15 Kabanata Labintatlo

Walang gaanong ginawa sa morning session. May pumapasok lang na teacher para magpakilala at i-introduce ang magiging subject niya sa amin. I already have the Earth Science, EAPP, Oral Communication at Filipino sa Piling Larang. Narinig ko pa lang ang salitang 'Filipino' ay napalunok na kaagad ako ng laway.

"Hi, Lian Wan!" Bati sa 'kin ng kung sino man. Hinanap ko kung saan nanggaling 'yon at napagtantong isang grupo ng lalaki ang papalapit sa 'kin.

I was just observing them. Malaki ang pangangatawan. They all looked mature. Pero mas mature ang pangangatawan ni Kuya Gilau. These boys, kaonting work out lang o mabibigat na trabaho ay kaya na nilang pantayan ang katawan ni kuya.

"My name is Felipe," pakilala sa 'kin ng lalaki. Mukha siyang lider sa grupo. "This is Cain... Ronan and Yael." Isa isa niyang tinuro sa 'kin ang mga kaibigan niya.

Si Cain iyong may nunal sa leeg niya. Moreno siya at 'di katangkaran. Si Ronan naman, mas matangkad nang kaonti kaysa kay Cain at mas maputi. Ang una kong napansin sa kanya ay ang peklat niya sa pisngi. Si Yael naman, halos kasingtangkad lang ni Ronan at kasingkulay ni Cain. Mayroon siyang chest nut na buhok while Felipe, who I assumed was the lider, pinakamatangkad siya sa grupo. Mayroong magandang pangangatawan, may hikaw na kulay itim at hugis bilog sa kanang tainga. Moreno rin siya.

"Uhh, nice to meet you," sabi ko. I was hesitant to talk to them. Ibang iba sila sa mga estudyanteng nakakasalamuha ko sa China. Mapuputi sila at mukhang disente. Itong apat na nasa harap ko, okay naman pero naiilang ako sa kanila.

"You... only... speak English?" Asked Felipe. I can say na he's making an effort to communicate with me.

"Ahm, no. I can understand tagalog naman."

"Yown!" Bulalas nilang apat na mukhang tuwang tuwa sa sinabi ko. "Magpapakahirap pa ba tayo sa pag e-english e nakakaintindi naman pala ng tagalog?" Si Felipe. Nakitawa lang ang kanyang mga kaibigan.

"So, pinsan mo pala si Philia?" Tanong ni Cain. Tumango naman ako.

"Do you know her?" I asked. Gusto ko lang magtanong tutal nabanggit naman nila ang pangalan ng second cousin ko.

"Oo naman! Kilala 'yon dito si Philia. Nambubugbog 'yon."

"Really?" I was completely surprised. I didn't know about that.

Tumawa silang apat. "Siga 'yang si Philia, Lian Wan. Kaya maraming takot pero marami rin namang kaibigan." Ani Ronan.

I looked away and contemplated. Iba ang pagkakakilala ko kay Philia. 'Di siya ganoon.

"Hoy! Anong ginagawa niyo sa pinsan ko?" Sigaw ng pamilyar na boses.

Speaking of her, pumasok si Philia sa room ko. Tumabi naman ang apat kong kaklase para bigyan ng daan ang pinsan ko.

"Ano? Pinagtitripan niyo na si Solaire?"

"Relax ka lang, Philia," natatawang tugon ni Felipe. "Princess namin siya rito."

"Princess mo mukha mo. Umayos ka Pilipe, ha? Basagin ko 'yang mukha mo."

Napalunok ako. Totoo nga. Ako na mismo ang nakasaksi sa ganitong ugali ni Philia. Nakakapanibago lang.

"Naks talaga," kutya ni Cain. "Ano na naman bang problema mo?"

"Wala kang pake," matigas na tugon ni Philia at tumabi sa akin. Nag-iisa lang ako rito sa dulo. "Have you eaten your snacks yet?" She asked. Nagbago ang tono ng boses.

"Not yet," I replied. Binuksan niya 'yong bag ko at nilabas ang mga mamon.

"Kumain ka na kasi mamaya pa ang lunch time. Baka magutom ka. Bawal kumain while the class is rolling."

"Okay," sagot ko. Alam ko naman ang ganoong patakaran sa school. Mas mahigpit sa China.

Binuksan ko ang mamon ko. Marami iyon kaya naisipan kong bigyan 'yong apat.

"Kumain na rin kayo," alok ko sa apat at inabot sa kanila ang mga mamon.

"'Di na, Lian Wan. Ayos lang kami." Ani Felipe.

"Sige na. Minsan lang 'to," pamimilit ko.

"Tanggapin niyo na. Sayang kaya." Singit ni Philia. May kung anong pinapahiwatig sa kanyang boses.

"Salamat," sagot ni Ronan at tinanggap ang pagkain ko. Napansin kong 'di nagsasalita si Yael kaya tinignan ko siya nang diretso. He was looking straight at me at nang nagtama ang paningin namin, nag-iwas kaagad siya.

"I don't have water," turan ko sa apat. "Kayo na bahala."

"Salamat, Lian Wan," sabi ni Cain. Ngumiti lang ako sa kanila at pinagpatuloy ang pagkain ko.

Matapos ang recess namin ay bumalik na si Philia sa kaniyang room. Ang mga lalaki naman ay bumalik na rin sa kanilang mga upuan. 'Di pa rin nagsasalita si Yael sa 'kin. I wondered why. May problema kaya?

"Goodmorning, class," bati ng isang babae nang pumasok siya. 'Di pamilyar ang mukha pero masasabi kong isa siyang guro.

"Goodmorning, Ms. Fadri," bati ng mga kaklase ko sabay tayo. Tumayo rin ako pero 'di na bumati.

"Okay, sit down." Aniya. Sumunod kaagad kami. "For those who don't know me yet, I am Elisse Fadri and I will be your Gen. Math teacher."

Nagbulungan ang mga kaklase ko. Some uses other dialects, ang iba ay tagalog.

"Oh hi, Ms. Chuatoco!" Masayang bati ng guro. Dumapo ang tingin ko sa kanya na ngayo'y nakangiti sa akin. She's wearing a black t shirt and pastel pink jeans. Sa pananamit niyang iyon ay masasabi kong simple lang siya. "Welcome to Banton National High School. We are so glad you chose this school to study in."

"Thank you, Ms. Fadri," tanging sabi ko. Wala akong ibang maisip na sasabihin.

"Okay, class. Sa ngayon, free time muna. Maybe bukas na tayo magsisimula ng klase. Marami pa kaming inaasikaso kaya 'wag kayong magulo rito, ha? And please be nice to Ms. Chuatoco."

"Yes, ma'am." Sagot nila.

Nagpaalam si Ms. Fadri na umalis na. Nagkagulo man ang mga kaklase ko, okay pa rin naman sila. Kaya pa namang indain ang ingay. Ibang iba talaga sila sa dati kong mga kaklase. At kapag walang teacher, nagkukwentuhan lang kami ni Tzu En.

I sighed in loneliness. I missed Tzu En. How I wish I can go back to China to see him once again. 'Di ako sanay na wala siya sa tabi ko. Na 'di ko siya nakakausap. Namimiss ko na ang pamumula ng kanyang pisngi. Iyong kinang sa kanyang mata, iyong genuine niyang ngiti. Nakakaiyak.

"Uy, ayos ka lang?" Tanong ng 'di pamilyar na boses ng lalaki. Nag-angat ako ng tingin sa kanya at napagtantong si Yael iyon. Nagulat ako sa una dahil 'di ko inasahang kakausapin niya ako.

"I-I'm fine," my voice broke.

"You... look not." He said. "Okay lang ba kung tumabi ako?" Napakamot siya sa kanyang batok.

I flapped my eyes slowly. Sa huli ay tumango ako. Akward naman siyang ngumiti saka tumabi sa 'kin.

"Miss mo na ba ang China?" Tanong niya kaagad. Tumango naman ako. I missed my friend, Tzu En. "Siguro ang hirap mag-adjust. Pero buti nalang nakakaintindi ka ng tagalog. Matagal ka na ba rito?"

"No," umiling ako. "But... maybe. Tuwing summer, ma ma and I occassionally fly back here in Romblon. But there were summers na 'di kami umuwi rito."

"Bakit?"

"Ba ba didn't allow me," sumimangot ako.

Naaalala ko na naman 'yong huli kong punta rito. Ginamit ko pa si Tzu En para lang makauwi ulit. I deeply regret what I did. Napakasama kong tao kasi nanggamit ako ng tao para sa sariling interes.

"Ahh, baba ba 'yong tatay mo?"

"Oo." Tumango ako. "Ikaw? Anong tawag mo sa papa mo?"

"Tatay, tapos nanay naman 'yong mama ko."

"Ahh," I nodded. Napakasimple naman ng buhay niya. 'Yong mga pinsan ko kasi "mommy" at "daddy" ang tawag nila sa kanilang mga magulang. Kaya minsan, nagiging ganoon ang tawag ko kay ma ma.

"Ilan ba kayong magkakapatid?" Tanong niya. "Mayaman ba kayo? Ang ganda kasi ng kutis mo."

I was speechless. Was it a hackneyed idea?

"Only child ako," sagot ko. "Mayaman 'yong pamilya namin pero 'di 'yon dahilan para magkaroon ng magandang kutis. Chinese kasi si ba ba at si ma ma naman, maputi rin."

"Ahh, sorry ha?"

"Why are you saying sorry?" I chuckled. Ang weird naman nitong kausap.

"W-Wala naman," nagkamot siya sa batok niya, plastering his sheepish grin.

Nang uwian ay sabay ulit kami ni Philia. Marami siyang tinatanong sa 'kin, usually tungkol sa mga kaklase ko. Kung inaaway ba nila ako o tinatarayan. Sabi ko naman na ayos naman ang mga kaklase ko. She didn't have to worry about me. 'Di naman ako nakikipag-away kaya malabong hahamunin nila ako. Isa pa, I can defend myself. Sa China, pinag-aral kami ni Tzu En ng martial arts. Gusto iyon ni Mr. Huang at para may kasama si Tzu En ay nag-enrol na rin ako. Si Mr. Huang ang gumastos.

"How's your first school day, 'nak?" Tanong ni ma ma. Bahagya akong nagulat dahil ganoon ang tawag niya sa 'kin.

"It's fine, Ma. They were nice."

"Naku, tita. Agang aga maraming lumalapit sa kanya na mga lalaki. Mga nagpapaguwapo. Papangit naman." Philia bitterly said.

"Oh?" Ma ma chuckled. "Were they nice, sweety?"

"Hmm, yes, Ma. Okay naman sila." Sagot ko.

Yael was a nice man. Naalala ko bigla si Tzu En. Okay din naman 'yong mga kaibigan niya. Mukha namang mababait.

"Watch out, Solaire. You know boys are always good at first. Akala mo sinong mga santo sa sobrang bait. But once they'll get you, ikaw din. Talo ka."

Nagkatinginan kami ni ma ma. Mukhang may pinagdaanan si Philia. Kung ano man 'yon, baka ang lalim na.

Nagbihis ako ng pambahay na damit. Wala namang assignment pa kaya naisipan kong pumunta sa baybayin. Gusto ko lang mapag-isa. Namimiss ko na talaga si Tzu En. Kailan kaya ako makakabalik sa China? I feel like I don't want to study here. Ang hirap mag-adjust.

Nakatingin lang ako sa malayo habang hawak hawak ang pendant ng kwintas na bigay sa 'kin ni Tzu En. I can still recall how his eyes worship me. Iyong parang ako lang ang nakikita niyang pinakamagandang bagay. But sadly, I don't see him the way he sees me.

I sighed again. I am already aware of the fixed marriage. Gusto ni ba ba na si Tzu En ang mapapangasawa ko. Okay naman ako roon pero iniisip ko rin na kung sakaling kami ang magkakatuluyan sa huli, I don't think our marriage will have its own meaning. Kung magiging masaya man ako kay Tzu En, iyon ay dahil kaibigan ko siya. Hindi dahil nagpapasalamat akong siya 'yong binigay sa 'kin ng langit. Isa pa, I don't want to hurt him. He's been the best friend I had tapos sasaktan ko lang kasi 'di ko mapapantayan 'yong feelings niya para sa 'kin.

Ang hirap. If only I can love someone freely and marry him soon, siguro magiging madali nalang para sa 'kin ang lahat. Bawal sa aming mga babae na hindi Chinese ang mapapangasawa. Ganoon talaga ang patakaran nila while Chinese men can marry whoever they want to. Ang unfair lang.

"Musta?" Isang pamilyar na boses ang nagpabalik sa 'kin sa ulirat. I turned to him at sakto namang umupo siya sa tabi ko. "Ayos ba ang first day?"

"Sort of," sagot ko at bumaling sa harap.

Papalubog na ang araw. The horizon was beautiful. Ang bilog at dilaw na araw ay ang hari ng kalangitan. Mayroong bahid ng pula at kahel ang kanyang paligid. It was always picturesque.

"Sort of? Bakit naman?" He chuckled. Why did I find his voice soothing?

"Okay lang, iba kasi siya sa China." Sagot ko.

While thinking China, mas lalo lang akong nangungulila kay Tzu En. Parang gusto ko nalang umiyak.

"Ahh, masasanay ka rin. Sa una lang 'yan mahirap. May kaibigan ka na ba?"

Tinignan ko siya nang diretso. His deep, caramel brown eyes were tantalizing. Lalo pa't natatamaan ng sinag ng papalubog na araw. Sobrang ganda ng mata niya.

"Meron..."

"Girls?" Pagkaklaro niya. Umiling naman ako. "So, boys?" Then I nodded and looked away.

"Mabait sila, kuya. Sabi nila prinsesa daw nila ako kaya dapat aalagaan."

'Di siya nagsalita. Nang binalingan ko, he was staring at somewhere else. Mukha siyang nag-iisip.

"Ikaw, kuya? Nag-aaral ka pa ba?"

He threw his eyes on me at tipid na ngumiti. "I'm taking a bachelor degree, Sol."

"Ah, ano bang kinuha mong kurso?"

Ang tagal namang niyang matapos sa pag-aaral. Ilang taon na ulit siya ngayon? 26? 27?

"Ngayon, I'm taking Business Management. I'm done with Fine Arts then I proceeded to business."

Tumango tango ako. Nakakamangha ang dedication niya. He took Fine Arts at ngayon naman ay Business Management.

"For what is the Fine Arts, kuya? Bakit 'yon ang kinuha mo?" I asked.

"For major in sculpture, Sol. I need to enhance my skills. Then for the business management, I want to continue running our small business. Palalakihin ko 'to."

"Si Tito Arthur din ay gumagawa ng ganyang muwebles. 'Yon nga lang, 'di siya sa kahoy. 'Yong mga sofa, mga higaan."

"Sino ba si Tito Arthur mo?"

"Kapatid ni ma ma. They owned a firm na gumagawa ng furnitures. You may try to negotiate with them. I'll tell ma ma."

"Thanks, Sol," he said. "But for now, I don't have plans yet. I need to finish my masteral degree in business management."

"Okay, kuya. Good luck." I smiled at him at ngumiti siya pabalik. Ginulo niya ang buhok ko saka tumawa nang mahina.

avataravatar
Next chapter