9 Chapter 9

LAURA WEN

Point of View

Naging maaayos naman ang paglipat ko sa Villa. Sa unang gabi ay naninibago pa ako pero ewan ko ba sa sarili ko, kapag nahihiga na ako sa kama ay mabilis naman ako nakakatulog. Sa umaga ay sumasabay ako papasok kay Syd. Pagdating ng hapon ay si Manong Ken na lang ang sumusundo sa akin.

Mas convinient nga sa akin na tumira dito dahil mas natututukan ko si Erl. Kapag wala na akong gagawin o schedule sa trabaho ay nag-oovertime kami ni Erl sa pag-aaral. Mabuti na lang at masunurin si Erl at walang reklamo sa pag-aaral.

Ngayon sabado ay medyo madami ang schedule ko. Sa umaga ay tuturuan ko si Erl at mamayang hapon ang isa ko pang estudyante na nakatira malapit sa Mckinle Road. Bago umalis sa hapon ay tinanong ako ni Yaya Nida kinausap muna ako nito.

"Maam Laura, anong oras kayo makakauwi? Pinapatanong po ni Sir Syd kung may gusto kayo ipalutong ulam." kaswal na tanong nito.

"Yaya, 'wag na po kayo masyadong pormal sa akin. Hindo po ako sanay, eh! Kahit po tawagin niyo na lang ako sa pangalan ko." ngiting sabi ko dito. "Hindi ko po alam kung anong oras ako makakauwi at kahit ano naman pong lutuin niyo ay kakainin ko. Ang sarap niyo po kaya magluto."

"Ikaw bata ka, inuto mo pa ako!" ngiting tugon nito. "Mag-text ka kung makakauwi ka para sa hapunan. Alam mo naman magtatanong si Sir Syd!" paalala nito.

"Opo, Yaya!" masiglang tugon ko at umalis na sa Villa.

Makalipas ang ilang oras, habang nagtuturo sa aking estudyante ay tumawag si Yaya Nida.

"Maam! Anong oras po kayo uuwi? Dito po ba kayo mag-hahapunan?" tanong nito.

"Yaya, hindi na po!"

Narinig ko ang usapan ni Syd at Yaya Nida. Narinig ko na din ang sinabi nito na inulit muli ni Yaya.

"Maam, anong oras kayo babalik? Ipapasundo po kayo ni Sir Syd mamaya."

"Yaya, paki abot na lang kay Sir Syd ang telepono."

Sumagot ito at narinig ko ang paglakad nito at inabot ang telepono kay Syd.

"Kailangan ko pa tapusin ang lesson ng estudyante ko. Ilang araw ko siyang hindi naturuan kaya kailangan namin humabol sa mga lesson nito. Hindi ko alam kung anong oras ako makakauwi at ao na bahala umuwi mag-isa."

Binabo ko ang telepono ng hindi hinihintay ang sagot nito. Pagkatapos ko mag-tutor ay may part time pa ako sa bar mamaya. On-call ang duty ko dito lalo na kapag weekends.

Mag-aalas siete na ng matapos ako sa pagtuturo. Kailangan ko ng bilisan dahil 7:30 ang pasok ko sa bar. Hindi naman ito pipityuging bar, isa itong five star at high class bar. Matagal na din akong nagpa-partime job dito. Above minimum ang sahod kaya hindi ko din mabitawan.

SYD WALTON

Point of View

Mag-isa ako naghapunan. Mag-aalas otso na pero wala pa rin ito. Tinawagan ko si Ram para ipahanap kung saan-saan ito nag-tratrabaho. Dahil on-going naman ang pag-iimbestiga na initusan ni Ram. Hawak ang resume nito ay inusisa ko din iyon kung may nailagay siyang mga kompanya na pinag-tratrabahuhan niya, pero wala. Minsan ay nahihiwagaan ako kay Laura. Ilan ba ang trabaho niya? Bakit kailangan niya mag-trabaho ng magtrabaho kung sarili lang niya ang binubuhay niya.

Ilang minuto lang ang nakalipas ay tinext ako ni Ram kung saan ngayon nagtratrabaho si Laura. Namilog ang mata ko ng mabasa iyon! "Paano siya napunta sa ganun trabaho?" tanong ko sa isip ko.

Mabilis akong nagpalit ng damit upang puntahan ito.

Alas nuwebe, Nightime Bar.

Busy ang mga waiter sa pag-assist ng mga customers, ang iba ay dine-deliver ang mga order na pagkain.

Find authorized novels in Webnovel, faster updates, better experience, Please click www.webnovel.com/book/ceo-unstoppable-love_19125405705351305/chapter-9_51851899808308502 for visiting.

Alak at yelo naman ang hawak ng iba. Lahat sila ay halos maliliksi ang mga galaw.

Tumayo si Laura sa karamihan ng mga tao.

Matangkad siya na nakapusod ang buhok, maganda ang kanyang mukha at sexy. Kahit nakasoot ito ng konserbatibong damit na pan-trabaho, mapapansin pa din ang kanyang appeal sa isang sulyap.

Nagtalim ang mga mata ko habang tinitignan ito. Minamasdan ko lang ang kanyang ginagawa. May mga nakita akong mga lalaki na humihila sa kanya pero nagtataka ako kung bakit lumalayo din sa kanya pagkatapos niya magsalital.

Dahil dito, madalas siyang hinihila ng mga mga customer na gusto siya i-table, tulad ngayon. Ilan sandali pa ay hinatak na naman ito ng isang lalaki. Middle-aged, mataba at maliit. Nagulat ako na mas matagal ang usapan nilang dalawa at hindi nito hinahayaan na umalis si Laura. Nakita ko ang pag-piglas ni Laura kaya lalapitan ko na ito.

Nsa kalagitnaan pa lang ako ng paglalakad ng ibalibag nito si Laura sa sofa. Makikita ko ang pagkagalit ng lalaki pero si Laura ay hindi nagpakita ng takot o nagpatinag man lang. Papalapit Nagdilim ang paningin ko. Naririnig ko pa ang sinasabi nito.

"Walang hindi pwede sa akin!"

Ang mga nakapaligid doon ay wala man lang ginagawa. Parang natural na nangyayari ito sa lugar na ito.

"Malalaman mo kung sino ako. Nagkamali ka ng binanggang tao! Sino ang nag-sabi sayo na maging bastos sa mga taong katulad ko?" galit na sigaw nito kay Laura.

Nagpapantig man ang tenga ko sa mga naririnig sa lalaking ito ay pinigilan ko pa rin ang sarili. Hahalikan na nito si Laura pero iniharang ni Laura ang kamay nito sa mukha. Dahil sa madami ang tao na nasa paligid, hindi ako agad makapunta doon. Tanaw ko na itinutuak ito ni Laura palayo sa kanya, pero malakas ito at sa sitwasyon ngayon ay walang laban si Laura.

"kung sino man ang makealam ay mananagot sa akin!" maangas na banta nito sa nakapaligid na mga tao.

Pahalik muli ito kay Laura ng itaas ko ang coat nito at binigyan agad ng malakas na suntok sa pisngi. Natuba ito at napahawak sa kanyang pisngi. Matalim ako nitong tinitigan. Susugod ito sa akin pero napigilan na siya ng mga body guard ko.

Hawak ang kanyang dalawang braso, inilapit siya sa akin ng mga tauhan ko. Nanlaki ang mga mata nito at naramdaman ko na nanginginig ito sa takot. Ibinaling ko kay Laura ang paningin ko at nakita ko ang pagtataka nito sa kanyang mukha. Hindi ko na hinintay pang magsalita ito.

"Gusto mo bang tanungin ulit kung bakit ako nandito? At paano ako nakapunta dito?" malamig kong sabi kay Laura.

Tinulungan ko itong tumayo mula sa pagkakaupo. Gulat pa din ito na makita ako at hindi makapag-salita.

"Habang tumatagal, mas nakikilala na kita!"

Kinuha ko ang kamay nito palayo sa magulong mundong ito. Kasunod ko ang aking mga tauhan at karay-karay ng mga ito ang lalaki. Sa labas ng club nakita ko na hinarap ni Laura ang lalaking nang bastos sa kanya. Ngayon inilalabas niya ang kanyang tapang. Papalapit pa lang ang lalaki ay kinuha ko na ang kwelyo nito at tinitigan ng masama.

"Parang awa niyo na! Huwag niyo akong saktan." pagmamaka-awa ng lalaki. "Wala naman talaga akong balak na bastusin ang babaeng iyan! Napag-utusan lang ako."

"Sino ang nag-utos sa'yo?' tanong ni Laura.

Nakita ko na naguguluhan ang lalaki. Natatakot ito at hindi makapagsalita.

"Sabihin mo sa akin kung sino ang nag-utos sa iyo at papakawalan kita!" sabi ko sa lalaki.

"Talaga?" nabuhayan ng dugo ang lalaki. "Pakakawalan mo ba talaga ako?" pakompirmag tanong nito.

"Kung hindi ka mag-sasabi ng totoo, mas malaking parusa ang ipapataw ko sa iyo!" pananakot ko. "Bukod pa diyan, wala ka naman ibang paraan para msalba ang sarili mo, kaya mag-sabi ka na lang ng totoo!"

"isang maliit na babae ang lumapit sa akin kahapon at ibinigay sa akin ang larawan niya. Binigyan niya ako ng sampung libo upang takutin siya. Sinabi niya na kung makukuha ko ang babaeng yan ay dadag-dagan niya ang perang ibinigay niya sa akin."

"Ano ang pangalan niya?" tanong ni Laura na parang amy idea siya kung sino ang nag-utos sa lalaki.

"Ewan ko! Isang beses ko pa lang siya nakita."

Nakita ko na napa-isip si Laura kung sino ang babaeng nag-utos, inilabas ni Laura ang kanyang cellphone at may ipinakita na larawan.

"Ito ba ang babaeng sinasabi mo?" kalmang tanong ni Laura.

"Hindi ko masabi dahil naka sumbrero siya at naka facemask. Mata lang ang nakita ko sa kanya." Tinitigan ng lalaki ang cellphone. "Magkahawig sila, pero hindi ako sigurado."

"Magkasing tangkad ba kami? Maliit ba ang boses?" pag-uusisa ni Laura.

"Oo, parehas siya ng taas mo. Tama ka! Maliit din ang kanyang boses." pag-kompirma ng lalaki.

Nakita ko ang pagiba ng aura ng mukha ni Laura. Nakita ko ang galit sa mukha nito. Ang kamay nito ay nakakuyom din na nagpapahiwatig na may galit nga ito.

"Sinabi ko na lahat sa inyo! Walang labis at walang kulang. Pakawalan niyo na ko!" sambit ng lalaki na may takot pa rin sa mukha.

Napatingin sa akin si Laura at huminga ng malalim.

"Pakawalan mo na siya!" kalmadong sabi ni Laura.

"Sigurado ka ba?" tanong ko.

Hindi na siya sumagot at tumango lang sa akin.

"Huwag na huwag ka ng mag-papakita sa akin! Alis!" Binitawan ito ng mga tauhan ko at mabilis na kumaripas ng takbo. Halos madapa-dapa pa ito sa takot.

"Kilala mmo kung sino ang nag-utos sa kanya?" tanong ko. "Gusto mo bang tulungan kita para maghiganti sa kanya?" dagdag na tanong ko.

Tumingin ito sa akin at napaisip bago nagsalita.

"Hindi na! Ako na bahala sa babaeng iyon. Sosolusyonan ko tong mag-isa." malamlam ang mata nito na tinignan si Syd. "Syd, maraming salamat sa pag-tulong mo sa akin! Kung hindi mo ko niligtas, baka may nangyari na sa akin na hindi maganda."

"I told you that I never accept sorry by words. Kung gusto mo talaga magpasalamat gawin mo!" sagot ko.

"Kung ganon, ililibre na lang kita ng kape. Pasasalamat ko sa iyo sa pag-liligtas mo sa akin. Okay ba sa'yo yun?"

"Kung mapilit ka, papayag na ako!" tugon ko sabay diretso sa aking sasakyan.

"Sandali lang! Magpapalit lang ako ng damit. Lalabas din ako agad." sabi nito at dumiretso papasok sa bar. Sampung minuto lang ang nakalipas at lumabas muli ito sa bar.

Sampung minuto ang nakalipas, nag-palit siya ng damit at nag-ayos.

"Saan mo gusto mag kape?" tanong ko.

"Dadalhin kita sa isang magandang lugar at doon tayo mag-kape." confident na sabi ni Laura.

Pagsakay ng kotse ay sinabi ni Laura ang address kay Mang Ken. Sinundan nito ang waze papunta sa sinabi ni Laura na address. May pagtataka pa sa mukha ko ng makita ko na nakarating na kami sa tabing dagat.

Tumingin si Manong Ken kay Laura upang kompirmahin kung tamang lugar ba ang kanilang napuntahan.

"Maam Laura? Mali po ata ako ng dinaanan." pakamot na sabi ni Manong Ken.

"Ito na nga yun!" masayang sabi ni Laura sabay baba ng kotse. "Tara na!" yaya sa akin ni Laura.

Napatingin ako sa masayang mukha ni Laura. Napatanong ako sa sarili ko. "Anong meron sa lugar na ito? Saan kami magkakape dito?" tanong ko sa isip ko. Sinundan ko na lang si Laura kung saan ako nito dalhin.

Next chapter