20 Chapter 20

LAURA WEN

Point of View

Nagkakainitan na ang tatlo at hindi ko na kaya pang ipagsawalang bahala ito. Hindi ko rin naman kaya na manahimik na lang at pagsalitaan ni Gabby ng ganito. Ayaw ko rin madamay si Alice sa gusot namin tatlo nila Mandy at Gabby.

I can't believe na napaka galing mag-drama nito ni Mandy. In front of us, talagang siya pa ang pumipigil kay Gabby?

"Tama na Gabby. 'Wag ka na magsalita pa ng kung ano-ano." sabat ni Mandy sa usapan ni Alice at Gabby.

Natahimik si Gabby at napatingin sa akin. I know na narerealize niya na ang kanyang pinagsa-sasabi.

"Ano? Tapos ka na?" sagot ni Alice ng matameme si Gabby.

Kinuha ni Alice ang mga kamay ko at nakatitig lang sa akin.

"Laura, makipag hiwalay ka na sa walang kwentang lalaking ito! Hindi ko na kaya ang mga pinagsasasabi nito, eh. Since hindi ka umiikmik, tutulungan kita." sabi ni Alice.

Simula pa noon mapa hanggang ngayon ay kino-comfort ako ni Alice. She knows everything pwera na lang ang pagkatao ko. Ayoko ipag sabi iyon dahil hindi ko rin naman tinatanggap na isa akong Anderson.

Naramdaman ko na hindi ko na hawak ang kamay ni Alice at kaharap na nito si Gabby.

"Hoy lalakeng manloloko, makinig ka sa akin! Your mother is a pervert. Sa simula pa lang pinaglalaban na ni Laura ang relasyon niyo., pero yang nanay mong paki alamera, pinatawag si Laura sa kanyang opisina. Yang nanay mo, naturing prinsipal pero sa asta niya kay Laura para siyang walang pinag-aralan. Kung ipahiya niya si Laura parang hindi ito estudyante at guro sa eskwelahan."

Tama ang sinabi ni Alice. Estudyante ako at nag-aaral para sa masteral degree. License teacher na rin ako pero hindi pa ako nagtuturo. Mas gusto ko kasi na matapos ang degree ko para maka-pasa ako sa application sa university as a teacher.

Parang isang bombang sumabog si Alice. Nakaramdam ako ng paggaan ng pakiramdam sa kanyang ginagawa.

"Last year, alam natin na si Laura ang may kakayanan upang ipadala sa UK, ngunit bakit hindi siya natangap? Eh alam naman natin na siya lang naman ang qualified para sa scholarship na iyon, 'di ba? Gabby, sinakripisyo lahat ni Laura para sa'yo. Hindi na achieve ni Laura ang pinapangarap niyang masteral degree sa ibang bansa dahil sa kagagawan ng nanay mo. Sabagay, hindi nga naman sasabihin sayo ng nanay mo ang totoo upang hindi siya mapasama sa paningin mo. " sabi ni Alice. Akala ko tapos na pero hindi pa pala.

"Kahit kailanman hindi lumaban si Laura sa nanay mo bilang respeto na rin dito at dahil sa pag mamahal sa iyo. Hanggang ngayon nga ayaw pa rin niya tigilan si Laura, pinatawag pa niya ito sa opisina para ano? Para pagsabihan at pahiyain na naman si Laura. Ayaw niya mag sabi sayo dahil ayaw niyang maka-apekto sa inyong magandang relasyon ng iyong ina." dugtong niya.

"Gabby, lahat ginawa ni Laura para sayo dahil minahal ka niya. Pero, niloko mo pa rin siya at ipinagpalit sa babaeng haliparot na yan. Mga manloloko kayo! Ikaw, si Mandy at ang nanay mo, kayong tatlo, sooner or later babalik din sa inyo ang karma."

Nakita ko ang pagkabigla sa mukha ni Gabby. Pagkabigla dahil wala siyang alam sa mga pinagdaanan ko sa kanyang ina. Namumutla ito at butil butil pa ang pawis sa noo. Kung kanina ay na kay Alice ang atensiyon niya ay ngayon, nasa akin naman.

Napalingon din si Mandy kay Gabby. Mukhang nagalit ito dahil itinulak niya si Alice.

"Alice, kaano-ano ka ba ni Laura para pakialaman ang relasyon nila? Bakit ang dami-dami mong sinasabi?" sabat nito.

Malakas ang pagkakatulak na iyon at mabuti na lang nasapo ko si Alice para hindi mapaupo sa sahig.

Hindi tumigil si Alice at tinulak niya pabalik sa Mandy na siyang ikinasaldak nito sa sahig. Pinipigilan ko si Alice pero ayaw magpaawat nito.

"Kung hindi lang ako pinipigilan ni Laura, baka napatay na kita. Pati boyfriend ng roommate at kaibigan mo inakit at nilandi mo pa. Nakakadiri ka." bulyaw ni Alice kay Mandy.

Nakakakuha na kami masyado ng atensiyon. Ayoko ng ganito at sobrang nakakahiya. Ayoko rin mapahamak si Alice ng dahil sa akin. Kaya naman kinausap ko ito.

"Alice! Tama na. Hayaan na natin sila. Umalis na tayo." pagmamakaawa ko.

Kumalma naman si Alice at tinapunan ng masamang tingin ang dalawa bago kami lumakad palayo sa kanila.

GABBY LIN

Point of View

Parang nadurog ang puso puso ko sa aking mga narinig. Na-realize ko kung gaano ako kagago para gawin ang pagkakamali ko kay Laura. I though ako lang ang nag mahal at nag sakripisyo sa relasiyon namin, pero mali ako. Hindi ko mapapantayan ang isinakrispisyo sa akin ni Laura.

Alam ko ang ugali ni Laura, na hindi magpapatapak at magpapa-api kahit kaninuman na maliitin ang kanyang pagkatao, pero para sa akin nag sakripisyo siya. Pati ang pangarap niya ay nawala ng dahil sa sakin. Sa loob ng maraming taon, akala ko ay nagawa ko na ang lahat para kay Laura. Pero kumpara sa pag sasakripisyo niya paea sa akin, mismong ako ang naglagay sa kanya sa kinisadlakan ng babaeng mahal ko. Ako ang dahilan kung bakit nag pa-api si Laura. Sa oras na ito, I finally understood kung bakit ito nakipag hiwalay sa akin.

Tuloy tuloy pa rin ang pag-aaway ni Mandy at Alice, pero pingilian na ni Laura si Alice at inilayo na ito. Tinulungan ko rin si Mandy na makatayo. Niyakap ko ito at inalalayan. Hindi ko kayang tanggapin ang mga narinig ko pero hindi ko mabababa ang pride ko ng dahil sa malaking kagaguhan ko.

Hindi pa man nakakalayo ang dalawa ay tinawag ko na si Laura. Lumingon itong muli sa amin dalawa ni Mandy na walang kahit ano man emosiyon.

"Laura, tutal hiwalay na tayo. Let me introduce you formally my girlfriend, Mandy." sabi ko dito.

Hindi ako nakarinig ng kahit ano man salita at tango lang ang ibinigay niya sa akin. Mas nanlumo ako, dahil kahit kailan, wala nang pag-asa ang relasiyon namin dalawa.

Sumulyap din si Alice kay Laura na para bang binabasa kung anong reaksiyon nito pero nakangisi itong tinapunan kami ng tingin.

"Congratulatuo! Sana mag tagal kayo. Anyway, pareho naman kayo ng ugali. Bagay na bagay talaga kayo. Aalis na kami ni Laura dahil hindi na namin kaya na makita kayong dalawa. Bye."

--------------------

LAURA WEN

Point of View

Makalipas ang kalahating buwan, ang mga paa ko ay gumaling na. Ang sarap sa pakiramdam na wala ng bigat sa aking mga paa. Napangiti ako habang tinititignan na tinatago ko ang saklay na hawak ko ngayon. Pagkatapos kong itago iyon ay napatingin ako sa kalangitan. Ang sarap sa pakiramdam na makalakad muli ng walang saklay na suporta.

Sa nakaraang linggo na ito ay lubos na naapektuhan ang pagtratrabaho ko, pati na rin sa hamburger stall na pinapasukan ko. Minsan on call duty ako kaya napaka dalang ko lang pumasok rito. Minimum ang rate at convenient sa oras ko.

Hapon na ng alas tres at may isang oras pa akong duty para matapos ang shift ko. Sa pintuan ng store hindi ko inaasahan na bibisitahin ako ng isang tao, si kuya Luis. Masaya itong nakangiti papunta sa counter at nag order.

"Pa order, 2 pcs of hamburger deluxe." ngiting sabi nito.

"Anything else, Sir?" sabi ko pagkatapos kong ipunch ang order.

"Pwede mo ba kong samahan kumain? Treat ko." Yaya niya na parang nang-iinis dahil alam naman niyang naka duty ako ngayon.

"325php, Sir. Cash or credit?" kaswal na tanong ko.

"Sorry i forgot my credit card at hindi ko din nadala ang aking wallet. Pwede bang i-credit mo muna sayo?"

Hindi ko alam kung nang aasar ba talaga siya. May mga customer sa paligid at ayaw ko naman mag sungit sa harap nila. Prinases ko na ang resibo upang makuha niya ang order.

"Here's your number. Paki hintay na lang ang order sa table niyo. Thank you."

Nagtataka ako kung bakit hindi pa rin ito umaalis sa counter. Wala naman susunod na customer pero naiilang ako at baka masita pa ako ng manager dahil sa pagiging childish niya. Napabuntong hininga ako na siyang ikina-react niya agad.

"Wala pa naman next customer, kaya dito ko na lang hihintayin ang order ko." ngiting sabi niya.

Hindi ako nagsalita at inayos ang mga dapat gawin sa counter.

"Anong oras out mo? Sunduin kita tapos kain tayo sa labas. Treat kita ng masarap at paborito mong mga pagkain." yaya nito sa akin.

"Hindi ako pwede, may tutor pa ko mamayang gabi." kaswal na tugon ko.

"Galit ka pa rin sa akin? Halos kalahating buwan na, ayaw mo pa rin akong kausapin?"

"Mr. Anderson, oras ito ng aking trabaho. Maari bang patapusin mo muna ko sa shift ko at tska tayo mag-usap? Nakaka-apekto ka na masyado."

"Hai, ang maganda kong kapatid. Galit pa rin sa akin." tugon niya sa akin.

Ilang minuto pa at inabot ko na kay kuya ang kanyang pagkain. Hindi na ito nangulit pa at umalis. Sinundan ko ito ng tingin at nakita ko na sumakay na siya sa kanyang kotse pero hindi pa rin umaalis.

Lumipas ang mga oras at pa-out na ako ng makita ko na nasa labas pa rin si kuya. Hinintay niya talaga ako. Nagmamadali ako at wala ng time na kausapin pa siya ng matagal kaya naman kung kaya umiwas, iiwasan ko na siya.

Paglabas ko ay nakita ko na si kuya palabas ng kotse. Alam ko na na sasalubungin niya ako.

"Laura," tawag niya sa pangalan ko habang papalapit sa akin.

"May tuto pa ako. Umalis ka na." tugon ko.

"Mamaya pa naman eh. May ilang oras ka pa naman. Kumain na muna tayo. I'll treat you." pagpipilit nito.

"I don't have time!"

"Hanggang kelan ka ba magagalit sa akin? Mamatay na ko dahil sa sama ng loob."

"Hindi ako galit. Umiiwas lang ako sa iyo at sa iyong pamilya. After all, iba ang tingin niyo sa akin. Lahat kayo minamasama ang pagtu-tutor ko sa kapatid ni Syd Walton."

"Sigurado ka na bilang tutor lang ang turing niya sa iyo? Laura, kuya mo ko, pinoprotektahan lang kita sa kagayan niyang lalaki. Maniwala ka."

"Hindi ako negosyante katulad niyo, kaya hindi mo ako magiging katulad, para isipin ang mawawala at pakikinabangan ko. At isa pa, hindi niya alam na ank ako sa labas ng ama mo. Sa mata niya, isa lang ako orginaryong tayo. Sa pagtuturo lang ako masaya, pinipigilan niyo pa. Hindi ko maintindihan bakit iba ang iniisip niyo sa relasyon namin dalawa. Pareho lang kayo ng ama mo, iniisip na magpapakasal ako sa mayaman pamilya para sa pera. Sobra sobrang kahihiyan na ang inabot namin mag-ina, kaya pwede ba, tigilan niyo na ko?"

Pagkatapos magsalita, tuamalikod na ako at umalis.

Find authorized novels in Webnovel, faster updates, better experience, Please click www.webnovel.com/book/ceo-unstoppable-love_19125405705351305/chapter-20_52237735527763116 for visiting.

Hinabol pa rin ako ni kuya at pinigilan ako.

"Laura....."

Sa di kalayuan ay natanawan ko na huminto ang isang itim na kotse. Nakilala ko na agad iyon at mas tumama pa ang kutob ko ng bumaba doon si Syd. Nakatitig ito sa amin dalawa ni Luis, walang ano man na emosiyon.

Next chapter