15 Chapter 15

SYD WALTON

Point of View

Pagkatapos ko siyang itulak pasakay ng kotse, sumunod na ako sa loob at tinabihan ito. Masama ang tingin sa akin at galit na galit sa akin. I don't get it! Bakit galit na galit siya sa halik na iyon? O iba talaga ang ikinagagalit niya? Gusto pa sana niyang lumabas ng kotse pero pabilis ko na itong binalaan.

"You dare na gawin sakin yun? Sige, subukan mo bumaba, hahalikan kita dito sa sasakyan!" pananakot ko sa kanya.

"Ikaw..." matalim niyang sagot sa akin. Mukhang effective naman ang pananakot ko dahil umayos na ito ng upo. Nag-aalborote pa rin siya pero wala naman imik.

"Manong Ken, umuwi na tayo sa Villa!" utos ko.

"Opo, Sir Syd."

Pinaandar na ni Manong Ken ang sasakyan at naghahanda na para umalis.

"Syd sungit, alam mo..." painis nitong sinasabi ngunit nauutal at hindi maituloy kung ano ang sasabihin.

"What???" sigaw kong sagot sa kanya.

Huminga akong malalim at masamang tinignan si Laura. Kung ayaw niyang tumigil, hindi rin ako titigil.

"Manong Ken, itigil mo ang sasakyan!" utos ko kay manong.

Sinusubukan talaga ako ng babaeng ito, pwes tuturuan ko siya ng leksiyon.

"Umuwi ka na! Tapos na ang trabaho mo ngayon araw."

"Opo, Sir Syd."

Binuksan ni Mang Ken pinto at lumabas ng kotse. Naiwan kami ni Laura sa passenger seat dalawa. Tinititigan ko lang ito at wilang segundo din kaming tahimik.

LAURA WEN

Point of View

Naiinis ako dahil sa ginawa si Syd nagagalit si kuya Luis sa akin. Dahil sa ginawa niya namis-interpret ni kuya ang relasiyon namin. Hindi ko mapigilan ang galit ko kahit alam ko pa na galit na rin siya dahil sa ginawa kong pagsigaw-sigaw sa kanya. Ayoko na ngang sumabay sa kanya pero wala akong nagawa ng pilit niya akong isinakay sa kotse.

Gusto ko bumaba pero tinakot ako ni Syd na hahalikan muli na ayaw ko ng mangyari pa. Paalis na sana kami. May mga gusto pa sana akong sabihin pero nauutal na ako at hindi lumalabas sa bibig ko. Nagulat pa ako ng pasigaw din siyang sumagot sa akin at pinababa pa si Manong Ken ng kotse.

"Ikaw ano binabalak mo? Bakit mo pinaalis si Manong Ken?" takang pagtatanong ko. Pilit kong binabasa kung ano bang nasa-isip niya pero hindi ko malaman. "Sisigaw -----." Naputol ang pagsasalita ko ng halikan niya ako sa mga labi.

Siniil niya ako ng halik at di makagalaw. Umabot ng isang minuto ang halik na iyon. Kahit nagpupumiglas ako ay walang silbi dahil hinawakan niya lang ang dalawa kong braso para hindi makapalag sa ginagawa niya.

"Bitawan mo ako, Syd, siraulo ka!" angungal ko habang hinahalikan ako.

Tinigal niya na ang panghahalik sa akin at tinignan ako ng masama. Binitawan na rin niya ang mga braso ko at hinawakan ako sa baba.

"Baguhin mo ang pag-uugali mo sa akin at huwag na huwag mo kong babansagan ng kahit anong pangalan. Dahil kapag inulit mo pa na sigawan ako, hindi lang halik ang ibibigay ko sa iyo."

Find authorized novels in Webnovel, faster updates, better experience, Please click www.webnovel.com/book/ceo-unstoppable-love_19125405705351305/chapter-15_52037540911306001 for visiting.

"Syd sungit, yan ang itatawag ko sa iyo!" painis kong sabi muli.

"So, hindi mo aayusin ang tawag mo sa akin?! Sa tingin ko mas gusto mo atang halikan pa kita ng mas matagal!"

Akmang lalapit siya muli para halikan ako pero hinarang ko ang mga kamay ko sa mga labi ko.

"Oo na, hindi na kita tatawagin Syd sungit!" pairap kong sagot sa kanya.

Mas mainam na wag ko na lang siyangi tawagin sa ganoon, dahil baka mapudpod lang ang aking labi sa kakahalik ni Syd. Tss! Nakakailan na to eh, mula kanina sa party. Abusado na! Masyadong nasasanay na halikan ako.

Tinitigan ko si Syd ng malamin ng mga ilang segundo, at pagkatapos ay tumawa ito. Hindi ko alam kung bakit siya natatawa. Sa sitwasyon ngayon nagagawa pa talaga ang ganito?

"Ano ang tinatawa-tawa mo? Para ka ng nakakaloko, ah!" galit kong tanong sa kanya sabay tanggal ng mga kamay ko sa labi ko.

"Bukod tangi kasing ikaw lang ang tumawag sa akin ng ganyan." paliwanag niya habang nagpapaliwanag. Tawa pa rin ito ng tawa na siyang ikinaainis ko ngayon.

"Syd Walton, sumosobra ka na talaga!" iritang tugon ko sa mga tawa niya.

Huminto si Syd sa kakatawa at pinisil ang aking baba.

"Papapayagan kitang tawagin mo ako sa ganun pangalan pag tayong dalawa lang ang magkasa! Isa itong pribilehiyo para sa iyo. What do you think? Honey?" ngising sabi nito.

Bumaba si Syd ng kotse. Tinitigan ko lang ito sa mga ginagawa nito. Sa tingin ko mabuting tao naman si Syd taliwas sa mga naririnig kong mga tsismis tungkol sa ugali niya. Pagkatapos ng exam ni Erl sa university, hindi na dapat ako lumapit sa kanya o kailanman. Titiisin ko na lang ang nalalabing araw sa pagtuturo at pagkatapos noon ay aalis na ako sa puder ng mga Walton. Para maiwasan ang mga kuro-kuro at ayoko mag-iba ang tingin sa akin ng ibang tao, katulad na lang sa party kanina.

Binuksan ni Syd ang pinto at yumuko sa gawing kinauupuan ko.

"Bumaba ka diyan at magmaneho pauwi sa bahay natin."

Napatitig ako sa kanya at napaisip, "bahay namin?". Parang sinaksak ang puso ko. Napakasarap sa pakiramdam na marinig iyon mula sa isang tao na hindi ko naman kadugo. Napangisi ako at pinipilit na huwag tumulo ang luha sa mata ko. Simula ng namatay si nanay, wala na akong naging tahanan. Diba nga ang isang tahanan may kompletong pamilya. Binubuo ng nanay, tatay at anak.

"Hindi ako marunong magmaneho, at isa pa baka mabangga ko pa itong mamahalin mong kotse." iling ko sa kanyang sagot.

Napabuntong hininga si Syd sa sinabi ko at hindi na nakipag kulitan pa sa akin. Nakita ko na lang na kinuha niya ang kanyang cellphone at may dinayal na number.

"Bumalik ka rito. We will wait for you!" utos nito.

Pagkatapos ng tawag na iyon ay bumalit si Syd sa pagkakaupo sa tabi ko sa may passenger seat. Habang hinihintay si Manong Ken, hinila ni Syd ang aking paa at ipinatong sa kanyang hita. Tinitignan niya ito kung anong nangyari sa paa ko. Huli na para itago pa sa kanya iyon dahil mas masasaktan lang ako kung hihilain ko ang aking paa. nito ang nangyari sa paa ni Laura.

Iniwasan ko ang mga titig nito sa akin ng makita ang maga sa paa ko. Ayoko ng marami pang tanong kaya itinuon ko na lang sa labas ng bintana ang atensiyon ko.

"Tama ba na magsuot ng high heels kung hindi ka naman pala sanay? You can't wear that kind of shoes kung hindi ka naman pala sanay. You can talk to Ram na ayaw mo ng ganoong style."

"Tama din ba na halikan mo ang isang babaeng hindi mo kilala? Hindi lang isang beses kundi dalawa."

"Hindi ba tayo magkakilala?"

"Otherwise, are we familiar?" Paisnab kong sagot.

Naalala kong dalawa lang kami ngayon sa kotse, hindi dapat ako sumagot ng hindi maganda, dahil baka may iba na naman gawin sa akin si Syd.

"Is there anyone in the world who knows you better than me, other than your father? You know, I'm the first man that go deep into your soul... "

Inangat ko ang aking kamay para takpan ang bibig niya. Ito na naman siya! Inuungkat ang pangyayari nung gabi na iyon.

"Diba napag-kasunduan na natin na hindi na pag-uusapan ang bagay na 'yun? Bakit palagi mo na lang binabanggit yan?"

"Pinapaalala ko lang sa iyo kung gaano kita ka kilala!"

I looked embarrass again at natahimik. Ayoko ng magsalita pa.

"Laura," tawag niya sa pangalan ko.

"Ano?" tugon ko.

Parang may dumaan na anghel sa paligid at natahimik kaming dalawa, nag tititigan. Nawala ang awkwardness ng may kumatok sa kotse, si Manong Ken.

"Mang Ken, idaan mo muna sa malapit na ospital." utos nito ng makaupo ito sa driver seat.

"Opo, Sir Syd."

Hindi na ako tumutol pa at nananahimik. Ngayon kasi, gusto ko na lang magpasalamat na inaalala niya ako. Siya lang ang nag-bubukod tanging tao na hindi ko na kailangan pang magsalita.

"Ano ang sinabi sa iyo ni Luis Anderson kanina? At bakit nangyari sa iyo 'to?"

Nanahimik lang ako.

"Bakit hindi ka magsalita?" tanong niyang muli at nawawalan na naman sa akin ng pasensiya.

"Ayoko ng pag-usapan pa. Please!" titig ko sa kanya na may pagmamakaawa.

"What do you have to do with him?" tanong muli ni Syd. Ayoko na talagang pag-usapan ito dahil ayokong malaman niya kung ano ba talaga ang koneksiyon ko sa mga Anderson.

"Pagkatapos kong turouan si Erl, mag reresign na ako sa pagiging tutor ni Erl. Pagdating ng araw na 'yun, sana wag mo na akong lapitan. Lahat ng mga nangyari, kakalimutan ko na, kaya sana ganun ka din."

Nakikinig si Syd sa aking mga sinabi. Sana nga ay tanggapin niya rin ang desisyon ko. Ayokong magkaroon ng problema kanino man sa kanilang dalawa ni kuya Luis.

"Laura, wag ka magsasalita ng patapos. You never know! Baka isang araw ikaw mismo ang lumapit sa akin."

Iyon lang ang sinabi niya at hindi na nagsalita pa.

Next chapter