10 Chapter 10

LAURA WEN

Point of View

Ang sarap talaga ng simoy ng hangin sa lugar na ito. Antagal ko din hindi nakabisita dito dahil sa mga nangyari nitong mga nakaraang linggo. Niyaya ko si Syd na bumaba sa kotse. Alam kong nag-aalangan pa ito kung ano ang gagawin namin dito.

"Syd, tara na!" masayang yaya ko pagkababa namin sa kotse.

Ilang ulit pa napatingin si Manong Ken sa lugar na pinagbabaan namin pero wala na sila nagawa ng dire-diretso ako naglakad papunta roon.

Sa dikalayuan ay may mga stall na nagtitinda roon ng mga instant coffee at iba pang tsitsirya. Siguro naman ay pamilyar kayo sa Manila Bay, hindi ba? Ito ang favorite kong puntahan sa tuwing gusto kong maglabas ng sama ng loob o mag relax at pakalmahin ang sarili ko.

Umupo ako sa gilid doon at inilapag ang binili kong kape at maninit na tubig na nakalagay sa styro cup.

"Hay!" langhap ko sa hangin. "Ang sarap talaga sa pakiramdam kapag nandito ako!" ngiti kong sambit.

"Hindi ka pa ba uupo?" tanong ko kay Syd.

Habang hinihintay si Syd ay itinimpla ko na ang kape namin dalawa. Napaangat pa ang tingin ko ng magsalita ito.

"Ito na ba yung sinasabi mong lugar? Laura, niloloko mo ba 'ko?" nanliliit na mata na tanong nito. "Wala naman coffee shop dito!" paangal na dugtong nito.

Napangisi ako dahil sa reaksiyon niya. "Iba talaga ang mayaman! Bakit ba hindi ko na isip na hindi niya magugustuhan ang lugar na ito?" tanong ko sa isip ko. Napabuntong hininga ako habang hinahalo ang kape. Pagkatapos kong haluin iyon ay iniabot ko kay Syd ang baso.

Tinaasan ko ito ng kilay dahil hindi nito kinukuha ang baso.

"Ito ang aking secret base. Ito ang unang beses na may dinala ako dito, kaya dapat maging masaya ka no!"

Bumuntong hininga si Syd bago kunin ang kape sa kamay ko. Napangiti ako dahil tinabihan ako nito sa upuan.

Hindi ganun kadilim kahit gabi na dahil sa maliwanag na buwan na nagiging munti naming ilaw. Hinigop ko ang aking kape at masayang nakatingin sa direksiyon ng liwanag. Napakayapa ng tubig, malamig ang simoy ng hangin at puno ito ng katahimikan. Kung maari lang na ganito palagi ang aking buhay, tiyak araw-araw na akong masaya at kontento sa buhay.

"Paano mo naman naging secret base ito?" nangising tanong nito. "Halos lahat ng tao alam ang lugar na ito."

"May nakakatawa ba? Espesyal ang lugar na ito dahil dinala ako dito ng nanay ko, kaya napakahalaga ng lugar na ito sa akin. Madalas kami dito mamasyal noong bata pa ako. Kahit fully developed na ang area na ito ay, nananariwa pa din sa ala-ala ko kung gaano kasaya kapag nandito ako. Sa tuwing masama ang aking loob o nalulungkot ako, dito ako nag-pupunta upang umupo at mag-relax. Maganda dito at komportable. Tignan mo yun!" turo ko sa kanya.

Napangisi ako ng tignan ni Syd ang tinuturo ng daliri ko. Ang napakagandang kalangitann!

"Habang naka-upo ako rito, inaamoy ko ang sariwang hangin ng dagat, nakikinig sa mga alon, at tumitingin sa maliwanag na kalangitan. Kapag nandito ako, nakakaramdam ako ng peace of mind, nararamdaman ko na masarap mabuhay, ano sa tingin mo?"

"Hindi!" direstong sagot nito na wala man lang ka emo-emosiyon.

"Hay!" sambit ko. "Nagkamali ako na dinala pa kita dito! Bakit nga ba hindi ko naisip na ang mayaman na katulad mo ay hindi ma-aapreciate ang ganitong mga bagay! Tsk! Kaya hindi na talaga ako magugulat kung ganyan ang maririnig kong sasabihin mo."

Nakita ko ang pagngiti nito ng dahil sa sinabi ko.

"Kung masaya ka, tumawa ka. Ha-ha! Ganern!" pairap kong sabi.

"Bakit?" nagtatakang tanong nito.

"Ngayon lang kasi kita nakita na ngumisi at ngumiti. Minsan ganito ang mukha mo!" Dinemonstrate ko sa kanya ang malamig niyang mukha na palagi kong nakikita. Natawa din ako sa ginawa ko pero naging seryoso ang mukha nito.

"Paano mo nasabi? Bakit kilala mo ba akong ng mabuti?"

"Hindi," nagkibit-balikat ako, na medyo nailang sa topic naming dalawa.

SYD WALTON

Point of View

Napahigop ako ng kape at napatingin kay Laura habang nakatingin ito sa kalangitan. Napahigop ako sa kape nito at hindi ko masabi kung ano bang magagawa ko sa babaeng ito. Nakasimangot ako at napalunok ng malasahan ang kape na ito.

"Kape ba 'to?" tanong ko sa kanya. "Bakit ganito ang lasa?" dugtong na tanong ko.

"Instant coffee 'yan!" sambit ko. Tumaas ang kilay ko at napatanong sa kanya. "Hindi ka pa ba nakakainom ng ganitong kape?" sabi nito sabay taas ng baso.

"Hindi pa!" malamig kong sagot.

Nanliit ang mata ko ng malakas itong tumawa. Humahagikgik pa ito at hindi ko siya maintindihan. Meron ba akong nasabi na nakakatawa? Tinaliman ko ng tingin ito.

"Sorry, nakalimutan ko mayaman ka nga pala!" hagigik na tawa nitong salita. "Ang mayaman na tulad mo ay hindi umiinom ng ganitong kape. Sa susunod, hindi na kita yayain uminom ng kape dito, tutal hindi naman tayo pareho ng taste. Sayang hindi na pala mauulit ito," panunukso nito.

Gusto ko pa sanang sumagot pero natikom ang aking bibig at umurong ang dila ko. Iniisip ko pa lang na hindi na siya makasama ay naiinis na ako.

"Sinabi ko lang naman na iba ang lasa ng kape na ito, andami mo ng sinabi!" nilagok ko ang kape na iyon habang nakatitig sa akin. Hindi naman na ganun kainit kaya nainom ko ito kaagad. "See! Umiinom ako ng ganitong kape!" Pinakita ko sa kanya ang baso at tinaob iyon para malaman niya na sinimot ko pa iyon.

"Sa bar kanina, paano na ka nakakasiguro na inutusan lang ang taong iyon?" pagiiba ko ng topic.

"Iba na ang naramdaman ko ng galit na galit na ito. Usually naman kasi, lahat ng humahatak sa akin, sumusuko din kapag sinabihin at pinaliwanagan ko na sila, pero ang lalaking iyon iba! Nagtaka pa ako sa sinabi niya na mali ako ng binanggang tao! Wala akong kaaway bukod sa babaeng iyon."

"Tell me! Paano ka sinusukuan ng mga lalaki na gusto kang makasama?" interesadong tanong ko kahit nag-iinit na ang dugo ko sa mga sinasabi nito. Para siyang isang paru-paro sa paraiso na nakakaakit ng ganda at halimuyak.

"Secret!" ngising sagot nito.

"Pagkatapos kitang iligtas, talagang maglilihim ka pa?! Laura, utang mo ang buhay mo sa akin ngayong gabi!" malakas na tugon ko. Nauubusan ako ng pasensiya kapag andaming paligoy-ligoy.

"Pag may mga customer na gusto akong i-table o ilabas, sinasabi ko na babae din ang gusto ko." Pangiti niyang tugon.

"Ehem, ehem!" Napa-ubo ako dahil sa sinabi nito. "Totoo kaya iyon?" tanon ko sa isip ko.

"Okay ka lang?" pag-aalalang tanong nito.

"That is your secret?" tanong ko. Kahit na sino naman ay walang maniniwala lalo na kung ganito kagandang babae ang yayayain nila.

"Oo, basta yun ang sinasabi ko kapag ayaw nila akong layuan."

"Naniniwala sila?"

"Siguro, kasi effective naman eh! Pag may mga customer na hinahatak ako un lang sinsabi ko."

"Hindi ka ba natatakot na sirain ang iyong reputasyon?" tanong kong muli.

"Para sa akin, ang pagiging inosente ay mas mahalaga kaysa sa katanyagan. Hindi mahalaga sa akin kung ano ang gusto nilang isipin."

"Innocence ..." Nag sa lubong ang aking kilay at naalala ko ang nangyari noong gabi na nagkasama kami at nakuha ko ang pagkababae niya.

Naninggit ang mata ko at hindi ko naiwasang itanong sa kanya kung ano ba ang dahilan ng gabi na iyon kung bakit siya naglasing.

"Sino ang dahilan kung bakit ka nag-lasing ng gabing iyon? Si Gabby Lin, o Luis Anderson? O may iba pang lalake?" sarkastikong tanong ko.

Nilingon niya ang kanyang ulo upang tingnan ako, at naramdaman ko ang pag-iiba ng emosiyon nito

"Mr. Walton, sa palagay ko hindi tama ang magtanong ng privacy matter ng isang tao!"

Find authorized novels in Webnovel, faster updates, better experience, Please click www.webnovel.com/book/ceo-unstoppable-love_19125405705351305/chapter-10_51851912156339631 for visiting.

"Oh? Dahil ikaw ay isang guro, nais kong tanungin kung tama din ba na magtrabaho ka sa ganoong klaseng lugar?"

"Bilang guro, kailangan ko din kumain at mabuhay!"

Napahinto ako sa sinabi nito! Kailangan ba talaga niya kumayod ng kumayod para buhayin lang ang sarili niya? Napapaisip ako kung bakit ganito ang pag-iisip ni Laura. May malalim pa kaya itong pinaghuhugutan?"

"Hindi mahalaga kung si Gabby ba o si Luis. Sa tingin ko hindi naman nila type ang babaeng mahirap na katulad mo, kaya paano ka nila magugustuhan?" sabi ko.

Tumayo si Laura at tumingin sa akin. Galit na naman ang eksresiyon ng mukha nito sa akin.

"Bakit galit ka na naman? Alam mo ikaw lang ang babaeng kilala ko na laging galit." Pangisi niyang tudyo kay Laura.

"Sino ba hindi magagalit sa mga pinag-sasabi mo!"

"Tignan mo, paano ka nila magugustuhan, eh ang bilis uminit ng ulo mo. Inaaway mo pa ako, ehh totoo lang naman sinsabi ko!"

"Pasensya na!" buntong hiningang sagot nito. Napabuntong hininga din ito. "Ano kaya ang iniisip niya ngayon?" tanong ko sa isip ko. Umupo itong muli at nananahimik. Tumingin ito sa buwan at kalangitan.

Napatitig ako sa kanya. "Ang hirap niyang espelengin!" sabi ko sa aking isip. Nakakainis dahil ang hirap niyang intindihin. Pero bakit sa harap ni Laura, parang okay lang na ganito-ganitohin niya ako?

Hindi ito natatakot sa akin. Sinasabi ang gusto niyang sabihin at higit sa lahat hindi bolera.'Di tulad ng babae na nakakasalamuha ko na mukhang pera at social climber. Kahit ano man ang maisip o saloobin niya ay wala itong takot na sabihin sa aking kaharapan.

Sa kauna-unahang pagkakataon sa aking buhay, naging interesado ako sa kung ano ang mga gusto ni Laura. Kakaiba talaga ang nararamdaman ko para sa babaeng ito. Hindi ko maipaliwanag.

Next chapter