1 Prologue

Prologue

"DO YOUR very best in everything you do and aim to be the best among everyone. Gusto kong maging successful ka tulad namin ng dad mo or even more sucessful, you understand me, right?"

"Yeah, of course, mom." Walang ganang sagot ni Blaster sa ina.

Gusto ng parents ni Blaster na siya ang lagi pinakamagaling at top sa lahat ng kanyang mga ginagawa sa buhay at dahil doon ay nasanay na rin siyang laging nasa top.

Nag-take siya ng entrance exam sa school kung saan gr-um-aduate ng pre-med ang parents niya at umaasa ang mga ito na siya ang magta-top sa naganap na entrance exam. Sa palagay naman niya ay nagawa niya ang pinaka-best niya kaya confident siyang mabibingwit ang tagumpay.

Eversince, ang mga gusto lang ng parents niya para sa kanya ang laging nasusunod—mabuti na lang ngayon at hinayaan siyang kumuha ng kursong BS Natural Science dahil gusto niyang maging Scientist balang araw at mag-trabaho sa NASA tulad ng napapanood niya sa National Geographic channel—pero hinayaan lang siyang kumuha ng kursong gusto niya kapalit nang pagdo-doctor niya in the future.

Dumaan ang tatlong araw at announcement na ng mga nakapasang mga estudyante sa entrance exam sa Pilgrim University, sa official fanpage ng school. Excited niyang binuksan ang FB account niya para tinignan ang resulta—and there, nakapasa siya with an almost perfect score—but sadly, hindi siya ang top examiner dahil sa babaeng nagngangalang Aphrodite del Mundo with a perfect average of a hundred percent.

"We saw the result of your entrance exam and you were just in second place." Sabi ng mommy niya na hindi niya namalayang nakapasok na pala sa loob ng kuwarto niya ngunit pagkasabi nito nang mga sinabi ay lumabas din agad. Disappointment was written all over her face.

Siya man ay medyo nakaramdam nang disappointment sa naging resulta ng exam o baka hindi lang siya sanay na makita ang pangalan niya na nasa second best palibhasa mula grade school ay nagta-top siya sa lahat; mapa-academics o sports pa.

Napabuntong-hininga siya. Hindi ba matanggap ng puso niya ang naging outcome ng entrance exam—o ng ego niya? "I wanna meet this girl named Aphrodite..."

avataravatar
Next chapter