16 Kabanata Labing-Apat

We stayed a little bit longer hanggang sa nagpaalam na siya sa akin. He said may gagawin pa siya. Tipid na ngiti lang ang itinugon ko. Gusto ko lang mapag-isa sa mga oras na 'to. Hinayaan naman niya ako.

Papalubog na ang araw. Halos humahalik na sa dagat. Pinanood ko 'yon, thinking how my life would end as well. Would it be a tragic o kasing ganda ng sunset?

"Sol?" Isang pamilyar na boses ng babae ang tumawag sa 'kin. Hinarap ko si Philia na ngayo'y mukhang nagtataka habang papalapit sa 'kin. "Bakit nandito ka pa? 'Di ka ba hinahanap sa loob?"

"Hindi naman," tipid kong sagot. "Ma ma knows where am I. Ikaw? Where have you been?"

"Ahh," umupo siya sa tabi ko. "Kina Loi lang."

Tumango ako. I thought she hated that man. Mukha namang hindi.

"Close ba kayo ni Loi?" I asked. Pinaglaruan niya ang puting buhangin.

"Siguro," kibit-balikat niya. "Mula kinder, kaklase ko na 'yon, e."

"Ah, okay." I replied. Huminga ako nang malalim at nagpaanod sa kawalan. The cold breeze fanned my face. Napapikit ako dahil masarap 'yon sa pakiramdam.

Nang wala ng araw ay bumalik na kami sa bahay. Ayaw ko pa sana kaso mapilit si Philia. Isa pa, baka mahirapan pa akong umuwi kasi maglalakad pa. Wala pa namang ilaw sa daan.

"Tamang tama at kakain na tayo," anunsyo ni Lola Tharri nang nakita kami ni Philia. Tahimik akong pumunta sa kusina while si Philia ay pumasok sa kwarto niya. Magbibihis lang daw siya.

"Si ma ma?" Tanong ko. Ngumuso naman si Lola Tharri sa gawi ng kwarto namin. I jerked up at her at naisipang pumasok sa kwarto.

"Send my deepest sympathy to them, Heather." Rinig kong sabi ni ma ma. Baka kausap niya si ba ba sa kabilang linya. "Okay. Lian Wan is fine. It's her first day of school... yes, don't worry. I'll keep you updated... okay. Bye."

Matapos nilang mag-usap ay umikot si ma ma. Bahagya siyang nagulat nang nakita ako. I flapped my eyes slowly while waiting her to talk. What was the condolence for?

"Sweety," mahina niyang sambit.

"What's wrong, Ma?" I asked at lumapit sa kanya. She looked sorry for someone's loss.

"Tzu En's mother died this afternoon." Pagkasabi niyang iyon ay nablanko ang utak ko. I didn't know what and how to react upon knowing the news.

"B-But w-why, Ma?" My voice was shaking. Uminit ang gilid ng mata ko. I felt like my heart was shrinking.

"T-They killed her," she said. Mas lalo akong naguluhan. I knotted my brows together and shook my head in disbelief.

"Ma..." I trailed off. Lumandas ang luha sa pisngi ko. Ma ma stood up and hugged me. Tuluyang bumuhos ang luha kong kanina ko pa pinipigilan.

Mrs. Huang got killed? How? Why? She was a nice person! Bakit kailangan pang siya ang patayin kung puwede naman 'yong masasamang tao?

"This is what will happen when you're involved in business war, sweety," she said and loosened up. She faced me and tucked the loose strand of my hair behind my ears. "That's why kinailangan nating umuwi rito para makasigurado."

"But what about Tzu En, Ma? Where is he?"

Ginapangan ako bigla ng kaba sa dibdib. I prayed whole heartily that Tzu En was safe. Nasaan ba siya ngayon?

"I don't know, sweety. No one knows where is he."

"But why, Ma? Where is Mr. Huang?"

Nagagalit ako. Galit ako sa mga taong nasa likod ng pangyayaring 'to. Bakit kailangan pang madamay ang mga inosenteng tao? Bakit si Mrs. Huang pa? Bakit 'di nalang 'yong mga kriminal?

"He's off to somewhere. He has to live far away from his land."

Napabuga ako ng mabigat na hininga. I didn't understand it. Naguguluhan pa rin ako.

Business war? Dahil lang sa negosyo, handa silang pumatay ng tao? Na 'di nila binibigyan ng importansya ang buhay dahil mas mahalaga ang pera kesa rito?

What happened to humanity?

"Won't they come here, Ma? I'm sure they are safe here."

"I don't know yet, sweety. I don't have any updates from Mr. Huang."

"So, I can't talk to Tzu En?"

Hindi sumagot si ma ma pero alam ko na kaagad ang sagot sa tanong ko. Most probably hindi ko makakausap si Tzu En. 'Di ko alam kung kailan o mabibigyan pa ba kami ng pagkakataon. Ewan. 'Di ko alam. Nakakabaliw isipin.

Ma ma sighed. She looked stressed. Kahit naman ako ay 'di mapakali sa nangyayari. Inaalala ko lang si Tzu En ngayon. Wala siyang masasandalan sa mga oras na 'to. Ano pa't naturingan akong kaibigan pero wala ako sa tabi niya ngayon?

"Tita, kakain na po," rinig naming anunsyo ni Philia.

"Let's eat, sweety. We can make it. Just pray, okay?"

"Yes, Ma." Sagot ko.

Walang gana akong lumabas ng kwarto. I just can't believe with the news. Mabuting tao si Mrs. Huang pero bakit kailangan siya pa 'yong bawian ng buhay?

Umupo ako sa tabi ni Philia. Si ma ma naman ay katabi si Lola Tharri na nakaupo sa tapat ko.

"May problema ba, Solaire?" Tanong bigla ni Philia. I turned to her na ngayo'y nagtataka ang mukha.

"Nothing," mahina kong sagot. "Maybe I'm just tired."

Hindi na siya nagsalita pa pero nakapirmi ang tingin sa akin. I can say she wanted to ask more pero minabuting 'wag na mangialam pa.

Kinabukasan, maaga ulit kami gumising ni Philia. Alas sais nang umaga ang klase kaya dapat mga alas cinco y media ay nasa paaralan na kami. Sa China, we usually started our class at seven. Kaya kailangan pang mag-adjust ng katawan ko sa mga pagbabago.

"Hi, Lian Wan!" Bati sa 'kin ng isang babae. Kaklase ko siya but I still didn't know her name yet. Kung narinig ko man, nakalimutan ko na.

Umupo siya sa tabi ko, as if we're close friends. But she was a nice girl, I can say. Morena siya, may magulong buhok na hanggang balikat ang haba, maliit siya at may manipis na bangs.

"I'm Curre," pakilala niya. "Can we be friends?"

"Uhh, yeah, sure." I smiled at her. Ngumisi naman siya.

"Great! You can understand tagalog, right?"

I nodded. She has a friendly aura. Iyong 'di mo kailanman mapagkakamalang masungit o mayabang.

"Mabuti naman," she smiled. "Anyways, sabay na tayo mag-recess? 'Di mo pa yata nalilibot ang buong school."

"Yeah, but I'm fine here."

"Okay! Friends na tayo, ha?"

"Okay!" I grinned at her. Tumawa naman siya.

She was sitting next to me for the whole class. Nagpaalam siya sa adviser namin na tabi na kami. Pumayag naman si sir.

"Bakit ka pala rito nag-aral? Puwede naman sa Maynila," aniya.

Kasalukuyan naming nililibot ang buong campus. May kalakihan ito at dahil 'di ko pa kabisado ay tinitignan ko bawat sulok ng paligid. 'Di naman ako nakaligtas mula sa mapanuring mata. Marahil nagtataka sila kung sino ako at saan ako galing.

"Dito nag-aaral si Philia, e. Saka rito rin kami nakatira. Kung sa Maynila pa, mahaba haba ang biyahe." Paliwanag ko.

"Wala ka man lang bang kamag-anak sa Maynila?"

"Meron naman. But I prefer here since Romblon has been my comfort zone."

"Ahh, pero infairness ha? 'Di ka maarte. Kung ibang tao pa 'yon, baka diring diri sa lugar na 'to."

Huminto ako sa paglalakad para harapin siya. "Bakit mandidiri? Maganda kaya ang Romblon. Ang daming mapupuntahang magagandang lugar. Ewan ko nga kung bakit 'di pa 'to ganoon kasikat na probinsya."

"I mean, of course... mukha ka kasing mayaman. Ang ganda ganda mo, ang ganda ng kutis mo. Kung iba pa 'yon, siyempre 'di nila pipiliin ang lugar na 'to."

"Ahh," I nodded frequently at nagpatuloy sa paglalakad. "There's nothing to brag about, Curre. I maybe came from from a wealthy family, it doesn't mean I have everything. I just owe them what I've got pero kailanman ay 'di ko masasabing akin 'yon dahil sila ang nagpakahirap, 'di ako. Swerte ko lang talaga dahil napunta ako sa mayamang pamilya."

I'm not lucky, really. Mayaman kami dahil pinaghirapan 'yon ng mga ninuno ko, lalo na ni ba ba. 'Di ko maipagmamayabang ang 'di sa akin. Ako, mayaman? No. My family is.

"Wow," mangha niyang sabi. "Coming from you, huh? Walang duda kung bakit ka matalino."

I grimaced. "Matalino naman lahat, Curre. Walang bobo, trust me. 'Yon nga lang, we can't meet people's standard when it comes to being intelligent... kaya lagi silang nadidisappoint. And we're always pressured thinking how can we please them."

"Lalim, ah?" Tumawa siya nang mahina.

"Mahirap kasing i-please ang mga taong close-minded. Iyong lahat sa kanila ay sarado. They can't see us struggling. They can't feel us working hard kasi sarili lang nila ang pinapakinggan nila... ang pinapaniwalaan nila."

"Ganoon ba parents mo?" She asked. Umiling naman ako.

"Almost... but my mom is very understanding. She told me I should enjoy studying... that I don't have to put pressures on myself kasi ako lang din ang mahihirapan."

"Well, I hope every parent is like that." She said and I glanced at her. "Si Mama kasi, 'di tumatanggap ng kahit anong paliwanag kapag mababa sa 95 ang grades ko. She wants me to be on top. Halos 'di na nga ako natutulog kasi nag-aaral ako lagi. Ayaw kong madisappoint siya."

"Pero..." I trailed off. Umiling naman siya. Her eyes got wetter.

"Sabi niya, 'kung talagang matalino ka, dapat top 1 ka.' So I proved to her that I am. Ayokong maging dismayado siya sa 'kin kasi nakakahiya umano 'yon sa kanya. Lagi niyang pinagmamayabang sa mga kaibigan niya na matalino ako."

I felt bad for her. Ang swerte ko kasi 'di ganoon si Mama. Pero 'tong kay Curre, kulang nalang ay iisipin kong pinanganak lang siya para ipagmayabang ng nanay niya sa mga kaibigan na may matalino siyang anak.

Matapos ang break ay bumalik na kami sa room. 'Di ko nakita si Philia. Baka abala sa sarili niyang buhay. Mabuti naman kung ganoon dahil ayaw ko talagang makaistorbo sa kanya.

After recess, General Mathematics ang subject namin. Ms. Fadri introduced to us her lessons at bukas na raw kaming magdidiscuss officially. Tuwang tuwa ang mga kaklase ko kasi nakaligtas sa Math problem.

"Ayos ba school mo sa China?" Curre asked and I turned to her and nodded.

"Mas malaki ang mga campus doon. Mas strict ang policy at mas malupit 'yong punishment."

"Weh? Nakakatakot kaya?"

"Depende naman sa 'yo 'yan, kung anong klaseng estudyante ka. Of course you won't be grounded kung wala ka namang ginawang masama. And depende 'yan sa prof kung ano ang ibibigay sa 'yo na consequences."

"May mga bully?"

"Well... sa Shanghai, meron. 'Di naman nawawala 'yan. Sa Beijing naman, since well oriented ang mga estudyante roon," umiling ako. "I haven't met any."

"Hmm," she nodded frequently na parang may naintindihan sa sinabi ko. "Do you have many friends?"

"I only consider one friend of mine... si Tzu En. He's been with me since we were just a kid."

"So lalaki? Kasi 'he'." She clarified out and I nodded. "Never ba siyang nagkagusto sa 'yo? Kasi... mukhang imposible na 'di ka magustuhan nun. Unless he's a homosexual or asexual?"

Tumawa ako nang mahina. "He confessed he likes me. Pero... magkaibigan lang kami. I don't want to go further if it means of risking our friendship. We started as friends and we'll stay like that."

"Okay," she shrugged, tucking her lower lip out. "Siguro guwapo siya, ano?"

"Oo naman," ngumisi ako. "Matangkad siya, maputi, matalino at mabait. He's the person you want to keep as a friend. Pero kung mataas ang standard mo sa isang lalaki, I think pasok sa 'yo si Tzu En."

"Eh," she grimaced. "Ayoko muna sa ganyang bagay. Mas uunahin ko pa ang problema sa school kesa sa dagdag pa 'yan. You know they said 'you cannot serve two masters at the same time.' Kaya you have to know your priorities."

Lunch break when Felipe and his friends came to me. Nakipagkuwentuhan lang sila sa 'kin tungkol sa kung saan o anong interesting na topic. Nakipagkwentuhan din si Curre sa kanila then may halong tawanan o asaran.

"Kain na tayo, nagugutom na ako." Ani Felipe. Kinuha niya 'yong bag niya saka nilabas ang kanyang baonan. Ulam niya'y pritong isda. Mukhang masarap dahil mabrown brown ang balat.

"Gusto mo, Lian Wan?" Alok niya. "May toyo ako rito para sawsawan mo. Kung kaya mo, lagyan natin ng sili."

"O-Okay!" I replied.

Nagbigayan kami ng ulam. I have two drumsticks pero binigay ko 'yon sa kanila. Mas gusto ko 'yong pritong isda lalo pa't maanghang ang sawsawan.

"Kinakain namin ang sili," sabi ko and I took a bite of the red chili. Nginuya ko 'yon while they were gaping at me.

"Seryoso?!" Bulalas nilang mga lalaki. 'Di makapaniwala. Tumango ako at nagpatuloy sa pagnguya ng sili.

"Sinanay kasi kami ni Tzu En na kumain ng sili. In fact, mas malakas siyang kumain nito."

"Sino si Tzu En?" Tanong ni Ronan.

"My friend in China." I replied. Nakaramdam ako ng pait sa damdamin. Nasaan na kaya si Tzu En ngayon? Kumusta na siya?

"May... problema ba, Lian Wan?" Tanong ni Yael. I looked at him na ngayo'y nag-aalala ang mga mata. Ngumiti ako nang pilit at tumango saka nag-iwas ng tingin. Pinagpatuloy ko ang pagkain na parang walang nangyari.

avataravatar