2 Chapter 1

I

| Enrollment |

Pagdating sa harap ng gate ay agad binuksan ng guard ang gate. Sosyal may guard. Pinark ko na ang sasakyan tsaka nagpatulong sa guard na ipasok sa loob ng bahay si John.

"Who are you?"

Napalingon ako sa nagsalita. Sya na siguro ang mudrakels nitong si John. Infairness mukhang dalaga pa sya kahit may binata na. Kinis ng mukha, maputi at rebonded ang buhok. Sana oil.

"Ahh Maam I'm Archie, kakakilala lang po namin ni John sa bar kanina. Hinatid ko na baka mapano pa, wala daw kasi syang kasama kaya ako na ang nagpresenta."

"Ohhh just call me Sarah. Napakapormal kung tatawagin mo akong Maam. Anyway, thanks sa paghatid sa anak kong pasaway."

"Hindi naman po. Mabait po si John."

Si manong guard na ang naghatid kay John sa kwarto nito. Isinama naman ako ni Sarah sa kusina para magkape. Ayoko sana kaso nagpumilit sya. Makabawi man lang sa paghatid ko sa anak nya. Okay na rin ito nang mabawasan ang antok, kailangan ko pang umuwi.

"Pasensya kana kay John ah, nag-away na naman kasi sila ng asawa ko kaya siguro nag-inom."

"Wala ho yon. Maaayos naman makisama si John kaya hindi po ako nag-alangan na ihatid sya. Lasing na po sya nung magkakilala kami."

"Mabuti nalang hindi ka pa nalalasing. Ewan ko nalang kung anong mangyari."

"Kaya nga po. Medyo nabitin nga po ako sa alak eh."

Napahalakhak siya sa sinabi ko. Kung titignan mong mabuti, mukhang magkapatid lang si John at Sarah, napakabata nyang tignan. Nahiya ako bigla ng marealizd kung ano ang aking sinabi. Baka isipin nyang malakas ako sa alak.

"Naku walang alak dito eh. Gusto mo bang magpabili ako sa labas?"

"Ay wag na po. Tsaka kailangan ko na ring umuwi, baka hinahanap na rin ako samin."

Pagdadahilan ko. Wala namang maghahanap sakin sa bahay, walang tao dun maliban sa mga katulong. Kaya minsan ayokong umuwi ng bahay. Nagkataon lang na hindi pa kami ganun kaclose ni John kaya wala sa lugar na makitulog ako dito. Nakakahiya.

"Pano ka uuwi? Wala kang dalang sasakyan."

"Nagbook na po ako ng masasakyan, malapit na rin naman po."

Sinamahan ako si Sarah na maglakad palabas ng bahay hanggang sa labas ng gate kung saan hihintayin ko ang binook kong sasakyan. Malalim na ang gabi kaya malamig na ang simoy ng hangin. Alam kong di ito ramdam ni Sarah dahil sa kapal ng suot nya.

"Hope youve become friends with my son Archie. Mabait ka."

"Salamat po. Madali naman po akong kaibiganin. Si Archie na lang po kung gusto nya."

"Hayaan mo bukas paggising nun ikikwento kita sa kanya. Kasi malamang sa malamang hindi na nya maaalala ang nangyari ngayong gabi, lasing eh."

Nakaramdam ako bigla ng pagkadismaya. Alam kong lasing sya pero 'yong muntikan na nya akong halikan, alam kong gusto nya rin yon. Sana maalala nya pa rin.

"Kahit wag na po."

"Ano ka ba, youre a good man. Magkakasundo kayo ng anak ko.

"Sana nga po."

Maya-maya pa'y dumating na ang kotse. Tumigil ito sa mismmong harapan namin ni Sarah. The driver asked my confirmation kung ako ba talaga ang nagbook and I said yes.

"Ingat ka Archie. Hope to see you again."

"Me too. Salamat po."

Sarah wave her hand as an indication of goodbye. Iniwanan ko sya ng isang masayang ngiti. Whatta lovely Mom she is. Swerte ni John dahil may ina syang katulad ni Sarah. Me? Nevermind. Ayoko pag-usapan, nag-iiba ang mood ko eh.

As usual, maids ang sumalubong sakin pagdating ng bahay. Dumiretso na ako ng kwarto para magpahinga. I tried to put myself in sleep but I can't, naaalala ko na naman si John. Ano man ang nangyayari sakin, hindi ko alam.

Frustrated akong bumangon ng kama. Love at first sight ba ito? No way, he's an stranger. Napaisip din ako na pede naman mangyari yon sa kahit sinong tao, kakilala man o hindi. Fuck! Kinuha ko ang telepono para tawagin si Ate Emma.

"Nay Emma, pede po bang dalhan moko dito ng makakain?"

"Ano bang gusto mo anak?"

"Kahit ano pong meron, isang plato lang then pakisamahan po ng gatas."

"Sige anak, iaakyat ko na lang jan maya-maya."

"Salamat Nay Emma."

"Okay Nak."

I hang up the phone after my conversation with Nanay Emma. I preferred calling her Nanay kasi pakiramdam ko may totoo akong ina dahil sa kanya. Even other yayas here, tinatawag kong Ate, sa driver naman ay Kuya.

We're close kasi kami kami lang din naman ang nagkakasalubungan dito sa bahay. Tahimik nga lang ako minsan pero nakikipag-usap naman. I treat them the way na hindi lang sila katulong dito sa bahay but as my other family na rin.

I heard a knock then Nanay Emma showed up. Dala nya ang tray ng pagkaing hinihingi ko, umuusok pa yong milk na ikinatuwa ko. I like milk when it hot. As she put my food in the table, nagsalita sya.

"Nag-inom ka na naman ba?"

"Di naman po ako nalasing, ilang shot lang po."

"Lagi kong paalala sayo na makakasama sayo ang sobrang pag-inom."

"Opo Nay. Pede po bang payakap?"

Naiyak ako nang yakapin ako ni Nay Emma. Tears of joy kasi andyan sya palagi when I needed comfort. Para na syang tunay kong ina kahit naninilbihan lang sya samin.

"Oh ayan ka na naman sa pag-iyak mo sa tuwing yayakapin kita."

"Di ko lang po mapigilan. Ganito po pala ang pakiramdam na may pagmamahal yong isang yakap. Hindi ko po kasi yon maramdaman kay Mama."

Maging si Nay Emma ay naiiyak na rin sa kadramahan ko sa buhay. She knows everything about me, even my true identity. Pinunan nya yong pagkukulang ng tunay kong ina.

"Tahan na anak. Alam mong nandito lang kami palagi para sayo, hindi ka namin pababayaan. Hanggat naririto kami ng mga Ate at Kuya mo, huwag mong isipin na nag-iisa ka."

"Huhuhu I love you Nay,"

"Love you too Nak. Pano bababa na ako, kailangan ko na ring matulog."

"Sige po. Goodnight Nay."

"Okay Nak, goodnight. Matulog kana pagkatapos mo kumain."

"Opo."

Paglabas ni Nay Emma ay sinimulan ko nang kumain. Di naman ako nagugutom pero gusto kong kumain. Pampawala ng anumang masamang kaisipan. Habang kumakain, nasa isip ko pa rin ang mukha ni John. Napabuga ako ng hangin bago bumaba para hugasan itong pinagkainan ko.

"Naku bunso, ako na maghuhugas."

Nagsalita mula sa likod ko si Ate Maya. Mukhang nakatulog na ito, nagising lang baka nagbanyo. Sabog ang buhok eh.

"Ako na Ate, ito lang naman."

"Oh sige. Matutulog na ako ulit ah."

"Sige po Ate goodnight."

"Goodnight din. Matulog kana after mo dyan."

"Opo Ate."

Tinapos ko lang ang paghuhugas tsaka ako umakyat ulit ng kwarto. Nabusog ako sa kinain ko. Ayokong matulog nang busog kaya nagbasa muna ako ng nobela habang nagpapawala ng kabusugan.

Nakailang chapters din ako bago naisipang tumigil magbasa. Antok na rin naman ako. Reading is one of my favorite hobbies, nakakawala ng stress dahil sa pagiging imaginative ko sa bawat eksenang nababasa.

The next day, I woke up feeling groggy. Epekto siguro nung alak na nainom ko kagabi. Sobrang kakaisip din siguro kay John. Kaloka ang lalaking 'yon aba, lakas ng epekto sakin. Hindi ko sya malimot-limot.

I need to focus, dapat ko muna syang kalimutan because I have some things to accomplish this day. I fixed my bed first bago nagpunta ng banyo to execute my daily routine.

The moment I open the door of my bedroom , agad kong naamoy ang nilulutong breakfast sa baba. Hmmm, ang bango. Nakakaganang kumain ng marami-rami ngayong umaga. Breakfast na siguro ang pinakagusto ko sa lahat.

"Goodmorning Nak. Halika kumain na, nakapagluto na ako ng paborito mong almusal."

"Salamat Nay,"

Naupo na ako para kumain. Busy ang Nay Emma sa pagkuha ng kakailanganin ko sa pagkain. Parang tunay na anak nya ako kung mag-asikaso sakin.

"Tsaka enrollment mo ngayon diba? Dapat busog ka para di ka gutumin sa pila."

"Kaya nga Nay, baka abutin nga ako ng hapon kung sakaling mahaba ang pila."

Yes, today is my enrollment day in my new school. Ayoko sanang umalis sa dati kong school kaso wala namang college dun, hanggang senior high school lang. So I have no choice but to pick out other school.

"Sige kumain kana anak."

"Si Kuya Garry po?"

"Naliligo ata. Papahatid ka ba o ikaw magdadrive?"

"Papahatid Nay. Wala po ako sa mood magdrive ngayon eh."

"Hala sige anak. Kumain kana dyan at pupuntahan ko lang ang Kuya Garry mo nang maabisuhan ko."

"Sige Nay, salamat po."

After ko kumain ay inihatid na ako ni Kuya Garry sa school. It only takes almost 15 minutes to arrive. Mabilis lang, wala namang gaanong traffic since maaga pa naman.

"Bunso, susunduin ba kita mamaya?"

"Baka po kasi abutin ako ng hapon."

"Ganun ba? Txt or chat mo nalang ako pag magpapasundo ka okay?"

"Sige po."

Di ko na hinintay na umalis si Kuya Garry, pumasok na agad ako sa school. I'm not so excited but a lil bit. The guard ask for my intention nang makalapit ako sa gate.

"Papaenroll po ako."

"Okay, pasok ka."

"Salamat po."

Pagpasok ko sa loob ay bumungad sakin ang napakagandang fountain. Pabilog ang itsura nito na nahahati sa tatlong iba't ibang sukat. The third circle which is placed at the center, where a statue of a woman holding a torch was overlapping. Nag-aapoy ang hawak nitong sulo.

It looks like a Latona fountain pero ang kaibahan lang ay imbes na palaka, isda ang ginamit na labasan ng tubig. Kulay ginto ang mga isdang nakapalibot at mayroon silang iba't ibang sukat, may maliit at may malalaki. Goldfishes!

Nakakamangha, pede ko ata ito gawing inspirasyon para sipagan sa pagpasok. Yun bang papasok ka lagi dahil may ganito kagandang fountain. Charot! Syempre papasok tayo para sa pangarap, para sa kinabukasan, at sa pagbabago. Pak Ganern!

Pumila agad ako nang mahanap ang pila para sa mga requirements. Kumpleto ang dala ko, isusumite 'to sa school for students info. Di rin mawawala ang NBI Clearance dahil baka mamaya serial killer or drug addict pala ang papasok sa paaralan nila o di kaya may mga criminal records. Kasi ang estudyante dapat pure, wala pa dapat kasalanan.

Eme lang. Ibig kong sabihin eh yun bang labag sa batas ang ginawa. Gets? I know the saying. Nobody is perfect pero may perfectionist. Hindi ako yon, baka ikaw. Tingin ko wala namang masama sa pagiging perfectionist basta nasa tama at inilulugar. Ganern!

"Dito ba ang pila for phase 1?"

Nilingon ko ang nagtanong. Lalaki? At ang cute pa. My gash kung ganito ang nasa likod mo aba nanaisin kong di na umusad ang pila. Pero parang may mali sa kanya, he's so serious. Di mo makikitaan ng anumang ekspresyon, ang lamig ah.

"Ahmf di ka nagkakamali. I mean yes, dito ang pila for phase 1."

Di ako makatingin sa kanya ng maayos, ang seryoso kasi talaga nya tumingin. Gwapo naman plus factor ang dimples nya, so cute. Pero walang makakatalo kay John. Argh! Naalala ko na naman sya. Hindi pwede ito, nakakabaliw.

"Okay."

Thats it? Tinitigan ko pa sya, naghihintay na baka may susunod pang sasabihin. At dahil seryoso nga sya, nganga, walang sumunod. Ayun biglang nag ML, di na ako pinansin. Wala man lang sya pa thank you. Bahala nga sya.

Kung kanina gusto ko bumagal ang usad ngayon naman gusto kong mapabilis, may masamang elemento sa tabi ko, yelo ang kapangyarihan dahil sa lamig na hatid nya sakin.

Ilang tao nalang ako na ang susunod na magpapasa. Habang nakatulala biglang may parang naghahabol ng hininga sa likod ko. Hala? Bigla akong napalingon at agad nataranta. Di makahinga si cutie. What to do?

"I-inhaler."

Naku hanggang kamatayan ata tipid pa din magsalita itong si cutie. Natataranta na ako kung ano gagawin. Di naman ako nurse kasi, hindi ako sanay sa gantong sitwasyon.

"Sino may inhaler sa inyo? Pahiram please."

Sumigaw na ako para marinig ng lahat. Bigla namang magtumakbo papalapit samin dala ang inhaler. Kinuha ko ito agad tsaka ibinigay kay cutie. Jusko, buti nalang may nagbigay.

"Salamat Ms."

"Wala 'yon. Ang importante mailigtas sya."

Kita kong nagpupuso na yong mga mata niya. Aba, si atiii dito pa talaga tinamaan. Naku, magyeyelo ka lang kaya wag mo na tangkain.

"Yeah."

Iyon lang ang nasabi ko. Wala eh, panalo na siya. Ayoko naman sirain ang moment nya baka sabihing pakialamero ako. Hahayaan ko syang mahulog at magdusa sa lamig hanggang sa siyay mamatay. Just kidding.

Naging okay din si cutie makalipas ang ilang sandali. Naimbyerna lang ako dahil wala syang salitang ibinigay samin ni Ms. Basta nya lang ibinalik ang inhaler without saying anything. Kahit "thanks" wala.

Hinarap ko sya para kausapin. Di ko talaga gusto ang ugali nya eh. Ang ganoong klase ng pag-uugali ay hindi dapat ipinagsasawalang bahala. Dapat nyang baguhin, nakakasira ng kaligayahan.

"Uy di ka man lang nag thank you kay Ms. Di mo ba alam na niligtas nya buhay mo?"

Itinigil nya ang paglalaro tsaka ako tinignan. Shit! Parang nagsisi akong kinausap ko sya, ang lamig dito. Kung di lang to cute naku kanina ko pa sya jinumbag. Teka, hindi pala ako marunong nun. Sabunot lang kaya ko. Oh diba? Babaeng babae.

"So?"

Isang salita pero nakakapang-init ng dugo. Hinahamon ata ako ng lalaking ito ah.

"Suplado mo naman. FYI, niligtas namin ang buhay mo sa kapahamakan. We deserve your pasasalamat."

Lumalabas na ang other side ko. Humanda sya dahil ipapalasap ko sa kanya ang pait ng aking paghihiganti. Char! Drama lang syempre.

"Tsk."

Inirapan ko sya. Tinalikuran ko na baka masabunutan ko pa, ayokong dito madungisan ang aking imahe. Baka sa labas nabugbog ko na 'to.

Dahil ako na ang kasunod, pumasok na ako sa loob to submit my requirements. Fill up lang ng ilang papel bago ibigay sakin ang schedule ko. After this kailangan ko magpunta sa registrar para palagyan ng tatak. For checking and confirmation ata kung tama ang bilang ng units.

Paglabas ko si Mr. Yelo ang nakita ko at nakatingin sya sakin. Inirapan ko sya sa inis ko. Parang wala lang sa kanya ang ginawa ko't pumasok ng tuloy-tuloy sa loob. Letse sya!

Enrolled. Iyan ang nakatatak sa registration form ko. Yes! Hello college life, please be good to me. Lumabas na ako ng school pero tumigil muna ako saglit sa fountain. Humiling na sana bumait yong nakaengkwentro ko kanina sa pila. Dinggin sana ang aking hiling.

Maaga pa naman kaya napag-isipan kong dumaan muna sa mall. Mamayang hapon na siguro ako papasundo kay Kuya Garry. Pinara ko kaagad ang unang taxi na nakita ko.

Hindi pa man ako nakakapasok sa loob ay may nauna na. The heck? Sa kasamaang palad, ang pumasok ay ang sumira ng araw ko.

"Nauna ako uy"

"Really? Sinong nandito?"

Tinuro nya ang upuan sa loob ng taxi.

"Malamang ikaw."

"Edi ako nauna."

Aba, namimilosopo ito ah. Nadagdagan ang inis ko tsaka tumuwid ng tayo sa tabi. Ayokong makipag-agawan sa kanya, madaming taxi dito. Dumungaw sya sa bintana para kausapin ako.

"Sabay na tayo. San ka ba?"

"Mall."

"Parehas pala tayo ng pupuntahan eh. Edi sabay na nga tayo."

Natameme ako sa kanya. Napansin nyo rin ba? Halatang halata naman ano? Shit! Ang haba nya magsalita ngayon di tulad kanina na akala mo may bayad ang bawat salita sa pagtitipid. Ibig sabihin nagpapanggap lang sya kanina? Marunong naman pala sya magsalita ng higit sa isang salita.

Wala akong choice kundi ang sumabay sa kanya. Mainit na rin kasi, nakakabagot na kung maghintay pa ako ng kasunod na taxi. Mag-iinarte pa ba ako, andito na eh.

"Salamat."

Nilingon ko sya nang may halong pagtataka. What did he say? Hindi naman ako nabibingi, mahina lang din naman ang tunog ng radyo kaya imposibleng di ko narinig ang sinabi nya.

"Seryoso ba 'yan?"

"Mukha ba akong nagbibiro?"

"Sabi ko nga, bakit ka galit?"

"Hindi ako galit."

"Wow. Kalmado ka pa pala sa lagay na yah huh. Amazing."

Nawendang ako nang makita syang ngumisi. Mas lalo tuloy lumitaw ang dimples nga, so cute. Wait, what? Did I make him smile?

"Stop staring, baka matunaw ako."

Naibaling ko bigla ang paningin ko sa harap kung saan kita ko ang daang tinatahak ng taxi. Pakiramdam ko namumula ako ngayon, ang init ng pakiramdam ko eh.

"Marunong ka palang ngumiti."

"Ofcourse. Tingin mo sakin robot? Tao ako ah."

"Eh kasi ang seryoso mo kanina, napaniwala mo tuloy ako."

"Alam mo kasi, hindi ko kailangan ipakita sa lahat kung ano ang ibang side ko."

"So maswerte ako kasi pinakita mo sakin ang other side mo?"

"Mas magandang sabihin na you deserve it."

Pinagsasabi nito? Wala naman akong mahanap na dahilan para madeserve ko ang pagpapakita nya ng kanyang other side. Pakiexplain nga sakin.

"Why?"

"Simply because you help me out earlier."

"Then? Anong konek nun?"

"Slow ka din eh."

"Ediwow. Bakit nga?"

"Through your action I know youre a good person. Malinaw na?"

"Okay."

Kahit ang totoo ay malabo pa rin sakin ang pinagsasabi nya. Hirap ako iabsorb lahat. Hindi lang siguro maintindihan. Ang simple lang naman ng ginawa ko kanina, sumigaw lang naman ako to seek help. Yun lang.

Nang makarating kami sa mall niyaya nya ako to eat in a coffee shop, treat nya raw. Baka bumabawi lang sya sa kabuktutan ng ugali na ipinakita nya sakin kanina. Di nya lang masabi ng direkta, idadaan pa sa panlilibre.

"Anong gusto mo?"

"Kahit ano."

"May ganun ba? Parang wala naman nun dito."

"Tsk. Pumpkin Spice Latte and Penne Pesto with Mushroom."

"Yun lang?"

"Yup."

Pagbalik nya, dala na agad nya ang order namin. Ang bilis ah. Natakam ako bigla, gusto ko na kaagad siyang kainin. I mean yong pagkain.

"You like mushroom?"

"Oo. Ikaw ba?"

Umakto sya na parang nandidiri. Alam na, ayaw nya ng mushroom. But I like it, masarap naman kasi.

"Yucks. No."

"Makayucks ka naman. Ang sarap kaya nito."

"Grrr. Okay, lets eat."

Tahimik lang kami habang kumakain. Balik na naman sya sa pagseseryoso eh. Gutom ata sya. Wala din naman ako maisip na pedeng pag-usapan kaya hinayaan ko na rin na mabingi sa katahimikan. Atleast may foods, kakain na lang din ako.

"Anyway, ngayon ko lang to napansin ah. Alam mo kanina pa tayo magkausap pero di parin natin kilala ang isa't isa. Who are you?"

Ngayon ko lang din naalala. Nakakaloka, di ko kaagad naisip kanina pa lang. Hindi pa nga pala namin naipapakilala ang isa't isa. Usap ng usap, di naman pala magkakilala. Ano 'to MU, malanding ugnayan? Eme HAHAHA.

"Yeah! Hahaha. I'm Patrick anyway. How about you?"

"I'm Archie. And huwag mo nga ako maenglish-english jan."

"Nauna ka ah."

Nagpatuloy na kami sa pagkain pagtapos makilala ang isa't isa. Nakakatanga eh. Pero pede pala yon ano? Mag-usap ang dalawang tao nang walang pormal na pagpapakilala as long as nandun yong connection na magkaunawaan kayo. Pak!

"San ka after this?"

Tapos na kaming kumain na dalawa. Nabusog ako ah. Ang sarap kasi kaya siguro naubos ko lahat as in walang natira. Nakakahiya man isipin pero iisipin ko pa ba yon eh gutom nga ako. Basta gutom talaga eh, pakapalan na ng mukha.

"Mamimili ako ng gamit for school. Eh ikaw?"

"Wala. Nakapamili na kasi ako ng gamit. Gusto mo ba samahan kita?"

"Kung okay lang sayo."

"Hmm okay lang naman. So tara?"

Una naming pinuntahan ang National Book Store para mamili ng notebooks at iba pang tingin ko ay magagamit ko kaagad. Sumunod ay nagpunta kami sa bilihan ng bags. Marami naman na akong bags sa bahay pero siguro kailangan ko na ng bago para maiba naman.

"Suggest ka nga ng magandang bag,"

"Bakit ako? Mararamdaman mo naman yon kung gusto mo yong isang bagay."

"Hugot ba yan?"

"Sort of."

Nagsimula kaming maghanap ng maganda. Nagsasuggest sya pero hindi ko gusto lahat. May maganda pero wala sa taste ko. Standards kumbaga pero walang kaartehan.

"Sabi sayo eh. Nagpapasuggest ka di mo naman gusto lahat."

"Haist. Ako na nga, dito ka lang."

"No, sasama ako. Ayokong maiwan dito."

"Tige."

After so many years ay may napili din ako. Sa wakas, ang tagal namin namili ah pero ngayon lang ako nakapagdecide. Napili kong bag ay Prada. I like the design lalo na yong robot na naengrave at tsaka yong thunderbolt. Also I like the combination of yellow, black and red. May straps din sya sa bawat bulsa.

I called for Kuya Garry para sunduin ako. Wala na rin naman kaming gagawin. Nabili ko na lahat ng kailangan ko.

"Thanks for this day Patrick."

"Its okay. Ingat sa pag-uwi."

Pumasok na ako sa kotse baka masita pa kami ng guard. Sa tapat lang kasi kami ng mall kaya bawal magtagal kasi may nakasunod pa samin. Walang may gusto samin ang makaabala ng iba.

"Take care Patrick."

He salute at me then turn his back, I think he get back inside the mall. Hindi ko na sya matanaw so I decided to take a nap because were in the middle of traffic now. Argh how I hate this fucking situation.

avataravatar
Next chapter