11 Chapter 11

LAURA WEN

Point of View

Lunes, pagkatapos ng morning class ko ay sinundo na ako ni Alice sa aking room.

"Sabay na tayo mag lunch?" ngiting tanong nito sa akin.

Napangiti na rin ako dahil alam naman niya na hindi ako tatangi.

"Sige ba, wait mo na lang ako sa labas!" Inaayos ko ang aking mga gamit at sabay kaming bumaba. Pababa sa cafeteria ay nabaling ako sa tinuturo ni Alice na malapit sa gate.

"Tignan mo siya! Ang kapal ng mukha para mag-pakita pa sa iyo.'" pang-gigigil ni Alice na sabi.

Tumaas ang kilay, tahimik ko na kinakalma ang aking sarili. Nang makita ako ni Gabby ay mabilis itong tumakbo patungo sa kinatatayuan namin ni Alice.

"Alice, gusto ko lang makausap si Laura. Pwede bang mauna ka na umalis?" hingal na sambit nito.

Nagkatinginan kami dalawa ni Alice at pilit ako nitong nginitian.

"Frennie, punta na ko sa canteen. Wait na lang kita doon hah?"

Tumango lang ako kay alis at sinundan ko ito ng tingin habang papasok sa canteen. Napatingin lang ako kay Gabby ng magsalita ito.

"Ano tong nababalitaan ko na malapit ka kay Syd Walton?" galit na tanong.

"Gabby, anong karapatan mong mag-tanong?" walang emosiyon kong sagot sa kanya.

"Laura, nakiki-usap ako! Tigilan mo na ang pakikipag kita sa lalaking iyon. Hindi kayo bagay dalawa! Hindi ikaw ang babaeng seseryosohin niya. Laura, makinig ka sa akin! Tayo ang para sa isa't isa." Hawak-hawak niya ang aking braso habang nagsasalita. Iniwasan ko ang kanyang mga tingin sa akin at tinanggal ang kamay nito sa akin mga braso.

"Anong ibig sabihin mo na tayo ay para sa isa't-isa? Pag katapos ng ginawa mo may mukha ka pa talagang sabihin sa akin yan? Dahil diyan kay Mandy? Muntik na kong mapahamak sa bar, dahil sa babaeng 'yan!"

"Anong mga sinasabi mo?" pagtatakang tanong.

Binuksan ko ang aking bag at kinuha ang ilang mga litrato roon. Ibinigay ko ito sa kanya at nag-iiisip na umalis na.

"Ibibigay ko sana ito kay Mandy, ngunit sa ginawa niya sa akin, hindi ko pa talaga siya kayang harapin. Kahit ilan taon na kami magkakilala 'di ko pa rin pala siya lubusan kilala. Tutal andito ka na, tulungan mo na lang akong ibigay ito sa kanya." abot ko ng mga litrato.

Sa katunayan, ibibigay ko talaga ang mga litrato na ito kay Gabby para makilala niya ang tunay na ugali ni Mandy.

"Ano ito?" tanong niya.

Inisa-isa niya ang mga larawan na iniabot ko at nakita ko ang pag-iba ng aura ng kanyang mukha.

Sa larawan, may babaeng nakatayo sa isang eskenita na naka sumbrero at naka mask. Nag abot ng pera sa lalaki. Ang lalaking iyon ang nang-bastos sa akin nung gabing iniligtas ako ni Syd sa bar. Kahit na malayo ang kuha at madilim ang paligid, malinaw na nakikilala ang babae, si Mandy nga!

"Iyan ang katibayan ko na siya ang nag-utos sa lalaki upang saktan ako. Habang nagtratrabaho ako sa bar noong gabi na iyon, hinarang at binastos ako ng isang lalaki. Kung hindi dahil kay Mr. Walton malamang ay may nangyari na sa akin na hindi maganda. Inamin din ng lalaki na binayaran siya ni Mandy para saktan ako. Ngayon alam mo na?"

Malaki ang pagbabago ng mukha ni Gabby. Inilagay nito ang kamay sa balikat ko at nag-alala puno ng pag-aalala ang kanyang mga mata.

"Okay ka lang ba?" tanong niya sa akin.

Tinabig ko ang mga kamay niya. Gusto ko na umalis dahil hindi ako makahinga kapag nakikita siya.

"Gabby, totoo ba ang mga sinabi ni Mandy na gusto mo akong hiwalayan dahil siya na ang mahal mo?"

"Hindi totoo ang kanyang mga sinasabi, wala akong gusto sa kanya!" sumimangot si Gabby.

"Maniwala ka sa akin Laura, ayokong makipag-hiwalay sa iyo!" pagmama-kaawa nito.

"Gabby, ayoko ng saktan ang mga malalapit na tao sa buhay mo! Pagod na akong makipag kompitensya sa mga babaeng nag-kaka gusto at umaakit sa iyo. At mas lalong mahirap na patunayan ang sarili ko sa mnga magulang mo para lang matanggap ako. Hayaan mo na ko! Gusto ko ng mamuhay ng tahimik, at kung pwede lang, wag ka ng lumapit sa akin!"

Pagkatapos kong magsalita ay iniwan ko na itong tulala. Hindi ko na kailangan pang hintayin ang mga sasabihin niya.

"Hindi ako makikipaghiwalay sa iyo! Pupunta ako sa iyo araw-araw at susuyuin ka. Gagawin ko ang lahat para bumalik ka sa akin at mahalin akong muli." sigaw nito.

Sa sobrang lakas ng sigaw niya ay napatingin ang mga estudyante na nakapaligid sa amin. Pero may mga pagtataka sa mga mukha nila at hindi alam kung ano ba ang buong nangyari.

Kalamdo akong naglakad papunta sa canteen. Hindi ko alintana ang mga tao na nakatingin sa akin.

"Mahal niya ako, pero sa sumiping sa iba? Sino maniniwala na mahal niya ako?" tanong ko sa aking isipan.

After lunch, naghiwalay na kami ni Alice at pumunta na sa aming kanya-kanyang room. Iwinaglit ko ang mga nangyari kanina upang makapag focus sa aking pag-aaral. Tatlong oras din iyon at major subject pa kaya dapat kong pagbutihan. Pagkatapos ng klase, hindi pa man ako nakakalabas ay agaw atensiyon ko ng tinignan si Alice dahil sa hindi maipintang mukha nito. "Anong nangyari?" tanong ko pa sa sarili ko.

Find authorized novels in Webnovel, faster updates, better experience, Please click www.webnovel.com/book/ceo-unstoppable-love_19125405705351305/chapter-11_51901517166336477 for visiting.

"Si Gabby nakitang sinaktan si Mandy kaninang tanghali pag-katapos niyo mag-usap." hingal na balita nito sa akin.

"Nagkasakitan?" pagaala-lang tanong ko. Nabigla ako sa narinig ko dahil hindi ko naisip na kayang gawin ni Gabby na manakit ng babae.

"Maraming tao ang nakakita kanina. Tinulak ni Gabby si Mandy sa damuhan. Nang nalaman ko iyon ay gumaan ang pakiramdam ko para sa iyo. Paano ka ba naging komportableng na kasama siya sa iisang kwarto, gayung inaahas ka na pala."

"Ikaw talaga Alice! Kilala mo naman ako, kapag marunong makisama sa akin ang isang tao, pakikisamahan ko din ito ng mabuti. Hindi ko lang inaasahan na gagawin niya sa akin iyon." nakangiting sambit ko.

"Hindi pwedeng ipilit ni Mandy ang kanyang sarili kay Gabby. Wala naman kasing gusto si Gabby kay Mandy. Inakit lang talaga siya ng babaeng iyon. Nakakinis din si Principal Lin na kinakampihan pa ang babaeng iyon. Hindi ba niya nakikita ang busilak mong puso at pag-tyatyaga sa pag-aaral?" sagot sa akin ni Alice na naiirita din.

"Hindi niya kasi matanggap na wala na ang pamilya ko. Mabuti na rin iyon Alice! Nagpapasalamat nga ako na maaga pa lang nakilala ko na si Gabby." positibong sagot ko.

"Ano ba siya? Sinaunang tao? Hindi na big deal kung ulila ka o may pamilya ka, ang mahalaga ay ung kalooban mo at pagiging mahusay mong isang estudyante. Kung ako ang magiging mother-in-law mo, for sure kasal agad. Napakagaling mo kaya at may pangarap."

"Salamat." sambit ko. Masaya ako na nasa ko si Alice upang i comfort ako. Sa lahat ng oras kadamay ko ito kahit pa anong problema ko.

Pababa na kami ng building ni Alice ng makasalubong namin si Mandy na umiiyak at umuusok ang tenga sa galit. Napahinto kami sa paglalakad at agad naman kaming nilapitan ni Mandy. Itinapon sa akin ang mga litrato na ibinigay ko kanina kay Gabby.

"Napupuno na talaga ako sa iyo Laura!" bulyaw nito. "Tingin mo hindi ko malalaman yang mga litrato na ibinigay mo kay Gabby? Humanda ka sa akin, Laura. Tignan na lang natin!" pagbabanta niya.

Pagkatapos akong komprontahin ni Manduy, nagaalala naman si Alice na dinampot ang mga litrato.

"Ano ba ang mga ito, Frennie?" takang tanong.

Inabot sa akin ni Alice ang mga litrato at kinuha ko naman iyon na parang walang nangyari.

"Wala ito!"

"Hindi ka ba nagagalit sa ginawa ng bruhang iyon sa iyo." inis na sagot ni Alice. "Gusto mo ako na lang ang susugod sa babaeng iyan! O kaya ireport na lang natin sa guidance."

"Wala na akong paki-alam sa kanya! Kapag inaway ko siya, diba aawayin din niya ako ulit? Paulit-ulit lang ang mangyayari. Mas magandang manahimik na lang ako, para tigilan na nila akong dalawa."

"Ewan ko sa iyo Laura! Sobrang bait mo lang kasi. Kung ako yun, ngungusuan ko talaga ang babaeng 'yan." pabiro niya. "Kamusta na pala ang pagtira mo sa bahay nila Erl?" interesadong tanong niya.

"Okay lang naman." tipid kong sagot.

"Ang romantic no! Napaka swerte mo at poging-poging lalaki ang mamakita mo sa umaga. Oh, diba nakaka goodvibes yun?!" kinikilig nitong sabi.

"Sa susunod na lang tayo mag-chikahan at kailangan ko ng umuwi. Nasa baba na yung driver ni Syd. At isa pa, tuturan ko pa si Erl.

Nagbeso-beso kami ni Alice pagdating sa gate para magpa-alam sa isa't-isa. Natanaw ko na din ang kotse na nakapark malapit sa gate kaya naman pinuntahan ko na ito.

Nagulat pa ako ng pagbukas ng window ay si Syd ang nabungaran ko.

"Syd? Maaga rin ang uwi mo ngayon?" takang tanong ko.

"Nag report sakin si Yaya Nida na may mga bisita si Erl kaya umuwi ako agad upang pag-sabihan siya. Kailangan niya mag focus sa kanyang klase para makapasa sa university."

"Oh." Wala akong imik at hindi na sumagot pa dahil nakita ko na iba ang timpla ng kanyang mukha.

Sumakay na ako sa kabilang passenger seat upang makaalis na. Ni isa sa amin dalawa ay hindi nagsasalita. Pauwi ay itinuon ko na lang ang tingin ko sa labas. Ilang minuto pa ay nakarating na kami sa bahay.

Pagbaba ko ay nagpaalam na ako kay Syd.

"Pupunta na ako kay erl upang mag-aral."

"Sandali lang," sunod sa akin ni Syd. "Pinuntahan ko pala si Principal Lin kanina."

Napatingin ako sa kanya at nagulat. "Paanong magkakilala din sila?"

"Magkakilala kayo?" tanong ko.

"Ofcourse! May pinag-usapan lang kami."

"Ah! Okay." pilit na ngiti ko.

"Wala ka bang idea kung ano ang pinag-usapan namin?" sagot nito. Nahiwagaan man ako pero wala na akong pakialam sa pinag-usapan nilang dalawa.

"Wala!" walang gana kong sagot.

"Pero sa itsura mo, mukhang natatakot ka na baka hindi maganda ang mga pinagsasabi niya tungkol sa iyo." ngising nitong sabi.

"Ayaw niya sa akin. At tama ka, naisip ko na baka magsalita siya ng hindi maganda behind may back."

"Uhm," tango niya. "Ano ang dahilan bakit hindi niya gusto ang mahusay na guro na katulad mo?"

Tinaas ako ni Syd ng kilay na para bang hihintayin ng sagot ko.

"Hindi ko alam! Siguro naiingit sa pagiging bata ko? O kaya naman baka na iinsecure sa kagandahan ko." pabirong sabi ko.

Napabuntong hininga ito sa akin kaya naman napasulyap ako sa mukha nito. Kahit ano pa ang emosiyon ng kanyang mukham hindi mapagkaka-akila ang kagwapuhan niya.

"Syd, pupunta na ko kay Erl para makapag aral na kami." paalam ko para maiwasan ang awkwardness sa amin dalawa.

Ilang hakbang pa lang akong nakakalayo kay Syd ay narinig ko na itong nagsalita.

"Bakit gusto mo magturo sa eskwelahan na iyon?"

Huminga ako ng malalim at hinarap siya. Tama lang ang agwat namin dalawa para marinig niya ang mga sasabihin ko.

"Sa iyong mga achievements at knowledge, maaari kang makapasok sa nangungunang 100 na companies upang makahanap ng magandang trabaho. Ngunit bakit mo pinili na manatili sa paaralan at magturo?"

"Kailangan ba ng dahilan para gawin ang isang bagay?" kalmadong sagot ko.

"Yes! Ang bawat taong may pangarap ay may dahilan kung bakit nila gusto makamtam ito."

"Wala akong pangarap! Ang gusto ko lang mapayapa ng at masayang mabuhay dito sa mundong ibabaw." pasinghap kong sagot.

"Ayaw mo ba magtrabaho sa isang kilala at malaking kompanya?"

"Tama, ayoko nga! Ang pag-kakaalam ko kasi, ang mga nagtratrabaho sa ganun kompanya ay mataas ang pangarap sa sarili. Simple lang kasi ako kaya di ako bagay mag-trabaho sa mga ganun, gets mo?" pataray kong sagot.

"Kanino mo naman nalaman yan, aber?" malamig na tanong ni Syd.

Napangisi ako sa sagot ni Syd sa akin.

"Sa T.V" ngisi kong sagot sa kanya.

"Kung ganun, iwas-iwasan mo na manood ng T.V dahil hindi nagiging maganda dulot sa iyo ng pinapanood mo."

Sa katunayan, madalang lang talaga ako manood ng TV, halos bilang lang sa daliri dahil mas gusto ko mag-aral at magbasa.

"Tama, susundin ko yang sinasabi mo. Maari na ba kong umalis para maturuan ko na si Erl?"

Hindi na ito sumagot pa at nakita ko na lang ang pagtango ni Syd. Tinalikuran ko na ito at dumiretso na sa bahay ni Erl. Habang papalapit ay hindi ko mawari na biglang bumigat ang aking dibdib.

Noon, isa lang ang pangarap ko. Ang bumuo ng isang pamilya kasama si Gabby. Makapasok at makapagturo sa kahit saang eskwelahan. Pero sa isang iglap nawala lahat. Dapat ko pa bang panghinayangan ang relasiyon namin? Sa tingin ko ay wala na kasing maidudulot na maganda kung patatawarin ko siya at magkakabalikan kaming muli.

Next chapter