7 Chapter 7

LAURA WEN

Point of View

Napasarap ang pagkakahiga ko sa kama pagkahatid sa akin ni Yaya Nida. Napabangon lang ako nang kumatok muli ito at ipinapatawag na ako ni Syd sa baba para kumain. Dali-dali kong sinuot ang dpat na ibinigay ni yaya kanina. Iba talaga ang mga mayayaman dahil instant nila nakukuha ang mga bagay-bagay. "Ganito ba talaga pag-marangya ang buhay?" Bagong-bago ang damit at may tag price pa ito. Nanlaki ang mata ko nang makita ang presyo.

"Ang simpleng damit pero ang mahal?!" bulong ko sa sarili ko.

Ayoko man suutin ang ganitong uri ng damit ay pinagtyagaan ko na dahil wala naman ako magagawa. Alangan naman hindi ako magpalit, 'di ba? Inayos ko muna ang sarili ko bago bumaba sa dining area.

Pagbaba ko ay naroon na si Syd at nakaupo sa hapag kainan. Nandoon din si Manong Ken at nakatayo sa gilid nito. Hindi na ako magtataka bakit sila magkausap dahil may kinalaman na naman ito sa nangyari kanina. Papalapit ako ng marinig ko na nagsalita si Syd. O sinadya niya talaga na iparinig sa akin.

"Manong Ken, bukas ihahatid natin si Laura sa eskwelahan." paalalang utos nito.

"Opo, Sir Syd." tugon ni Manong Ken.

Nanlaki ang tenga ko sa narinig ko. "Seryoso talaga siya, ah!" tanong ko sa isip ko. "Hindi ko naman kasalanan dahil siya mismo ang nag-insist na matulog ako dito." sabi ko sa sarili. Pinilit kong ngitian si Manong Ken ng mapatingin ito sa akin.

"Let's eat," yaya ni Syd sa akin.

"Yaya paki-tawag na din si Erl para makasabay sa hapanun.

"Opo Sir."

Ilang minuto pa ang nakalipas ay dumating na din si Erl. Naiilang man ako na makita niya ako dito sa bahay ay nginitian ko pa din ito.

"Teacher Laura, why are you here?" masiglang tanong nito habang papaupo.

Sasagutin ko na ito pero inunahan na ako ni Syd magpaliwanag.

"She will stay here habang tinuturuan ka niya. Kailangan mong mag focus sa pag-aaral para makasok sa university."

"Really?" tanong nito na hindi makapaniwala.

Find authorized novels in Webnovel, faster updates, better experience, Please click www.webnovel.com/book/ceo-unstoppable-love_19125405705351305/chapter-7_51851877796600857 for visiting.

"Oo Erl, pero habang tinuturuan lang kita." kompirma ko sa tanong niya.

Kahit naiilang ay pinilit ko pa din maging komportable. Hindi ako sanay na may kasabay kumain lalo pa at mga lalaki. Nag-uusap lang ang dalawa at pinili ko na lang manahimik. May time na napapangisi naman ako dahil sa mga joke ni Erl. Nahuhuli ko din ang paminsan-minsan na pagsulyap sa akin ni Syd pero binalewala ko iyon.

Masasarap ang pagkain pero kaunti lang ang kinain ko dahil nahihiya ako. Ayoko naman isipin na patay gutom ako. Pagkatapos namin kumain ay dumiretso na kami sa kanya-kanya naming kwarto. Ibinato ko ang aking sarili sa malaki at malambot na higaan. Napapaisip ako kung makakatulog ba ako, dahil hindi ako sanay matulog sa ganitong kwarto. Baka mamahay lang ako.

I didn't expect na mapapasarap ang tulog ko. Nagising ako sa tunog ng alarm ng cellphone ko. Napatingin ako sa bintana, "Napakaganda ng araw ngayon!" bulong ko sa sarili. Nag-asikaso na ako dahil kailangan ko pang pumasok. Nagmamadali ako paglabas ng pintuan kaya naman hindi ko napansin ang lalaking lumabas sa harap ng kwarto na tinutuglugan ko.

"Aray!" sabi ko sabay hawak sa dibdib ko dahil sa malakas na pagkakatama ko.

Pag-angat ko ng tingin ay si Syd pala iyon. Ngayon ko lang nalaman na magkatapat lang ang kwarto namin.

"Good morning." bati ko sabay iwas at inunahan ko ito lumakad pababa.

"Aba! Mukhang masarap ang tulog mo ah." bati nito. Hindi ko alam kung nang-aasar ba siya.

Hindi ko na ito nilingon pa at ayoko ng intindihin kung ano ang mga sinasabi niya.

Napahinto lang ako sa sinabi nito.

"You look so sexy in your dress."

Nilingon kong muli ito at tinakpan ang dibdib ko. Matalim ko itong tinignan bago bumaba ng hagdan.

"Ang aga-aga ang galing mang-asar!" bulong ko sa sarili ko.

Naririnig ko pa din ang pag-ngisi nito habang nakasunod sa akin.

SYD WALTON

Point of View

Ang sarap gumising kung ganito kaganda ang bubungad sa'yo, hindi ba? Napatitig ako dito at napatingin mula ulo hanggang paa. Napaka-sexy niya sa soot niyang bistida. Habang palakad ito ay nakasunod na ako. Hindi ko nga maiiwas ang mata ko sa ibang bagay dahil naagaw ni Laura ang atensiyon ko.

"Let's breakfast!" yaya ko dito ng makita kong dumidiretso ito palabas ng bahay. "Come on!" dugtong ko.

Napahinto naman ito at nang makita ko ang mukha nitong nakabusangot ay napangisi ako. I didn't mean to offend her pero mukhang nagalit ito dahil sinabihan ko siyang sexy. Maybe a though of a dalagang Filipina kaya siguro ganito ang reaksiyon niya.

"You should eat more!" sabi ko dahil kakaunti lang ang kinakain nito kagaya kagabi. "You should eat para may lakas ka pag-pasok mo. Ang hirap kayang mag-isip kapag gutom!" paliwanag ko. Hindi ko na alam kung ano ba ang pumapasok sa isip ko dahil gusto ko itong alagaan.

Pagkatapos namin kumain ay ipinahanda ko na kay Manong Ken ang kotse upang maka-alis na kami nila Laura.

Ihahatid muna namin ito sa eskwelahan at didiretso papasok sa opisina. Ilang minuto pa ay nakarating na kami sa gate. Bago bumaba si Laura ay hindi ko nakalimutan na magbilin sa kanya.

"Mamayang hapon, susunduin ka ulit ni Mang Ken." paalala ko dito.

"Hindi na kailangan, kaya ko na umuwi mag-isa." sagot ko.

"Laura! Mas maganda na magpa-sundo ka na lang para hindi hassle sa'yo. At tska baka mahirapan ka sa pagdadala ng maleta mo papunta sa Villa." alalang sabi ko.

Napabuntong hininga ito at hindi na sumagot pa. Bumaba ito ng kotse at lumakad papasok sa eskwelahan. Hindi kami umalis ni Manong Ken hangga't hindi ko nakikita na naka pasok na ito.

Kagabi, habang kumakain kami ay pumayag na ito sa magiging set-up niya sa pagtira sa Villa. She has a lot of excuses pero sa bawat hindi nito sa akin ay may sagot ako. Ngayon nga lang ako nakakilala ng babaeng kumokontra sa mga gusto o plano ko.

"Manong Ken, make sure na masusundo mo siya mamaya at masamahan sa tinitirhan niya para makuha ang kanyang mga gamit."

"Opo."

"Kapag nagkaroon ng problema, tawagan niyo ako. I will handle it!"

Pagdating sa opisina, common na sa sched ko ang meeting apointment sa mga invester, and reading files for my approval. Sa bawat oras na lumilipas ay tumatakbo pa rin sa isip ko ang babaeng iyon. "What's wrong with me?" tanong ko sa sarili ko. Kahit kailan o sa kahit na sinong babae ay hindi naman ako nagkaganito. Napabuntong hininga na lang ako at ibinaba ang hawak kong ballpen. Pinikit ko ang aking mga mata at marahan na hinilot ang aking sintido.

Next chapter