80 Chapter 79

LAURA WEN

Point of View

Simula ng gabing iyon, naging tahimik naman ang mga sumunod na araw ko. Akala ko nga araw-araw akong pepestihin ni Hilda pagkatapos ng nangyari noong gabi na iyon. Mukhang natauhan na ata ang bruhilda kaya tinigilan na ako. Almost every day hindi ako mag kanda-ugaga sa klase ko. Dumagdag pa ang pag pa-participate ng Business Ad sa basketball league na gaganapin sa ikalawang lingo.

Every day after ng morning class dumi-diretso na ang mga estudyante ko sa basketball court para magparactice. Isa na din si Erl sa mga estudyante na sasali sa competition. While watching the practice game, nag vibrate ang cellphone ko na nakalagay sa bulsa ng pants ko. Nanlaki ang mga mata ko ng mag appear iyon caller ID, si Hilda. Ilang beses ko itong pinatayan, dahil wala akong balak na kausapain siya. Wala akong time para makipag-away sa kanya. Ilang beses itong tumatawag ng tumigil ito. Napangiti na lang ako dahil, I know naasar siya dahil hindi ko sinasagot ang phone.

Nagsimula na ang 3rd quarter. Habang excited na nanood may tumapik sa balikat ko.

So many times, the phone finally stopped ringing. Paglingon ko, I did not expect na pupuntahan pa talaga niya ako dito sa loob ng school. Si Hilda ang bruhilda sa buhay ko, ito nakaharap ko na naman.

"Surprise? ilang beses kitang tinatagwan pero hindi mo sinasagot kaya pinuntahan na kita dito. Nagtanong tanong ako sa sa mga janitor at ibang teacher. Buti na lang at tama ang tinuro nilang daan sa akin." Ngiting sabi nito.

Tumayo ako sa pag ka-kaupo at humarap sa babaeng ito.

"Ano na naman ang kailangan mo?" Irap na sabi ko.

"Wala naman. Kakamustahin lang kita. Na-miss kaya kita. Ilang araw din kita hindi nakausap. You know." Ngiting sagot nito.

"Doon tayo sa labas mag-usap, don't make a scene here." Bulong at malamig na sabi ko.

Tinaas ni Hilda ang kamay niya at masayang ngumiti kay Erl.

"Hi Erl, how are you? Long time no see."

"Anong ginagawa niya dito, Teacher Laura?" Pagtatanong nitong nakatingin sa akin.

"Binibisita ko si Laura. I didn't expect na dito ka din pala nag-aaral. Hindi na ako magtataka kung bakit magkakilala kayong dalawa."

"Bakit ka umalis sa game? Sige na bumalik ka na." Sabi ko kay Erl.

"I'm just afraid na baka kung anong gawin sa iyo ng babaeng ito." Matalim na tingin na sabi nito kay Hilda.

I patted his shoulder and smile.

"Don't worry, ako na ang bahala dito. Bumalik ka na sa laro."

"Sure ka?" tanong ni Erl.

"Uhm." Tango ko. "Sige na. Galingan mo. You should make me proud and give me some face in front of my co-teachers."

"Fine! If you need my help, don't hesitate to call me." Pagkatapos nitong magsalita, bumalik na ito sa loob ng court to resume the game.

"Doon tayo sa labas mag-usap Hilda."

Sinundan ako ni Hilda sa labas ng Gym. Akala ko si Hilda lan ang magiging problema ko pero hindi pala. Napatingin ako sa gawi ni Gabby. Hindi ko na ito pinansin pa.

Sa labas ng court, huminto kaming dalawa. Masama at malamig na tinitigan ko si Hilda.

"Sabihin mo na kung ano ang sasabihin mo. Busy ako at wala akong time makipag kwentuhan sa iyo."

"Pati ba naman si Erl, nilalandi mo? Hindi ako magtataka kung bakit baliw na baliw sila sa isang tulad mo. Anong bang nakita nila sa iyo?" sarkastikong tanong ni Hilda.

"Pwede ba Hilda, kung wala ka naman importanteng sasabihin, umalis ka na dito." Angil kong sagot.

Inirapan ako ni Hilda. Nakakaubos ng pasensiya ang babaeng ito. Kung wala lang kami dito sa school, sinubasob ko na ito.

"Laura hindi ka pa ba nagigising sa katotohanan? Tingin mo ba talaga gusto ka ni Syd? I'll tell you the truth, paglalaruan lang niya ang katulad mo, pagsasawaan katulad ng mga naging babae niya at itatapon ng basura. Me and Syd are getting married soon, in-arrage ni Grandpa Joaqin na magkalapit ang pamilya naming dalawa to settle the misunderstanding issue na noon pa dapat ay natapos na." Inikutan ako ni Hilda, habang nakayakap sa kanyang dibdib. "Ayaw lang kita masaktan sa huli my dear sister."

Tumaas ang kilay ko, naalala ko yung gabi na iyon. Nagusap si Syd at si Lolo Joaqin. 'Yun kaya ang napag-usipan nila?

"Bakit naman ako maniniwala at makikinig sa sinasabi mo?" taas kilay kong sagot.

"You really don't know anything Laura. Matutuklaw ka na ng ahas na hindi mo namamalayan. Grandpa owed our family, kaya naman ginamit iyon ni dad na kausapin ang matanda to convince Syd na kausapin kami, para maayos na ang away sa pamilya namin."

Hindi ko matanggal ang masamang tingin kay Hilda. I know she's telling the truth dahil hindi naman ito pupunta at haharapin sa akin ng walang bala ang bunganga. Pero bakit? Bakit hindi nabanggit ni Syd sa akin 'yun? Inirapan ko ito.

"Ah, ganun ba? Congratz! Ang malas naman ni Syd." Ngising tukso ko. "Sa dinami-dami ng babae, ikaw pa ang mapapakasalan niya." Biro ko.

"Hindi ka ba naniniwala sa akin? Oh, don't worry padadalhan kita ng invitation."

"Goodluck." Sabay talikod at pumasok sa loob ng gym.

GABBY LIN

Point of View

Paglabas ng dalawa, sumunod ako sa kanila. Hinihintay ko si Laura sa entrance ng gym. Ilang minuto lang ay nakita ko na itong pabalik. Hinarangan ko siya.

"What are you doing?" Lumakad ito pakanan para makadaan, pero hinarangan ko pa din ito.

"Anong ginagawa ng babaeng iyon dito? 'Di ba si Hilda Anderson iyon? Anong kailangan niya sa iyo?"

"Wala kang pakealam. It's none of your business. Padaanin mo ko!" Malamig na sabi ni Laura.

"Laura, sa ilang taon natin, hindi pa pala kita lubusang kilala. Andami mong sikretong tinatago sa akin. Palagi mo sinasabi wala lang, para hindi na ako magtanong. Then fine, I respect you kung ayaw mong sabihin because it's your own privacy. Pero ngayon napapatanong ako sa isip ko, ikaw pa ba ang Laura na nakilala ko o pakitang tao ka lang sa harap ko?"

Napabuntong hininga ito.

"You know what? This is nonsense and meaningless to talk about. Wala akong pakialam kung ano ang iniisip mo tungkol sa akin." Lumakad ito pairap sa akin. "Gabby, matagal nang putol ang relasyon natin dalawa. Kailangan mo pa bang ungkatin ang nakaraan para lang pag-usapan ang tungkol sa ating dalawa?"

"Ibig sabihin, kahit tanungin kita kung bakit mo kausap ang babaeng 'yun, hindi mo din sasabihin sa akin?" Galit na sabi ko habang nakapamulsa ang mga kamay ko.

Tahimik lang itong nakatitig sa akin at hindi na nagsalita.

"If you won't tell, then I will do my ways para malaman kung ano ang mga tinatago mong sikreto." Tinalikuran ko siya at naglakad pabalik sa court.

"Gusto mo ba talaga malaman?" Malamig na tugon ni Laura. Hindi pa ako nakakalayo. Napahinto ako at lumingon sa kanya. Magsasalita na sana ako ng mapatingin ako sa kotse na huminto sa tapat naming, si Mommy.

Napatingin din si Laura sa likuran niya dahil sa busina ng kotse na huminto. Bumaba si mommdy doon at matalim na nakatingin kay Laura. Walang ginawa si Laura at tumabi lang sa sulok upang padaanin si mommy.

"Laura, ang kapal ng mukha mo para guluhin mo pa ang anak ko. Hindi ka pa nakuntento na landiin si Syd Walton, pati ba naman ang anak ko? Ewan ko na lang kung saan ka pupulutuin kapag sinabi ko kay Syd lahat ng 'to."

I interrupted my mom.

"Mom, ano bang pinagsasabi mo? Huwag mo sisihin si Laura! Ako! Ako ang may gusto na lapitan siya. Don't blame her. Don't do anything na makakasakit sa kanya." Paki-usap ko kay mommy.

"Manahimik ka Gabby! Hindi kita pinalaki para lang makarelasyon ang isang tulad niya." Duro kay Laura. "She's not worth it for your love. Hindi pa ba sapat na harap-harapan kang niloloko ng babaeng 'yan? She's with Syd Walton then what? Pati ikaw nilalandi niya ulit?"

"Mom, just shut up! Sumosobra ka na. I can handle this. Bumalik ka na sa office mo, Ok?" Pakalma kong tugon kay mommy.

Puno ng galit na tumingin si mommy sa babaeng kaharap niya. I know my my mother at alam kong hindi ito makakapayag na mapangasawa ko si Laura.

"I won't go back hanggat hindi nag so-sorry ang babaeng ito sa akin."

Napatingin si Laura kay mommy. May pagtataka sa mukha nito.

"Principal Lin, why would I say sorry? Bakit ako pa ang mag a-apologize sayo? Wala akong ginawang mali. Gabby already explained it to you. Hindi ba dapat ikaw ang mag-sorry sa akin dahil sa kabastusan ng bibig mo? Hindi porket matanda ka na, hindi n akita papatulan." Sagot ni Laura.

"Laura, shut up!" Mahinang sabi ko habang nakahawak sa braso ni mommy.

"Bakit? Tama naman ako, ah! Wala akong ginawang masama sa kanya. Bakit ako mag so-sorry? She should not involve my personal life kapag nandito sa trabaho." Bulyaw ni Laura. "Gabby, you know your mother's temper. Don't blame me." Pagkatapos nitong magsalita, tinalikuran na akmi nito at pumasok sa loob ng gym.

Habang papasok si Laura sa gym, hindi pa din tumigil si mommy. Sumigaw ito at hinamak ang pagkatao ni Laura.

"Isa kang mababang uri ng babae. Hindi na ako magtataka kung bakit bastos kang lumaki. Nabuo ka lang dahil sa magulang mo pero kahit kelan hindi naging magulang sa iyo. Sumusobra ka na, kung walang dumisiplina sa iyo, ako ang didisplina sa iyo."

Hinabol ni mommy si Laura. Hinila ang dulong buhok nito at tinulak paupo sa sahig. Dahil nakatalikod ito, nauna niyang itukod ang kamay niya para suportahan ang sarili. Dahil magaspang ang semento ng sahig, nasugatan ang kamay ni Laura.

Nang makita ko siyang sugatan at napapaaray sa sakit, mabilis akong lumakad papunta sa kanya. Tinulungan ko siya na makatayo. May pag-aalala akong tumingin sa kanya at nagsalita.

"Laura…. Ok ka lang ba?" Sabay hawak sa braso nito.

Malakas niyang hinawi ang aking kamay. Pinilit na tumayo mag-isa ng walang tulong mula sa akin. Ngumisi ito at tumingin ng matalim sa akin.

"Mabuti na lang at hiwalay na tayo, dahil kung hindi magiging miserable lang ako sa pamilya mo." Sabi sa akin ni Laura na ikinasakit ng puso ko. Bumaling ito kay mommy at nagsalita muli. "Nakakahiya ka! Naturingan ka pa naman Principal pero bastos naman ang ugali mo. Nakakaawa naman ang anak mo, dahil ikaw ang naging ina niya." Pagkatapos nitong magsalita ay tinalikuran kami at dire-diretso na pumasok sa gym.

I'm so helpless ng matanawan kong wala na si Laura sa paningin ko. Paano ko pa maayos ang relasyon naming kung ganito ang nangyayari? Matalim akong tumingin kay Mommy, kinuyom ko ang labi ko.

"Masaya ka na ba, ha?" Pasigaw kong sabi. "Natutuwa ka ba na nilalayuan ako ng taong mahal ko? Mom, inaayos ko ang relasyon naming dalawa, pero paano maayos kung palagi mo na lang minamaliit ang tulad niya? Bakit hindi mo matanggap na mahal ko siya?"

"Why you are scolding me? I'm your mother! Ako dapat ang kinakampihan mo, dahil alam ko kung ano ang nakakabuti para sa iyo! Kung ayaw mo kong nagagalit sa kanya, you should not interfere and keep your distance with her life."

Pasagot ako na sumimangot.

"Then you better continue to be angry kesa lumayo kay Laura."

Pagkatapos kong magsalita, tinalikuran ko si mommy. Sinundan ko si Laura sa pag-aalalang nasaktan ito.

Habang hinahanap si Laura, nagsasalita ako sa isip ko. "I'm angry with her. Bakit hindi siya lumaban? Bakit hindi niya ipinagtanggol ang sarili niya? Iniisip ba niya na magagalit ako sa kanya o iniisip ba niya na magbabago ang tingin ko sa kanya? Laura you are so stubborn!" Napabuntong hininga ako habang nagpalinga-linga sa paligid. "Where is she?" Pag lingon ko sa kabilang side ng court, nakita ko si Laura, papaunta sa direksiyon ng clinic. Hinabol ko ito, at kinuha ang braso niya.

"Laura…." Hinihingal na tawag ko sa pangalan niya.

LAURA WEN

Point of View

Napalingon ako sa lalaking tumatawag sa pangalan ko. Malamig ko itong tinignan at walang kahit ano man takot sa mukha ko na humarap sa kanya.

Hinawi ko ang kamay niya.

"Bitawan mo ko. Please Gabby, tigilan mo na ko! Wala kang mapapala sa akin. Tandaan mo, hindi na tayo makakabalik sa dati katulad ng gusto mo." Tumalikod ako sa kanya at dumiretso sa clinic.

Find authorized novels in Webnovel, faster updates, better experience, Please click www.webnovel.com/book/ceo-unstoppable-love_19125405705351305/chapter-79_53322031680257561 for visiting.

Pagpasok sa clinic, tinulungan ako ng school doctor na linisin ang aking sugat. Habang nililinis ang sugat, bumukas ang pinto at pumasok si Gabby sa loob. Hindi na ito nagsalita pa, at hindi din umalis. Umupo ito sa isang sulok na nakalagay sa gilid ng lamesa at tahimik na tinitignan kung paano gamutin ang aking sugat.

Nagsalita ang doktor habang nililinis at ginagamot ang aking sugat.

"Teacher Wen, ok na ang sugat mo. Don't forget to apply this ointment para mabilis na gumaling. Iwasan mo muna basain."

"Salamat, dok." Ngiting tugon at pasalamat ko.

Tumingin ang doktor sa gawing upuan ni Gabby, alam nito na may gusting sabihin ito sa akin kaya naman nagpaalam na ito at lumabas muna sa clinic.

Tumingin ako sa kanya. I sneer at napangiwi ang labi ko sa kanya. Hindi uubra sa akin ang paawa effect ng mukha nito. I told him na tigilan niya na ako pero matigas talaga ang ulo ng lalaking ito.

"Sabihin mo sa nanay mo, kapag sinaktan niya ako ulit, I will fight back. Hindi ako magdadalawang isip na gumanti sa kanya."

"Laura, sorry! Ako na ang hihingi ng sorry sa ginawa ni mommy. I know she is so unreasonable. She has nothing to do with you. I'm sorry!"

"I just want to remind you, layuan mo na ako. Stay away from me. Don't affect my life again. Masaya ako na nalaman ko ang tungkol sa inyo ni Mandy. Dahil sa kanya nakawala ako sa masama mong pamilya."

Pagkatapos kong magsalita, iniwan ko siya. Nakaupo pa rin doon sa kinauupuan niya. Sana ito na ang huli na mangyayari ito. Ayoko ko ng ma-involve pa sa kanya dahil sobra-sobra na ang sakit na dinadala ko sa aking buhay.

Habang palabas ng clinic, tinawag ni Gabby ang pangalan ko.

"Laura." Mahina iyon pero narinig ko.

Dali-dali itong humakbang papunta sa akin. he hugged me habang nakatalikod sa kanya. Naramdaman ko ang patak ng luha nito.

"Laura, please huwag ganito. Gabi-gabi hindi ako nakakatulog, naiisip kita. Sumasakit ang puso ko na wala ka na sa piling ko. Don't look down on me, please. Ilang beses kong sinasaksak sa isip at puso ko na tigilan kita, pero hindi ko kaya, hindi ko kayang mawala ka!"

Pilit kong tinatanggal ang mga kamay niya sa bewang ko. Kahit nakatalikod ako sa kanya, alam ko na umiiyak ito, pero anong magagawa ko? Hindi ko na kayang tanggapin pa siya sa buhay ko. Hindi ko na kayang patawarin at bigyan pa siya ng pagkakataon. Mas hinigpitan niya ang yakap sa akin.

"Hindi na kita mahal. Sa mga nangyayaring ganito, mas lalo lang akong nasasaktan. Dahil sa sakit na nararamdaman ko, mas lalo lang nagagalit ang puso ko sa iyo. Tigilan mo na ako! Layuan mo na ako. Hindi na pwedeng maging tayo." Paglilinaw ko.

Next chapter