19 Chapter 19

SYD WALTON

Point of View

Nakasalubong ko si Yaya Nida pagkalabas ng kwarto ni Laura. Dahil magkatapat lang kami ay mabilis din agad akong nakabalik sa aking kwarto. Naligo na ako at nag-asikaso papasok sa trabaho. Pagkatapos kong gawin lahat ng kailangan ko ay bumaba na ako para kumain ng umagahan.

Dumiretso na ako papaupo sa lamesa. Nasa gilid ko lang si Yaya Nida na nag-aayos ng iba pang pagkain.

"Yaya, paki tawag si Laura. Sabihin mo na mag-aalmusal na." utos ko.

"Nauna na po siyang umalis kanina. Sabi niya ay may importante pa po siyang gagawin sa eskwelahan." sagot nito.

Napangiti ako at nagtanong sa aking sa akin sarili. "Umiiwas?" Napangisi ako at pinaalis na si Yaya. Pero bago pa makalayo ito ay nagsalita muli ako.

"Tawagan mo si Manong Ken at bumili ng agahan ni Laura." pahabol na utos ko.

"Opo."

Hindi ko man ito kasabay kumain ay may gana pa rin naman akong kumain. Reminiscing that night make me happy.

Pagkatapos kumain ay umalis na ako papunta sa trabaho.

Maaga akong lumabas ng conference room kasunod si Ram na aking secretary.

"Sir Syd, ito na po ang impormasyon na hiningi niyo."

"Thank you. Lahat ba nandito na?" tanong ko.

"Yes Sir, lahat nakadetalye na."

"Good." tipid kong tugon.

Kinuha ko ang folder kay Ram. Pagpasok sa opisina ay binuksan ko iyon. Lahat ng impormasiyon na nadoon ay nakasulat. Tungkol sa pagiging illigitimate child ni Resty Anderson at iba pa. Nakadetalye lahat doon ang mga past na mga nangyari ka Laura, mula sa pagiging part time student up to now.

"Bakit hindi nakadetalye sa PSA ni Laura na ang tatay niya ay si Resty Anderson? Bakit unknown ang nakalagay dito?"

"Sir, base po sa ibang detalye na nakuha ng imbestigador ay nanay lang ni Miss Wen ang nagpalaki sa kanya. Tama ang imbestigador sa nireport niyang parte si Miss Laura Wen sa family Anderson. Wala po itong duda."

"Ang galing talaga magtago ng baho ng mga Anderson, lalo na si Resty." pangiwing sabi ko.

"Inimbestigahan ko din po ang kanyang bank account. Sa loob ng ilang taon ay hindi tumanggap o nakatanggap si Miss Wen ng kahit isang kusing sa pamilyang iyon.

Nag-iba ang pakiramdam ko. May kung anong kirot sa puso ko na hindi maipaliwanag. Sobra sobra ang paghihirap ni Laura, kaya ba naging matigas ang kanyang puso at naglagay ng harang sa kahit na sino man?

"Miss Wen has been working around during her college life. She has done more than ten odd jobs just what I collected."

"Ano ang kanyang mga naging trabaho?" isa-isa kong tinanong kay Ram.

"Naging service crew siya sa KFC, coffee shops, bars at hotel. Tumutugtog siya piano sa mga five star na restaurants, drew modelm nagbebenta ng gatas sa mga supermarket, cashier sa isang clothing factory, at tutor."

"Thank you. You may go now!"

"Opo, Sir Syd."

Lumabas na si Ram sa opisina. Pero hindi nawala ang interes ko para ipagpaliban na malaman kung ano ba ang nangyari sa buhay ni Laura. Binasa ko din ang ilang information tungkol sa mga Anderson lalong lalo na sa kanilang business.

"It seems na hindi siya pinapahalagahan ng pamilyang ito dahil isa lamang siyang anak sa labas." bulong ko sa aking sarili. "It doesn't matter. Ang mahalaga ay nalaman ko ang mga impormasiyon na ito para mas makilala si Laura."

Sa isip ko may mga ilang salita na pumasok doon.

"Mr. Anderson, may utang ka pa sa akin. It's time to pay back."

LAURA WEN

Point of View

Nahihibang na ata ako. Namamangha talaga ako kagabi kung gaanon ka gwapo si Syd. Di ko mapigilan ang sarili na isipin ito. Tinapik ko ang aking sarili para magising sa aking kahibangan. Huminga ako ng malalalim habang nakasara ang aking mata. Gusto ko na talaga mawala iyon sa aking isipin. Kasalanan din na pagnasaan ko siya.

Hindi ko namalayan na nakarating na kami ni Mang Ken sa eskwelahan. Mabilis akong bumaba doon at dumire-diretso papasok. Papasok sa classroom ay bitbit ko ang binili na pagkain ni Mang Ken dahil inutos ni Syd. Ayoko na ito makasabay kumain dahil sa kahihiyan na nangyari sa amin. kahit pa yakap lang iyon ay masyado pa ring napaka intimate noon para sa amin dalawa, dahil wala naman kaming relasiyon.

Pasimula na ang klase ng mag vibrate ang cellphone ko. Patago kong binuksan iyon at tinignan kung sino ang nag text. Nang mabasa ko iyon ay nagiba ang aking aura. Nakaramdam ako ng panlalamig sa katawan. Nag excuse muna ako sa aking prof para maputahan si Principal Lin.

Pumasok sa isip ko kung ano na naman ang dahilan niya para papuntahin ako sa office. Bakit kailangan na naman niya akong kausapin?

Sa pintuan ng principal office ay huminga muna ako ng malalim bago kumatok at pumasok. Bumungad sa aking ang mukha ni Principal Lin na hindi maipinta. Galit na naman ito. Matatalim ang mata nitong nakatitig sa akin pero hindi ako nagpatinag at pinilit na ngitian ito at kausapin ng mahinahon.

"Good morning Principal Lin." bati ko.

"Last time na nag-usap tayo, nangako ka na makikipag hiwalay ka na kay Gabby at titigilan mo na ang aming pamilya." tugon niya.

"Hiwalay na kami." kaswal kong sagot.

"Kung ganun, ano tong kuha niyo na nakaluhod pa siya sayo at nakahawak sa kamay mo?"

Iniabot niya sa akin ang litrato pero hindi ko na iyon kinuha dahil alam ko na ang ibig niyang sabihin. Ito na naman pala ang dahilan kung bakit niya ako pinatawag.

"Kuha ito kahapon, noong ginugulo ako ng anak niyo, pero mukhang hindi pa rin kayo napapanatag. Maniwala kayo sa akin, wala na kami ni Gabby!" paliwanag ko.

"Bakit ako maniniwala sa isang babaeng katulad mo?" sarkastikong tanong niya."Dahil mas mahalaga sa akin ang aking trabaho. Isa pa hindi karapat dapat si Gabby sa akin dahil sa ginawa niya sa akin na panloloko."

"Laura, you are really lofty and ridiculous." nawawalang pasensiya niyang tugon.

Tinitigan ko ito at hindi nagpakita ng takot. Ito ang attitude na sinanay ko para sa sarili ko, ang maging matatag at wag ipakita ang kahinaan sa ibang tao. Gaya ng mga Anderson, isa si Principal Lin na madalas mang mata sa akin. Kapag nalaman ba niya na isa akong Anderson, magiging malamig pa rin ba ang pakikitungo niya sa akin? Ang mundo ay sadyang pinapaikot ng pera, kaya kung wala kang pera, sa huli ikaw pa rin ang magiging talunan.

"Sa inyo lang naman ako ganito! 'Di porket may pera at kapangyarihan kayo ay magagawa niyo ng i-judge ang isang tao."

Nakita ko kung gaano katalim ang titig sa akin ng kaharap ko. Habang tinitignan ko ito ay mas nawawalan ako ng gana na harapin ito.

"Principal Lin, kung wala na po kayong kailangan sa akin, aalis na po ako." paalam ko.

"Ayaw ko ng makita ang pagmumukha mo na kasama si gabby, dahil kapag naulit pa ito, you will face the consquences." matalim nitong sabi sa akin.

Nakakahiwa ng laman ang mga bawat salita na lumalabas sa kanyang bibig. Isang pangbabanta na kahit kailan ay hindi ko inasahan. Sa dami ng pinagdaanan ko sa buhay, hindi ang isang katulad niya ang aking aatrasan. Wag lang niya ako susubukan na kantihin. Kaya ko pa siyang irespeto. Hindi mahalaga ang salitang ganito kumpara sa sakit na pinagdaanan ng puso ko.

"Kung ganun, bantayan niyo ang inyong anak, at pag sabihan niyo siya na tigilan na ko." tugon ko. Tumingin ako sa orasan at muling binaling ang atensiyon sa kanya. "Prinsipal, meron pa po akong appointment. Kung wala na kayong ibang sasabihin, mauuna na po ako."

Tumalikod ako at lumabas sa opisina. Nahihirapan akong huminga kasama ang isang matandang katulad niya. Pagsara ko ng pintuan ay nakahinga na ako ng maluwag. Hindi na ako lilingon sa nakaraan. Ang kailangan ko lang ay maging straightforward sa lahat ng bagay, ng sa ganon, maprotekatahan ko ang aking sarili sa mga taong maaring manakit sa akin.

Habang naglalakad pabalik sa room ay iniisip ko na kung kanino mang gagaling ang mga litratong iyon. Ngunit sa kabilang banda, wala na akong pakialam sa kanya. Maari niya gawin lahat ng gusto niya pero kahit kailan hindi niya makukuha ang puso ng lalaking inakit niya, si Mandy.

ALICE GO

Point of View

Masaya kami ni Laura magkasama ngayon. Pagpla-planuhan kasi namin ni Laura ang gagawin namin after graduation. Habang naglalakad at nag-uusap. Napansin ko sa di kalayuan si Mandy na nakahawak sa braso ni Gabby. Papasok sila sa isang restaurant kung saan balak namin kumain ni Laura.

Masama ang titig ko sa dalawa samantalang si Laura ay hindi ko makitaan ng ano mang emosiyon.

"Oh, andito din pala kayo, sakto kakain din kami, sabay-sabay na tayo!" yaya ni Mandy na mukhang demoniyo kung makangisi.

"Naku Laura, pigilan mo ko baka hindi ako makapag pigil at baka makasapak ko ang babaeng ito." Malakas na parinig ko. Kung si Laura ay walang ginawa, hindi ako makakapayag na bastusin na lang nila ang Frennie ko. No way!

"Alice, ano ka ba.?! Tumahimik ka na lang diyan." pagaawat sa akin ni Laura na may pag-aalala din. Ayaw ni Laura ang ganitong mga drama lalo na ang away.

Kinalma ko pa ang sarili ko sandali pero nakakainis ang reaksiyon ni Mandy na kaharap namin ngayon. Mangiyak-ngiyak ito. Ang drama, best actress award talaga ang suntok na ibibigay ko sa pagmumukha niya.

"Alice, wag ka naman ganyan. Ano ba ginawa ko sa iyo." sabat ni Mandy.

"Bakit?" Ikaw ba kausap ko ha?" Pasigaw kong tugon.

Nakita ko na napatingin pa si Gabby kay Laura. Iba ang nakikita sa mukha nito. Mukhang siya pa ang galit at si Laura pa ang may mali dito. Pagkatapos balingan si Laura ay sa akin naman siya tumitig. Hindi ako magpapatinag sa ganun, ang importante maipagtanggol ko si Laura sa mga manlolokong ito.

"Alice tigilan mo si Mandy, respeto mo naman siya." sabi ni Gabby.

"Hoi, Gabby! Hindi ikaw ang kausap ko kaya wag ka makialam sa amin. Nakakadiri kayo. May gana pa kayo mag pakita kay Laura na magkasama kayo? Mga manloloko." galit kong sabi pero mahina iyon upang hindi makaagaw ng atensiyon sa ibang tao.

"Bakit ako lang ba nakakadiri dito? Sa tingin mo ba mas malinis sa akin si Laura? Ask her what she did. Bitch!" matigas na sabi ni Gabby. Hindi ko kinakaya na ganito siya magsalita kay Laura. Hindi ako makakapayag na ganituhin lang niya si Laura pagkatapos niyang lokohin ito at ipag palit sa haliparot na babaeng kasama niya.

Lumapit ako mismo sa harapan ni Gabby, gusto ko manakit pero pipigilan ko ang sarili ko. Ayoko ibaba ang pagkatao ko sa mga hayop na ito.

Find authorized novels in Webnovel, faster updates, better experience, Please click www.webnovel.com/book/ceo-unstoppable-love_19125405705351305/chapter-19_52159782122999089 for visiting.

"Meron ka pa bang kahihiyan? You really dare na ipasa kay Laura ang kasalanan mo? Kung wala kang alam, wag ka ng magsalita pa."

Napapakuyom na ang dalawa kong kamay at anytime pwede ko na itong sapakin.

Next chapter