ng nagtitinda.

"Alexa! Ano ba naman yan. Pasensya na po kayo, Ate." Nahihiyang iniabot sa akin ng babae ang sukli at iyong isang kulay puting supot na pinaglagyan ng binili namin.

"Pero ang cute niyo po hehe, sana all po." Nanlaki ang mata ko sa sinabi ng tindera.

"Bagay po ba kami? Nililigawan ko, Ate." Punong puno sa sarili si Ash ng sinabi niya iyon sa kay Ateng nagtitinda.

"Opo! Bagay na bagay po kayo! Ay, nako, sana ako din!" Humagikhik ito at paimpit pang tumili. Napasapo nalang ako sa aking noo dahil sa kahihiyan.

"Para ka talagang ewan!" Natatawang hinampas ko ang braso ni Ash.

"Bakit? Hindi naman tayo kilala non, hayaan mo na." Aniya at hinapit ako sa baywang. Kasalukuyan kaming naglalakad ngayon sa loob ng mall. Naghahanap ng stall kung saan pwede bumili ng mga kakailanganin ko.

"Hindi ko talaga maisip, bakit ngayon mo lang sinabi na gusto mong mag swimming? E 'di sana napaghandaan ko 'di ba?" Pumasok kami sa isang botique na puro pang swimming. Halos mapamura ako ng kinuha ko ang isang kulay dilaw na two piece swimsuit.

"Ayoko na dito. Ang mahal naman!" Hinatak ko ka-agad si Ash para makalabas na kami. Jusko! Limang libo? Para sa isang gamitan lang? Wag nalang!

"Why? You don't like it? Maganda naman ah?" Aniya, hawak hawak na iyong swimsuit na tiningnan ko kanina.

"Hindi sa ayaw, ang mahal, Ash." Bulong ko sa kaniya.

"Ako na magbabayad kung ayaw mo gumastos." Aniya at hinila ako sa aisle kung nasaan ang mas mahal pang mga swimsuit!

"Ano ka? Sugar daddy ko para ikaw bumili ng mga gagamitin ko?" Humalakhak ako at agad na umiling sa kaniya.

"Do I look that too old for you, huh, Belle?" Seryoso niyang sambit, napahawak pa ito sa kaniyang dibdib na akala mo ay natapakan ko ang pagkatao niya.

"Tara na nga! Sinabi ko na nga sayong mahal dito e." Hinila ko ulit ang braso nito.

"Ako nga magbabayad. What do you want? This?" Aniya at itinaas iyong kaninang hawak hawak ko. "Or me?"

Napangiwi ako at bumitaw sa pagkakahawak sa kaniya. "What the fuck, Ashton? Ang harot mo."

"What? Pili na! Kahit ano namana ng piliin mo libre na e." Humalakhak ito at ibinaba ang swi suit na hawak. "What's your size? Small?" Bumaba ang tingin nito sa may dibdib ko.

"You fucking pervert!" I crossed my arms around my chest at bahagyang napaatras sa kaniya.

"What the hell, love? I'm just asking your size, para mabili na natin. This look too big for you." Aniya at tinawag ang isang sales lady na nakamasid lang sa amin sa dulo nitong aisle.

"I don't know what is my size, Ash." Sambit ko habang hawak hawak iyong swimsuit na papahanapan niya ng size ko.

"What's your available sizes, Miss? Can we see? Para naman masukat niya." Kinuha niya sa akin iyong swimsuit at iniabot sa babae.

"Okay po, wait lang po, Sir." Anang babae at dumiretso na sa kung saan.

"Alam mo? Sa susunod na magbabalak kang mag swimming sabihan mo ko ng mas maaga ha? Tingnan mo tuloy nasasayang oras natin sa pagbili ng damit." Umirap ako at nagsimulang maglakad para maghanap pa ng pwedeng magamit.

"Okay, I'm sorry. Atleast may room na 'di ba?" Aniya at mahinang tumawa.

"Ewan ko sa 'yo. Ang kwarto hindi mo nakalimutan, pero ang damit, oo! Utak mo baliktad." Kinuha ko ang isang puting see through na dress. "Bagay ba?"

"Mas bagay tayo." Umirap ako at ihinampas sa kaniya ang damit na hawak.

"Harot mo, Ash. Bahala ka jan." Sambit ko at tinalikuran siya. Huminto ako sa isang bench at umupo para doon nalang hintayin iyong swimsuit na pinahanap niya.

"What are your plans for your birthday?" Tanong niya at umupo rin sa tabi ko. Umusog ako ng kaunti para mabigyan siya ng kaunting espasyo.

"How did you know about my upcoming birthday?" Gulat akong napalingon sa kaniya. Ang alam ko kasi hindi ko pa nasasabi sa kaniya, at wala rin naman sa facebook 'yon!

"Yumi told me." Nalaglag ang panga ko sa sinabi niya.

"Eh? Kailan?"

"Yesterday. She invited me." Hindi makapaniwalang humarap na ako sa kaniya.

"Seryoso ka ba? Ni wala pa nga akong plano, inimbita ka na!" Napailing nalang ako. Ang babaeng iyon talaga!

"Why? Saan mo ba balak icelebrate?" Tanong niya at bahagyang humilig sa akin.

"I still don't know, my friends wants to go in BGC. Club daw, ewan." I shrugged my shoulder at him. Tumayo ako ng makita ang sales lady, bitbit iyong pinahanap niyang swimsuit ko.

"Dinala ko na po lahat ng sizes, Ma'am." Inilahad nito ang mga babae sa likuran niya.

Jusko! Nakakahiya, isa lang naman ang bibilhin ko, pero andami nilang gumagalaw! Tumikhim ako at iniabot iyong tingin ko naman ay kakasya sa akin. Dumiretso agad ako sa fitting room.

Napanguso ako ng makitang kasyang kasya sa akin ang pinili ko. Hinubad ko rin iyon agad. Chineck ko pa ang size at halos umikot ang mata ko sa nakitang 'S' sa gilid.

"Sakto?" Tanong ni Ash ng makitang lumabas na ako sa fitting room. Tumango lang ako sa kaniya at nilagpasan siya.

"Ano po, Ma'am? Okay na po yung nakuha niyo?" Ngumiti ako sa sales lady at tumango. Inutusan nito ang mga babaeng may hawak ng ibang sizes nitong swimsuit na hawak ko na umalis na at bumalik na sa trabaho nila.

"I'll buy that too, Ash." Tinuro ko iyong see through dress na ipinakita ko sa kaniya kanina.

"Why? Bakit mo pa bibilhin yan, parang wala ka na ring damit jan e!" Aniya at inagaw sa akin 'yong dress.

"Ano ba! Hindi ka naman babae, kaya hindi mo malalaman kung bakit kailangan namin ng ganito." Umirap ako at lumapit na sa may counter para magbayad.

I placed my clothes above the counter para kuhain 'yong wallet ko. Pero ang magaling na si Ashton ay agad na iniabot sa cashier yung card niya.

"Ate! Wag yan, ito po, ito po." Pinipilit kong iabot ang card ko pero nahihiyang umiling lang sa akin ang babae. Mabilisan niyang iniswipe ang cars at agad na ibinalik sa kay Ash.

"Okay, fine! Just send me your damn bank account. Ang dami ko ng utang sayo ha?" Suko ko. He just laughed at me. Kinuha nito ang isang paper bag at siya na ang nagbibit hanggang sa paglabas ng mall.

"You won't buy yours too?" Tanong ko, dahil napansin kong dere-deretso ang paglalakad nito.

"Hindi na. Kaya ko namang umuwing basa ang," Tumigil ito sa pagsasalita. Ngumisi pa siya sa akin at bahagyang humalakhak.

"Ang? Ang ano, Ash? Are you saying that you can go home even though your undies are soaking wet?" Tanong ko sa kaniya. Humalakhak ito sa akin at hinapit ako palapit sa kaniya.

"I'm just kidding! May pack bag ako sa likod ng kotse." Sumimangot ako at kinurot ang baywang niya.

"Kita mo 'to! Ikaw may dalang gamit tapos ako wala? Ikaw lang talaga preperado sa mga plano mo e!"

"I did not prepare it for today, Belle. May ganoon na talaga ako sa likod ng kotse." Aniya at pinagbuksan ako ng pinto. Ngumiwi ako sa kaniya at bahagyang napairap.

"Name po, Sir?" Bungad na tanong ng babae sa front desk pagkapasok namin ng hotel.

"Ashton Dione Funtabella," Dinig kong sagot niya. Umikot ang paningin ko sa kabuuan ng hotel. May mga tao sa loob, ang iba ay patungon restaurant, ang iba naman ay patungo sa pool sa likod nitong hotel. Ngumuso ako bumalik ang tingin sa katabi.

"Sayang, we should plan an outing next time pero dapat na kasama yung iba." Sambit ko. Tumango lang sa akin si Ash at pinagpatuloy muli ang pagpirma ng kung ano sa papel. Bumaling ako sa babaeng nasa front desk, naabutan ko pa itong tulala at nakakanganga habang pinagmamasdan ang katabi ko.

"Here," Umayos ng tayo si Ash at binalik sa babae ang papel. Tumikhim pa ito bago kinuha ang papal. Napanguso ako.

"I think she likes you." Bulong ko habang pinagmamasdan ang babae na inaayos na ang room na kinuha ni Ash. Hindi na rin naman nagtagal at binigay na agad ang susi. Ash held my waist para igiya ako patungo sa kwarto na kinuha niya.

"So? Ikaw lang naman gusto ko." Aniya at hinila ako papasok ng elevator.

"Talaga ba? May nagsabi na rin sa akin niyan e. Hindi rin kami nagtagal." Natatawang sambit ko sa kaniya.

"Really? Sino 'yon? Dapat ko na ba siyang pasalamatan na hindi kayo nagtagal?" Aniya at bahagyang tumawa. I rolled my eyes at him.

The elevator stopped in our floor. Nagmamadali akong lumabas dahil anong oras na! Tingin ko ay hindi talaga namin maeenjoy. Ang bagal pa maglakad nitong kasama ko.

"Magpapalit na ako ha?" Sambit ko habang hinahalungkat ang paper bag kung nasaan iyong pinamili niyang damit ko.

"Okay," Aniya at binuksan ang mga bintana. Ngumuso ako at dumiretso na papasok ng banyo.

I tied my hair in messy bun style. Sinuot ko rin 'yong binili ko na see through dress. Inaayos ko pa ang buhok ng lumabas ng banyo. Naabutan ko pa si Ash na hinuhubad yung t-shirt na suot niya.

"Maganda ba? Alam kong maganda ako, pero yung damit yung tinutukoy ko." Humalakhak ako at bahagyang umikot sa harapan niya.

"It's pretty. But, what's the purpose of this?" Aniya at hinawakan ang see through dress ko.

I rolled my eyes at him. "Damit yan, Ash, ano ba."

"Really? Bakit kita ko ang dibdib mo kung damit yan?" Nalaglag ang panga ko sa sinasabi niya.

"Ewan ko sa 'yo, maging babae ka muna bago mo maintindihan na damit din 'to." Sambit ko ang bahagyang umirap sa kaniya. "Are you done? Tara na!"

Lumapit ako sa bintana para silipin kung maaraw pa ba. Turns out na makulimlim at mukhang uulan pa ata.

"Ang malas, uulan ata, Ash." Humalakhak ako at bumaling sa kaniya. Napaigtad ako ng makitang nasa likuran ko na siya at nakapaymang habang nakatanaw sa akin.

"Tara na?" Aniya. Tumango lang ako at sumunod na sa kaniya palabas ng room.

"We should plan an outing kasama sila Yumi. What do you think?" Liningon ko siya. His lips pouted as he glanced at me.

"Saan naman?" Napaisip ako ng lugar na pwede naming mapuntahan.

"Hmmm, do you know Mavi? Yumi's bestfriend. Inaaya kami non pumunta ng Negros, sa kanila, maganda daw roon." Sambit ko. Iginala ko ang paningin sa kabuuan ng resort. Halos mga bata ang nagtatampisaw sa pool ngayon.

"Really? I've never been there. Maganda ba don?" Napanguso ako at sumimangot dahil sa tanong niya.

"Hindi pa rin ako nakakapunta don." Sambit ko at agad na hinubad ang dress ko ng makarating kami sa mga sun lounger.

"Let me take a picture of you, Belle." Nanlaki ang mata ko at bahagyang napaatras ng makitang itinapat nito ang cellphone sa akin.

"Ang pangit ko!" Agad akong tumakbo papunta sa pool.

"Hey! Be careful!" Sigaw niya ng tumalon ako agad sa tubig.

Malamig na simoy ng hangin ang sumalubong sa akin pagdilat ko. Tunog ng sirena ng kung ano ang bumalot sa pandinig ko.

"Belle! Adi!"

"It was my Mommy's voice!" Tumayo ako pero agad ring bumagsak ng maramdaman ang sakit sa aking paa. Bumaba ang tingin ko roon pero hindi ko gaanong maaninag dahil sa dilim ng paligid.

"Belle!" Naramdaman ko ang kamay ni Ash na pumulupot sa may baywang ko. I took a deep breathe before I look at him. "Do you know how to swim? Maganda ang view banda doon. Let's take a picture."

Ngumuso ako nang maramdaman ang hininga nito banda sa may tenga ko. Lumayo ako sa kaniya bahagya. "Tara. Abot ko ba ilalim banda don? I know how to swim only if I can touch the floor pag nakatayo ako."

He chuckled at me. "It's okay, as long as you're with me, you're safe. Let's go." His big hands rested on my waist as he pulled me.

"Look at the left side, Belle." Pinaningkitan ko siya ng mata.

"Niloloko mo na ata ako e!" Umirap ako sa kaniya at sinunod rin ang gusto niya.

"Lean on the wall, Belle. Tapos, side view ulit." Aniya at lumayo ng kaunti sa akin. Natatawang sinunod ko nalang ang gusto niya.

"1... 2..." Dinig kong bilang niya. "3... I love you."

Dahan dahang nawala ang ngiti sa aking mukha. My heart beats fast at his corny moves. Umirap ako at lumangoy palapit sa kaniya para tingnan ang mga nakuhang larawan.

"Ang pangit ko jan, Ash!" Reklamo ko ng makita ang huli kong picture.

"Anong pangit? You're pretty!" Aniya at inilayo sa akin ang cellphone.

Umirap ako sa kaniya. "Picture naman tayo! Yung dalawa tayo."

Luminga linga ako para maghanap ng pwedeng magpicture sa amin. I saw a lady looking at us. Ngumiti ako sa kaniya at lumapit.

"Hello! Can you take us a picture?" Nahihiyang inilahad ko sa kaniya ang cellphone ni Ash sa kaniya. The lady just grab the phone and smiled at me back.

Bumalik uli ako sa pwesto kung saan ako piniture-an ni Ash kanina. Ngumiti ito sa akin at hinila ako palapit sa kaniya. He rested his arms in my shoulder.

On our last picture, Ash kissed the side of my head. Napa-igtad ako sa ginawa niya. Hindi ko tuloy alam kung ano ang kinalabasan ng mukha ko roon!

"You two look cute," Puna ng babae ng iabot nito sa akin ang cellphone ni Ash. "Are you two together?"

Ngumiti ako sa kaniya at bahagyang umiling. "Hindi pa po..."

"Oh, he's courting you then?" Tanong niya pa. Tumango ako rito. "Oh, bagay kayong dalawa."

Kumunot ang noo ko ng titigan ko ang mga mata nito. She looked familiar.

"I'm Belle, and this is Ash." Pagpapakilala ko.

"I'm Laura..." Ilalahad palang nito ang kaniyang kamay ng isang matangkad at matipunong lalaki ang lumapit. May ibinulong ito sa kay Ms. Laura. "I got it... I got it..."

Nahihiyang bumaling muli ito sa amin. "I'm sorry, there's just a problem in my business. Anyways, nice to meet you two." Ngumuti ito sa amin. Saglit pa itong nagpaalam bago tuluyang umalis at sumama sa tingin ko'y bodyguards niya.

Ngumuso ako at binalingan ang katabi kong kanina pa tahimik. "She looked familiar." I tilted my head a bit. Iniisip ko kung saan ko ba nakita iyong si Ms. Laura.

"Really? Baka guni guni mo lang 'yon." Aniya, seryoso ang mga tinig.

Guni guni? I feel like I saw her somewhere. Hindi ko lang mafigure out kung saan. Napailing ako at binalewala nalang ang nasa isip. Baka business partners ni Daddy?

avataravatar