17 Chapter 17

RESTY ANDERSON

Point of View

Hindi na talaga ako ginalang ng batang iyon. Kahit kelan hindi niya matanggap na anak ko siya at parte siya ng aking pamilya. Kailangan ko pa utusan ang aking tauhan para ipakuha ito sa eskwelahan kung saan siya nag-aaral.

Ilang minuto pa ang nakalipas at dumating na si Laura. Karay-karay siya ng mga tauhan ko. Matalim at matapang itong nakatingin sa akin.

"Resty, ito na ba talaga ang paraan mo para makausap ako? Kahit pangingidnap sa maliwag na panahon, nagagawa mo?"

Sinenyasan ko ang dalawang tauhan ko na bitawan na si Laura. Pagka-alis ng mga ito at tinuon ko na ang atensiyon ko kay Laura.

"Maupo ka!" malamig kong sabi.

"Masyadong mahal ang upuang ito para upuan ko!" sarkastikong sagot niya.

"Laura Anderson! Ganyan na ba katindi ang galit mo sa akin?" pabulyaw kong tanong sa kanya.

"Wen ang apelido ko at hindi Anderson!"

"Kahit Wen ang apelido mo, may nanalantay na dugo ng Anderson pa rin sa katawan mo." pabalong kong sagot dahil hindi rin siya makausap ng matino.

"Kaya nga, I feel disguisted sa tuwing naiisip ko 'yun!"

Tinignan ko si Laura ng puno ng galit. Napahampas pa ako sa wheelchair ko at muling tinawag ito sa kanyang pangalan.

"Laura Anderson!" sigaw ko.

"Ano bang gusto mong gawin sa akin? Ano bang kailangan mo at kailangan mo pa ako ipakaladkad sa tauhan mo?" sigaw niyang tugon.

"Bakit sumasama ka kay Syd Walton?" direktang tanong ko.

"None of your business, at wala kang pakialam." pagmamatigas na sagot niya.

Find authorized novels in Webnovel, faster updates, better experience, Please click www.webnovel.com/book/ceo-unstoppable-love_19125405705351305/chapter-17_52079082640306754 for visiting.

"Bakit? are you short of money?" sarkastikong tanong ko.

Nang sabihin ko 'yun ay napatingin siya sa akin ng masama. Nababasa sa mata ko na galit na galit siya.

LAURA WEN

Point of View

Nanlisik at nagpantig ang tenga ko sa sinabi ni Resty.

"Ganyan ba kababa ang tingin mo sa akin?!"

"Hindi mo man lang nakuha ang kalahati ng ugali ng iyong ina, ang masaklap natutunan mong gumawa ng nakakahiyang mga bagay, katulad na lang ng pagsama ko kay Syd."

"Ano ba'ng nakakahiyang bagay ang ginawa ko?" tanong ko sa kanya at hindi ko na mapigilan ang aking galit. Sa bawat salita niya ay mas napopoot ang aking damdamin.

"What's wrong with hooking up with people? Do you want to marry into a rich family? Laura, gumising ka. Walang tatanggap sa isang illigitimate na anak na katulad mo." direktang sagot nito na mas nagpaintig ng galit ko.

Kinuyom ko ang aking kamay na halos bumaon na ang kuko sa laman ko. Galit na galit ako dahil sa mga salitang naririnig ko mula sa mismong ama. Ama na tinakwil ang anak para lang sa pansariling interes at kanyang pamilya. Nakakasuka! Hindi ko na napigilan ang aking sarili at pumunta sa isang maliit na lamesa. Hinagis ko iyon. Ang lagayan ng tubig, set ng tsaa at cellphone ay nuhulog sa sahig."

"Hindi ka karapat-dapat na bangitin ang pangalan ng aking ina, dahil ikaw ay isang maruming tao. Wag mo na kong dadalhin sa nakakasukang bahay na ito! Ayokong malanghap ang masamang hangin dito. I can't hold it." matapang kong salita sa kanya. Tumalikod at palabas na ako ng bahay pagkatapos kong magsalita.

"Laura, I'm warning you! Habang maaga pa ay iwasan mo na si Syd Walton at tapusin na kung ano man ang namamagitan sa inyo. Kung hindi, wag mo kong sisisihin na maging bastos sa iyo at gumawa ng paraan para itama ang mali mong ginagawa." pahabol niyang sagot sa akin.

Tumayo ako ng tuwid, itinaas ang aking mga kilay, at tumingin pabalik sa lalaking kaharap ko kanina.

"Kung meron man akong hindi namana sa aking ina ay yun ay ayaw kong binabantaan ako. The more na bantaan mo ko, the more na hindi ako makikinig sa iyo. Tignan natin kung ano gagawin mo! Pare-pareho kayo!"

One day, makakaganti din ako sa'yo Resty Anderson at ipaparamdam ko sayo kung gaano ka naging kasama sa amin ng nanay ko.

Napabuntong hininga ako ng makalabas sa bahay ng mga Anderson. Kahit papano ay nakalayo na ako sa demonyong bahay na iyon. Ilan hakbang pa ay napaupo na ako sa kalsada dahil sa sakit ng aking paa. The more na nilalakad at itinatayo ito ay mas matindi ang pagsakit. Ang matangdang iyon, kahit nakitang naka-benda ang paa ko, wala man lang akong narinig na pag-aalala mula sa kanya.

The more I thinks about it, mas sumasama lang ang aking loob. Yumuko ako at ipinatong ang ulo ko sa ibabaw ng aking mga hita. Unti-unti ay nararamdaman ko ang pagdalaoy ng mga luha sa aking mga mata. Bakita ang ibang tao ay may masayang pamilya, samantalang ako ay wala. Bakit ang ibang ama ay mahal ang kanila anak, pero bakit ang aking ama ay iba ang turing sa akin. Bakit and dali ang nilang makuha ang magpapaligaya sa kanila, ngunit bakit ako hindi ko magawa? Ilan lang yang mga tanong sa isipan ko na kahit ako hindi ko nasagot kailanman. May mali ba sa pagiging anak sa labas? Si Resty ang may kasalanan kung bakit ganito ang buhay ko pero bakit ako ang nagbabayad sa kasalanan na hindi ko ginusto?

"Wuwu..." iyak kong ungol.

SYD WALTON

Point of View

Tinawagan ako ni Manong Ken tungkol sa nangyari sa eskwelahan. Isang kotse ang huminto sa harap ni Laura at tinangay ito. Pina check ko na ang CCTV at natunton ko na Anderson ang sasakyan na kumuha kay Laura. Ilang oras pa at narating ko ang bahay kung saan maaring dinala si Laura.

I saw her at mukang kawawang pusa na nasa kalye. Nilapitan ko siya and gently poked his head just to get her attention. Tumingala ito sa akin at malalim na tumingin. Nakita ko pa ang ilang butil ng luha sa kanyang mata. Bakit ba napaka-miserable ng buhay niya sa tuwing nakakaharap ang mga Anderson? Kung hindi Luis, si Resty naman.

Unti-unti niyang pinunasan ang luha sa kanyang mata pero hindi sapat ang kamay pampahid sa dami ng luha sa kanyang mata. Kinuha ko ang aking panyo sa pants at iniabot sa kanya iyon. I thought tatanggihan niya pero kinuha niya ang panyo at pinunas sa mukha niya.

"Salamat! Anlakas ng hangin kanina at napuwing ako." pagda-dahilan nito.

"Well, the wind is so strong that the leaves can't move."

Alam kong napahiya ito sa sinabi ko. Matalim ako tinignan nito at utal-utal na nagsalita.

"Bakit ba ni kaunting pagka-gentelman wala ka? Dapat sabihin mo na lang, oo napakalakas nga ng hangin, ganun!" naiinis na sabi ko.

"Sabi ko nga! Ang lakas ng hangin ngayon, grabe!" sarkastikong sagot kong muli sa kanya.

"Ikaw talaga!" tumayo siya at kinagat ang labi. "Bakit tinitignan mo ko ng ganyan? Ganito talaga ko. Ang gawin mo na lang ipahiram mo sa akin yang balikat mo at tumalikod ka, wag mo kong titignan."

May kirot sa puso ko at hindi ko na kaya pang tiisin na i-comfort siya. Hinila ko ang kamay niya papalapit sa akin. Niyakap ko siya at hinimas ang kanyang ulo. Inilagay ko ang ulo niya sa aking dibdib upang doon ay ilabas lahat ng sama ng loob niya.

"Keep crying! Hindi kita titignan. I promise."

Natahimik ito at huma-hagulgol. Dapat lang na iiyak niya lahat para gumaan ang pakiramdam niya dahil kung kikimkimin niya lang, mas masasaktan siya. Sapat na ang aking mainit na yakap para pakalmahin ang nanlalamig niyang pakiramdam.

HILDA ANDERSON

Point of View

Pauwi sa bahay, nakita ko ang dalawang tao na magkayak. Sa hubog pa lang ng katawan nito at side ng mukha ay alam ko na kung sino. Si Syd at si Laura. Napahinto pa ako sa kalagitnaan ng daan para makasigurado na tama nga ang hula ko. Paanong nangyari na magkasama ang malanding yun at si Syd Walton?

Pinaandar kong muli ang sasakyan pauwi sa bahay. Pagdatingna pag-dating ko tumakbo agad ako papasok sa bahay. Nang makitang nakaupo sa sala si daddy, may pag-uusisa na akong nagtanong.

"Dad, sa labas nakita ko ang malandi mong anak. Alam mo ba kung sino kasama niya?"

"Hilda, ilang beses ko bang dapat sabihin sa iyo na kapatid mo si Laura, hindi ka dapat magsalita ng ganyan sa kanya."

"Wala akong kapatid sa labas. Dad, ikaw nga hindi mo siya tinatangap sa buhay mo, ako pa kaya. I will now recognize her as my sister."

"Wag ka magsalita ng ganyan," sabi ko. "Sino kasama niya ng makita mo?"

"Eh di sino pa, si Mr. Syd Walton. Magkayap sila sa gilid ng kalsada. Baliw na ata ang malanding babaeng iyon. Talagang inaakit niya si Syd."

Noon pa man nahuhumaling na ako na makuha si Syd Walton. Hindi lang ako, pati ang lahat ng kababaihan dito sa Pilipinas.

LAURA WEN

Point of View

Umuwi kami pabalik ni Syd dito sa Villa. Naabutan pa namin si Erl na nasa sala ng dumating kami. Nakita ko ang pagka-gulat kay Erl ng makita niyang buhat-buhat ako ni Syd ngayon.

"Wag ka ng maraming tanong, bilisan mo na! After ng tutor class umuwi ka na para makapag-pahinga si Laura." bungad agad ni Syd sa kanyang kapatid.

"Yes, kuya!"

Napahinga ako ng malalim at tinignan si Syd. Nakita ko na tumalikod na si Syd at lumabas.

"Teacher Laura, bakit namumula ang iyong mga mata? May problema ba kayo ni kuya?" tanong ni Erl.

Nabaling sa kanya ang atensiyon ko. Alam ko na nagsisimula na mag-usisa si Erl.

"Ah , wala naman! Nagkaroon lang ako kanina ng problema, tinulungan lang niya ako."

May kakaibang ngiti sa labi si Erl. Wala na akong pakialam kung maniwala siya o hindi, basta sinabi ko na sa kanya ang totoo.

SYD WALTON

Point of View

Past 11 na ng gabi, kakatapos ko lang mag trabaho at lalabas sana para mag-sigarilyo. Pag bukas ko ng pinto nakita ko ang awang na kwarto ni Laura at bukas ang ilaw. Nagtataka ako kung bakit gising pa siya ng ganitong oras. "Tinuruuan pa ba niya si Erl?" tanong ko sa aking sarili. Kumatok ako sa pintuan, ngunit hindi ito sumasagot.

Next chapter