12 Chapter 12

SYD WALTON

Point of View

Everyday, magkasabay kami ni Laura pumapasok. Inihahatid ko muna akoito sa eskwelahan bago ako dumiretso sa opisina. I really love how we interact each other. Nararamdaman ko din na nagiging panatag at nasasanay na ito na nakakasama. Katulad ng mga una namin na magkasama, tahimik lang ito sa sasakyan at nakadungaw sa bintana. Isang tanong at isang sagot lang kapag magkasama kami. Hindi siya magsasalita kung wala akong tatanungin mo sasabihin.

"Mayroon ka bang mga plano mamayang gabi?"

"Magtratrabaho." sagot nito

"Cancel mo muna. Meron akong event na pupuntahan mamaya, samahan mo ko. Isipin mo na lang na kabayaran ito ng pag tulong ko sayo sa bar nung nakaraang gabi."

"Teka, nag-pasalamat naman ako ah! Nilibre pa nga kita ng kape sa isang maganda lugar." reklamo nitong sagot.

"Sa palagay ko, hindi yun matatawagan na pasasalamat. Yun ay isang pag-hihirap. Pag sinamahan mo ko, un ang tinatawag na pag-papasalamat." Pangiti na tugon ko.

"Hindi na! Hindi ako sanay na mag -punta sa mga ganun event." iling nito at halatang ayaw talagang sumama.

"Wag ka mag-alala hindi naman tayo iinom doon at wala ng iba pang mangyayari katulad nung nakaraan kung yun ang iniisip mo." sarkastikong sagot ko sa kanya.

Nakita ko ang pagkasimangot niya na siyang ikinangisi ko. Kapag pinapaalala ko sa kanya ang gabi na iyon, nag-iiba ang mood nito. Ibig sabihin, affected pa rin siya hanggang ngayon. Tahimik lang at masama itong nakakatig sa akin. Bago pa magsalita ito ay dinugtungan ko na ang sinabi ko.

"Alam mo ba kung bakit hindi na ulit mangyayari ang gabing iyon?" mahiwaga kong tanong.

Nakita ko ang pag-kunot ng noo niya senyales na wala siyang maisip na dahilan. Nilapit ko ang mukha ko sa mukha niya at binulungan ko ito sa tenga. Naramdaman ko pa na nagsitaasan ang balahibo nito ng maramdaman ang paghinga ko sa kanyang tenga.

"Hindi kasi ganun kagaling ang skills mo." ngising pang-aasar ko.

Nakita ko ang pamumula ng mukha nito at dahilan na itulak niya ako palayo. Medyo umurong din ito sa pinaka-dulo ng sasakyan para iwasan ako. "Ano ba sa tingin niya ang gagawin ko?' Kung kanina ay nangingisi ako, ngayon natatawa na sa reaksiyon at galaw na ginagawa niya.

I know her! Nahihiya siya kapag ang nangyari sa amin ang topic. Kahit pa alam kong naasar siya, isa yun sa mga paraan ko para mapapayag siya sa gusto o request ko. Minsan na-iimagine ko na baka dahil sa pagiging alaskador ko sa kanya, masipa o suntok na niya ako. Naghihintay ako ng sagot niya pero wala akong narinig na salita. Iniwasan na naman niya ako.

Alam ko ang schedule niya kaya naman pinasundo ko na ito kay Ram kasama ni Manong Ken. Kailangan ko makasigurado na sasama siya at para makabili na rin ng damit na susuotin niya sa party mamaya. Tinawagan ko na rin ang salon na pag-aayusan niya. Bawat galaw nila ay nirereport sa akin ni Ram kaya alam ko kung ano ang mga gagawin ko.

Excited na ako na makita si Laura kung ano ang itsura niya sa damit at make-up niya. Antagal lumipas ng oras kaya naman naiirita ako. Sa mismong venue na kami magkikita para hindi hassle sa amin ni Ram at kay Laura.

Nakausap ko si Ram na papunta na sila sa venue. Nauna na ako rito kaya naman ang gagawin ko, hihintayin ko na lang sila. Mag aalas siete ng gabi ng tawagan ako ni Ram na nasa entrance na sila. Binaba ko ito at nakita ko si Laura na nakatayo ito sa doorway at nag-aalangan pumasok. Nakatalikod siya at hindi ko makita ang mukha pero kitang-kita ko na bagay na bagay sa kanya ang damit na napili ko. Lalong namukadkad ang ganda ng katawan nito at malaporselana nitong kutis. Ang buhok nito ay simple lang na nakaipit. Medyo pumantay din ang taas nito sa akin dahil sa heels na suot nito. Ibang-iba talaga ang itsura niya ngayon kesa sa mga ordinaryong araw na naka suot siya ng uniform, simple jeans at shirt, at short o sleeveless.

Nakatingin pa rin ito sa harap at mukhang hinihintay ako. Hindi na namalayan na nasa likod lang niya ako. Napangisi ako at alam kong narinig niya iyon kaya napatingin siya sa kanyang likuran. Nagulat pa ito na makita ako at muntik ng ma out of balance. Mabuti na lang at nahawakan ko agad sa bewang.

Napatitig ako sa kanya at napangiwi ng makita kona masyadong daring ang suot niya. Nagtataka din siguro siya sa reaksiyon ko kaya naman hindi niya na naiwasang magtanong.

"Panget ba?" naiilang na tanong nito

"This dress does not fit you all." pagsisinungaling ko pero gandang-ganda talaga ako sa kanya.

Iniunat ko ang aking braso.

"Hold my arm." utos ko.

Napairap ito ng magsalita ako pero binalewala ko iyon. Sumunod naman siya sa gusto ko at nagpatianod sa paglalakad ko.

"Pwede bang bang bagalan mo lang ang pag-lalakad?" sambit niya na ikinatingin ko sa kanya.

Napakunot noo ako at napaisip. "Mabagal lang naman ang lakad ko , ah." sabi ko sa aking sarili.

"Masyadong malambot ang karpet at hindi ako sanay na mag-suot ng mataas na heel, baka matapilok o madapa ako." dugtong niya.

"Tapos sinuot mo pa?! Hindi ka naman pala sanay!" malamig kong sagot. Bakit mo nga naman kasi susuotin ang isang damit o sapatos kung hindi komportable.

"Diba secretary mo ang sumundo sa akin?" patanong na sabi nito. "Ikaw nag-utos kaya ganito itsura at suot ko ngayon!" pairap na sagot sa akin.

"Maganda na ba ang tingin sa suot mo ngayon?" ngisi kong sagot.

"Alam ko na, OK, kaya wag ka na magsalita!"

Antaray talaga ng babaeng ito. Kung hindi lang ako nahuhumaling sa kanya malamang wala na ito sa tabi ko ngayon at tinapon ko na sa kung saang lupalop. Iniligay ko sa kanyang bewang ang kamay ko upang dalhin sa hall kung saan pinagdiriwang ang party. Bago pumasok, hinarang pa ng isang receptionist si Laura pero sinabi ko na naisulat ko na ang pangalan nito kaya naman dali dali kami nitong pinapasok at nanghingi ng tawad.

Pagpasok namin sa banquet hall, pinagtinginan na si Laura ng mga bisita na narooon, malamig ko lang itong mga tinignan. Hinubad ko pa ang coat kong suot para lang ibalot sa katawan ni Laura. Ayokong masilayan siya ng sino mang lalaki. Nagulat ito ng ilagay ko sa balikat ang coat ko. Nginitian niya lang ako at hindi na umimik. Malapit na kami sa table namin ng magtanong ito.

"Syd, ano bang event ito?" pabulong ni Laura na tanong sa akin.

"Business Party." diretsong sagot ko.

Naramdaman ko na napakapit pa ito sa braso ko.

"What happen?" alalang tanong ko sa kanya. Pilit lang siyang ngumiti.

"Ah, eh, wala naman."

Nakaupo na kami sa table at doon sinamahan ko siya at hindi ko iniwan kahit pa maraming mga nag-aabang sa akin at naghihintay.

"Is there any problem? Why you look so tense?" tanong kong muli kay Laura na palinga-linga sa paligid.

"OK lang ba na dito na lang tayo. Natatakot ako, eh!" sabi nito, mahigpit na nakahawak pa rin ito sa aking braso which I really like it. Napangiti pa ako dahil sa ginagawa nito.

Napatingin pa ako sa dibdib nito. Na-imagine ko pa ng ariin ko iyon. Napansin niya na nakatingin ako at galit na naman ang reaksiyon nito sa akin.

"Takpan mo kasi yung dibdib mo! Parang lalabas na kasi." palusot ko kay Laura.

Inayos niya ang coat na sinuot ko pero kita pa din ang dibdib niya kaya naman inangat na lang niya ang wallet niyang dala para itakip sa dibdib niya.

Find authorized novels in Webnovel, faster updates, better experience, Please click www.webnovel.com/book/ceo-unstoppable-love_19125405705351305/chapter-12_51901522803481196 for visiting.

Maya-maya ay dumating na ang waiter at binigyan kami ng wine ni Laura. Hindi ko pa nakukuha iyon ay nakita ko na ang panlalaki ng mata nito at mahigpit nitong hinawakan ang braso ko na nararamdaman ko na ang kuko niyang nakabaon. I thought ayaw niya akong painumin pero nang makita ko na iba ang tinititigan niya ay sinundan ko iyon. Nakita ko na iba ang emosiyon niya ng makita ang Anderson Family.

Napakunot noo ako. Sinubukan ko i-distract si Laura para mawala ang atensiyon niya roon.

"Laura!" tawag ko sa kanya. "Are you alright?"

Tumango lang ito sa akin. Katulad ni Laura, malamig din ang pagtingin ko sa mga Anderson dahil sa kasalanan na ginawa nila sa pamilya ko. Hinding-hindi ko sila kayang patawarin.

Next chapter