7 Kabanata Lima

I looked up to see the beautiful stars shining in the sky. Ang iba'y natatakpan ng ulap but some were still be seen by naked eyes.

I sighed and hugged my legs. Dinner was over and I told ma ma I will just stay in the seashore for awhile para magpahangin. I wasn't in my mood to talk to anyone. I just wanted to isolate myself from them.

Ang malakas na hampas ng alon lang ang siyang bumabasag sa katahimikan ng paligid. Ang malamig na hangin ay tila humahaplos sa aking pagkatao. I was in my serendepity zone. Payak ang paligid. Sobrang layo nito sa nakasanayan kong paligid sa China.

"Sol?" Tawag ng pamilyar na boses ng lalaki. Gulat naman akong lumingon sa likuran ko just to see Kuya Gilau's curious facial expression.

"Ni hao, Kuya Gilau." Bati ko at ngumiti sa kanya. I watched him sit next to me.

"Why are you here? Malamig dito." He asked as he settled down beside me.

"I'm fine here, kuya." I assured. "Ikaw? Bakit ka nandito?" Tinignan ko siya nang diretso. His caramel brown eyes glistened. Mas lalo itong nadepina dahil sa ilaw na nagmumula sa poste.

"Just to check on you, Sol. Ni hao ma?"

Napakurap ako sa tanong na 'yon. It was my very first time to hear him speaking Mandarin.

"Wo hen hao, kuya. Gusto ko lang mapag-isa."

"Why? May problema ba?" Agap niyang tanong.

Dahan dahan akong nagbaba ng tingin. Itinuon ko nalang ang sarili ko sa paglalaro ng pulbos na buhangin.

"Wala naman, kuya." Sagot ko at nag-angat ng tingin sa kanya. Ang kanyang mukha'y tila naninimbang. "I just... miss ba ba and my friend in China."

"Friend?" He mouthed. He sounded like surprised. "She must be close to your heart."

"He," pagtatama ko. Muli kong itinuon ang aking tingin sa dagat. "We've been friends for a year? Or two years."

'Di sumagot si Kuya Gilau but it was fine with me. I didn't want any further discussion about Tzu En. I missed him so much.

There was a wall of silence between us. I can feel it. Nang nilingon ko siya, he looked deep drowned with thoughts. I suddenly wondered what he was thinking.

Later that night, Kuya Gilau and I both decided to go home. Gusto niyang matulog na ako para umano tumangkad ako. Siya naman ay magpapahinga na rin dahil pagod siya mula sa trabaho.

Kinaumagahan, tanghali na akong nagising. Dahil sanay na ang katawan ko sa bahay nila Lola Tharri, mahimbing na ang pagkakatulog ko as long as walang bumabagabag sa isip ko. Kuya Gilau told me to not worry about things. I should enjoy my childhood life. Kaya ganoon ang ginawa ko.

Mabilis natapos ang summer. Nag-iimpake na ulit kami ni ma ma dahil babalik na kami sa China. Mamimiss ko si Philia pati sina Kuya Saturnine at Kuya Gilau. Mag aadjust na naman ako sa mga taong nasa paligid ko.

It was my 9th birthday when we celebrated it at Tzu En's residence. Tuwang tuwa sila sa amin ni Tzu En. Mind you, he taught me some piano chords. Madali lang pala siya since may pattern. Ang mahirap lang is minsan nakakalito 'yong finger placement.

I also learned that Tzu En's making his own songs. Nasa lenguwaheng Ingles siya. His compositions were so cool. May isa roon na tungkol sa babae. 'Di naman niya sinabi kung sino ang babaeng 'yon. Namula lang ang kanyang pisngi nang kinulit ko. Tumigil na lang ako kasi nangangamatis na talaga ang mukha.

"Zhu ni sheng ri kuai le, Lian Wan." Bati sa 'kin ni Tzu En. I was completely surprised when he kissed me on my cheeks. Maging ang ibang tao ay nagulat din sa ginawa ng kaibigan ko. (Wish you a happy birthday)

Tzu En smiled, his cheeks were turning red. Pero parang wala lang sa kanya 'yong ginawa niya.

"Wo ai ni, Lian Wan. Happy birthday."

Natulala ako sa narinig ko. 'Di pa rin ako nakaget-over sa ginawa niyang paghalik sa pisngi ko. 'Yon ba ang birthday gift niya para sa 'kin?

"My present is inside my room. But I'll get if for you."

I blushed. Bakit nag-iba ang tingin ko kay Tzu En? I used to see him as a little boy pero ngayon, iba na. 'Di ko lang maipaliwanag.

"Xiexie," sabi ko. Nilingon ko si ba ba na ngayo'y kausap si Mr. Huang. Parang nagkaintindihan sila. Ba ba was smiling at me like he was so proud.

Umalis sa harap ko si Tzu En. Nagpatuloy naman sa kasiyahan ang mga tao rito. Tuwang tuwa sila sa 'di ko maipaliwanag na dahilan. Bakit pakiramdam ko'y napakasaya ng araw na 'to para sa kanila?

Lumapit si Ma ma sa akin. She was a little bit worried pero masaya rin. Mas lalo akong nagtaka. Ano bang masama sa nangyari kanina? Dahil ba hinalikan ako ni Tzu En sa pisngi?

"Ma," tawag ko. "Bakit po nakangiti si Ba ba sa 'kin?"

Nilingon namin pareho ni Ma ma si ba ba. He was still smiling proudly at us. Bumaling ulit sa akin si ma ma at ngumiti pero may bahid ng kalungkutan iyon.

"Do you like Tzu En, Solaire?"

Nakapakurap kurap ako kay Ma ma. Pati rin ba siya ay masaya para sa 'kin? But she seemed not. Nag-aalala siya.

"I like him as a friend, Ma." Sagot ko. "I don't know why he kissed me. Does he like me, Ma?"

Wala naman sigurong ibig sabihin ang halik na 'yon? Sa pisngi lang naman. Isa pa, ganoon si Tzu En kapag nanlalambing. O kaya'y kapag masaya siya para sa isang tao. One time, hinalikan niya sa pisngi ang lola niya nang birthday nito. Wala naman akong nakitang masama roon.

"I don't know, Solaire. But you know, you're still too young for this. I want you to focus on your study. It's okay to like someone but you should know your responsibilities."

"Okay, Ma." I gave her a small smile. Hinalikan naman niya ako sa noo.

Matapos ang selebrasyong iyon ay umuwi na kami. Ba ba was so happy. Parang bang he was assured to something na mahalaga sa kanya.

"Tzu En is a nice boy, Lian Wan," ani ba ba sa sarili niyang wika. "When you two grow up, you should be together."

"What do you mean, Ba ba?" I asked.

We're on our way home from school. Nakasakay ako sa front seat while ba ba was driving.

"I like Tzu En for you, Lian Wan. I don't like you hanging out with other boys."

"Tzu En is my friend, ba ba." Giit ko.

Nilingon ako ni ba ba. There was a warning sign in his eyes. Nagbaba ako ng tingin dahil natakot ako na baka saktan niya ako. Although hindi niya pa nagawa sa akin 'yon, there's still a chance na pagbuhatan niya ako ng kamay.

"Shirh, ba ba." (Yes, Papa.)

Tahimik na ako buong biyahe. I was afraid. Natakot akong magsalita muli dahil baka ikagalit iyon ni ba ba.

Nang pumarada ang sasakyan, tahimik kong binuksan ang pinto ko nang bigla akong tinawag ni ba ba.

"Lian Wan," maawtoridad na sambit ni ba ba. Nilingon ko siya na ngayo'y malalim ang tingin sa akin. Nagbabanta iyon. "I won't allow you to go back to Philippines this summer."

Uminit ang sulok ng mata ko. I pursed my lips, trying to suppress myself from crying. But then, lumandas pa rin ang luha sa pisngi ko. And all I did was to nod. I had no choice. Si ba ba iyan.

Lumabas na ako ng sasakyan. I was crying hard. Tumakbo ako papasok ng bahay. Nasasaktan ako kasi 'di ako makakauwi ngayong summer. Isa pa, 'di ko alam kung bakit parang galit si ba ba sa akin. Wala naman akong ginawang masama. Si Tzu En lang ang kaibigan ko. I don't even talk to other boy classmates because I know I am not allowed to.

Kinabukasan, while taking our breakfast together, tahimik lang akong kumakain. 'Di ako makatingin kay ba ba. Natatakot ako sa mga mata niya. Napuna iyon ni ma ma kaya pagkatapos ng pagkain ay pinuntahan niya ako sa kwarto ko.

"May problema ba, Solaire?" Mahinahong tanong ni ma ma. Halatang nag-aalala siya.

Tumakbo ako papunta kay ma ma at niyakap siya. Umiyak ako sa kanya. Kinarga naman niya ako. Binaon ko ang mukha ko sa kaniyang balita.

"Tell me what's wrong, sweety," she demanded softly. Mas lalo akong naiyak. Ibang iba si ma ma kay ba ba. Kaya pagdating dito sa China, si ma ma lang ang kakampi ko rito sa bahay.

"Ma," I cried. Kumalas ako mula sa kanya para maharap siya. Pinunasan niya kaagad ang mukha ko. "Ba ba won't allow me to go home, Ma. Baka rito lang ako sa China buong summer."

Nakapirmi lang ang malungkot niyang mata sa akin. 'Di ko alam kung may gagawin ba si ma ma para rito but I think wala. Kahit naman siya'y 'di makakapalag kay ba ba. It's always a big question for me kung bakit 'di kontra si ma ma sa lahat ng desisyon ni ba ba lalo na kung pagdating sa akin.

"Stop crying now, sweety. We'll talk about that later, okay?" Hinawi niya ang takas kong buhok. Ngumuso naman ako at tumango. "Now, you fix yourself for school. Tzu En is waiting for you."

I sighed in defeat. Why do they always push me to Tzu En? Yeah, he's a nice friend. Pero bata pa kami para rito.

I understand now. Pinipilit ni ba ba na magkagusto kami ni Tzu En sa isa't isa. Mama explained everything to me kahit pa wala pa ako sa tamang edad. Ba ba wants me to be tied with Mr. Huang's son dahil sa negosyo. And it's been their tradition na kapag babae ay dapat instik lang ang mapapangasawa, unlike kapag lalaki na kahit anong lahi ay puwede.

Napakaunfair ng mundo. Bakit kailangang si ba ba ang magdesisyon para sa kinabukasan ko? What if Tzu En doesn't like me? Paano kung ayaw ko sa kanya? Forced marriage ang mangyayari?

"You should visit Philippines, Tzu En. It has many tourist spots," sabi ko kay Tzu En isang araw.

I was eleven years old when I understand my situation. Sa loob ng ilang taon ko sa China, si Tzu En lang ang masasabi kong kaibigan ko. Ang iba kong mga kaklase, pinapansin ko naman pero kapag kailangan lang. Si Tzu En lang talaga dahil bukod sa katabi ko siya lagi at komportable ako sa kanya, ayaw nga ni ba ba na malaman niyang nakikipagkaibigan ako sa iba.

I remembered one time when ba ba caught me talking to Cheng Bao, nagalit si ba ba. Halos saktan niya ako physically. Galit na galit. Namumula ang kanyang mukha.

There was nothing wrong to be friends with my classmates. Pero simula noon, 'di na talaga ako nakikipag-usap sa mga lalaki. Natakot ako kay ba ba.

"Where? In Romblon?" He asked curiously. Lumawak kaagad ang labi ko, revealing my teeth. I got excited kahit wala namang kwenta ang tanong na 'yon.

"Yes! If you want, I will tour you in Romblon where we live. You want?"

I grinned at him. Gusto kong sumama siya pag-uwi ko ngayong summer para 'di talaga maka-hindi si ba ba sa akin tutal kasama ko naman si Tzu En. Kahit alam kong medyo masama ang gamitin si Tzu En, I had no choice. Kailangan ko siya para makauwi muli sa Pinas. Dalawang summer na akong 'di nakakauwi. Sineryoso masyado ni ba ba ang sinabi niyang 'di niya ako papayagang makabalik sa Romblon.

Tzu En smiled faintly. Dahan dahan namang nawala ang ngiti sa labi ko. Kilala ko ang lalaking 'to. Alam kong may mali.

"I know you will only use me to go home, Lian Wan." He said sadly.

Tuluyan na ring nawala ang excitement sa puso ko. Ginapangan ako ng kaba. Alam na pala niya kahit 'di ko sasabihin. Pero sino nga bang 'di tanga na iisiping gusto ko lang na makabisita siya sa Romblon and nothing else? Of course he will think I will only use him lalo pa't panay ang reklamo ko sa kanya na 'di na ako nakakauwi ng Romblon. He's smart enough to figure it out.

"Sorry, Tzu En," malungkot kong sabi. "I know it was a bad idea but I really miss Romblon. I have no other way to go home but to invite you to go with me so ba ba can't reject me."

Tzu En just smiled and kissed my left cheek. Uminit ang pisngi ko dahil sa ginawa niya. 'Di ko inasahan 'yon.

"Worry not, Lian Wan. I'll do everything for you." He assured. Kuminang ang tainga ko sa narinig ko.

"Really, Tzu En?" I snapped my eyes wide open in excitement. Sa tuwa ko'y niyakap ko siya. Naramdaman ko ang pagkabigla niya but he eventually hugged me back.

Kumalas ako mula sa kanya. Walang kasisidlan ang galak na nararamdaman ko ngayon. After two years ay makikita kong muli si Philia. Namiss ko ang mga tao sa Romblon and probably they feel the same thing.

"Thank you so much, Tzu En! This is the best gift you have given me!" I cried. Tumawa naman siya at niyakap ako. 'Di pa rin ako makapaniwala sa nangyari.

I sighed breathily. Sobrang saya ng puso ko ngayon. The long wait is over. Alam ko namang 'di hihindi sa akin si ba ba lalo na't andyan si Tzu En. He will help me too. He said he'll do everything for me kaya panghahawakan ko 'yon.

avataravatar
Next chapter