18 Chapter 18

SYD WALTON

Point of View

Binuksan ko ang pintuan dahil sa hindi pagsagot ni Laura sa pagkatok ko sa kanyang pintuan. Na curious ako at binuksan iyon. Pagkasilip ko doon ay wala akong bakas ng pigura ni Erl. Instead, nakita ko si Laura na nakahiga sa kama, nakalagay ang headphone sa tenga. Ang kaliwang kamay ay nakadagan sa libro, at ang kanang kamay ay nakahawak sa ballpen. Ilang minuto ko ito minasdan ng mapagtanto na nagsusulat ito.

Naaliw ako sa nakikita ko ngayon sa harapan ko. Ang kanyang buhok ay dahan-dahan na gumagalaw dahil sa hangin na nagmumula sa electric fan. Meron pang nakapaipit sa kanyang tainga. She's so beautiful in every angle.

Dumiretso ako papasok sa kwarto. Sa sobrang busy nito ay hindi man lang niya ako napansin. I'm wondering kung ano ba ang sinusulat niya at inabot siya ng ganitong oras. Papalapit na ako sa kamay ng makita ko ang textbook na sinasagutan niya. Sa unang tingin ay alam ko na ito, math problem. Hindi lang basta problem dahil madugong equation talaga ito kung hindi mo alam.

Habang nakatayo sa gilid ng kama ay tinitignan ko kung paano siya magsagot. Sa isip ko pa lang ay alam ko na, pero si Laura, ilang minuto bago nasagutan. Nang masagutan iyon ay tumihaya siya at nag-unat at napangisi ako ng manlaki ang mata nito ng makita ako. Dahil sa pagiging aligaga na tumayo ay muntik pa itong mahulog, ngunit mabilis ko naman siyang nahawakan sa kamay para maihiga muli sa kama.

"What are you doing?' ngising tanong ko.

Find authorized novels in Webnovel, faster updates, better experience, Please click www.webnovel.com/book/ceo-unstoppable-love_19125405705351305/chapter-18_52157934481756358 for visiting.

"Bakit kasi nandito ka? Hindi ka man lang nagsalita o kumatok. Malay ko ba kung tao ang kaharap ko o multo." sagot nito.

Huminga siya, nakahawak ang kamay niya sa kamay ni Syd, at tinignan niya ito: "bakit ka nandito?"

Everytime I see her like this ay hindi ko mapigilang kumabog ang aking dibdib. Ang lapit niya lang pero ang layo niya para abutin.

"Did I scare you?" ngisi ko. "I'm sorry."

Umayos siya ng pagkakaupo at tinanggal ang headphone sa kanyang tainga at inilagay sa side table.

"Sino ba naman kasi hindi matatakot? Biruin mo sa ganitong oras may nakatayong lalaki dito sa gilid ng kama." ninenerbiyos niyang sagot. Napairap pa ito at muling nagsalita. "Syd, hindi ka ba marunong kumatok bago pumasok sa kwarto ng iba?" she complain.

"I knocked! Pero you are so busy and out of this world."

"Nakikinig kasi ako ng ibang language, kaya lahat ng atensiyon ko nakatuon sa ginagawa ko."

Napairap ko.

"Nakikinig ka ng ibang language habang nagsasagot ng math problem? Hindi ka ba na didistract? Wow! You can do multi-tasking. Amazing."

"Hindi naman! Nakasanayan ko na ito. Maybe ability na rin para gawin ng sabay ang magkaibang bagay."

"So, you deliberately training yourself to do both?" tanong ko.

"Maybe! Teka, ano bang kailangan mo at nandito ka?" pag-uusisa niyang tanong.

"Wala naman! Nakita ko kasing bukas pa ung ilaw mo. Alam ko na hindi ka pa tulog, kaya I came to see kung tinuturuan mo pa kayo ni Erl." paliwanag ko.

"Tapos na kami ni Erl mag-aral, kanina pa. Around 9pm siguro kami natapos."

Habang nakikinig sa sagot niya ay kinuha ko ang libro na sinasagutan nito at tinignan. Nakaupo na ito mula sa pagkakahiga kanina. I think naiilang siya that is why she change her position. I can't take my eyes on her at hindi na din napigilan mag komento sa nakita ko kanina.

"May nag-sabi na ba sayo na ang ganda mo habang nag-aaral?" tudyo ko.

Nakita ko ang pamumula ng pisngi niya ng purihin ko siya. Totoo lang naman ang sinasabi ko. Habang tumatagal mo siyang tinitignan ay gumaganda siya, 'di tulad ng ibang ganda na nakakasawa habang tumatagal.

"Wala," tipid na sagot at iling niya.

"I seem to be the first! Do you like math?" Tinitignan ko siya habang nililipat ang pahina ng libro.

"Yep," sagot niya na may ngiti sa labi.

"This book you bought is a summary of the difficult problems in the past years. There are some problems in this book, I'm afraid your teacher will find them difficult. "

Nakita ko na napakamot siya sa ulo at may gustong sabihin.

"Ah, Syd....."

Hindi pa siya natatapos magsalita ay napahinto na ito ng magsalita ako. Nakuha kasi ng atensiyon ko ang page na walang sagot.

"Bakit hindi mo nasagutan?"

Tinuro ko sa kanya yung problem at naghihintay ng sagot niya.

"I don't know the answer. Medyo nalilito din ako sa solution."

"Kung gusto mo, I can teach you." offer ko sa kanya.

Tumango siya sa akin. Umupo ako sa tabi niya to make sure na maiintindihan niya ang explanation ko at makita ang solution na gagawin ko.

"Come here, I'll show you."

Nilagay ko ang libro sa aking hita, kinuha ang ballpen na hawak niya at in-explain sa kanya ang bawat solutions. Sa ilang minutong pagpapaliwanag ko ay naliwanagan naman si Laura.

"Here." abot ko ng ballpen. "Answer this."

Umupo siya ng tuwud, kinuha ang libro at ballpen, at sinagutan ang tanong base sa pagtuturo ko sa kanya. As expected, nasagutan niya rin ito. Napangiti ako ng mapangiti siya pagkatapos masagutan ang equation. Para siyang isang musmos na binigyan ng lollipop at hindi maipaliwanag ang saya.

"Wow! Ang galing mo pala." puri niya sa akin.

"Kung kaya mo sagutan ang 80% ng librong ito, masasabi ko na rin na magkalevel na tayo ng talino at galing."

"Wow! Is that a compliment o pang-aasar lang? Alam ko naman na genius ka. Hindi ko maipag-aakila iyon." ngiting sagot sa akin.

"Kung may iba ka pang katanungan, you can ask me. Don't be shy. I'm willing to help."

"Kung ganun, pwede mo ba kong tulungan sa question na ito?" Binuklat niya ang textbook at itinuro ang isan pang problem na hindi niya nasasagutan. Nag-isip ko ako at sinabi ang ilan nalalaman ko sa ganiton math problem. Seryoso kaming dalawa at nakikinig lang si Laura.

LAURA WEN

Point of View

Early in the morning, nag alarm ang aking orasan. Gusto ko sanang tumihaya para kunin ang cellphone, pero napamulat ako ng maramdaman ko na may kamay na nakaakap sa aking bewang. Napapikit ako ng mariin dahil may katabi ako ngayon. Bumalik sa ala-ala ko ang mga ginawa namin kagabi ni Syd.

"Ang ingay! Paki patay mo muna yung alarm clock." mahinang salita nito.

Dahan-dahan akong naupo at kinuha ang alarm clock para patayin iyon. Nakita ko ang kabuuan ng katabi ko. Nagkukusot ito ng mata at humihikab na parang kulang sa tulog.

"Good morning." bati niya sa akin.

"Mo--- good morning din." namula ako at tumugon sa kanya.

Nababaliw na ba ko? Kagabi nagpapaturo lang ako sa kanya. Natatandaan ko na sinasagutan ko pa iyon, pero paanon nakatulog ako? Paano? Inis na tanong ko sa sarili ko. Hindi ko mapigilan ma-amaze sa kagwapuhan ni Syd. Kahit bagong gising ito ay gwapo pa rin. Naiisip ko na ang unfair naman, paanong nangyari na may nilalang na ganito?

Nataranta na ako ng magsalita muli ito.

"Please, yung alarm clock." sabi nito.

Nawala sa isip ko ang gagawin ko dahil sa pagkakatitig sa kabuuan niya.

"I'm sorry." Pinatay ko agad ang alarm.

Pagkapatay ko ng alarm clock ay siya naman bangon niya. Nag-inat ito at naghikab muli bago idilat ang kanyang mata. Umiwas ako na makita niya na nakatitig ako sa kanya kaya nilingon ko ang mata ko sa ibang direksiyon.

"Ang sarap pa naman ng tulog ko." reklamo nito.

"Anyway, thank you for helping me." sabi ko.

"Helping me what? Yung mahawakan ko ang kamay mo para hindi ka mahulog o ang pagtulong sayo sa pagsagot ng textbook?"

"Both. I sincerely thanking you."

"Okay." tipid na sagot niya.

Nauna na tumayo si Syd sa kama. Pagbukas niya ng pinto ay nakita ko na nakatayo doon si Yaya Nida. Bigla akong nahiya at nataranta. Ano na lang ang iisipin ni Yaya sa akin.

"Good morning, you can go back to your work." ismid na sabi ni Syd kay Yaya pero may respeto pa rin naman ito.

Nagasikaso na rin ako ng dapat kong gawin. May pasok pa ako at madami akong gagawin lalo pa at dumagdag ang thesis sa mga ginagawa ko.

Next chapter