14 Chapter 14

LAURA WEN

Point of View

Masayado mainit ang sitwasyon ngayon at hindi ko na rin alam ang gagawin ko sa pagitan ng dalawang ito. Kita ko sa mga mata nila ang hindi maipaliwanag na kuryente na maaring magbadya para magliyab silang dalawa. Ang hirap manimbang sa kanilang dalawa lalo na at kapatid niya ang isa. Ayaw ko rin naman masaktan o masangkot si Syd sa ganitong gulo.

Marahan akong pumikit at nag-isip ng dapat gawin pero paano ako mag-iisip kung dalawa silang nakahawak sa kamay ko at pinag-aagawan ako. Kapag pinili ko ang isa sa kanila, iba naman ang iisipin ng isa? Hindi ko na talaga malaman kung anong gagawin ko.

Hirap pa ako kumilos dahil sa takong na sukot ko. Hindi ako makaakad ng maayos. Ang hirap talaga ng sitwasiyon ko ngayon.

Nagtagumpay si Syd na makawala ako sa pagkakahawak ni kuya Luis. Nakita ko ang mga mata nito na puno ng galit. Kita ko naman sa mata ni Syd na masaya siya na maagaw ako at ni walang bakas ng takot sa kanyang mga mata.

"Syd, kakausapin ko lang si Luis. Hintayin mo na lang ako sa kotse, please!" pagmamaka-awa ko dahil hindi na magiging maganda ang susunod na eksena kapag nagpang-abot ang dalawa.

Tinitigan lang ako ni Syd at tumango.

"Thank you." ngiting sabi ko at akmang patalikod na para makipag-usap kay kuya. Bago pa man ako makawala sa bisig ni Syd, binigyan niya muna ako ng halik sa noo na siyang ikinamula ko.

"I'll wait you there." paalam sa akin sabay matalim na tumingin kay kuya Luis at naghintay na bumukas ang elevator. Habang nag-iintay sa pagbukas ng elevator, hinubad pa niya ang kanyang coat at isinuot sa akin.

Bumubukas ang pinto ng elevator at pumasok na si Syd doon. Napabuntong ako ng malalim ng makaalis na si Syd. Sa sandaling pagsara ng pinto ng elevator, hinawakan ako ni kuya Luis at kinaladkad papunta sa kung saan.

Napadapa pa ako sa sahig dahil sa pagkakahila sa akin ni kuya.

Find authorized novels in Webnovel, faster updates, better experience, Please click www.webnovel.com/book/ceo-unstoppable-love_19125405705351305/chapter-14_52032264292320372 for visiting.

"Aray! Kuya, pwede ba bagal-bagalan mo lang mag lakad?! Hindi ako sanay mag heels kaya kung kakaladkarin mo na naman ako baka madapa na naman ako!" iritang sabi ko.

Nakita ko sa mata ni kuya ang panlalamig ng kanyang mata at napalitan iyon ng awa ng makitang nasaktan ako sa aking pagkakadapa. Inalalayan niya akong tumayo at marahan na inalalayan papunta sa sulok malapit sa glass window ng hotel.

"Now, tell me what happening between you and Syd Walton?!" galit na kompronta niya sa akin.

Nakatayo kami sa glass window at magkalapit na nag-uusap. Nakapamulsa pa si kuya Luis habang nakatingin sa tanawin na nasa labas ng building.

"Sorry!"

"Ayokong pakinggan ang paghingi ng tawad! Gusto kong malaman kung anong nangyari sa inyong dalawa. Laura, bakit mo siya kasama? Hindi ba't sabi mo na tagapag-turo ka lang ng kanyang kapatid? Ano ang ibig sabihin ng nakita ko kanina na hinalikawan ka niya?" galit na tanong ni kuya na parang hindi mawari na gusto manapak.

"Oo nga, tutor lang ako ng kapatid niya. Nandito ako kasamaya niya kapalit ng pagliligtas niya sa akin noong nakaraang araw sa bar. Tungkol naman sa nakita mo kaninang pag-halik niya sa akin, hindi ko alam kung bakit niya ginawa iyon."

Totoo naman. Hindi ko talaga alam kung ano pumasok sa isip niya at halikan ako. Kahit ako naiinis din sa ginawa ni Syd kanina.

"This is my last warning, Laura! Promise me na aalis ka na sa pagtuturo sa kapatid nia at tapusin mo na ang pakikipag-ugnayan sa mga Walton."

"I can't kuya? Alam mong gusto ko ang trabaho kong ito. At isa pa, hindi ko pwedeng basta basta iwan si Erl sa ganitong panahon lalo pa at malapit na ang kanyang entrance examination para sa college. Kung magpapalit pa sila ng iba, mahihirapan ito mag-adjust. Bukod pa doon, advance na ang kanilang binayad sa akin." paliwanag ko.

"Bibigyan kita ng pera at ibalik mo ang binayad sa iyo. Pinapaalalahan kita na hindi magugustuhan ni Syd ang isang katulad mo. Hindi ka niya seseryosohin! Isang panandaliang kasiyahan lang ang maibibigay niya sa iyo. Kaya hanggat maaga, putulin mo na ang ugnayan niyong dalawa." matigas na sagot sa akin ni kuya.

Ano bang iniisip nila? Wala naman akong ganong klaseng relasiyon kay Syd. May kung anong kumurot sa puso ko. Ang hirap magpaliwanag kung sarado ang isip at sariling opinyon lang nila ang kanilang paniniwalaan.

"Kuya, kaya ko ang sarili ko. Hindi mo na kailangan tratuhin akong parang bata."

"Laura, alam ko ang pagkatao mo. Hindi ka niya makakasama ngayong gabi, kung hi-hindi ka sa kanya, 'di ba? Nakikita ko kasi na gusto mo din kaya ka nandito ngayon at pumayag ka na halikan ka! Sabi mo hindi mo na uulitin ang pagkakamali ng iyong ina, kung gayun dapat kang lumayo sa kanya. Ginagawa ko ito para sa ikakabuti mo, kaya dapat mo sundin ang mga sinasabi ko."

Tatalikod na sana ako at aalis pero pinigilan niya ako. Ayoko ng marinig pa ang mga sasabihin niya. Pati ang aking inang walang kamalaymalay dito ay dinadamay niya. Ang aking kaawa-awang ina!

"Laura," tawag niya sa pangalan ko na ngayon at malambing na.

"Tama na!" sabi ko sabay hawi sa kanyang kamay. "Dahil hindi ka naniniwala sa akin, bakit mo pa ko dinala rito? Hindi mo na kailangan akong kausapin tungkol sa kung ano ang nakakabuti sa akin, dahil alam ko ang ginagawa ko. Wala kang karapatan na diktahan ako sa kung ano ang pwede at hindi. Tandaan mo ang apelido mo ay Anderson at ako naman ay Wen." malamig kong sagot sa kanya. Tinalikuran ko siya at lumakad palayo sa kanya. Ilang minuto pa ay nakarating na ako sa tapat ng elevator at mabuti na lang pabukas na iyon. Pagpasok ko sa elevator, natanawan ko pa si kuya na patakbo papunta sa akin pero hinarang siya ng isang lalaki at kinausap siya nito.

Napabuntong hininga ako ng makapasok sa elevator. Naramdaman ko rin ang pag-sakit ng bukong-bukong ko sa paa marahil dahil sa pagkakadapa ko kanina. Umupo ako at tinignan ang paa ko. Namumula iyon at namamaga.

"Ano ba namang kasing klaseng sapatos 'to!" bulong ko sa sarili ko.

Mabilis kong hinubad ang suot kong sandal. Mahaba naman ang gown na suot ko kaya walang makakapansin na naka apak ako. Dire-diretso ako lumabas ng hotel at hinanap ang parking area kung nasaan si Syd.

SYD WALTON

Point of View

I'm so pissed off right now dahil sa Luis na iyon. May gana pa siyang kalabanin ako para kuhanin si Laura? Dumiretso ako sa kotse at doon ibinaling ang galit ko. Sobra-sobra na sa sampung minuto ang paghihintay ko at hanggang ngayon wala pa rin ang babaeng iyon. Talagang mas pinili pa niya ang Luis na iyon kesa sa akin?

Nauubusan na ako ng pasensiya at gusto ko ng balikan ang dalawa pero namataan ko si Laura na naglalakad-lakad at nag-hahanap. Lumabas ako ng kotse at sasalubungin siya nang mapansin ko na dala-dala nito ang sandal na suot niya. Napakunot noo ako. Kahit mahaba ang gown, kita ko ang paa niya na nakaapak dahil sa pagtaas niya ng gown.

Pagkakita ko kay Laura, walang emosiyon ang mukha nito at nakatitig lang sa akin. Malapit na ito nang muntik pang ma-out of balance dahil sa gown niya. Mabuti at naalalayan ko siya bago pa matumba.

"What happen? Bakit mo hinubad ang sandal mo? Bakit iika-ika ka?" seryosong tanong ko sa kanya.

Umayos si Laura ng tayo pagkatapos kong alalayan at medyo dumistansiya sa akin. Itinapon nito ang sandal sa akin at namumuo ang galit ng mga mata sa akin.

"Ano bang problema mo sa akin? Bakit mo ba ko hinalikan? Hindi porket mayaman ka lahat ng gusto mo pwede mo ng gawin sa akin! Simula ngayon lumayo ka na sakin!" Banta nitong sagot sa akin.

Napahinto ako at natulala sa pagkaka-sigaw niya sa akin. Wala pang kahit na sinong babae ang gumawa sa akin nito. Tumalim ang tingin ko sa kanyang likuran habang papalayong naglalakad. Hinabol ko ito at binuhat. Inilagay ko siya sa kaing balikat. Kahit nagpupumiglas, hindi ko ito binitawan.

"Ano bang ginagawa mo? Pabayaan mo na ako!"

Panay hampas ang ginagawa niya sa likuran ko. Ano bang ikinagagalit ng babaeng ito sa akin?! Pagkadating sa kotse, binuksan ko ang pinto at diniretso ko siyang sinakay doon. Napalakas pa ang pagkakasara ko ng pintuan ng kotse dahil sa inis ngayon.

Next chapter