13 Chapter 13

LAURA WEN

Pooint of View

Agaw atensiyon ang mga taong nasa harap ko sa di kalayuan ng table. Umalab ang galit sa aking damdamin ng makita sila dito. Iba talaga ang epekto nila sa akin.

"Hey, are you okay?" Kalabit ni Syd sa akin.

Inangat ko ang aking mga mata, nakita ko ang pagtataka sa mukha ng mapagtanto ko na napahigpit na pala ang hawak ko sa kanya. Nagulat din ako sa reaksyon na nagawa ko, kaya naman bumitaw ako.

"Uhm, ok lang, sorry." pag-aalangan na sabi ko.

'Anong gusto mong kainin?" masiglang tanong niya.

"Kahit ano, ok lang! Kung ano ang kakainin mo, yun na din ang sa akin. Thanks." Pilinilit kong ngumiti para hindi maging awkward sa kanya. Ayoko rin ipahalata ang pagkaiba ng mood ko dahil sa pamilyang nasa harap ko, ang mga Anderson.

Hindi naman nakakapagtaka na nandito sila dahil kilalang-kilala ang pamilya nila. Isa sila sa nagmamay-ari ng malaking kompanya dito sa Pilipinas, ang Anderson Group of Company. Sa oras na ito, hindi ako komportable na makita ang pamilya dito sa party. Matagal ko nang inalis ang koneksyon ko sa mga ito maliban kay kuya Luis, na trinato ako bilang kapatid.

Tinawag ni Syd ang waiter at nagpadala ng pagkain at maiinom. Ilang minuto pa at dumating na iyon. Napabuntong hininga ako sa pagkain na kaharap ko. Itutuon ko na lang ang atensiyon ko sa pagkain ito.

Habang kumakain ay di ko namalayan na may lalaking huminto sa table at kinamusta si Syd. Lihim kong tinignan kung sino ito dahil sa boses kilala ko na, si Mr. Resty Anderson. Siya ang ama ko na hindi ako tinanggap bilang anak at puro pasakit sa pamilyo ang dinulot, lalo na kay nanay. 'Di ko na naman mapigilan ang emosiyon ko kapag si nanay ang naiisip ko, pero kailangan kong magpigil dahil ayoko mag-alala si Syd at ayoko ipakita sa matandang ito na mahina ako.

Lumapit pa ito sa aming table upang pag-usapan ang ilang negosyo. Nakita kong napatingin din si Syd sa akin bago tumayo at sumama kay Resty.

"Umupo ka muna dito, babalik ako agad. Huwag kang aalis dito."

"Oo," tango kong sabi sa kanya.

Napabuntong hininga ako pagkatapos umalis ni Syd sa aming lamesa. Sinundan ko ito ng tingin at 'di ko inaasahan na nakatingin din sa akin si Resty, masama ang tingin niya sa akin. Matalim din iyon na parang humihiwa sa kalamnan ko.

Nakasimangot pa rin ako at hindi mawari ang emosiyon na nararamdaman ko ngayon. Itinuon ko na lang muli ang atensiyon sa pagkain. Wala na akong gana! Pilit kong kinakalma ang sarili ko.

"Laura! Ikalmo ang sarili mo, hayaan mo na ang mga tao sa paligid mo. Mas kalmado mas maganda, iwas na din sa gulo." Sabi ko sa aking sarili.

Sa kabilang mesa sa likuran ko, narining ko ang ilang mga babae na pinaguusapan kami ni Syd. Mariin ko na lang ipinikit ang mata ko at ninamnam ang pagkain ko kahit pa parang wala na itong lasa.

"Sino yang babaeng yan at san pamilya galing yan?" may pamura pa itong sinabi sa dulo.

"Gir, I have no idea! Tha!! Kahit sino atang bisita dito eh hindi siya kilala. Nakita mo ba kung gaano kahigpit ang hawak niya kay Syd? Gold digger, litch!" pagiinarte at pag-iirap pa nitong salita. "Hindi na siya nahiya!"

"Oo nga! Props and pang front lang yan ni Syd. I'm sure wala naman feeling sa kanya yung tao, maybe lust." ngising sabi ng isa pang babae. "At saka girls, diba malamig si Syd sa mga babaeng nakakasama at nakakausap niya? How come na iba ang treatment sa kanya?"

"I agree with you! Syd has no feeling toward her. But infairness, ngayon ko lang nakitang gentle si Syd sa babae. I mean sa kanya pa talaga? Ano naman pinakain niya kay Syd para magkaganyan sa kanya? Don't get me wrong, girls!"

"Hindi papatulan ng isang Syd ang tulad niyang babae!" patawang sabi nito. Lahat sila nagtawanan.

Hindi ba nila alam na rinig na rinig ko sila? Sinasadya ba nila talaga akong patmaan ng masasamang salita? Napakuyom ako sa hawak kong kutsara. Hindi ko matanggap ang mga pinagsa-sasabi nila tungkol sa akin. This is so unfair! Kaya ayoko umattend ng ganitong gathering, lalo na pag pangma-yayaman, mga matappobre!

Lahat ng babae dito hindi ko maitatanggi na nahuhumaling kay Syd. Nag-iba ang timpla ko dahil sa mga ito. Mga nagpapansin kay Syd. Kung ano-ano pa ang ginagawa nilang dahilan para lang mapalapit o makausap si Syd. Nanginginig ang kamay ko sa galit habang hawak ang kubyertos. Hindi talaga ako nagkamali na ganito kagulo kapag mayayaman na ang nag-party.

Nagda-dasal na lang ako ngayon na sana huwag makita ang mahaderang mag-ina Anderson na iyon, si Anabelle at si Hilda. Kung ano-ano na naman panlalait ang matatanggap ko pagnagkataon. Speaking of them, hindi mo talaga maiiwasan ang tadhana. The more na gusto mo iwasan, the more na nagpapakita sa iyo. At ito na sila sa harapan ko. Kinurap ko pa ang mata ko para makasiguro, pero walang duda, sila nga.

Ibinaba ko ang aking kubyertos at tumayo sa aking ipuan upang umalis na sa magulong lugar na ito at ayoko rin makaharap pa ang mag-ina na iyon. Ngunit sa sandaling iyon, nagsimula ng patutugtugin ang music, kung saan nag sayawan ang mga guest sa dance floor.

Pakiramdam ko nasa alapaap kaming dalawa. Ni isang salita o tunog wala akong naririnig bukod sa paghinga namin dalawa. Namalayan ko na lang natapos na ang sayaw at magkatitig pa rin kaming dalawa. Napukaw lang ang atensiyon namin ng magsalita at magsimulang magbulungan ang mga tao sa paligid namin.

Bakit nadala ako sa halik na iyon?! Huli na para makaiwas dahil nahumaling na ako. Naguluhan ako sa sarili ko kung bakit nagpadala ako. Kung wala lang kami sa maraming tao, malamang nagwala na ako at nasampal ko na si Syd.

Hanggang matapos ang sayaw namin, wala akong naging emosiyon kung hindi ang maguluhan. I can't understand whu he do that in front of so many people. Mas nangibabaw pa ang pagka-ilang ko dahil sa nasa paligid lang si Resty Anderson.

Inilibot ko ang aking mata at nahimasmasan at napahinga ng malalim ng wala na ang matandang iyon. Ngunit mas nakakagulat na ang nakita ko si kuya Luis na malamig ang tingin sa lalaking kasama ko. I look in his eyes na may dissapointment na siyang naging dahilan ng pagsikip ng puso ko.

SYD WALTON

Point of View

Napansin ko ang pag-iba ng mood ni Laura. I am worried kaya naman pabalik na ako sa lamesa. I didn't expect na magsisimula na ang party at pinatugtog na ang mga kanta. Patayo at papalais siya ng harangan ko ang kanyang daan. Inilagay ko ang kamay sa kanyang bewang at tinignan siya ng nakangiti.

Find authorized novels in Webnovel, faster updates, better experience, Please click www.webnovel.com/book/ceo-unstoppable-love_19125405705351305/chapter-13_51969413619974123 for visiting.

"Let's dance." ngiting yaya ko.

This is the first time na masyado akong attached sa babae. I don't care anyone around me.

Nakatitig lang si Laura sa akin at hindi ko na hinintay ang pagsagot niya. Whether she like it or not we will dance. I lead her papunta sa harapan kung saan nagsasayaw ang mga ilang mga bisita. Pagdating namin sa gitna, halos lumuwa ang mga mata nito na makita na kasama ko si Laura.

"Hindi ako marunong sumayaw!" bulong nito sa akin ng hagkan ko siya. Hinapit ko ang kanyang bewang palapit sa akin para maitaas ko ang kanan kamay nito.

"I will teach you! Sundan mo lang ang galaw ko at ako na ang bahala sa lahat."

"Okay," tipid na sagot nito.

"Mayroon akong paraan para mabilis kang matuto sumayaw. Wanna know?" sabi ko. "Iapak mo ang paa mo sa mga paa ko, at hahalikan kita." dugtong ko ng may ngiti sa aking mga labi. I'm serioud! I wann kiss her right now. Wala akong pakialam kahit maraming tao.

"Hah? Ano ka sinuswerte? Wag mo na ko utuin, hindi magandang paraan yang iniisip mo." pairita niyang sagot sa akin na mas ikinangisi ko.

Agad kaming naging pokus sa gitna habang sumasayaw. Mas naging maluwag pa ang aming inikutan dahil sa mga bisita na umalis sa gitna. Dalawa na lang kami ni Laura sumasayaw ngayon dito sa harapan.

Ramdam ko ang kaba at panginginig niya. Umiiling-iling pa ito at gusto ng bumalik sa lamesa pero hindi ko siya pinayagan. Para manahimik siya, hinalikan ko ang mga labi niya na nagpatahimik sa kanya. Pagtanggal ng labi ko sa labi niya, nakita ko ang pamumula ng kanyang mukha. Nahihiya siya!

Nagtaka ako sa ibang galaw ni Laura. Nakita ko na may galit na namumuo sa kanyang mga mata. Balisa din ito habang nakatingin kay Lauis. Napakonot noo ako. Malalim ang koneksiyon ni Laura sa mga Anderson.

"Hey, why your face is so red?" ngising tukso ko sa kanya.

"Bakit mo ginagawa iyon?" Sinamaan niya ako ng tingin.

"Why? Isn't effective? We've dance gracefully dahil sa halik na iyon. Effective naman diba?!"

"Hindi ako um-oo sayo."

"Pero hindi ka rin humindi. Ofcourse, nasa gitna na tayo, ayoko mapahiya sa mga tao."

"I ..." mangangatwiran pa sana siya pero mukang nautal na at wala ng masabi pa.

Napangisi ako dahil sa itsura niya, until now namumula pa rin siya.

"Ok, ayoko ng pagusapan ang nangyari! Hindi na maibabalik ang mga bagay na nangyari na. Pagod na ako. Gusto ko na umuwi!"

"Sakto! Yayayain na rin sana kita umuwi. Let's go!," sabi ko na nakawak sa kanyang baywang palabas ng banquet hall. Nagpumumiglas pa siya pero she can;t rid of me like that.

"Bakit ba napaka bossy mo." iritang sabi niya. Kapag ako ang kausap mainitin talaga ang ulo niya. Pero kapag iba katulad ng mga business partner na nakasalubong namin kanina, todo tenga ang ngiti niya.

"This is me and I can;t change it!" matigas na sabi ko.

"Kaya nasasabi ng iba na ang panget ng ugali mo, eh! Dahil sa ganyan asal mo!"

"I don't care! Wala akong pakialam kung ano ang tingin o impression nila sa akin."

Huminto na siya sa pagsa-salita at nagpatangay palabas ng event.

LUIS ANDERSON

Point of View

Pag kalabas sa banquet hall, sakto naman na nakita ko si Laura at Syd. Kulang na lang itali sila sa isa't-isa dahil parang linta kung makayapos kay Laura si Syd. Nagagalit talaga ang puso ko sa mga nakikita ko. Habang nakasandal sa windowglass at naninigarilyo, nakita ko na padaan ang dalawa. Tinitigan ko si Laura na parang hangin niya lang akong dinaanan. Papasok na sila sa elevator ni Syd ng maabutan ko si Laura. Hindi ako nag-dalawang isip na kunin ang braso ni Laura.

Nagkatitigan kami ni Syd ng masama at wala akong pakialam kung anong mangyayari sa paghaharap namin dalawa. Nakita ko din ang pagkabalisa at takot ni Laura. I know kung bakit, walang sino man ang nakaka-alam ng tunay na relasiyon namin ni Laura. Na isa siyang Anderson.

"Laura, come with me. Let's talk!" sabi ko sabay hatak sa kamay niya.

Pasama na si Laura pero nakita ko na hawak ni Syd ang kabila niyang kamay. Pinipigilan itong sumama sa akin. "What the F! Anong karapatan niya para pigilan si Laura sumama sa akin?" Napatitig ako ng masama sa kanya dahil ayaw niyang magpatalo.

Patuloy ko pa rin hinatak si Laura at kasunod doon si Syd.

"Mr. Anderson, bakit mo naman kinukuha ang date ko without my permission?" malamig na sabi niya sa akin.

Nagmamatigas pa talaga ang lalaking ito. Hindi natakot sa matalim na tingin ko kaya naman si Laura na lang ang tinitigan ko. Sa mata pa lang sinabi ko na lahat ang gusto kong manyari. I'm waiting. Hinihintay ko kung sino ang pipiliin niya sa amin dalawa. Si Syd o akong kapatid niya.

Next chapter